REINALYN POV
Anyways. Kilala nyo ba ako? Ay, syempre oo kaya hindi na ako magpapakilala.
Eh ikaw? Kilala mo ba ako?
Wag na. Tinatamad ako magpakilala.
"Rei, penge naman shampoo."
"Ay, ano ba yan, Rosemarie! Shampoo na lang." Irap ko.
"Eh sa inanod nung tubig eh. Dali na. Kayaman-yaman mo naman eh."
Wala na rin naman akong nagawa at ibinigay ang shampoo sa kanya. Di rin naman ako titigilan nyan.
"Pansin nyo rin ba?" Tanong ni Ronalie.
"Alin?"
"Yung kagandahan ko."
"Ay, tungunu ka."
"Hahaha. Biro lang. I mean, nararamdaman ko kasi eh. Hindi ko lang masabi kung ano yun sa ngayon. Basta may iba akong nararamdaman."
"Nararamdaman?"
"Feeling."
"Umayos ka nga, Ronalie. Sasampalin na kita." Sabi naman ni Rosemarie.
Hindi naman ako umiimik. Nakikinig lang ako.
Naguguluhan din ako eh. Ano ba talaga ang dahilan kung bakit ito nangyayari sa amin?
"Come to think of it. Ilang beses ng sumakit ang ulo ko para isipin kung bakit ito nangyayari. Pero tungunu. Sasabog na yata ang utak ko sa kakaisip."
"Eh bakit ka ba kasi nag-iisip? Alam mo, tanggapin na lang natin ang kapalaran natin. Ang kapalaran ng Diyamantes. Na lahat tayo, mamamatay." Sabat ko.
Nawawalan na kasi talaga ako ng pag-asa. Alam ko naman ng mamamatay kaming lahat.
"Hindi tayo mamamatay. Tss."
"Mamamatay tayo. Tss. Nauubos na nga tayo eh. Saka ano ka? Si Darna para makaligtas sa nangyayaring ito?" Tuloy-tuloy na sabi ko.
"Mamamatay tayo kung iisipin natin na mamamatay tayo. Hindi ang pagiging nega ang solusyon." Bumuntong-hininga sa Ronalie at tumingin sa akin. "Ang paghahanap sa mga killer ang pinaka-mainam na solusyon. At bilang tao, wala tayong karapatan na mag-isip sa mangyayari kinabukasan. Oo, mamamatay tayo, pero hindi pa ngayon. Hindi tayo mamamatay sa ganitong sitwasyon. Sa ganitong trahedya. Ga-graduate pa tayo. Tandaan nyo yan." Mahabang sabi ni Ronalie at saka tumayo at naglakad paalis.
Sinundan ko sya ng tingin at nakita kong umahon na sya.
Iilan na lang pala kaming naliligo. Hindi ko man lang namalayan.
Napailing na lang ako at ipinagpatuloy ang paliligo.
---
THIRD PERSON POV
Masayang nagkekwentuhan ang iba sa kanila habang naglalakad pabalik sa parang.
Katulad ng kanina ang kanilang pwesto. Pinaliligiran ng mga boys ang mga girls.
Kanya-kanyang business ang lahat habang mag-isa namang naglalakad sa hulihan si Karlo.
Nagmamasid-masid sya sa mga kinikilos ng kasamahan nya. Kanina pa nya tinitingnan kung may kahina-hinala ba sa bawat kilos at galaw ng mga kaklase nya pero wala. Wala syang makita. Wala syang makitang kakaiba.
Napabuntong-hininga na lang sya at yumuko. Mapanlinlang talaga ang Demonyong yun. Napaka-galing nya magpanggap. Napakagaling nya magtago. Tss.
Napatigil naman sya at napakunot ang noo ng may makita syang isang makinang na bagay sa paanan nya.
Nasa ibabaw ito ng napakaraming dahon kaya't nakita nya agad ito.
Pinulot nya naman ito at tinitigan.
'Aira❤'
Iyan ang nakasulat sa bracelet na napulot nya.
"Kay Aira ito ah? Galing sya dito?" Tanong nya.
Wala siyang natanggap na sagot kaya't napaangat sya ng kanyang ulo.
At dun nya nalaman na wala na ang mga kasamahan nya at nag-iisa na lang sya sa gitna ng gubat na ito.
Agad na tumibok na napakabilis ang kanyang puso dahil sa kanyang pakiramdaman. Pakiramdam nya hindi sya nag-iisa dito. Pakiramdam nya may kasama sya.
At hindi maganda yun.
Tatakbo na sana sya ngunit bigla namang sumulpot sa kanyang harapan ang isang taong nakaitim, nakamaskara at may hawak na baril na nakatutok sa kanya.
"Hi, Karlo." Sabi nito sa napakalamig na boses.
Lalaki ito. Lalaki ang kaharap nya.
"S-Sino ka?" Lakas-loob na tanong nya habang nagdadasal na sana ay may makapansin na nawawala siya at balikan siya dito.
"Mamaya na ako magpapakilala sayo. Gusto muna kitang imbitahan."
"G-Gago! Hindi ako katulad mong gago para sumama sa iyo!"
Nakita nyang ngumisi ito at ibinaling ang ulo sa kaliwa.
"AH!" Sigaw nya ng may maramdaman syang matigas na bagay na tumama sa ulo nya.
Nanlabo ang kanyang paningin at dahan-dahang natumba sa lupa kasabay ng pagkawala ng kanyang malay.
***
*Splash!*
Nagising naman agad si Karlo ng maramdaman ang malamig na bagay na bumalot sa kanyang katawan.
Inangat nya ang kanyang ulo at iminulat ang kanyang mga mata ngunit agad ring napapikit ng maramdaman ang kirot ng kanyang batok.
"Gumising ka na! Kanina ka pa tulog ng tulog!" Rinig nyang sigaw ng taong kasama nya.
Ramdam nya ang pagkabasa ng katawan nya. Binuhusan pala sya ng tubig para magising.
Iminulat nya ang kanyang mata at isang napakasakit na sinag ng araw ang tumama sa kanyang mga mata.
Tatayo na sana sya ng maramdaman nyang nakaupo sya at nakatali ang kanyang mga kamay at paa.
Inilibot nya ang kanyang paningin at napansin nyang nasa isang abandonadong kwarto siya.
May kama na napakarumi. Cabinet na inaamag na. Side table na halatang bulok na. Orasan na basag ang salamin. At isang human sized mirror na may gatak na ngunit nakikita pa nya ang kanyang repleksyon dahil nakatapat sya rito. May ilan din syang nakikitang ipis at daga na pagala-gala.
Naramdaman nya ang isang bagay na gumagapang sa kanyang mga paa at napasigaw ng may makitang ipis dito. Pero walang boses na lumalabas sa mga bibig nya at dun nya napagtanto na nakabusal ang kanyang bibig.
"Tss. Ang laki-laki mong tao, duwag ka pala." Napalingon sya sa taong nagsalita. Ang taong bumuhos sa kanya ng tubig.
"Hmm Hmmm Hmmmm!!" Sigaw nya na nasa tonong 'Who are you?'
"Wag ka ng magsalita. Pinapahirapan mo lang ang sarili mo eh." Sabi nito at naupo sa harap nya saka nagsindi ng sigarilyo.
"HMMM! HMMMM!!" Patuloy na sigaw nya habang naglulumikot sa kanyang upuan.
"P*tangna! Ang ingay mo!!" Sigaw nito sabay kawala ng isang malakas na suntok sa kanyang mukha.
Hinila nito at tape na nakadikit sa kanyang labi kaya't naramdaman nya na ang pagtulo ng dugo mula dito.
Hinawakan nito ang kanyang mga panga at pilit na iniharap sa kanya.
"Huwag ka ng magtapang-tapangan pa. Wala ka na rin naman magagawa eh. Ewan ko ng kung bakit pa kita binuhay eh. Pasalamat ka, sinabi ni boss. Pahihirapan muna kita."
Sinamaan nya ito ng tingin at saka idinura sa mukha nito ang dugo mula sa kanyang mga labi.
"Hindi ako duwag na katulad nyo. Tago kayo ng tago. May pamaskara-maskara pa kayong nalalaman. Bakit hindi kayo lumaban ng patas?" Matapang na sabi nya na ikina-igting pa lalo ng kanyang mga panga.
"Bakit kami nakamasmara? Para magulat kayong tarantado kayo. Para magulat kayo kung sino ang taong inagrabyado nyo noon na naghihiganti na ngayon. At bakit kami hindi lumalaban ng patas? Bakit? Kayo ba? Patas ba kayong lumaban, hah!?" At nagpakawala na naman ito ng isang malakas na suntok sa kanyang panga at sikmura.
Napaubo naman si Karlo dahil sa sakit ng kanyang mukha at tiyan.
"H-Hin.... H-Hindi ko a-alam ang sina...sabi mong tarantado ka."
"Wag ka ng mag-maang-maangan pang hayop ka! Alam kong ikaw at ang grupo mo iyon! Kaya't papatayin kitang hayop ka! Papatayin kita!"
Binunot nito ang baril mula sa kanyang bulsa at itinutok sa ulo niya.
"Lucifer! Enough!" Rinig nyang sigaw ng isang boses.
"Pero boss---"
Kinuha din nito ang kanyang baril at itinutok sa taong tinawag nitong Lucifer.
"I said, Enough."
"ARGH!" Sigaw nito at saka padabog na lumabas ng kwarto.
*cough cough cough!*
Patuloy sa pag-ubo at pag-ngiwi si Karlo habang tinitiis ang sakit sa katawan.
Hinawakan naman ng taong pumasok ang kanyang mga panga at pilit na iniharap sa kanya.
"Sino ka?" Tanong niya ngunit isang ngisi lamang ang isinagot nito.
"Don't worry. Malapit ko ng sabihin kung sino talaga ako."