THIRD PERSON POV
Kanya-kanyang ayos ng gamit ang lahat. Pupunta kasi sila sa bahay na nakita ni Sherwin sa gitna ng gubat at dun na sila magpapalipas ng gabi.
"Kailangan ba talaga natin pumunta dun? Dito na lang tayo. Matulog na lang tayo." Sabi ni Sherwin at nahiga sa bag nya.
"Ano ka ba, Sherwin. Ang lamig-lamig kaya dito." Sabi ni Danah.
"Hayy! Masaya sana ang Camping na ito. Kung bakit kasi may ganito pang nangyayari eh." Kaye.
"Bakit kasi hindi na lang tayo umuwi?" Angelica.
"Alam mo namang may nawawala pa. Hindi tayo aalis hangga't wala si Madam." Sabi ni Micah.
"Paano kung patay na rin si Madam? Eh di naghintay tayo sa wala?" Iritang sabi ni Xyryn.
Tumalim ang mata ni Micah at dinuro si Xyryn.
"Hindi pa patay si Madam! Tandaan mo yan! Walang mamamatay. Bakit ba kayong laging ganyan? Palagi na lang nauuna ang konklusyon nyo. Tss!"
"Eh bakit? Totoo naman ah! Lahat naman tayo mamamatay!"
"Hindi! Dahil makakaligtas tayo! Ang mga pinanghihinaan lang ng loob ang nauunang mamamatay. Kaya maghanda ka na. Malay mo, ikaw na pala ang susunod." Nakangising sabi ni Micah.
"Micah, tama na yan." Awat sa kanya ng boyfriend pero tinabig nya lang ito.
"Wag mo nga akong hawakan! Ano? Kakampi ka rin sa kanila?"
"Hindi sa ganun. Pero---"
"Pero mali ako? Oh sige! Ako na ang mali! Magsama-sama kayo! Tss!" At naglakad na ito palayo sa kanila.
"Micah!" Habol sa kanya ni Mark.
Hindi naman makapaniwala ang lahat sa ugaling ipinakita ni Micah.
Ibang-iba ito sa Micah na nakilala nila.
"Si Micah ba yun?" Takang tanong ni Grace.
Lahat ay pagtatanong sa kanilang mukha. Hindi yun si Micah.
Patuloy lamang sa pagtakbo si Micah. Hindi nya alam kung saan sya pupunta ngunit gusto nyang lumayo. Lumayo sa mga taong ayaw nyang masangkot sa kapahamakan.
Alam na nya ang totoo. Alam na nya ang dahilan. Alam na nya kung bakit ito nangyayari. Alam na nyang nangyari na ito dati.
Nabasa nya. Nabasa nya sa isang notebook na dala ni Aira.
"Micah!" Isang malakas na paghatak ang naramdaman nya na naging dahilan ng pagsubsob niya sa isang dibdib. At hindi na nya kailangan tingnan kung sino ito.
Sinubukan nyang kumawala sa yakap ngunit sadyang napakahigpit nito.
"Anaong ginagawa mo dito? Bakit mo ako sinundan? Lumayo ka sa'ken!" Tulak nya ngunit hindi talaga sya makaalis kaya't pinagpapalo na lang nya ito.
"Ano ba, Micah!? Tama na! Tumigil ka nga!" Sigaw ni Mark ngunit hindi sya tumigil. Gusto nyang layuan sya nito.
"Lumayo ka sa'ken, please. Please, umalis ka na!"
"Bakit ba? Bakit ba gusto mo akong umalis? Sa tingin mo ba, gagawin ko iyon, hah!?"
"Dahil ayaw kitang mapahamak! Alam ko na ang dahilan kaya't alam kong ako na ang isusunod nila!"
Nanlaki naman ang mga mata ni Mark kaya't lumuwang ang pagkakakapit niya kay Micah.
"A-Ano?" Hindi nakapaniwalang tanong ni Mark.
"A-Alam ko na." Umiiyak na sabi nya.
"P-Paano?"
"H-Hindi na mahalaga yun. At hindi ko rin isasabi sayo. Mas mabuti nang wala kang alam dahil mas mapapanatag ako. Alam kong ako na ang susunod dahil alam ko na. At alam kong gagawa sila ng paraan para hindi malaman ng iba ang plano niya. Nila. Kaya, please, iwan mo na ako. Iwan mo na ako. Handa na naman ako eh. Pero hindi ko kakayanin kung madadamay ka dahil sa akin."
Pumatak ang mga luha mula sa mga mata ni Mark habang nakatitig sa girlfriend. Pakiramdam nya, para na rin syang pinapatay sa tuwing nakikita ang mga luha mula dito.
"Hindi." Penal na sabi nya.
Napaangat ng tingin si Micah.
"Ano?"
"Para ano pa't naging boyfriend mo ako kung iiwan din kita? At sa tingin mo ba, gagawin ko yun?" Lumapit ito at hinawakan ang mga mukha ng girlfriend. "Hindi ako naniniwalang isusunod ka nila. Pero kung mangyayari man yun, hindi kita iiwan. Sasamahan kita. Para ano pa't mahal kita?" Nakangiting sabi nito at hinalikan ang kanyang noo.
Napayakap naman si Micah sa kanya at napahagulhol. Sobra-sobra ang pasasalamat nya na isang Mark Angelo Flores ang minahal nya.
Napangiti naman si Micah at nagmulat ng mata ngunit nanlaki rin ito bigla ng may makita syang isang pigura ng tao na nakatayo sa harapan niya.
Naka-itim ito at may suot na maskara at may baril na nakatutok sa kanila.
Mapula ang mga labi ng killer na ito dahil sa lipstick kaya't alam nyang babae ito.
May mga ngising nakapaskil sa mga labi nito.
Nakita nya ang pagkasa nito sa baril at agad itong kinalabit.
"MARK!!" Sigaw nya at saka umikot upang harangan si Mark.
Agad nyang naramdaman ang mainit na bagay na tumama sa kanyang likod.
Gulat ang nakarehistro sa mukha ni Mark ng biglang umikot si Micah ngunit ito ay agad na natakpan ng takot ng siya ay makarinig ng isang putok ng baril.
"M-Micah..." Sambit nya ng bumigat ang katawang yakap nya.
Napatingin sya sa harapan nya at ganun na lamang ang bilis t***k ng kanyang puso ng makita ang isang taong nakamaskara doon.
Agad na rumehistro sa kanyang isip ang posibleng nangyari ngunit ayaw nya itong tanggapin. Hindi! Hindi binaril si Micah. Hindi ito tinamaan!
"M-Micah... Sh*t!" Agad syang nataranta ng may makitang dugo sa kanyang kamay. Unti-unti na rin silang bumabagsak sa lupa.
"M-Micah! Fvck! Wag ganyan! Wag mo akong takutin!!"
Tuluyan na nga silang bumagsak sa sahig. Yakap nya ang kalahating katawan ni Micah habang ang mga paa nito'y nasa lupa.
"M-Micah... Sh*t! Wag kang bibitaw. Labanan mo. S-Sandali. Bubuhatin kita. B-Babalik tayo sa kanila. J-Just hold on. P-Please."
Akmang bubuhatin na nya ito ngunit agad syang pinigilan ng kasintahan.
"W-Wag n...a" Hirap na sambit nito kaya't lalong naiyak si Mark.
"Sh*t... Wag ka nga m-magsalita. Please. Lumaban ka."
Hindi na nga nagsalita si Micah at huminga ng malalim. Naninikip na ang kanyang dibdib ngunit pinipilit nyang lumaban. Hinawakan nya ang pisngi ni Mark at saka ngumiti kasabay nito ang pagpatak ng isang luha mula sa kanyang mga mata.
"I-I... L-Lo...ve Yo--You..." Hirap na sambit nito na lalong ikinaiyak ni Mark.
"I Love You, too. I Love You. Please, stay. Wag mo akong iwan."
Nananatili namang nakatayo ang taong bumaril kay Micah. Nakangising pinapanood ang mala-telenovelang lovestory na nasasaksihan nya ngayon.
"P-Pagod n...a ak---o. P-Pwede ba a-akong magpa---hinga?"
"N-No... H-Hindi ako papayag. Lalaban ka---" Napatahimik naman sya ng harangan ng daliri ni Micah ang bibig nya.
"S-Sandali lang n-naman." Nakangiting sabi nito at hinawakan muli ang kanyang pisngi.
Hindi na nagsalita si Mark at patuloy lang na umiyak. Alam nyang kahit na anong gawin nyang pagsabing lumaban sya, alam nyang hindi na nito kaya. Alam nyang nanghihina na ito at hindi nya kayang makita iyon.
Unti-unti namang ipinikit ni Micah ang kanyang mga mata kasabay ng pagbagsak ng kanyang kamay.
Walang magawa si Mark kundi ang umiyak. Umiyak ng umiyak at pilit inuubos ang mga luha ng kanyang mga mata. Ngunit tila ba isa itong karagatan dahil hindi ito maubos-ubos.
Naalala nya ang taong bumaril sa mahal nya.
Binitiwan nya si Micah at tumayo para tingnan ang taong nakamaskara at hindi nga ito nagkakamali. Hindi pa ito umaalis.
Naglakad sya palapit sa taong iyon. Itinutok naman agad nito ang baril sa kanya. Ngunit hindi sya natakot. Wala na syang pakialam.
"S-Sino ka ba?" Lakas loob na tanong nya.
Ngunit isang ngisi lamang ang sinagot nito.
"Ako? Si Dark."
"Dark? Dark!? Sinong Dark!?"
"Sinong Dark? Ang Dark na papatay sa inyo! Ang Dark na uubos sa inyo!"
"TANGINA KA! PAGBABAYARAN MO ANG GINAWA MO KAY MICAH! MAMATAY KA NA! HAYOP KA!!!" At agad itong tumakbo papunta sa taong nakamaskara ngunit ilang hakbang pa lamang ay isang mainit na bagay na ang tumagos sa kanyang dibdib.
"Inuubos mo ang pasensya ko. Sinasayang mo lang oras ko. Tss!" Sabi ng taong nakamaskara at saka sumandal sa isang puno habang pinapanood kung paano gumapang si Mark palapit sa walang buhay na girlfriend.
Ng maabot na nya ang katawan nito, agad nya itong niyakap at hinalikan sa pisngi.
"M-Mah...al Ki...ta. Mahal na ma---hal k-kita." Nahihirapang sabi nito at saka ipinikit ang kanyang mga mata.
Napangiti naman si Dark sa nasaksihan. Gusto nyang masuka. Tss!
Sya ang naatasan na tumapos kay Micah dahil may nalalaman na ito. Alam nilang nabasa nito ang nangyari noon. Alam nilang alam na nito ang dahilan. At alam nilang hahadlang lang ito sa plano nila. At hindi nila mapapayagan iyon.
Paano nila nalaman?
Walang maitatago sa kanila. Mayroon silang mga mata na nakakakita ng kung ano mang gawin at galawa nila. May mga tengang nakikinig sa bawat sinasabi nila.
Alam kong imposible. Napaka-imposible. Pero walang imposible sa kanila.
Walang imposible sa mga Demonyong kampon na ng kasamaan.