ROUEL POV
"Wala namang tao, madam." Reklamo ni Bryan na taas-noong naglalakad.
Akala mo ang katapang-tapang. Tinalo pa naman si Sherwin kanina. Tss.
"Eh sinong sisigaw dun?"
"Aba malay namin, madam. Magkakasama tayo dito eh." Nakasimangot na sagot naman ni Reymarck.
"Saka, madam. May bangin pala dito. Akala ko ba safe dito." Sabi naman ni Karlo.
"Anong bangin?"
"Precipice. Hehe..." Nakakalokong sabi ni Bryan.
"Sampalin kita." Inis na sabi ni Madam.
"HAHAHAHAHA!!" Tawa ng mga kaklase kong ngayon lang na-gets yung Precipice. Siguro nag-search pa sila sa dictionary.
"Pero di nga. May bangin nga madam at muntik ng mahulog ang gwapong ako." Sabi ni John Dale.
"Gwapo ka?"
"Madam naman eh!"
"HAHA. Sya. Sige. Ipagpatuloy na natin yung activity. Palibot na kayo sa bonfire."
"Pero, madam. Inaantok na kami." Reklamo ni Camela.
"Eh di matulog kayo. At ng wala kayong marka. Remember, kahit na nasa Camp tayo, magmamarka ako."
"Haish! Hanggang anong oras ba yan, madam?" Bagsak ang balikat na sabi ni Shaira.
"Ewan. Kung kelan tayo matapos eh di tapos."
"Hays! Madam! You're so unfair! Inaantok na ako." Sabi naman ni Wilma.
"Eh di matulog nga ni kayo. It's your choice though."
Puro reklamo. Susunod din naman. Tss.
"Tara na nga. Para matapos na ito."
Oh, diba? Susunod din naman. Tss.
"So, katulad ng ginagawa ng iba sa paligid ng bonfire. Magshe-share tayo sa harap nito ng mga secrets natin. Kahit anong secret. At umaasa ako na maaasahan ang bawat isa sa atin sa pagtatago nito. At pagtapos nito, may isa pang activity kaya alam kong hindi kayo mabobored."
"Anong activity naman yan?"
"Secret muna. Mamaya nyo na malalaman. So sisimulan ko na. Ako muna ang magbabahagi ng secret."
Umayos ako ng upo at naghalumbaba habang handa ng makinig kay madam. Aba. Minsan lang ito mag-share ng secret noh.
"May anak na ako."
O____________O
"HO!!!!??????"
"Haha. Joke lang. Kayo naman. Sa ganda kong ito, may anak na? Tsk."
"Madam naman. Masyado kang paasa. Pero akala ko totoo na. Grabe ka, madam." Sabi ni Sherwin.
"Seryoso na nga ni, madam."
"Eto na. Ano. Ganito kasi yun. A-Ano..."
"Madam naman! Inaantok na ako ayy."
"Ano kasi. Iiwan ko na kayo."
"Huh? Saan ka po pupunta?"
"Korea. Lilipat na kasi kami dun."
"Yah! Eh di hindi ka na namin makikita, Madam?" Malungkot na sabi ni Micah.
"Grabe. Hindi naman ako mamamatay ah! Aalis lang ako pero babalik din. Matatagalan nga lang. Kaya okay na rin itong camping natin. Para makasama ko pa kayo." At ngumiti sya.
Wengya. Naiiyak ako.
"Kailan ka ba aalis madam? Eh di wala ng magtuturo sa'men ng Math? Paborito ko pa namang subject yun." Naluluha at madamdaming sabi ni John Dale.
"Wow hah! Hiyang-hiya na talaga ako, Sapsap! Jusko!"
"Next year pa ako aalis."
"YAH! Tungunu! Next year pa pala."
"Hahaha! Joke lang. Next month na."
"Ije nal tteonagane..." Biglang kanta ni Mae.
"Ayan ka na naman Alien ka!" Sigaw naman ni Wilma.
"So ayan! Tapos na ako. Haha. Sino na ang susunod?"
"Sa kaliwa mo na Madam. Para huli ako. Hehe." Sabi ni George.
"Sige ako na." Sabi ni John Dale kaya napasuntok naman sa ere si George.
"Wooohh!! I'm last!"
"Ano kasi. Mahal ko pa sya." Panimula ni John Dale.
"Sino?" Tanong ni Carmina Flores.
"Si Rosalinda."
"Ulol. Hindi mo na ako maloloko." Sagot agad ni Rosalinda.
"Peksman! Cross my heart. Mamatay man si Bryan."
"Hoy! Bakit ako!? Karlo oh!"
"Heh! Inaatake ka na naman ng kabaklaan mo." Sagot agad ni Karlo at sumiksik kay John Dale since magkatabi sila.
"Aray! Ampu! Tumigil nga kayong dalawa!"
Napailing na lang ako. Puro kabaklaan si Bryan. Tinalo pa ako.
"Ako na." Sabi ni Karlo. Sya kasi ang katabi ni John dale.
"Alam ko na yan. Kayo na ni Danah?" Ngising tugon ni Armina.
"Ulol. Wag ka nga Armina!" Sagot naman agad ni Danah.
"Hindi."
"Ah! Crush mo si Ryka?"
"Hindi! Ano ba? Pinapangunahan nyo ako."
"Haha. Hindi na nga ni. Sige na. Ituloy mo na."
"Ano. M-May girlfriend na ako."
"Yown oh! May nakasungkit na pala sa pihikan mong puso! Sino naman ang maswerteng babae? Nakapasok jan sa puso mong puro basketball ang alam?"
"Wala. Hindi sya taga-dito. So ayun! Yun lang ang secret ko. Ikaw na Bryan."
"Wala naman akong aaminin. Good boy kaya ako. Basta takot ako sa white lady. Yun lang."
"HAHA! Di ka na nahiyang ipagsabi yang kabaklaan mo, Bryan!" Tawang-tawang sabi ko.
"Hoy, aba! Hindi ako bakla. Mas gwapo pa nga ako sayo. Hmp!"
"Heh! Squidward ka!"
"Payat ka naman!"
"At least gwapo."
"Tama na nga yan. Ako na." Sabi ni Danah.
"Ano kasi. Haish! Bakit kasi secret pa?"
"Dali na. Inaantok na ako."
"I hate my Dad."
"Why?"
"Kasi iniwan nya kami ni Mama. And because of that, hindi ko naiiwasang mag-isip ng masama kay Daddy. Pero tanggap ko na. At tanggap ko na rin si Ronalie bilang kapatid ko."
"You mean? Half sister mo si Ronalie?"
"Yes. At siya lang rin ang nagsabi. Nung una, syempre nagalit ako pero ngayon, tanggap ko na. Tanggap ko ng pagod na ang mga magulang ko sa isat-isa. At nagpapasalamat ako dun dahil kapatid ko sya. May ipagtatanggol na ako at may magtatanggol na sa akin."
"That's so sweet at hindi ko inaasahang magkakasundo kayo. Kung sa iba kasi, magtatanim sila ng galit to the point na kaya nilang gawin ang mga bagay na pwedeng ikapahamak ng isa. Well, hanga---"
"G-Guys..."
Napalingon naman kami sa likuran namin dahil maay nagsalita.
At nagulat naman kami ng makita namin dun ang duguan at nanghihinang si Aira.
"AIRA!!"