CHRISTIAN POV
Nakasimangot akong sumunod sa mga kaklase ko sa pagpasok ng gate ng mansyon na ito.
Pinangungunahan kami ni John Dale at nakakabit naman sa mga braso nya si Bryan na nababakla na naman.
"Huhuhu! John Dale. Ang creepy naman sa mansyon na yan. Uwi na tayo." Sabi nito.
"Shut up, Bryan! Lumayo ka nga sa'ken! Nababakla ka na naman eh."
"Wow hah!" Biglang bitaw nito kay John Dale. "Hindi ako bakla ah! Malay ba natin kung may White lady sa lintek na mansyon na yan. Huhu!" At muli na naman itong kumapit kay John Dale.
"Tss! White lady natatakot ka, sa killer hindi. Hoy, para sabihin ko sayo, baklang Bryan, taong demonyo ang kalaban natin dito hindi multo. Kaya umayos ka nga." Sermon ni John Dale.
"Takot na takot ka sa white lady, ang tanong sila ba hindi natatakot sa itsura mo. Kabaklaa'y inam!" Sabi naman ni Michael kaya natawa kami.
"Ulul! Mas malala ka pa sa'ken. Nasaan na ba kasi si Karlo? Wala tuloy akong tagapagtanggol. Huhuhu!"
"Enough, guys! We're here."
Natigilan ang lahat dahil sa Ingles ni John Dale.
"Woah! Ingles!" React ni Camela at tinakpan ang ilong nya.
"Woohh! Pilipinas pa ba toh?" Reymarck.
"Ang OA nyo. Para nag-English lang si John Dale, mas magaling naman ako jan." Sherwin.
"Weh? Sige nga." Tan.
"Ehem, ehem... My name is---"
"Boo! Pang-kinder lang yan Sherwin."
"Shut up!"
"Woah! Ingles din. Magaling! Magaling!"
At nagpalakpakan na ang mga baliw kaya natawa na ako at nawala ang pagsimangot. Kung palagi mo ba namang makasama ang mga baliw na ito. Hahaha!
"Oh diba? Mala-Pia Wurtzbach ang Ingles ko kaya shut up na lang kayo. Hmp!" Sabay flip nito sa invisible nyang buhok.
Napailing na lang ako at tumingin sa gate sa harapan namin.
"Safe kaya tayo jan?"
Napatingin ako kay Wendy na nagtanong. Nakatingin na rin pala sila sa mansyon.
"Ewan. Try na lang natin. Tara, pasok na tayo." John Dale.
"T-Teka. I-Ilan na lang ba tayo?" Tanong ni Grace na mugto pa rin ang mata dahil sa kaiiyak.
"Saglit." Nagpresinta na akong magbilang. Tutal wala naman akong ginagawa.
Pero agad ding bumagsak ang balikat ko ng matapos ang pagbibilang.
"32"
"32. 49 tayo ng pumunta dito tapos 32 na lang tayo? Just what the fvck?" Joemari.
"17 na ang nawawala." Malungkot na saad ni Aiza.
"Wag kayong mag-alala. Ngayong ako na ang tumatayong leader, hindi ko na hahayaang may mapahamak pa sa atin." John Dale.
"Sana nga wala ng mabawas pa."
"Hays! Dito pa talaga natin nagawang magdrama. Tara na, pumasok na tayo." Sherwin.
Hinawakan ko ang lock ng gate pero may kandado ito.
"Bro, nakalock."
"Aish, sh!t. Paano tayo papasok?" Michael.
"Bato. Kuha kang bato." Utos ko kay Michael.
Agad naman itong sumunod at kumuha ng maliit na bato.
"What the hell? Anong magagawa ng batong ito? Yung malaki." Utos ko ulit.
Kamot sa ulo ito at kumuha ulit nung bato. Naghintay pa ako pero agad din napakunot ang noo dahil ang tagal.
"Bakit ang tag---"
My jaw dropped. Literally.
"Ang bigat, tulungan nyo ako dito." Saad nito habang buhat ang isang napakalaking bato.
"What the fvck?"
"O bakit?"
"Tanga! Kakasya ba yan jan sa grills? Ang bigat-bigat nyan! Yung pwede lang ipang-pukpok. Tatanga-tangang ito." Sermon ni John Dale.
Inis na ibinagsak ni Michael ang bato.
"Sabi nyo kumuha ng bato. Nung kumuha ng bato sabi nyo malaki. Nung kumuha ng malaki, yung dapat ipang-pukpok! Linawin nyo kasi. Mga tangang toh. Hmp!" Sabi nito at saka naghanap ng bato.
Napahagalpak naman kami sa tawa.
"Hutangina. Ang tanga ni Michael. HAHAHAHA!" John Dale.
"Nakakaloko. Parang toinks! Ahahahaha!" Rouel.
"Heh! Wag nyo nga ako tawanan! Kadalanan ko bang wala ako sa huwisyo ngayon?" Sabi nito at iniabot sa akin ang bato.
Pinigilan ko naman ang matawa dahil baka sa akin nya ipukpok ang bato. Kinuha ko iyon at saka napapailing na hinawakan ang kandado ng gate.
Luma na rin ang kandado ng gate kaya madali na siguro itong masira.
Since nasa loob ang lock nito, isinuot ko ang bato sa grills at saka malakas na pinalo ang kandado.
"Argh! Ang tigas. Ang hirap sirain." Reklamo ko.
"Wag ka ngang weak, Ramos. Para kang hindi lalaki." Mayabang na sabi ni John Dale.
"Ikaw dito."
"Kaya mo na yan." Biglang sabi nito at saka nagsisipol.
Napailing na lang ako at saka pinukpok ulit ang kandado.
Nanggigigil na ako. Leche!
Tagaktak na ang pawis ko pero hindi ko pa rin masira-sira ang kandado nito.
"Argh! What the hell! Magpabukas ka na!"
"T-Teka, sandali."
Napalingon ako kay Paolene ng lumapit sya sa akin.
"Bakit?"
May tinitingnan sya sa may paanan ko kaya nagtaka ako.
Yumuko sya at may pinulot. Sinundan ko naman ng tingin ang ginawa nya.
"Susi ito, diba?" Tanong nya at ipinakita sa amin ang hawak nyang susi.
Makalawang na ito at lumang-lumang nya. Katulad ng kandado ng gate.
"What the hell? Nagpakahirap tayo?" Ako.
"Tss! Ang tatanga. Jusko! Tabi nga!" Mayabang na sabi na naman ni John Dale saka kinuha ang susi at tinulak ako.
Isinaksak nya ang susi sa keyhole pero nahirapan pa rin magbukas dahil luma na nga ito.
"Putang'na. Magpabukas kang hayop ka. Kanina ka pa. Nanggigigil na ako sayo." Gigil na sabi nya sa kandado.
Kausapin ba naman ang kandado. Tss! Malala na toh.
"Ah, yes!"
Napailing na naman ako. Tss! Wala na ba akong ibang role dito kundi umiling? Author naman!
"Makakapasok na tayo. Ahuhu
Ahuhu." Parang tunging sabi nito habang kumekendeng-kendeng pa.
Inalis nya ang kandado at saka ito itinapon sa lupa.
"Come on, labanos! Everybody let's go!" Sabi pa nito.
Aish! Ano bang nakain nito ni John Dale? Ang saya nya. Parang wala kami sa bingit ng kamatayan.
Kanya-kanyang buhat kami ng mga gamit namin at saka sama-samang pumasok sa gate.
"Holy mary, mother of God. Pray for us sinners..."
Napalingon naman ako kay Ronalie na nagdadasal.
Napangiti ako. Ewan. Sadyang natutuwa lang talaga ako kapag nakakakita ako ng nagdadasal.
Tinapik ko ang balikat nya kaya napalingon sya sa akin.
"Magiging okay din ang lahat."
Ngumiti naman sya sa akin at saka muling nagdasal.
"Ready na ba kayo, guys? Papasok na tayo sa mansyon. Yuhu!" Excited na sabi ni John Dale.
Napakunot na naman ang noo ko. Bakit ba ang saya ng lalaking ito? Nakakapagtaka na hah!
Hinawakan nya ang doorknob at saka ito pinihit.
Nakita ko kung paano mawala ang ngiti nito sa labi at napakunot ang noo.
Paulit-ulit nyang pinihit ang doorknob pero hindi ito nabubuksan.
"What the hell?" Inis na sabi nya.
"Bakit?" Ako.
"Tangina. Nakalock. Bwisit!" At sinipa nito ang pinto.
Napa-what the hell na lang rin ako sa isip ko.
"Paano toooooh?"
---
HELL POV
Napangisi ako.
"Demon."
"Yes, ate?" Tiningnan ko ito at nakita kong busy ito sa harap ng mga baril nya. Nililinisan nya ito isa-isa.
"Sarado ang maindoor. Hindi makapasok ang mga bisita natin."
"Hayaan mo sila, ate. Busy ako."
"Pagbuksan mo sila."
"Eh! Busy nga ako, ate!"
"Hutangina! Ako, Demon wag mong inuubos ang pasensya ko hah. Itutusok ko sayo yang katana ni mommy eh."
"Oo na nga. Sige na. Pero paano kapag nahuli ako?"
"Eh di papatayin kita."
"You're so bad, ate! Hmp!" At padabog na itong lumabas sa pinto.
Napailing na lamang ako. Napaka-childish talaga ng isang yun.
Pero muli akong napangisi nga tingnan ko ulit sila.
"Welcome to Hell, campers."