BRYAN POV
POKEMON GO!
Nandito na kami sa bus at kasalukuyang bumabyahe papunta sa lugar kung saan gaganapin ang camping.
Katabi ko dito si Zendrick na nag-C-COC naman. Hmp! Mas maganda ang pokemon go. Exciting!
"HOLY SH*T!!" Sigaw ko.
Waaaaahhhh! After 365 days, nakahuli na rin ako ng Pokemon!
"Huy, Bryan. Bunganga mo." Rinig kong sabi ni Rosalinda pero hindi ko sya pinansin. Huta! Nahuli ko yung pokemon! Maipost nga ito sa i********: katulad ni Chanyeol. Baka ibalita na rin ako sa 24 Oras. Hoho!
"Ang ingay mo bu--- HOLY SH*T! 3 STAR AKO SA WAR! PIRSTAYM!" Napatakip naman ako sa tenga ng isigaw iyan ni Zendrick.
"Mukhang mali yata ang desisyon na pagtabihin kayong dalawa. Nakakabulabog kayo! Leche." Reklamo ni Camalla.
Napasimangot naman ako at pinindot ang 'quit' button. Ayoko na nga maglaro.
Ipinikit ko ang mata ko para sana matulog kaso hindi ko magawa. Ito ang ayaw ko kapag bumabyahe. Nabobored ako. Di rin naman ako nakakatulog.
Nakasimangot kong kinuha ulit ang phone ko. Maglalaro na lang ulit ako
Scroll ako ng scroll ng may makita akong app sa phone ko.
THE HOUSE OF SLENDRINA
Kagabi ko lang ito ni-download eh. Di ko naman alam kung paano laruin. Download lang ng download.
Alam mo ba toh?
Nalaro mo na?
Pwes. Mamahimik ka. Para may thrill.
Pagbukas ko ng app na yun, halos mapamura ako.
Shet. Horror pala ito. Tengene. Kahinaan ko ang white lady. Jusko.
Pero, bayai na. May thrill anya.
I tapped the Easy button. Easy lang muna. Jusko.
Sinimulan ko ng palakarin ang tao sa screen. Sabi kasi maghahanap daw akong susi at pieces ng picture. Yun lang pala. Easy.
Pumasok ako sa isang pinto tapos may nakita akong drawer. Lumapit ako dun saka binuksan at napasigaw ako dahil may susi dun. Kyah! Sa wakas.
Kinuha ko yung susi saka lumingon pero...
"HOLY SH*T!! WHITE LADYYYYY!!!" Sigaw ko at saka dali-daling iniiwas sa white lady ang screen. At napabuga naman ako ng hangin ng mawala na and dugo na nakapaligid.
"Bunganga mo Bryan. Tch!" Inis na sabi sa akin ni Zendrick pero di ko pa rin sya pinansin.
Wooohhh! White lady!
Lumingon-lingon ako sa paligid at napako ang tingin ko kay Rosemarie na nakapikit sa ngayon. Nasa katapat ko syang upuan at parehas kaming nasa dulo kaya bali parang magkatabi kami.
Bigla naman akong napangisi ng may pumasok na kapilyuhan sa utak ko. Hoho!
"Rosemarie." Sabi ko at kinalabit sya.
Inalis namang nya ang kamay nyang nakaharang sa mukha nya at saka ako tiningnan.
"May ipapakita ako sayo. Ang ganda nya baga." Sabi ko at pinindot ang 'Continue' button.
Tiningnan nya naman ang itinuro ko kaya sinimulan ko ng palakarin ang tao sa screen.
Pumasok ako sa isang kwarto pero naka-lock daw kaya ginamit ko yung susi na nakuha ko kanina. Dining room na pala ito.
Nilapitan ko yung kumikinang ng bagay at saka kinuha tapos lumingon ng bigla syang lumabas.
*scary sound effects*
"KYAAAAHHHHH!!!!!" Sigaw ni Rosemarie kaya napahagalpak ako ng tawa pero agad ding napasimangot ng paluin nya ang phone ko at diretso landing sa sahig.
"Cellphone koooo!!" Sabi ko at pinulot ang kaawa-awa kong cellphone.
"Hayop ka, Bryan! Papatayin mo ba ako!?" Inis nyang sigaw sa'ken at sinabunutan ako. Aba sumusobra na ito ah!
"Aray! Bitawan mo buhok ko!"
Pero natatawa ako. Naaalala ko kasi yung itsura nya nung nagulat. HAHAHA!
"Huy! Aba! Kung ayaw nyong matulog, magpatulog kayo!" Sigaw ni Karlo na nasa unahan ng upuan ko.
Napatigil naman ako. Masamang galitin ang inaantok. Kasi nabasa ko sa status ni author, "Mabiro ka na sa lasing. Wag lang sa inaantok." Hihi.
Lumingon ako kay Brobio at iningusan sya. Hmp! Kawawa kaya ang phone ko.
Pero tiningnan nya lang ako ng masama at dumila pa. Aba!
"Ang panget mo!" Madiin na bulong ko.
"Ang baho mo."
"Ang laki ng pimples mo."
"At least sa'ken pimples lang. Eh ikaw? Ilong. Hahaha! The king squidward ft. Neozep!"
"Aba! Kwestiyunin mo na ang kagwapuhan ko wag lang ilong ko. You know. This is from my father. MY father."
"Whatev---"
"Aray!" We both said in unison ng biglang may pumukpok sa amin sa ulo.
"Peste. Sinabing wag maingay!" Napalunok naman ako ng makita si Karlo na nakatingin sa amin ng masama habang may hawak na pamaypay. Peste. Yun pala ang pinalo nya sa amin.
"Oo. Sorna. Si Brobio ayy."
"Anong ako? Ikaw ang nau---"
"Isa pa't isusubo ko na.sa inyong dalawa itong pamaypay na hawak ko. Kung magliligawan kayo, ay di magligawan kayo. Basta magpatulog kayo!" Bulyaw nya sa amin at umayos ng upo.
Pero ano daw?
Magliligawan?
Napatingin kami ni Rosemarie sa isa't-isa at...
"EEEWWWW!!" Sabay na sigaw namin at nag-irapan sa isa't-isa.
Magligawan! Yuck!
---
KARLO POV
Ipinikit ko na lang ang mata ko kahit na may mga isip batang napakaingay sa likod. Magsasawa din yan sa kadadaldal. Tss.
Tiningnan ko ang phone ko pero agad ding napakunot ng wala akong matanggap na reply mula sa kanya. Tss. She's really mad.
Sino?
Aba, secret! Saan kayo nakakita ng gwapong nagsabi kung sino ang crush nya. Haha! Don't me!
Napa-Tsk na lang ako at binuksan ang librong bitbit ko.
Aba. Kahit gwapo ako, mahilig ako magbasa. Syempre, ganyan kapag matalino. Diba?
So dapat magsilbing aral ang kagwapuhan kong ito sa inyo mga readers. Ang gwapo ko eh.
Napakunot naman ako ng noo at saka isinara ang libro at tinakpan ang ilong ko.
English pala ang librong nakuha ko. Ampu!
Gwapo lang ako, readers. Alegorya yung mahilig ako magbasa thingy.
Akala ko exciting na tagalog stories pero ampu! Yun pala ang magiging dahilan ng pagdugo ng utak ko ngayon!