CHAPTER 27

1121 Words

GILDA POV Kasalukuyan akong nag-aayos ng mga gamit ko dito sa may sofa ng may kumulbit sa akin. Tiningnan ko ito at nakita ko si Reymarck. "What?" "Tara sa taas? Tingin tayo." "Tss! Hindi mo ba narinig ang sinabi ni John Dale kanina? Walang aakyat. Walang hihiwalay." "Eiih! Parang ang ganda sa taas eh. Dali na. Sandali lang tayo." Walang ibang tao dito sa sala ng mansyon dahil nasa kusina pa ang iba para maghugas ng pinggan at ang iba naman ay lumabas para lumanghap ng hangin. Kasama dapat ako nina Lalaine pero may kinuha ako sa bag ko at hindi ko alam na kukulitin ako ng kumag na ito. "Aish! Kung gusto mo, ikaw na lang. Tigilan mo nga ako, Reymarck." Inis na sabi ko. "Yah! Gilda naman. Ang daya mo talaga. Ngayon lang naman ako nanghingi mg favor sa iyo." "Eh, natatakot nga ako!

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD