CHAPTER 23

1165 Words
RONALIE POV Yakap ko ang kanina pang umiiyak na si Rosemarie. Kanina pa ako nanginginig sa takot pero pinipigilan ko ang sarili ko. Hindi pwedeng lahat kami takot. Hindi pwedeng palagi na lang kaming iiyak. Dahil sa ganun, alam kong dun sya sumasaya. "Shhh... Tigil na, Rosemarie. Kanina ka pa umiiyak eh." Siksikan kaming mga babae dito sa gitna habang hinihintay ang ibang nagsitakbuhan. Hindi rin naman nila hinayaang maiwan kaming mga babae dito. "Tumawag na kayo ng pulis! Tawagan nyo na ang parents natin. I wanna go home." Umiiyak na sabi ni Mariel. "H-Hindi pwede. Ano na lang ang sasabihin natin sa kanila. At isa pa, kapag tinawagan natin ang parents natin, maaaring maligtas nga tayo. Pero ang tanong, hindi ba nila tayo susundan? Titigilan na ba nila tayo?" Paliwanag ko at saka bumuntong-hininga. "At hindi rin imposible na idamay nila ang pamilya natin." "Pero kapag hindi pa tayo humingi ng tulong, lahat tayo mamamatay." Camela. "Yun ay kung hindi tayo lalaban. Yun ay kung iiyak na lang tayo palagi. Yun ay kung magpapadala tayo sa takot." Bumitaw ako kay Rosemarie at saka tumayo. Tiningnan ko sila lahat at napabuntong hininga. Hindi ko alam kung kaya namin magtagumpay sa naiisip kong plano. Pero kung hindi pa kami kikilos, talagang mauubos kami. "May naisip akong plano pero hindi ko alam kung kaya natin magtagumpay." "A-Anong plano?" Noime. "Tutal, hilig na ng killer na makipagtaguan. Pwes... Makikipagtaguan rin tayo." --- SHERWIN POV Hanggang ngayon, gumugulo pa rin sa isip ko ang plano ni Ronalie. Madali lang makipagtaguan pero ang tanong, kanino kami magtatago? Sino ang tataguan namin? Madaling makipagtaguan, pero ang mahirap ay yung hindi mo alam kung sino ang dapat mong pagtaguan. In short, hindi namin kilala ang killer. Tengene. "Aish! Sumasakit ang ulo ko sa kaiisip kung sino ang killer. Wala akong maisip na nagawan natin ng atraso para gawin sa atin ito." Reklamo ni MayQueen. "Gaga! Sino bang may sabing mag-isip ka?" Sabi ko. "Gaga ka rin! Bakit di ka na lang gumaya? Tss!" Inirapan nya ako kaya inirapan ko rin sya. Aba! Di ako magpapatalo noh! Dyosa kaya ako. Itong bruhang ito lang ang hindi marunong gumalang sa katulad kong isang Dyosa. Hmp! Btw, nandito pa rin kami sa gitna nitong parang. Medyo kumalma na ang atmosphere pero hindi mo pa rin maitatago ang takot sa mata ng bawat isa. Kung sa mata ninyo, cool lang ako. Well, sa loob loob ko, natatakot din ako. Pero ginagawa ko ang lahat para mapasaya ang mga kaklase ko. Sino ba namang magdadamayan kundi kami kami lang rin, diba? Kumuha ako ng chips na kinakain namin. Lahat sila naglabas ng mga chips na baon nila. Kasi sabi nga nila, ikain na lang lahat ng problema. Kumunot naman ang noo ko ng wala na akong makapa na chips. Tumingin naman ako kay MayQueen. "Bakit mo inubos!?" "Ay, malamang kinakain. Magtaka ka kung dadagdag yan ng dadagdag." "Bruha ka! Kung makalapang ka, parang sayo yan. Hoy, FYI MayQueen Rojo, ako ang bumili nyan! Kaya wala kang karapatan na ubusin yan!" "Para sabihin ko sayo Mister---" "Miss!" "Mister Sher---" "Miss sabi eh!" "Oh ay di miss na nga! Para sabihin ko sayo MISS Sherwin Sale, sinabi mo kanina na hati tayo kaya may karapatan akong ubusin yan!" "Oo, sabi ko share tayo pero wala akong sinabi na ubusin mo!" "Pero kapag sinabing share, ibig sabihin may karapatan na akong ubusin." "Per---" "HEH!" Napatigil naman ako ng sabay-sabay na sumigaw ang mga kasama namin dito. Napatingin ako sa kanila at nakatingin din sila sa akin ng masama. "Oh bakit?" Nakataas ang kilay na tanong ko. "Bunganga mo. Tss!" Darlene. "Bunganga pa rin. Bakit, may dapat bang magbago?" "Ang ingay nyo! Tss." "Ay, malamang may bibig!" Inirapan naman nila ako kaya inirapan ko rin sila. Mga wala talaga silang galang sa Dyosa! Gawin ko sila jan palaka eh! "KYAAAAHHH!!" Napabangon naman ako mula sa pagkakahiga ng may sumigaw. Nakita ko naman si Mariel na nakayakap kay Malto at umiiyak. "Anong nangyari?" Tanong ko. "Zendrick, uwi na tayo... A-Ayoko na dito..." Alog nya kay Malto. "Shhh... A-Ano bang nakita mo?" "N-Nasa bag ko. N-Natatakot ako, Zen. Uwi na tayo..." "Shhh.. Tahan na. Wait lang, titingnan ko lang." "N-No. Wag mo'kong iwan." At napansin kong humigpit ang yakap nya kay Malto. Napabuntong-hininga na lang si Zendrick. "Sige na. Hindi na." At niyakap pa nya ito ng mahigpit. Nakita kong tumingin sa akin si Malto at sumenyas sa akin na tingnan ko ang bag ni Maan. "NO WAY!" Pinanlakihan nya naman ako ng mata. Natawa naman ako. Imagine nyo, yung singkit nyang mata biglang lumaki. Sumenyas ulit sya sa akin na buksan pero dinilaan ko lang sya. Aba! Hindi dapat inuutusan ang dyosa. Hmp! Iningusan na lang nya ako at niyaya si Maan na umupo. Tumayo naman ako at lumapit sa bag ni Maan. Nacurious na rin ako kung anong nakita dun ni Maan. Kinuha ko ito at agad rin namang naitapon ng makita ko ang nasa loob. "Oh My God!" Sigaw ko at napaupo sa sahig. Nanggigilid na rin ang luha ko.  What the hell did I just saw? "A-Ano yun, Sherwin?" Takot na sabi sa akin ni Camela. "B-Bakit may mga palakang patay sa bag mo, Maan?" Tanong ko. "E-Ewan ko. B-Basta nakita ko lang yan jan. W-Wala naman yun kanina jan eh!" Takot na sabi nito. "Zen, uwi na tayo." "Shhhh... Tahan na. Tahan na..." Pagpapatahan na lang ni Zendrick. "SAMUEL!"  Napatayo na kami ng tuluyan ng makita namin si Samuel na may buhat buhat na bagay. "W-Wait. S-Sam, sino yan?" Takang tanong ni Ryka. Ibinaba nya ang buhat nya at dun namin napansin na tao yun. "KYAAAAAAHHHH!!" "SAMUEL! SINO YAN!!" "Si Mae." "M-Mae?" "Samuel, hindi kami nakikipagbiruan sayo. S-Sino nga?" Tanong ni Rosemarie. Pero tiningnan nya lang ito saka umiling at lumakad palayo. Sinundan ko naman sya ng tingin. "Mae!" "J-John Dale..." Napalingon naman ako kay Rosalinda. At ganun na lang ang panlalaki ng mata ko ng makita kung sino ang mga buhat nila. "M-Micah!" At sa isang iglap, sabay-sabay na iyak at hagulhol ang maririnig. "Mark, pre!" Joemari. "Sabi ko naman kasi sa inyo, umuwi na tayo!" "Wala nga tayong sasakyan pauwi! Mag-isip nga kayo! Hindi natin alam ang lugar na ito. At saka kung uuwi tayo, hindi imposibleng masalubong natin sya dyan. Tapos ano, sabay-sabay tayong mamamatay? Tss!" Inis na sabi ni Michael. "Nasaan si Karlo?" Tanong sa amin ni John Dale. Napalinga naman ang lahat. "Si Karlo?" Tanong ni Reinalyn sa akin. "E-Ewan ko." Napabuntong-hininga naman si John Dale at saka may ibinigay na papel sa akin. "A-Ano toh?" "Tingnan mo." Tiningnan ko naman ito at agad na nanlaki ang mata ko. "K-Karlo!" At sa isang iglap, nawala na sa mga kamay ko ang picture. "Oh My God! Paano nangyari ito?" "H-Hindi ko alam. Basta, ibinigay lang sa akin yan ni Dark." "Dark?" Tan. "Isa sa mga killer." "Nakausap mo sya?" Bryan. "Oo. At yung Dark rin na yan ang pumatay kina Micah." "N-Nalilito na ako. I-Ilan ba talaga sila?" Camela. "E-Ewan ko rin. Haish! Ang sakit sa ulo ng problemang ito." Problemadong sabi ni John Dale at saka umupo. "Tanghali na. Kumain na muna tayo." Zendrick. "Eh gago ka pala eh!" Napapatayong sabi ni John Dale. "Ano, masisikmura mong kumain habang nasa harap mo ang mga bangkay na ito!?" "Bakit? Sinabi ko bang dito?" "Linawin mo kasi Zendrick. Pwede ba?" Camela. "Tara na sa mansyon." Anunsiyo ni Zendrick saka hinila si Maan at lumakad palayo. "ZENDRICK!" Sigaw ni Ronalie. Napahinto naman ito sa paglalakad. "P-Paano k-kung andun ang killer?" Ngumisi naman ito. "Diba sabi mo kanina makikipagtaguan tayo sa killer?" At saka ito tumingin isa-isa sa amin. "Eh di umpisahan na natin."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD