Chapter Seven

3295 Words
Mia's POV Gaya nga ng sinabi ni Ram ay araw-araw niya akong pinupuntahan sa bahay tuwing hapon para kwentuhan. Lagi ko naman siyang dinadala sa mini garden na pinagawa daw ni papa noon para kay mama. Tinotoo niya talagang ikukwento niya sa akin bawat detalye ng naging samahan nila ni Venice. Mga paborito niya.. Mga kinatatakutan niya.. Mga ayaw niya.. Pati mga gestures ni Venice nakwento na niya sa akin. Siguro nga totoo yung sabi nila na kapag mahal na mahal mo talaga ang isang tao ay malalaman mo lahat ng bagay tungkol sa kanya. Kapag nagkukwento si Ram ay parang masayang-masaya siya sa pag-alala sa nakaraan nila ni Venice. Sayang nga lang at nagwakas sa malungkot ang kwento nila. Isa din sa dahilan kung bakit hindi ako tumatanggi kapag nag-aaya siya ay dahil doon sa sinabi sa akin ni Kian noong unang beses ko silang makilala. Bakit naman kaya nasabi niya na hindi na babalik si Venice? Bakit kaya gusto niyang ipamukha ko kay Ram na hindi ako si Venice? Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang sagot sa tanong ko na iyon. Nakaka-enjoy din makinig sa kwento ni Ram kaya okay lang sa akin na kahit parang serye na ang kwento niya sa sobrang haba. May isa lang talaga na bumabagabag sa akin tuwing magkasama kami. Parang nakakaramdam ako ng lungkot at sakit.. Parang may guilt sa puso ko na hindi ko maipaliwanag.. May kung ano sa akin na laging gustong humingi ng tawad kay Ram.. pero syempre hindi ko ginagawa kasi baka mamaya ay lalo niyang isipin na ako si Venice. Halos isang linggo na ring paulit-ulit lang kaming nagpupunta dito sa garden tapos makikinig lang ako sa kwento niya. September 25 noong una kaming pumunta dito at iyon din ang unang beses na narinig ko kung paano nagsimula sina Ram at Venice. October 4 na ngayon at birthday na ni kuya Ken sa susunod na araw. Tapos babalik na siya sa Maynila pagkatapos. Sina Kian ang laging nakakasama ni kuya dahil kasama ko si Ram. Sabi niya tinuturuan niya daw mamingwit yung apat. "Ilang taon ka noong una mong makilala si Venice?" tanong ko matapos niyang magkwento. "Eight.. six naman siya noon," sagot niya. Magkasing-edad lang pala kami ni Venice. "Sabi mo sa akin iniisip mo na ako si Venice, may pagkakatulad ba kami?" tanong ko. Curious lang talaga ako kasi ipinipilit niyang ako si Venice e. Baka marami kaming pagkakatulad. Nasabi na sa akin ni Kian na talagang kamukha ko siya pero bukod don ay wala na siyang nasabi sa akin. "Lahat ng nakikita ko sayo ay nakita ko noon sa kanya," simpleng sagot ni Ram. "Pero ang sabi mo ay eight years lang siya nung magkahiwalay kayo, paano mo naman nasisiguro na magkamukha nga kami? Paano kung iba na ang mukha niya ngayon?" tanong ko pa. "Imposible, Mia.. puso ko mismo ang nagsasabi sa akin na ikaw siya e," Feeling ko sobrang desperado na talaga siyang makita ulit yung Venice na yun. Nakakaawa si Ram na minsan ay pumasok na sa isip kong sabihin sa kanya na ako talaga si Venice kaso alam ko namang hindi ko pwedeng gawin yun dahil lalo lang siyang aasa at masasaktan. "Ram.. kung sakali bang mapatunayan kong hindi ako si Venice, ititigil mo na ba ang mga ginagawa mo?" tanong ko, tumango naman siya. "Pero sigurado ako na ikaw si Venice, kahit pa sinasabi mong hindi, Mia," aniya pa. "Ram.. ayokong umasa ka sa wala kaya sinasabi ko sayo ang totoo na hindi ako si Venice, alam kong nalulungkot ka at matagal mo na siyang hinihintay pero hindi man lang ba sumagi sa isip mo ni minsan na baka kaya hindi na siya bumalik sayo ay dahil nakalimutan ka na niya?," malumanay na sabi ko. Nakita ko namang nalungkot siya at napayuko.. Shocks! Pinagsisisihan ko ng sinabi ko yun. "Ram.. ayokong saktan ka pero kasi.. sa tingin ko kailangan mo na talagang tanggapin na hindi na babalik si Venice sayo dahil hindi naman lahat ng hinihintay ay bumabalik.. gumising ka na lang sa katotohanan na--" Napatigil ako sa pagsasalita ng bigla niya akong hilain tapos sinandal niya yung noo niya sa balikat ko. Nakayuko na siya ngayon.. Dug!Dug!Dug!Dug!Dug!Dug!Dug!Dug! "Stop.. please stop.. sabi ko naman sayo na hayaan mo lang akong ipaalala sayo ang lahat.. hanggang sa sabihin mo sa akin na ikaw si Venice.. at kapag napatunayan kong hindi ikaw siya..," naramdaman kong nabasa ang kamay ko na hawak niya. Gosh! Umiiyak siya. "..ako mismo ang lalayo sayo.. ako mismo ang magsasabi sa sarili ko na hindi na niya ako babalikan.. ako mismo ang magmumulat sa sarili ko upang tanggapin na matagal na niya akong kinalimutan.." sunod-sunod na ang pagtulo ng nga luha niya sa kamay ko at pakiramdam ko ay pinipiga ang puso ko. "..pakiusap Mia.. pagbigyan mo muna ako," he pleaded. Naramdaman ko naman na nag-init ang mga mata ko.. Bakit ba ako naiiyak? Bakit parang masakit sa puso ang makita siyang nalulungkot? Bakit parang kapag nakikita ko ang pagluha niya ay hindi ko na makilala ang sarili ko? Sino ba talaga si Venice at bakit parang nararamdaman ko na ako siya? Alam kong hindi pero bakit ganito? Naramdaman ko na lang na niyayakap ko na pala siya habang umiiyak na din. Ipinikit ko ang mga mata ko at hinayaan ko ang sarili kong yakapin siya. Naramdaman kong yumakap din siya sa akin. "Venice.." usal niya pa habang patuloy na umiiyak. Nanatili kaming nasa ganoong posisyon ng ilang minuto hanggang sa siya na mismo ang kusang kumawala sa yakap namin. Pagkatapos nun ay inihatid na siya ako sa bahay at umuwi na rin siya. Si kuya naman ang nagtali kay susana sa puno dahil masakit daw yung rayuma ni lolo Isko. Ako naman ang naghahanda ng hapunan ngayon. At parang lumilipad ang utak ko. Bakit ba bigla ko na lang siyang niyakap kanina? Hayyyy.. Sana lang talaga maintindihan niya ng hindi ako si Venice para hindi na siya lalong mahirapan pa. Bakit ba naman kasi hindi na lang sabihin ni Kian kung bakit hindi na makakabalik si Venice. E di sana ako na mismo ang nagsabi nun kay Ram para tapos na. Gusto ko sanang tanungin si Kian kaso hindi ako makakuha ng timing. Huli ko siyang nakausap ng solo ay noong last month pa nang pumayag ako sa favor niya. Ang weird naman kung aayain ko siyang mag-usap ng dalawa lang kami sa harap ng mga kaibigan niya at ni kuya baka kung ano pang isipin nila. "Apo, anya't pampanunutem?" (Apo, anong iniisip mo?) tanong ni lolo na nakaupo sa papag. "Panpanunutek lo nu apay nag rigat nga lipaten iti maysa nga tau iti ay-ayatenda," (Iniisip ko lo kung bakit ang hirap kalimutan ng mga tao ang mahal nila) sagot ko. Napaayos naman ng upo si lolo. "Si Ram kadi ti kayat mo asawen?" (Si Ram ba ang ibig mong sabihin?" tanong pa ni lolo. "Maasi-akla gamen kenkwana lolo, makitkitak nga marig-rigatan la unay isunan gapu keni Venice, uray ibagag kanyana nga sabali ak kenni Venice, ipappapilit na latta nga may-maysa kami," (Naaawa lang kasi ako sa kanya lolo, nararamdaman ko na nahihirapan na siya ng sobra dahil kay Venice, kahit sabihin ko sa kanya na iba ako kay Venice, ipinipilit niya pa rin na iisa kami) wika ko. "Ay-ayaten na la unay gamin dadiyay nga balasang apok," (mahal na mahal niya kasi ang dalagang yun apo) ani lolo. "Ammuk met dayta lolo, isu ngarud nga maas-asinak kenyana ta inayat na ti maysa nga tau nga haan met nga para kenkwana," (alam ko naman yan lolo, kaya nga ako naaawa sa kanya kasi minahal niya ang isang tao na hindi naman para sa kanya) sabi ko. "Ganyan talaga ang buhay, Mj.. minsan may mga taong dumarating sa buhay natin hindi para manatili kundi para bigyan lang tayo ng panandaliang kasiyahan, ngunit hindi man sila manatili ay may isang tao pa rin na magpaparamdam sa atin ng saya na higit pa sa kaya nating ibigay at iparamdam.. sila yung tao na ibinigay ng Diyos para makasama natin habang buhay," mahabang litanya ni kuya na kararating lang. "Para namang ang dami mong alam sa love kuya e wala ka namang girlfriend," biro ko pa sa kanya. "Tss.. binabase ko lang kay Ram.. hindi ko alam kung anong meron sa inyo dahil napapansin kong madalas kayong umalis ng magkasama nitong mga nakaraan, Mj.. be careful okay?" ani kuya. "Wag kang mag-alala kuys sumasama lang naman ako kay Ram para patunayan sa kanya na hindi ako si Venice," paliwanag ko. "Sige na.. kumain na tayo," singit ni lolo. Nagkwento ng kung ano-ano sina kuya at lolo habang kumain kami. Nakikinig lang ako sa kanilang dalawa dahil puro trabaho lang naman ang pinagkukwentuhan nila. Babalik si kuya ng Maynila pagkatapos ng kaarawan niya kaya sigurado ako na maghahanda si lolo Isko para sa kanya kahit pa hindi kami sanay na mag-celebrate ng kaarawan namin. Pagkatapos kumain ay ako ulit ang naghugas at nagligpit ng pinagkainan namin dahil yun lang naman ang pinagagawa nila sa akin. Pasaway lang talaga ako minsan kaya nagsasalansan ako ng kahoy at nangunguha ng gatas kay susana. Pero ngayon ayoko ng lapitan si susana dahil sa kataksilang ginawa niya sa akin. Bata pa lang ay ayaw na nilang naggagagalaw ako dahil sa sakit ko. Madalas kasi noong mahirapang huminga at hinihimatay din ako noon. Sabi nila lolo ay nagkaroon ako ng rheumatic fever noong baby pa lang ako. Kaya madalas din noong sumakit ang katawan ko at halos hindi rin ako makabangon. Nagkaroon din ng damage ang puso ko dahil sa sakit ko na yun. Sabi noon ng doktor na tumitingin sa akin ay wala na daw akong pag-asa pang mabuhay. Siguro nasa 12 to13 years ako noon. Mula noon ay hindi na ako pinalabas ng bahay nina lolo at kuya. Isa din ako sa dahilan kung bakit umalis ng probinsya si kuya at nagtungong Maynila para magtrabaho at humanap ng pera para sa akin para makapagpa-opera ako. Noong nakahanap siya ng trabaho doon sa tulong nung boss niya ngayon ay gusto na niya kaming kunin doon sa Maynila pero dahil mahirap ang kondisyon ko ay hindi rin kami makasunod doon. May nakakabit kasi sa akin na oxygen noon kasi kapag walang tulong nun ay hindi na ako makakahinga. Mabuti nga ngayon dahil kaya ko ng mabuhay ng wala yun. "Susunduin ka na naman ba ni Ram ngayon?" tanong ni kuya sa akin. Nakaupo kami ngayon dito sa labas ng kubo. Umalis naman si lolo para painumin na naman yung taksil na kalabaw. "Siguro kuys.. hindi naman siya nagsabi na susunduin niya ako kahapon," sagot ko. "Mj.. anong tingin mo kay Ram?" napatingin ako kay kuya sa tanong niya. "Anong ibig mong sabihin kuys?" takang tanong ko. "Syempre.. madalas mo na siyang kasama kahit pa kakikilala niyo lang halos isang linggo.. napansin ko na nitong mga nakaraan ay halos siya n rin ang bukambinig mo," sabi na pani kuya. "Hay nako kuys.. sinabi ko naman sayo na naaawa lang ako sa kanya dahil umaasa siya sa taong hindi naman na babalik sa kanya.. kaya ako sumasama sa kanya ay para patunayan na hindi ako si Venice at na hindi na babalik si Venice," mahabang litanya ko. "Paano kung mali ka Mj.. paano kung isang araw ay bumalik yung babae sa kanya tapos sa araw na yun ay may gusto ka na kay Ram.. paano kung masaktan ka pagdating araw?" tanong pa ni kuya kaya natawa ako. "Bakit ka tumatawa diyan?" "Kasi naman kuya ang lawak naman ng imahinasyon mo.. bata pa ako para makaramdam ng love amd affection tapos isang buwan lang sila mamamalagi dito sa probinsya kaya paano naman narating imagination mo ganyan kalalim na bagay?" natatawang sagot ko. "Mj.. walang pinipiling oras, araw o edad ang pagmamahal.. hindi mo masasabi na hindi ka mahuhulog sa kanya sa loob ng isang buwan lalo na at madalas kayong magkasama, kahit pa sabihin mong deysi-otso ka pa lang alam nating nasa tamang edad ka na para magmahal," pangaral niya pa. Halos 16 years din akong nakakulong lang sa bahay kaya wala talaga akong alam sa pag-ibig. Bukod kasi kina kuya at lolo ay tatay ko lang ang nakilala kong lalaki sa loob ng 16 years. Noong isang taon lang ako nakakalabas na ng bahay tapos puro lolo at angkel lang din naman ang nakikita at nakakausap ko. Sina Ram pa lang ang halos kaedad kong nakausap ko. Pwedeng tama si kuya na nasa edad na ako para umibig pero napaka-imposible naman sigurong magkagusto ako kay Ram kasi nakakulong ang puso niya para sa iba.. Sa babaeng kamukha ko lang pero hindi ako. "Alam mo kuys.. ikaw ba nagkaroon ka na ng girlfriend?" curious na tanong ko at nagkunot naman siya ng noo. "Bakit naman bigla ka na lang nagtatanong ng ganyan?" parang nahihiyang tanong ni kuya. "Hahahaha. Grabe nagba-blush ang kuya ko! Ang gwapo-gwapo niya!!" pang-aasar ko pa at lalo siyang namula. "Bakit ka namumula diyan kuys ah?" sunundot ko pa ang tagiliran niya. "Wala!" angil ni kuya. "Sagutin mo na kasi ako kuys," pamimilit ko. "Fine.. may babae na akong nagugustuhan pero hindi ko pa siya maligawan," napapabuntong hiningang sagot ni kuya. "Bakit hindi mo ligawan kuys?" "Kasi masyadong matataas ang mga pangarap niya at pakiramdam ko hindi niya yun maabot pagkasama ako," bigla tuloy akong nalungkot para sa kapatid ko. "Ang galing mo advise-an ako ng tungkol sa love pero hindi mo kayang mag-advise para sa sarili mo," "Oo na," "Pero kuya.. bakit mo naman nasabi na baka magkagusto ako kay Ram? Kung sakali bang magustuhan ko siya.. ayaw mo?" interesadong tanong ko. "Ayoko lang masaktan ka kapatid ko.. ikaw na mismo ang nagsabi na mahal na mahal ni Ram si Venice kahit pa sabihin natin na sa ngayon ay si Venice ka para sa kanya.. darating ang araw na mapagtatanto niya na magkaiba kayong dalawa," wika ni kuya. "Yun nga ang gusto ko kuys e.. na maisip niya na hindi talaga ako si Ven--ahh," napatigil ako sa pagsasalita at napahawak sa puso ko. Dug! Dug! Dug! Dug! Aray! Bakit ang sakit ng puso ko? Pakiramdam ko pinipiga ito ngayon.. Naramdaman ko ang paglapit ni kuya Ken sa akin at ang paghawak niya sa magkabilang braso ko. May sinasabi din siya dahil nakikita kong bumubuka ang bibig niya pero hindi ko marinig. Dug! Dug! Dug! Dug! Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko dahil pakiramdam ko ay hihimatayin ako sa sobrang sakit. Pumikit ako at naramdaman kong may bumuhat sa akin. Akala ko si kuya pero pagmulat ko ng mga mata ko ay tumatakbo lang siya pasunod sa amin ng taong bumuhat sa akin. Nang tingnan ko kung sino ang taong ito, kitang-kita ko ang pag-aalala sa mukha niya.. Bakit siya nag-aalala sa akin? Bakit may nakikita akong takot sa mga mata niya? Dug! Dug! Dug! Dug! Naramdaman ko ang dahan-dahang pag normal ng t***k ng puso ko.. Biglang gumaan ang pakirandam ko ng makita kong buhat ako ni... Ram. "Don't worry, from now on.. I'll protect you," "Don't worry, from now on.. I'll protect you," "Don't worry, from now on.. I'll protect you," Paulit-ulit na nagplay sa utak ko ang mga salitang yun.. Sino ang nagsabi nun? Bakit parang pamilyar sa akin ang boses niya? Bakit parang nangyari na dati sa akin ito? "I'll protect you Venice," "Ashren.." Ram? Bakit ko naririnig ang boses ni Ram? Dahan-dahang bumalik ang pandinig ko. "We need to get her to the hospital!" binuksan ni Iyen yung pinto ng van nila. Ngayon ko lang napansin'to kasi nakaparada sa medyo tagong parte ng bakuran nila. "Mj! Sagutin mo naman ako.. ayos ka lang ba?" nag-aalala talagang tanong ni kuya. Huminga ako ng malalim. Normal na ang t***k ng puso ko. Maayos na rin ang paghinga ko. Wala na yung sakit na kanina ay nararamdaman ko. "A-ayos na ako," sambit ko ng akmang papaandarin na ni Kian yung sasakyan. "s**t! Thank God you're okay, Venice," naramdaman ko na lang na yakap na ako ni Ram. "H-hindi nga ako si Venice," wika ko. "Ayos ka na ba talaga Mia?" nag-aalalang tanong din ni Yahen na nasa may harapan. "Oo, ayos na ako," nakangiting sagot ko. "Grabe! Pinakaba mo kami.. may sakit ka ba, Mia?" tanong naman ni Iyen na nasa likuran ko. "Are you sure you're okay? We can get you to the hospital," si Kian. "Ayos na ako.. hindi na kailangang dalhin sa hospital," usal ko pa. "Sige.. magpahinga ka na lang sa bahay Mj.. huwag ka na munang magkikikilos dahil baka hindi makabuti sayo," ani kuya. Inalalayan naman akong bumaba ni Ram na hindi pa rin nagsasalita mula ng yakapin niya ako kanina. Nang makapasok kami ay inalalayan din naman ako ni kuya pahiga. Nakatingin lang sina Ram at Kian sa akin kaya medyo naiilang na ako. Nasa labas naman na sina Jayden, Yahen at Iyen. "May sakit ka ba?" tanong ni Kian sa akin. "Wala na," sagot ko. "What do you mean by wala na? Dati ba meron?" tanong pa niya. Tumingin naman ako kay Ram na nakatitig lang sa akin at hindi nagsasalita. "Nagkaroon kasi ng rheumatic fever dati si Mj pero wala na ngayon," si kuya ang sumagot. "Rheumatic fever? You mean yung magkakaroon ka ng damage sa puso at nakakaramdam ka ng p*******t sa katawan?" kunot noong tanong ni Kian. "Ganun na nga," sagot pa ni kuya. "Don't stress yourself too much, hindi muna tayo lalabas ngayon.. take some rest, Mia," ani Ram saka naunang lumabas. Bakit kailangan niya pang diinan yung pangalan ko? Saka bakit parang ang lungkot niya? Dahil ba nahirapan akong huminga? "Hindi ka pa ba aalis, Maki?" tanong ni kuya. "Are you shooing me, Kenny?" tanong naman ni Kian. "Tss, ang sungit mo talaga kahit kailan," natatawa pang ani kuya. "Because I'm not like Miro.. can I talk to your sister for a while bago siya magpahinga?" tanong niya pa. "Fine, huwag mo lang tagalan para makapagpahinga na siya," sabi pa ni kuya saka siya lumabas. Naupo naman si Maki sa may dulo ng papag. Nakatingin lang siya sa akin at hindi nagsasalita. Kanina si Ram.. Ngayon siya naman? Bakit ba nila ako tinititigan? "Delikado ang rheumatic fever, Mia," panimula niya. "Sigurado akong sumasakit ang katawan mo parati at pwede ka ring atakehin sa puso," usal niya. "Magaling naman na ako," sabi ko. "Magaling ka na? Paano ka gumaling?" kunot noong tanong niya. "Ewan ko.. basta ang sabi ni lolo may tumulong daw para gumaling ako," sagot ko. Kumunot naman ang noo niya. "You don't know?" "Oo, kasi tatlong araw akong comatose noon bago ako gumaling," "Hmm.. sige, magpahinga ka na," sabi niya pa saka tumayo. "Teka Kian.." pigil ko sa kanya ng akmang tatalikod na siya. "Bakit mo ako tinatanong tungkol sa naging sakit ko?" takang tanong ko. Kasi naman di ba? Kung ang itatanong niya ay okay lang ba ako o okay na ako mas maayos pa yun.. Kaso bakit niya ako tinatanong tungkol sa sakit ko at kung paano ako gumaling? Ganun ba kapag concern ang isang tao sa Maynila? Imbes na itanong kung ayos lang yung may sakit.. Itatanong kung anong sakit? "Nothing, I just want to know if I am right with my suspicions," sagot niya saka siya ngumiti at tinalikuran ako. "Nothing, I just want to know if I am right with my suspicions," Anong ibig niyang sabihin? Suspicions? Anong pinagsususpetiyahan niya? Ako? Ako ba? Ano bang ibigsabihin ni Kian? Please don't forget to Vote, Comment and Follow!! Thanks a lot!! [MisterYoos_06]
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD