DANAH POV
Hanggang ngayon, hindi pa rin nawawala sa isip ko ang imahe ng kawawang si George.
Nakakadiri. Ni hindi ko maatim na tingnan sya sa ganung kalagayan. My god!
"Ay kabayo ka! Convocar!!" Napalingon naman kami kay Angelica ng sumigaw sya bigla.
Nandito na kami sa ilog at syempre para maligo.
Hindi naman porke may nangyayaring ganito ay hindi na kami maliligo. Hello! Ayokong bumaho.
"Bwisit ka! Bakit mo ako binasa!? Nilalamig pa ako eh!" Bulyaw ni Angelica na basang-basa na ngayon.
"Oh? Di sana nagdala ka ng kumot para hindi ka lamigin." Natatawang sabi naman ni Convocar at tumakbo na palayo dahil babatuhin na sya ni Angelica ng tsinelas.
"KYAAAAHHH!" Napalingon naman ako sa likuran ng may sumigaw.
"Ano? Anong nangyari?" Tarantang tanong ni Rouel habang tumatakbo palapit kay Mariel na sumisigaw.
"Leech! Leeches! Eewww!!"
Napa-poker face naman ako. Tungunu! Linta lang pala. Akala ko kung ano na!
"Heh! Tumigil ka nga sa kasisigaw mo. Daig mo pa ang kinakatay sa sigaw mo. Tss!" Masungit na sabi ng boyfriend nya na si Zendrick.
"Sorry naman hah! Eh sa natatakot ako eh! Psh!" Pagsusungit din nito at tinalikuran si Zendrick at pumunta kay Kaye na nakaupo sa batuhan.
"Dali na kayo. Hindi tayo dapat na magtagal dito." Sermon ni Michael.
"Err! Nakakailang kaya maligo ng nandyan kayong mga boys." Maarteng sabi ni May Queen.
"Tss! Oh sige. Mamaya ka maligo kapag wala na kami. Mag-isa ka dito. Guys, pakibilisan." Inip na sabi ni John Dale at saka tumalon sa medyo malalim na parte ng ilog.
"Ayoko nga! I don't want to die noh! Akin na nga yang sabon! Hmp!"
Napabuntong hininga naman ako. Bakit mga tarantado pa rin itong mga kasama ko sa kabila ng mga nangyayari sa amin?
Pero kahit ganito sila, nagpapasalamat ako na kabilang ako sa section na ito.
Pero, siguro, mas mabuti ng ganito sila. Mga tarantado pa rin kesa sa magmukmok kami at matakot sa walanghiyang killer na iyon.
Argh! Kumukulo talaga ang dugo ko taong--- wait. Scratch that. Hindi sya tao. Demonyo sya. Tss.
"Ano ba?! Wala ka na naman magawa sa buhay mo eh!" Napalingon na naman ako kay Micah na sumisigaw naman ngayon.
"Wag ka nga masungit, Micah." Kamot sa ulong sabi ni Mark.
"Paanong hindi ako magsusungit eh nakaka-high blood ka? Alam mo namang delikado tayo ngayon tapos pinapairal mo na naman yang katigasan ng ulo mo. At isasama mo pa talaga ako? Anong gusto mo? Pareho tayong mapahamak? Tss! Mag-isip ka nga bago mo pairalin yang katigasan ng bungo mo! Tch!" Okay, masasabi kong seryosong LQ na ito. Galit talaga si Micah eh.
"Ang dami mo namang sinasabi! Pwede namang sabihin mo na lang na ayaw mo! Sige, kung ayaw mo eh di wag!" Sabay walk out nito.
"Sige! Umalis ka! At kapag may nangyaring masama sayo dahil jan sa katigasan ng ulo mo, e-ewa...n ko n..a lang sayo! N-Nakakai...nis ka! Ikaw n-na nga ang ina...alala. Ako na nga i...tong concern sayo dahil m-ma...hal kita tapos ikaw pa a...ng may ganang magalit!" Umiiyak na sabi ni Micah sa nakatalikod na si Mark.
Walang gumagalaw sa amin. Pinapanood lang namin sila. Dahil alam namin na walang makakaayos sa problema nila ngayon kundi silang dalawa lang.
Napansin ko naman ang pagbuntong hininga ni Mark at saka ito humarap ulit kay Micah at niyakap ito.
"Sorry na. Tahan na. Hindi na. Hindi na kita pipilitin. Hindi na ako aalis. Wag ka na umiyak." Suyo ni Mark habang hinahaplos ang buhok ni Micah.
"Nakakainis ka! Paano kung hindi ako umiyak? Eh di aalis ka pa din? *sob* Hindi mo na naman iisipin ang maaring mangyari sayo? *sob* A-Ano bang na...kita mo at aalis ka?"
Nagpatuloy na ako sa paglilinis ng katawan ko. Nakakatuwa yung tubig. Ang linis masyado.
"N-Nakita ko kasi si---" Tumigil sya at tumingin samen. "W-wala pala. Baka namamalikmata lang ako."
"Oh tapos, hindi ka pala sigurado. Nakakainis ka talaga! Malapit na kitang itapon! Bwisit!"
Hay! Nabibitter na naman ako.
"Kelan ba kasi dadating ang lovelife ko?" Mahinang bulong ko sa sarili ko.
"Matagal na akong nandito, Danah." Napalingon naman ako sa taong nagsalita sa tabi ko.
"Eew! Mandiri ka nga, Convocar! Grr!" Sabi ko sabay dive sa ilog.
Ililigo ko na lang ito. Grr!
---
MARK POV
Nakita ko talaga syang umalis.
Pero ang tanong, bakit? Eh alam naman nyang delikado?
Bakit sya pumunta sa gubat mag-isa?
Bakit ang lakad ng loob nyang umalis mag-isa?
"Ligo ka na." Sabi ko sa yakap ko pa rin na si Micah.
"Ang sakit ng ulo ko."
"Huh? Bakit? Anong nangyari sayo? Ano pang masakit?" Aish! Baka pinapabayaan na nya ang sarili nya.
"Ewan. Hindi pa kasi ako nag-a-almusal."
"Aish! Bakit hindi?"
"Bakit, may kakainin ba? Ikaw? Kumain ka na ba?"
Napaisip ako. Hehe. Hindi pa nga pala kami kumakain lahat. Tss!
"Hindi pa din. Pero kahit na! Dapat sinabi mo sa akin para napagluto kita."
"Eh ngayon ko lang naramdaman. Sige nga. Ipagluto mo ako."
"Sige, mambara ka pa."
"Ang OA mo kasi. Haha! Eto na. Wala na. Hindi na masakit."
"Bulaan ka na naman. Ang hilig mo kasing magtago. Baka sumasakit na yang bawat parte ng katawan mo, hindi mo pa rin sinasabi."
"Eh ayokong center of attention eh. Kaya mas mabuti pang itago na lang. Sige na, maligo ka na!"
"KYAAAHHH!" Sigaw ko at naramdaman ko na lang ang paghampas ng katawan ko sa tubig.
Itinulak lang naman po kasi ako ng magaling kong girlfriend sa ilog. Grabihan!
Inangat ko ang katawan ko at narinig ko pa ang pagtawa nya kaya tiningnan ko sya ng masama.
"Humanda ka sa'ken." Sabi ko sa kanya.
Pero dinilaan nya lang ako. Tss. Kung di ko lang ito mahal.
Sinenyasan ko naman si Convocar. At buti naman na-gets nya kaagad.
Dahan-dahan syang lumapit kay Micah at patay malisyang itinulak ito.
"KYAAAAHHH!!"
Nakangiti ko naman syang hinawakan sa bewang nya dahil hindi sya umaangat. Sus! Di pala ito marunong maglangoy.
Sobrang higpit ng kapit nya sa batok ko at napapaiyak na.
"Relax. Relax lang. Tumayo ka."
"No." Nakapikit na sabi nya habang nakasubsob sa leeg ko.
"Tayo na. Akong bahala sayo." Bulong ko sa kanya.
Naramdaman ko naman iginalaw nya ang paa nya at bumitaw sa akin.
"See! Hanggang dibdib mo lang. Hahaha!" Sinamaan nya ako ng tingin pero nagpatuloy lang ako sa pagtawa. "Aray!" Daing ko ng sapakin nya ako. Huta. Amasona talaga ito.
"Convocar! Tarantado ka! Humanda ka sa'ken!" Sigaw nya na ikinatawa ko na naman.
Ang kyut! Haha!
---
SOMEONE POV
Ang saya nila pagmasdan.
Ang sakit nila sa mata. Tangina.
Ang sarap burahin ng mga ngiting nasa labi nila.
Ang sarap itusok ng kutsilyo sa mga leeg nila.
Ang sarap nilang ilunod sa tubig na nililiguan nila.
O kaya, buhusan sila ng kumukulong tubig.
Aish! Gustong-gusto ko na silang ubusin pero kailangan kong mag-ingat.
Mukhang nahahalata na nila kung sino ako.
At hindi iyon maari. Kailangan maging mas maingat pa ako.
Hindi ko hahayaang masira ang plano ko. Kaya siguro, oras na para mawala sya sa landas ko.
Buburain ko na sya sa listahan ko.