CHAPTER 24

1007 Words
THIRD PERSON POV "Ano na, ate? Ano na bang gagawin natin sa mga taong yan?" Inis na tanong ni Demon kay Hell. "Pwede ba, Demon, wag kang atat. Nagpaplano ako dito." "Hay! Nasasabik na nga akong ubusin sila. Pagbigyan mo na ako, ate. Ako na ang tatapos kay Karlo." "Tutuktukan na kita, Demon. Sino na lang ang magiging pain natin kung papatayin agad natin yang lalaking yan?" "Tss! Nangangati na nga ang mga kamay ko, ate." Nagtitimping kinuha ni Hell ang kanyang baril at ikinasa ito saka itinutok kay Demon. "Isa pang salita mo, Demon, ipuputok ko sa iyo ito." Itinaas naman ni Demon ang kanyang kamay na parang sumusuko. "Woah! Relax ka lang, ate. Teka, parang may naririnig ako eh." Kunot-noong sabi nito at saka tumayo mula sa kanyang pagkakaupo. Ibinaba naman ni Hell ang kanyang baril saka nagpatuloy sa pagtingin sa mga litratong nasa harapan nya. Isa-isa nya itong pinasadaan ng tingin habang nag-iisip kung sino ang susunod na target. Ganito ang gawain nya habang kumikilos ang kanyang mga galamay. Sya ang nag-iisip ng plano at kung sino ang papatayin dahil gusto nya, sya ang tumapos ng lahat. Gusto nya, sya ang papatay sa tunay na dahilan kung bakit nya ito ginagawa. "Demon, sinong gusto mong mauna? Si Gilda o si May Queen?" Tanong nya kay Demon ngunit tila wala itong narinig. Tiningnan nya ito at nakita nyang nakasilip sa bintana. "Demon..." Nagtitimping saad nya. "DEMON!" "Ay, ate! Ano ba!?" "Tsk! Lumayas ka na nga sa harapan ko. Nabibwisit lang ako sayo, eh." "Teka nga, ate. May tinitingnan ako eh." "Isa pa, Demon. Hindi talaga ako magdadalawang isip na barilin ka." "Init ng ulo mo, ate. Hmp! Bahala ka jan." At lumabas na ito ng pinto. Napailing na lang si Hell. Hindi nya talaga maisip kung bakit naging kakampi nya ang isang yun. Tss! Inangat nya ang dalawang litrato na napili at nilagay sa dart board. Kinuha nya ang dart at saka pumwesto sa harapan nito. Napangisi sya sa sarili saka itinapon ang dart. "Gotcha!" Sabi nya ng tumama na ito sa susunod niyang target. Bumukas muli ang pintuan at sumilip si Demon. Tiningnan nito ang dart board saka tumingin kay Hell. "Sya?" "Yes. Tell Lucifer about the next target. At kapag may nakialam, well, pakipatay na lang rin para maubos na yang mga yan." Sabi nya habang naglalagay ng nail polish. "Talaga? So pwede na rin ako pumatay?" "No." Napasimangot naman si Demon. "Nakakainis ka naman, ate. Hmp!" Sabi nito at muling lumabas ng pinto. Pakanta-kanta sya habang naglalagay ng nail polish sa kanyang mga kuko ng may marinig sya. Tumayo sya at sumilip sa bintana at ganun na lang ang ngisi nya ng makita ang mga campers palapit sa lugar kung asan sila. "W-Wait, Joemari intayin mo ako." Hinihingal na sabi ni Carmina (Flores) habang hinahabol si Convocar. "Tsk! Ang bagal mo." "Tss! Sorry ha. King bakit kasi napakagentleman mo at ako pa ang nagdadala ng napakabigat na bag na ito!" Tumigil naman si Joemari at tiningnan sya. "Kanino bang bag yan? Akin ba? Tss!" Inis na sabi nito at nagpatuloy na lang sa paglalakad. Iningusan naman sya ni Carmina at saka bumulong. "Hmp! Ang gwapo-gwapo nga, arogante naman. Wala man lang ka-gentleman-an sa katawan porke hearthrob. Hmp! Madapa ka sana. Supaldo! Mayabang! Bwisit!" Inis na sabi nya saka padabog na binitbit ang bag na dala nya. "Argh! Ano ba, Flores! Pakibilis-bilisan naman!" Inis na sabi ni Convocar. "Haish! Heto na! Mababalian na ako ng buto dito hindi mo pa rin ako tinutulungan! Kainis ka!" Di porke crush kita, gaganituhin mo na ako! Biglang bulong niya. Gigil na napasabunot naman si Convocar sa kanyang buhok. At talagang sinisi pa sya hah. Bwiset! "Akin na nga yang bag na yan!" Inis na sabi nya at saka inagaw ang bag kay Carmina. Napangiti naman sya at saka masayang sumunod sa hearthrob nyang crush. Hindi nya lubos maisip kung bakit sya nagkagusto sa aroganteng, mayabang, at chic boy na ito. Ang totoo, kabaliktaran ni Joemari ang gusto nya sa lalaki pero heto at nahuli nito ang puso nya. Siguro dahil napakagwapo nito at mabait kahit na napakayabang talaga minsan.  "Teka lang, guys. Nasaan na ba yang sinasabi nyong mansyon na yan?" Tanong ni Reymarck na hinihingal na. "Oo nga. Kanina pa tayo naglalakad pero hindi pa rin natin nakikita ang mansyon na yun." Camela. "Baka naman namalikmata lang kayo sa nakita nyo." Liezel. "Hindi. Malinaw na malinaw yun. Diba, Wendy?" Tanong ni Sherwin at inilibot ang paningin upang hanapin si Wendy. At nakita nya ito di kalayuan sa kanila. "Diba?" Isang tango lamang ang isinagot nito sa kanila at saka bumalik sa dating ekspresyon. Poker faced. "Haish! Kailan pa ba natin makikita ang mansyon na yan? Kapag puti na ang mata natin? Tss!" Inis na sabi ni Michael. Lumakad naman palayo si Ronalie at nagmasid-masid. Pakiramdam nya kasi malapit na sila. Pakiramdam nya andito lang ang hinahanap nila. "Ronalie. Wag ka nga lumayo masyado." Suway ni Rosemarie. "Sandali lang. Hinahanap ko lang yung mansyon." Kalmadong sagot nya. "Eto kasing si Zendrick kung makaakit hindi din naman pala alam. At talagang niligaw pa tayo." John Dale. "Bakit? Nagtanong ba kayo kung alam ko bago kayo sumunod?" Zendrick. "Heh! Papalusot ka pa eh." "Hay. Sayang yung party natin mamayang gabi. Masaya siguro yun kapag natuloy." Xyryn. "Oo nga. Pero kailangan na natin kalimutan ang kasiyahang iyan. Mabuhay na muna tayo, saka na tayo magsaya." Reinalyn. "Bakit ba kasi nangyayari ito?" Kaye. "Walang may alam. Hays! Nasaan na ba yang mansyon na iyan!?" Bryan. "Guys! Nakita ko na." Biglang sigaw ni Ronalie sa di kalayuan. "Saan?" Camela. "Dun sa parte dun *point at left* Medyo malayo dito." "Kita mo na, Zendrick. Dito mo kami dinala eh nandun naman pala." Inis na sabi ni John Dale. "Kawasa kayo sumunod. Ang sabi ko, tara na sa mansyon, hindi ko sinabing alam ko kung nasaan ang mansyon." Zendrick. "Oo na. Tara na. Pinapahaba nyo pa lalo ang diskusyon eh." Samuel. Naglakad na sila palayo habang nakasunod kay Ronalie. "Demon!" Tawag ni Hell habang nakasilip pa rin sa bintana. Walang sumagot. "DEMON!!" Inis na sigaw niya. Wala pa ring sumagot kaya't inis syang naglakad palabas ng pinto.  "DEMON!" "Ano ba, ate!?" "Where are you from? Kanina pa kita tinatawag!" "Wala. May iniisip lang ako." "Tsk! Maghanda ka." "Eiihhhh! Bakit na naman!? Paghihintayin mo na naman ako." "Tsk. Maghanda ka. May papatayin ka na." "Talaga, ate!?" "Oo.  Pero siguraduhin mong hindi tayo mabubulilyaso. Dahil oras na mabuking tayo dahil sayo, ipapatapon kita sa bangin." "Yep! Makakaasa ka, ate! Wohoo! Salamat!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD