CHAPTER 26

1017 Words
Mary Grace POV Ramdam kong mugto pa rin ang mga mata ko ngayon at nagbabadya pa rin itong lumuha. Hindi ko talaga kaya. Dalawang kaibigan ko ang nawala. Dalawang malapit na tao sa akin ang namatay. Hanggang ngayon naguguluhan pa rin ako sa mga nangyayari. Wala naman akong alam na taong may galit sa amin para gawin ito. Parang sinasaksak ang puso ko ng makita ang bangkay ng dalawa kong kaibigan. Si Micah na walang ibang ginawa kundi ang bantayan, alagaan at paalalanan kami. At si Mae na kahit masungit ay pinahahalagahan ako. Ayaw kong paniwalaan na si Mae nga iyon. Sunog ang bangkay at maaaring inilipat lang ang mga gamit dito para masabing si Mae nga iyon.  Pero wala akong ibang choice kundi ang maniwala dahil na rin sa mga nakita ng mata ko na patunay na si Mae na iyon. Unang-una ay ang friendship ring namin. Walang ibang may alam na ito nga ang simbolo ng pagkakaibigan namin. Maliban kay Samuel dahil siya ang ka-close ni Mae. Pwede kong masabi na naikwento ni Mae ang tungkol dito noong nabubuhay pa sya. Pangalawa ay ang kwintas na regalo sa kanya ng ex nya. Yes, may naging boyfriend sya. Pero hindi rin ito nagtagal dahil na rin Long Distance ang tema nila. At walang ibang nakakaalam nito kundi kaming mga kaibigan nya. At masasabi kong ang kwintas na ito ang pinakamahalagang bagay para sa kanya. At hindi nya ito magagawang ipagkatiwala at ibigay sa kanya. Pangatlo, walang ibang nabawas sa amin. I mean, kung gumamit man ng ibang katawan ang killer para ipalabas na si Mae ito, sino? Walang ibang nabawas sa amin simula kaninang umaga. At kung meron man eh malamang mapapansin namin yun. At saka bakit hindi pinatay si Samuel gayong magkasama sila? Naguguluhan talaga ako pero may nag-uudyok sa akin na si Mae nga ang bangkay na iyon. Dahil kung iisipin, bakit ipapalabas na si Mae nga yun?  Anong rason na sunugin ang katawan na yun at sabihing si Mae yun? Bakit sinasabing si Mae ito? Sige, ipalabas na natin na hindi nga iyon si Mae. Pero bakit nasa katawan na iyon ang mga bagay na mahalaga kay Mae? At kung hindi nga iyon si Mae, nasaan si Mae? Ang daming tanong sa utak ko na walang kasagutan. Ang daming Bakit, saan at ano na hanggang ngayon ay tanong pa rin ng isip ko. Bakit? Bakit ba nangyayari ito? Anong dahilan? "Aish! Bullshit naman oh!" Sigaw ni John Dale at saka sinipa ang maindoor. Nabuksan nga namin ang gate, pinapahirapan naman kami ng maindoor. "Wala bang ibang daan maliban dito?" Reymarck. "Oh eh di maghanap ka." Pabalang na sagot ni John Dale.  Hindi ko sya masisisi. Sya ang tumatayong leader namin and it means responsibilidad nya kami. At sa nakikita ko ngayon, nai-stress na ang taba nya dahil hindi nya alam kung paano bubuksan ang bwisit na maindoor na ito. "Aish! Nakakapang-init ka ng ulong pinto ka! Bwisit!" At sinipa nya ulit ito. "Teka nga, sandali." Pagsingit ni Joemari at saka hinawakan ang doorknob. Nanlaki naman ang mata ko ng bumukas iyon. "What the hell?" John Dale. "Bukas baga. Tangina mo naman, John Dale oh." Joemari. "A-Anong bukas? S-Sarado yan kanina. P-Promise. Ang higpit, naka-lock t-talaga yan." "Hmp! Lokohin mo ang lelang mong panot. Tara na nga." Inis na sabi ni Joemari at nauna ng maglakad papasok. Napailing na lang ako. Nagawa pa kaming pagtripan ni John Dale. At naniwala naman kami. Lintek. "S-Sarado talaga yan..." Narinig ko pang sambit nya bago ako tuluyang pumasok. --- "Hay! Sa wakas, makakakain na din." Malakas na sambit ni Sherwin. Katatapos lang namin magluto ng kanin. May mga dala naman kaning delata at yun na ang inulam namin. Nandito kami sa kitchen ng mansyon. May mga gamit pa dito pero halatang matagal ng hindi nagamit at inamag na. Mabuti na lang may dala kaming pwede naming paglutuan. May stove din dito pero hindi na gumagana kaya yung pugon ang ginamit namin na nakalagay sa isang cabinet dito. Tahimik kaming kumakain. Ako naman tahimik rin na nagmamasid sa paligid. Ayon sa nakikita ko. Masasabi kong sobrang luma na nga mansyon na ito. Inaamag na ang lahat ng gamit at napakarami rin ditong spider webs. Para kaming nasa horror house.  Yun nga lang, hindi multo, white lady o aswang ang kalaban namin kundi, Demonyo. "Okay ka na?" Rinig kong tanong ni Malto kay Maan. Isa pa ito si Malto. Parang ang dami nyang tinatago. Parang ang dami nyang nalalaman. Nawi-weirduhan ako sa mga sinasabi nya. Sa mga nalalaman nya. Sa mga konklusyon nya.  Zendrick Malto, sino ka bang talaga? "Bryan, dahan-dahan lang. Walang nang-aagaw sayo." Sabi ni Tan kay Bryan.  Paano ba naman kasi, punong-puno ang bibig. Sandamakmak pa ang pagkain sa pinggan nya. "Mwaynd yur own bisness!" Sabi nito habang ngumunguya. "Wag ka nga magsalita habang punong-puno yang bunganga mo. Respeto, Bryan. Pakain kita sa White Lady eh." Ramos. Ngunit nang-irap lang ito. Peste talaga. Konti na lang, iisipin ko ng bakla talaga ito. *beep!* Napatingin naman ako sa phone ko. 50% na lang ito at lowbatt na din ang power bank ko. From: Mhine RJ Kumusta, boss? Nanubig naman ang mga mata ko. Mahal na mahal ko ang lalaking ito at miss na miss ko na sya. Naiiyak ako dahil baka hindi ko na sya makita. Baka mamaya, ako na ang isunod. To: Mhine RJ I miss you.  "Uish! Naglalambing." He replied. "Sira. Panira ka ng moment, alam mo ba yun?"  Napangiti naman ako. Kaya mahal ko ang lalaking ito eh. "Hoy, Maria Gracia Dulpina. Mamaya ka na kiligin jan. Tapusin mo muna yang kinakain mo." Napasimangot naman ako at saka inilagay sa bulsa ko ang phone ko. "Paano? Ano ng plano natin?" Michael. "Hah! Wala ba kayong tiwala sa akin? Just leave it to me baby." Mayabang na sabi ni John Dale at saka sumandal sa sandalan ng upuan nya. Pero wrong move dahil tumunog ito na parang mapuputol. "Pfft! HAHAHA!" Sabay sabay na tawa namin. "Ayan kasi, John Dale. Sa sobrang taba mo, masisira mo pa yung bangko." Joemari. "Oh, shut up!" Saka nito itinaas ang middle finger kay Joemari. Mga baliw talaga. Nakakaloka. "Ala-una pa lang ng hapon. Pakiramdam ko naman, ligtas ang lugar na ito." Sabi nito ng biglang magseryoso. "Anong plano?" "Wala pa sa ngayon. Basta ang sasabihin ko lang, dito lang tayo sa first floor. Walang aakyat sa taas. Walang hihiwalay. Para sa akin ligtas ang lugar na ito pero mas mabuti na rin ang nag-iingat. Nag-vibrate ang phone ko kaya kinuha ko ito at tiningnan. From: Mhine RJ I love you, too:***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD