THIRD PERSON POV
*BANG!*
"AHHHHHH!!" Nagulat ang lahat ng makarinig sila ng isang malakas na putok ng baril.
"A-Ano yun!?" Takot na tanong ni Rosemarie na nagsisisiksik sa gilid.
"B-Baril..." Wala sa huwisyong sabi ni John Dale.
"Sus! Wala yun! Baka hindi yun baril. Saka isang beses lang naman natin narinig. Sa pangalawang putok, dun na kayo matakot." Prenteng sabi ni Michael.
Natahimik ang lahat. Oo nga. Hindi dapat sila magpadala sa takot.
*BANG!*
"AHHHHHHH!!!" Napatayo na ang mga lalaki dahil sa pangalawang putok ng baril na narinig nila.
"P*ta! Sila Micah!!" Tarantang sigaw ni John Dale at saka tumakbo patungo sa direksyon kung saan tumakbo sila Micah.
Nag-iiyakan na ang iba dahil sa takot.
Sumunod na tumakbo sina Angelica at Grace.
"T-Teka... Si Mae?" Takang tanong ni Grace na napatigil sa pagtakbo.
"G-GUYS! GUYS!!" Napalingon sila sa pinanggalingan ng sigaw at doon ay nakita nila si Samuel na nagmamadaling tumakbo.
"S-Samuel! S-Saan ka galing? B-Bakit ka duguan?" Naguguluhang tanong ni Angelica.
Ngunit hindi sila nakatanggap ng anumang sagot kay Samuel. Yumuko lamang ito at humagulhol ng iyak.
"Samuel. Bakit ka duguan? A-Anong nangyari sayo? N-Nasaan si Mae?!" Tanong ni Rosemarie.
Tumunghay sya sa lahat at pinagmasdan isa-isa. Alam nyang alam na nila ang dahilan kung bakit sya umiiyak.
"W-Wala na si M-Mae..." Mahinang sambit nya.
"A-Ano?.." Gulat na tanong ni Angelica.
"P-Paanong wala? Asan sya? Saan sya pumunta?" Sabi naman ni Grace.
"W-Wala na. Wala na si Mae. P-Patay na siya. P-Pinatay na sya." At humagulhol na naman ito ng iyak.
"Sam. Wag mo nga kaming pinaglololoko. Paanong mamamatay si Mae.... Eh... N-No... No. No. No. Nagsisinungaling ka diba?" Umiiyak na tanong ni Grace.
"Pagdating namin dito, nagpasama sya sa akin dahil may nakita daw syang taong nakaitim. Ayaw ko sanang samahan sya pero nagpumilit sya at naglakad mag-isa kaya wala na akong nagawa kundi ang samahan sya. Pero... Pero, nung nandun na kami... M-May biglang pumalo sa akin kaya't nanlabo ang paningin ko. A-At sa pagbagsak ko sa lupa, narinig ko pa ang pagsigaw nya. Ang paghingi nya ng tulong. Pero wala akong nagawa dahil pinagpatuloy nila ang pagpukpok sa akin. So...brang nanghihina na ako pero pinilit kong maging malakas. Ngunit sa pagmulat ko ng aking mga mata... Wala na sya. W-Wala na si Mae."
"P-Pero bakit si Mae lang? Bakit ikaw hindi nila pinatay?" Tanong ni Danah.
"E-Ewan ko. Hindi ko alam kung bakit hindi pa nila ako tinuluyang patayin. Hindi ko alam kung bakit hindi pa nila ako tinapos para makawala na ako sa paghihirap na ito."
"M-Mae... MAE!!" Niyakap naman ni Angelica si Grace at sabay silang umiyak.
Napayuko naman ang lahat. Maging sya.
Ngunit kasabay ng kanyang pagyuko ay ang pagbuo ng isang ngisi sa kanyang mga labi.
Ang tatanga. Ang bilis maniwala sa isang kwento. Mga uto-uto.
Samantala, nagmamadali naman sina JohnDale at Michael sa pagtakbo patungo sa lugar kung saan tumakbo sina Micah.
"Dali, pre. Baka hindi na natin sila maabutan." Nagmamadaling sabi ni John Dale.
"Sandali, pre. Ang pagod." Hinihingal na sabi naman ni Michael.
Napatigil naman sa pagtakbo si John Dale ng mapansing dadalawa lang siang tumatakbo. Ngunit sa pagtigil nya ay bumangga sa kanyang likod si Michael at diretso lagpak sa sahig.
"Aray! Tungunu! Ang taba mo talaga, John Dale. Pati sa likod mo, nagba-bounce ako." Nakasimangot na sabi nito saka tumayo at humawak pa sa kanyang balakang.
"Gago!"
"Bakit ka kasi tumigil?"
"Si Karlo?"
"Huh?"
"Tang*na mo naman oh. Nasaan si Karlo?"
"Aba malay ko. Kita mong dadalawa tayong magkasama tapos hahanapin mo sa akin si Karlo. Sabihin mo sa akin, hanapan ba ako ng nawawalang gago?"
"Tanga! Tss. Halika na nga."
Ngunit sa pagharap ni John Dale eh may nakita syang taong nakamaskara na nakasandal sa isang puno at nakangiti sa kanila.
Agad naman nyang naramdaman ang pagsiksik sa kanya ni Michael.
"John Dale..."
"Wag ka ngang bakla jan." Madiing sambit nya habang hindi inaalis ang tingin sa taong nakamaskara.
"Hinahanap nyo si Karlo?" Tanong ng taong nakamaskara. Babae ang kanilang kaharap.
"S-Sino ka?" Lakas loob na tanong ni John Dale.
"Ako nga pala si Dark. Ang kanang kamay ni Hell. Oopps! You don't need to tell me your name. I already know you." Tila nagsitaasan naman ang balahibo ng dalawa ng biglang magbago ang boses nito sa huling mga salita.
"A-Alisin mo ang maskara mo at... At m-magpakilala ka sa amin!"
"Huh! No way. At nga pala, kung hinahanap nyo si Karlo, nandito sya." May tinapon itong litrato sa kanila ngunit hindi nila ito kinuha. "At yung dalawa nyong kaibigan na kung maglandian eh napakasakit sa mata, hanapin nyo na lang. Basta ang clue, 'they're hanging'. Haha! Bye boys!"
Umalis ang taong ito at iniwan silang nakatulala.
Hindi sila makapaniwala. Hindi nila lubos maisip na nakausap nila ang taong may kagagawan ng lahat.
Napabuga ng hangin si Michael at dun lang natauhan si John Dale.
Napakurap sya ng mata at tumingin sa litratong itinapon sa kanila ni Dark. Nilapitan nya ito at ganun na lang ang panlalaki ng kanyang mga mata ng makita ang litrato.
Si Karlo na nakatali sa isang bangko. May busal ang bibig at may piring ang mga mata. Kita rin ang mga sugat nito sa braso at ang dugo sa bibig nito. Ngunit hindi nya matukoy kung saang lugar ito dahil tanging pader na napakarumi lang ang nasa likod nito.
"WAAAAAAHHHH!!"
Muntik ng mapatalon si John Dale sa gulat ng biglang sumigaw ang kanyang kasama na si Michael. Nagtatakbo pa ito at yumakap sa kanya.
"Aray, pota! Ano ba, Michael! Wag ka ngang bakla!" Inis na sabi nya habang pilit na kumakalas sa yakap sa kanya ng kaibigan ngunit parang wala itong balak na humiwalay.
Napabuntong hininga sya ngunit agad ring natigilan ng marinig ang pag-iyak ng kasama nya.
"Michael. Teka, ano bang nangyayari sayo?"
Hindi ito sumagot ngunit itinaas nito ang kanyang kamay. May itinuturo ito sa itaas at ng sundan nya ito ng tingin...
"M-MICAH!!"
Nakatali ang leeg nito habang nakasabit sa sanga ng isang puno gayundin sa Mark. Napansin pa niya ang mga tama ng baril ng dalawa sa katawan.
Tila nanghina naman ang tuhod ni John Dale at agad na bumagsak sa lupa.
"M-Micah..."
"MICAH!!"
"Nasaan sya Samuel!?" Hinihingal na tanong ni Grace. Napayuko silang tatlo at napahawak sa tuhod.
"Malapit na."
"T-Teka... A-Anong amoy yun?" Takang tanong ni Angelica.
"Anong amoy?"
"Amoy nasusunog."
Napamasid sila sa kanilang paligid at ganun na lamang ang panlalaki ang mata ni Samuel ng makita ang isang lumiliyab na bagay di kalayuan sa kanila.
"Aw.. s**t! Si Mae!" Tarantang sigaw nya at saka nagtatakbo patungo sa lugar kung nasaan ang sunog. Sumunod din naman ang dalawa.
Pagdating nila doon ay halos hindi sila makahinga ng makitang tao nga ang nasusunog.
"M-Mae!!" Sigaw ni Angelica at lalapit sana pero hinila sya ni Grace para pigilan. "Bitawan mo ako! Mae!!"
Hinubad naman ni Samuel ang suot nyang jacket at saka sinubukang apulahin ang apoy gamit ito.
Higit kalahating minuto ang naubos bago mawala ng tuluyan ang apoy. Hindi na lubusang makilala ang bangkay.
Napaupo si Samuel at napayuko. Kinagat nya ang kanyang mga labi upang pigilan ang kanyang mga luha.
Tahimik ang paligid.
Wala kang ibang maririnig kundi ang hikbi nilang tatlo at ang tunog ng pagkasunog.
"Ngayon alam ko na kung ano ang pakiramdam ni Karlo ng hindi nya mailigtas ang nga kagrupo nya. Napakawala kong kwenta." Tanging nasambit ni Samuel.
"H-Hindi. H-Hindi sya yan. N-No! S-Sunog ang b-bangkay at maaaring hindi sya yan. No. Tell me! That's not her!" Aigaw ni Angelica na pilit na lumalapit sa bangkay pero hindi sya hinahayaan ni Grace.
Tumunghay si Samuel at nay naaninag syang isang makinang na bagay sa daliri ng bangkay. Nilapitan nya ito at napagtanto nyang isa itong singsing.
Maingat nya itong hinawakan dahil sa takot na baka matanggal ang daliri nito.
At nagtagumpay nga syang makuha ito. Lumapit sya kayla Grace at iniabot ang singsing.
"Ito ang friendship ring nyo, diba?"
Napatingin ang dalawa sa tinutukoy nila at doon na nga, nawalan na sila ng pag-asa.
"MAE!!"