CHAPTER 6

991 Words
MAE POV "ANDITO NA TAYOOO!" Nagulantang naman ako sa sigaw na iyon ni Sherwin at natawa naman ako kay George na diretsong nahulog sa sahig ng bus. "Wengya yang bunganga mo, Sherwin. Ayos na alarm clock." Kamot sa ulong sabi nito saka tumayo mula sa sahig. Napapikit-pikit naman ako at tiningnan ang dalawa kong katabi na tulog na tulog pa rin. Wengya. Hindi pa sila nagising sa sigaw na yun ni Sherwin? Tinapik-tapik ko naman sila at nagising naman agad. "Wengya. Sa tapik nagigising. Sa sigaw ni Sherwin hindi. Ibang klase." Sabi ko. "Abala ka. Kinakasal na kami ni RJ eh." "Heh! RJ ka na naman. Iwanan mo na muna dito sa bus yang RJ mo at magpakasaya ka ngayon." Inis na sabi ko. Nabibitter na naman ako. Leche. "Magsusungit ka na naman. Tara na nga." Sabi ni Angelica at binitbit ang backpack nya. Kinuha ko naman ang bag ko at lumabas na din. Nag-unat pa si Grace ng makababa na kami ng tuluyan sa bus. "Why is it so creepy?" Maarteng tanong ni Mariel at nagtago sa likod ni Samuel. "Sa labas lang yan. Pagpasok natin sa loob, hindi na nakakatakot. May mga arrows tayong susundan para makarating dun sa parang na pagtatayuan natin ng mga tent. So in short, magsisimula na agad ang adventure natin." Na-excite naman ang lahat pero napa-cross arms lang ako. Boring... "So tara na." Akit ni madam. "Wait. You mean, we're gonna walk while carrying this bags?" Napairap naman ako dahil sa maarteng boses ni Lalaine. "Yes. You think we can ride a cab in that place?" Sagot naman ni Ms. Mago na ikinangisi ko. BURN! Hahahaha! Oo nga naman. Makakasakay kaya kami sa sasakyan kung gubat ang papasukin namin? Common sense. Puro puno jan. "Let's go. Dapat nagdala kayo ng yaya kung ayaw nyong magbitbit nyan." Sagot ni Ms. Mago at nauna na maglakad. "Duh? Di ka naman nagsabi noh?" Rinig kong bulong ni Ryka. Nagsisunuran na ang iba habang hinihintay kong maubos sila. Ayokong makipagsiksikan. Nakakasuffocate. Ng kakaunti na lang sila, susunod na sana ako ng makita kong may tinititigan si Zendrick sa itaas na bahagi ng entrance. "Anong problema?" Tanong ko pero kumibit balikat lang sya at umapak sa isang ugat saka hinawi ang mga baging na nakaharang sa itaas na bahagi ng entrance. At nagulat ako ng may mabasa ako dun. 'Hacienda San Roque' "Hacienda?" Tanong ko sa kanya pero hindi sya sumagot at nagtuloy-tuloy na sa pagpasok. Napatingin ulit ako sa karatula at napangiti. Wengya. May Hacienda pala sa gubat. Hahaha! --- Agad na nahiga sa damuhan ang iba habang napapaypay naman sa sarili ang iba. Tirik na ang araw ng makarating kami dito sa parang na pagtatayuan ng mga tent. Pero malilim naman dito dahil napapalibutan ito ng mga puno. Which is ikinamangha ko. Ang ganda dito. "Selfie tayo!" "Haggard, leche!" "Uy, ako dito sa pinakagilid na part hah!" Napairap naman ako dahil sa pinagsasasabi ng iba. Antayo! Uunahin pa ang kung anu-ano kesa magpahinga. 'Why can't you hold me in my street. Why can't I kiss you on the dance floor? I wish that I could be like that. Why can't it be like that. 'Cause I'm yours!!!!!!!!' Napatakip naman ako ng tenga at napangiwi ng isigaw ni Noime ang last part ng kinakanta nya. Hindi na lang ako umimik at lumipat ng pwesto kina Angelica na nakaupo sa damuhan at nagse-selfie. "Sama ka Mae." Yaya ni Grace. "No thanks." Bored na sabi ko at pinamasdan ang kabuuan ng lugar. Ang ganda dito. --- SOMEONE POV Andun na kaya sila? Sana naman nagustuhan nila ang lugar na napili ko para sa camping nila. Siguradong masaya sila ngayon. Pero hahayaan ko namang magsaya sila? Syempre hindi. Panadalian lang ang saya nila. Dahil sa susunod na araw, pahihirapan ko na sila. Ipapadama ko na kung ano ang nararapat sa kanila. Pero hindi ko alam kung kaya ko. Lalo na sa kanya. Hindi ko alam kung kaya ko syang patayin. Hindi ko alam kung kaya ko syang pahirapan. Dahil sa likod ng aking pagpapanggap, naroroon ang katotohanang...  Minamahal ko na sya. Hindi ko alam. Bahala na. --- CHRISTIAN POV "Pa-hotspot daw, bui." Wengya. Bakit ba kasi kinalimutan kong dalhin yung pocket wifi ko? Nangangapa tuloy ako. "Ulol ka. Walang pwedeng charge-an dito. Tatlo lang power bank ko." Sagot sa akin ni Bryan. Na-ulol pa ako. Hays! Ang tanga mo Christian. Mabobored ka tuloy ng wala sa oras. Kung bakit kasi ulyanin ka? Jusko. Ibinalik ko na lang yung cellphone ko sa bag ko at lumapit kay Zendrick. "Bakit ang tahimik mo, 'pre?" Tanong ko agad. "Pare, may napansin ka bang kakaiba sa labas nitong gubat?" Tanong niya habang nakamasid sa malayo. "Kakaiba? Wala naman. Bakit?" "Nasa Hacienda tayo eh." Napakunot naman ang noo ko. "Hacienda?" "Nabasa namin ni Mae sa labas. 'Hacienda San Roque'. Yan yung pangalan. Wala tayo sa gubat 'pre. Nasa Hacienda tayo." "Hacienda? So ibig sabihin, maraming pagkain?" "Gago ka. Pagkain talaga ang inisip mo."  "Eh ano ba?" Nakasimangot na sabi ko. "Parang may kakaiba eh. Kasi, diba sabi gubat? Bakit may parang? Bakit may mga nakapalibot na puno sa parang? Saka pagmasdan mo ang mga puno. Halos lahat Acacia Tree. Ibig sabihin, itinanim yan jan. Saka tingnan mo ang shape. Heart ang shape itong parang. So in short, nasa hacienda nga tayo. Bakit Hacienda? Dapat gubat diba?" Ganong nya at lumingon sa akin. Napatakip naman ako ng ilong dahil sa pinagsasasabi nya. "Hindi kita ma-gets." "Hay. Slow ka nga palang Gago ka. Bakit ba ikaw pa ang kinakausap ko? Lumayo ka nga sa akin." Sabi nya at pinagtulakan ako. Tumayo naman ako at lumayas sa tabi nya pero napatingin ako sa itsura ng parang. Tama nga sya. Acacia tree ang mga punong pumapalibot sa parang na ito. At heart nga ang hugis nito. Napakamot naman ako sa ulo ko at saka napatingin kay madam ng tumikhim sya. "So eto. Magsisimula na tayo ng game. Tatawagin natin itong 'Tent ko, Tayo ko.'" "Ano yun?" "By pair or by thrice. Paunahan sa pagtatayo ng tent na tutulugan nyo. So it's up to your tent para manalo kayo. Kasi may mga tent jan na mahirap itayo. May mga tent naman na ibibuka lang at itatali. So, ayun. Ililista ko ang mananalo at bibigyan ng premyo bago tayo umuwi. So ayun. Ilabas nyo na ang tents nyo para makapagsimula na tayo." Napakamot naman ako sa ulo ko. Ang hirap itayo ng dala kong tent. Bwiset!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD