CHAPTER 7

1018 Words
ZENDRICK POV Hanggang ngayon, nagtataka pa rin ako kung bakit kami nandito. Sabi kasi gubat eh. Baka naman inakala nilang gubat ito. Kasi diba, inaamag na yung karatula sa labas. Tss. Kung bakit kasi sa gubat pa nila naisipang mag-camping. Pwede namang sa simpleng patag na damuhan lang--- "HOY!" Biglang sulpot ni Bryan at binatukan pa ako. "Aray! Bakit ka ba nambabatok!?" Sigaw ko at binatukan din sya. Hmp! Buset na ito. Di naman pinapakelaman. "Ang seryoso mo kasi jan. Mas lalo kang pumapanget." "Heh! Kitang-kita naman sa mukha kung sinong mas panget sa atin." "Cheh! Ang kapal ng kilay mo!" "Ang laki ng ilong mo! Squidward ft. Neozep! Ang panget mo pa." Sabi ko pero binatukan na naman nya ako at saka tumakbo palayo habang nakaharap sa akin. "Huta! Bumalik ka dito, Squidward!" Sigaw ko at hahabulin sana sya pero naalala kong nagtanggal nga pala ako ng sapatos at nakamedyas lang ako. Ayoko naman tumakbo ng nakamedyas noh. That Ewee! Sinamaan ko na lang sya ng tingin pero agad ding napahagalpak ng tawa ng mabangga nya si Rouel na may dala-dalang mga plato at nagliparan ito sa ere. "HAHAHAHAHAHA!!" Tawa ko at napahawak sa tiyan ko. Ang epic, ampu! Hahaha! "Oh ano Bryan? Bakit ba kasi pinapauso mo yang pagtakbo patalikod? Hahaha!" Katyaw ni Tan na lalong ikinataw ko. Nakikita ko kasi ang gilagid nya. Hahaha! "Tatanga-tanga kasi eh. Lagot ka kay Madam Mago nyan. Buti na lang mga plastic itong platong dala ko." Sermon ni Rouel at ipinagpatuloy ang pagdampot sa mga plato. "Hala! Wag kayo maingay kay madam! Ayoko mapi---Aray! Aray!" Hiyaw nya ng biglang sumulpot si Madam Mago at piningot ang tenga nya. Na mas lalong ikinahagalpak ng tawa ko. Ang epic! "Aray!" Daing ko at napahimas sa batok ko ng may tumamang matigas na bagay dito. Napatingin naman ako sa likuran ko pero wala namang tao. Sino namang babato nito? Hayop? Aba bilib na ako dun! Pinulot ko naman iyon at saka inalis ang gomang nakatali sa papel. Ibinuka ko yun at may nakita akong bato na nakabalot sa papel na yun. Kaya naman pala masakit -.- Binasa ko ang nakasulat dun pero may halong kilabot. Paano ba naman. Dugo ang ginamit na panulat dun sa papel. Sino naman gagawa nito? 'Keep your friends CLOSE. But your enemies CLOSER. -Hell' Sinong Hell naman ito? Kailangan pang mamato. Pwede namang sabihin na lang, nanakit pa. Pero bakit dugo pa ang pinangsulat? Nananakot ba'to? Kung nananakot sya. Well! Natatakot ako! Peste. "AHHHHHHHHHH!!!!!" Hiyaw ko ng may biglang humawak sa balikat ko. "Ano ba, Malto? Bunganga mo naman. Tss." Inis na sabi nya sa akin. "Bakit ka ba kasi nangugulat? Nakakainis ka. Papatayin mo ba ako?" "Ang seryoso mo kasi. Ano ba yan?" Nguso nya sa papel na hawak ko. "Ito?" Sabi ko at itinaas iyon. "Wala. Binato bigla sa akin." At ibinigay iyon sa kanya. Binasa naman nya iyon pero hindi ko inaasahan ang reaksyon nya. Ngumisi sya. "Magsisimula na pala sya." Sabi nya at tumingin sa mga mata ko. Pero hindi ko mabasa ang nasa isip nya. "S-sinong sya?" Naguguluhang tanong ko. Hindi nya ako sinagot at umupo sa malaking ugat na inupuan ko kanina. "Maniniwala ka ba kung sasabihin kong, nangyari na ito?" Napakunot naman ang noo ko. "Nangyari?" Naguguluhan ako. "Deja vu. Nangyari na ito twenty years ago at mangyayari na naman ngayon." "H-Huh?" Pucha. Nahahawa na siguro ako kay Christian na sobrang slow. "Find it by yourself. Tinatamad akong magkwento." Sabi nya at saka tumayo at pumunta sa gitna kung saan nagtitipon ang lahat. "W-Wait... A-Aira..."  Pero hindi na nya ako pinansin pa. Anu daw? Paanong deja vu lang ito? Ano ba ang nangyari Twenty years ago? Naguguluhan talaga ako --- "Okay. Dahil nakapagtayo na ng bonfire ang ating naggagwapuhang boy scout---" "KAMI YUUUUNNNN!!!" Biglang sigaw ni Bryan habang ngiting-ngiti at nakataas ang kamay. Proud ka pang letse ka naglagay ka lang naman ng gas. "Dito na. Palibot na kayo dito sa bonfire. Gagawin na natin ang---" "AHHHHHHH!!!!" Nagulantang naman kami ng may biglang sumigaw sa loob ng gubat. "Ano yun?" Takang tanong ng iba. "Kami, tanungin? Magkakasama tayo dito, FYI." Sagot naman ni Karlo. "Go, check it boys." Utos ni madam Mago. Pero walang tumayo maliban sa amin ni Christian. "Boys daw, aba." Sabi ko. "Hoy. Boys daw." Sabi ni Bryan gamit ang boses ng babae. "Tangna ka, Bryan. Hahahaha!!" "Abnormal ka talaga, Bryan. Punta na. Walang matitira ditong boys. Go." "Yah! Bakit pa ba ako naging lalaki? Tss." Nagkakamot sa ulong sabi nya at saka tumayo. Sama-sama kaming pumunta sa loob ng gubat kung saan nanggaling ang sigaw. Sino ba yun? Abala sa activity namin. Tss. "Waahhh! Karlo, natatakot ako." Napangiwi naman ako ng sabihin iyon ni Bryan kaya napalingon ako sa kanya. At nakita ko naman syang wagas kung makalingkis kay Karlo na pilit inaalis ang yakap nya. "P*ta, Bryan. Tigilan mo na yang kabaklaan mong leche ka."  "Sinong may flashlight?" Tanong ni Rouel na nagsisilbing leader namin dito. Yan ang boy scout eh. Kahit payatot. Haha. "Wala." Bored na sagot ko. "Ay ang tanga-.- Bakit hindi kayo nagdala eh ang dilim-dilim dito." Inis na sabi nya. "Nagsabi ka ba?"  "Cheh. Sige. Kukuha lang akong flashlight. Hanapin nyo yung sumigaw." Sabi nya at saka tumalikod sa amin. Malapit pa lang naman kasi kami sa parang kung nasaan ang karamihan. "Tara--- W-Whoah!"  Sa isang iglap, mahigpit kaming nagkayakap-yakapan dahil sa muntik ng pagkahulog ni John Dale. "Ampu! Ang bigat mo John Dale." Reklamo namin. "S-Sandali. Parang mahuhulog kasi ako. P-Parang... T-Teka, bangin ba ito?" "Bangin? Nasaan na ba kasi si Rouel? Yung flashlight!" Inis na sabi ni George. "Sandali. Mababalian na ako ng buto, ang bigat ni John Dale. Hilahin nyo pataas, daliii!"  At ayun, hinila namin sya pataas. Nahihirapan na rin kasi ako kahit nandito ako sa dulo. "Tangina. Bakit may bangin jan? Muntik pang mabawasan ng gwapo sa mundo. Ampu!" "Oh, eo. Flash--- Oh? Anung nangyari sa inyo?" Tanong ng kararating lang na si Rouel ng makita nya kaming mga nakaupo na sa lupa. "Akin na nga yang flashlight mo." Sabi ni Karlo saka hinablot kay Rouel ang flashlight. Bakit ba ang init ng ulo nun? Kanina pa yun ah. Inilawan nya ang parte kung saan muntik ng mahulog si John Dale. "P*ta. Bangin nga! Ang lalim pala nyan. Buti na lang hindi ako nahulog. Woh!" "Delikado pala rito. Balik na tayo. Hindi tayo dito pwedeng magtagal. At saka delikadong maiwan mag-isa ang mga babae dun. Balik na." Sabi nya sa amin at saka tumalikod. "Baka may white lady dito?" Rinig kong sabi ni Bryan na ikinatawa ko. Ang bakla ni Bryan, ampu! HAHAHA!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD