Rameigh's POV
Parang tumatalon ang puso ko sa tuwa dahil sa pagpayag ni Veni--Mia na lumabas kami mamayang hapon. Kahit na paulit-ulit niyang itanggi na siya si Venice ay naniniwala pa rin ako na iisa sila.
I just need to make her admit it. I'll do everything just to be with her. Kahit pa maghintay ulit ako ng panibagong sampung taon.
She's denying it repeatedly but something in her eyes is telling me not to believe her. Dahil yung nararamdaman ko noon kapag kasama ko si Venice ay nararamdaman ko kapag kaharap ko si Mia.
Kailangan niya lang akong maalala at handa akong gawin ang lahat para doon. Kung kinakailangang ikwento ko sa kanya ang bawat detalye ng nakaraan namin noon ay gagawin ko.
Nakangiti akong naglakad palapit sa mga kaibigan ko. Sila na lang ang nandoon. Nakatayo sila doon sa ilalim ng puno ng akasya. Siguro nagpainom na ng kalabaw si lolo Isko.
"What's with the ear to ear smile?" tanong ni Yahen ng makalapit ako ng tuluyan sa kanila.
"Baka pinansin na ni Mia," si Iyen.
"Did she admit it.. that she's your first love?" tanong naman ni Jayden.
"C'mon Ram.. tell us what happened?" pagmamadali pa ni Iyen.
"Paano siya makakapagsalita kung dadaka ng dada diyan, popcorn?" singhal naman ni Maki.
"Shut it, dwarfy!" singhal naman ni Iyen pabalik.
"Guys.." pananaway ni Yahen.
Nagsalita na ako ng tumahimik sila.
"She agreed to go out with me this afternoon," ngiting-ngiting sabi ko.
"Woah!" Yahen.
"Talaga?" Jayden.
"So.. it's a date!!" excited na sabi ni Iyen.
"Hindi porket pumayag siyang sumama kay Rameigh mamayang hapon ay date nang matatawag yun," sabat naman ni Maki.
Sabagay, tama nga naman siya. Maybe she just want me to stop annoying her kaya siya pumayag.
Hayst..
Pero ayos lang..
Kahit na mahirapan pa akong paaminin siya ay gagawin ko pa rin lahat para sabihin niya sa akin na siya si Venice.
Gagawin ko lahat para maalala niya ang mga salitang ipinangako namin sa isa't isa. Walang sukuan Rameigh.. walang sukuan.
"Anong ginagawa mo?" tanong ni Jayden ng mag-hwaiting sign ako.
Naglalakad na kami ngayom dito sa palengke nila sa probinsya. Grabe, malayong-malayo sa masikip at mainit na palengke sa Maynila. Maingay din naman dito pero hindi ganon ka-sikip. May espasyo para malakaran.
"Wala naman," simpleng sagot ko.
Namasyal kami sa palengke, sa mga malls at iba pang mga lugar na sa probinsya lang makikita. Walang dagat dito pero maraming mga ilog. Tricycle lang ang sinasakyan namin papunta sa mga destinasyon namin.
Sa isang turo-turo na rin kami tumigil para kumain. Sina Maki at Jayden ang pumili ng kakainin namin. Naupo na lang kami nina Yahen at Iyen para hintayin sila.
"Manong, dayo kay ditoy?" sabi nung bata na bigla na lang lumapit sa amin.
"Huh?" takang tanong ni Iyen.
"Madi kay makaawat iti iloko?" sabi niya na naman.
"Pasensya na bata.. hindi ka namin maintindihan e," wika ni Yahen.
"Kung ganon ay taga-syudad po kayo?" tanong nung bata.
"Oo, sa Maynila kami nakatira," sagot ko.
"Wow! Alam niyo po bang pangarap kong makapunta ng Maynila," masayang sabi nung bata.
"Talaga? Bakit naman?" tanong ko.
"Oo nga bata, hindi mo ba alam na sobrang delikado sa Maynila.. mausok at talamak din ang krimen sa maraming parte ng Maynila," sabi pa ni Iyen.
"Alam ko po.. pero nandun kasi ang mga magulang ko, gusto ko po kasi silang makita at tanungin," bigla namang nalungkot yung bata.
"Tanungin? Tungkol saan?" takang tanong ni Yahen.
"Gusto ko po silang tanungin kung bakit nagawa nila akong iwan ng mag-isa dito sa probinsya at kung bakit po mas pinili nilang mabuhay ng hindi ako kasama," nalungkot naman ako dahil sa sagot nung bata.
"Bata, anong pangalan mo?" tanong ko.
"Rafael po.. pero Apeng na lang po ang itawag niyo sa akin," pakilala nung bata.
"Ako naman ni kuya Ram," pakilala ko din.
"Ako naman si kuya Yahen at siya si kuya Iyen," turo ni Yahen kay Iyen.
"Kung iniwan ka ng mga magulang mo, sinong kasama mo ngayon?" tanong ni Yahen.
"Lolo at lola ko po saka yung dalawang tito ko at yung kapatid kong bunso," sagot ni Apeng.
"May pamilya ka naman pala, Apeng e.. bakit gusto mo pa ring hanapin ang mga magulang mo?" tanong ko, sakto namang dumating sina Jayden at Maki.
"Sino yang batang yan?" tanong ni Maki.
"Si Apeng," sagot ni Iyen.
"Bakit siya nandito?" tanong naman ni Jayden.
"He was just talking to us," sagot ko naman. " Anyway, Apeng.. kumain ka na ba?" tanong ko at tumango naman yung bata.
"Mauuna na po ako sa inyo, marami pa po akong gagawin," paalam niya saka siya nakangiting tumalikod sa amin.
"Kawawa naman siya 'no?" usal ni Iyen habang nakatanaw sa bata.
"Bakit?" tanong ni Jayden.
"His parents left him and he was left with his grandparents and uncles and a little sibling," sagot ko.
"Hindi naman pala nakakaawa e, at least may pamilya pa rin siya," wika ni Maki.
"Hayst!! Grabe bato talaga ang puso ng isang 'to," angil pa ni Iyen.
"Tama na yan, kumain na lang tayo," saway sa kanila ni Yahen.
Kumain na lang kami ng tahimik.
Kung iisipin hindi naman sobrang kawawa si Apeng. Tama naman si Maki, at least he still has his family. Yung lolo at lola niya, mga tito niya at yung kapatid niya. Kahit hindi niya kasama yung nanay at tatay niya, hindi pa rin siya nag-iisa.
Alas-dos ng tanghali ng umuwi kami dahil pagod na daw si Iyen. Akala nga namin hindi na siya mapapagod e. Pagdating namin sa bahay ay dumeretso kami sa kanya-kanya naming kwarto. Nagpahinga lang ako saglit at saka ako naligo. Simpleng white t-shirt lang at maong shorts ang isinuot ko. Nagpabango din ako.
Tinitigan ko pa ang sarili ko sa salamin ng ilang minuto. Ngumiti ako sa sarili ko saka ako lumabas ng kwarto at bumaba. Nanonood ng anime sina Maki at Yahen sa laptop na dala ko.
"Aalis na muna ako," paalam ko sa kanila.
"Where are you going?" tanong ni Maki.
"May usapan kami ni Venice este ni Mia," sagot ko.
"Good luck brad!!" Ani Yahen.
"Thanks!"
Pagkatapos nun ay lumabas na ako at naglakad papunta kina Mia. Nakita ko naman si lolo Isko na itinatali yung kalabaw niya kaya hindi na ako gaanong lumapit.
Geez. I really hate those horny creatures!
Napangiti siya ng mapansin ako.
"Aba'y napakagwapong binata naman ng nakikita ko," biro pa ni lolo.
"Naman lolo," natatawang sabi ko naman.
"Saan ba ang lakad binata?" tanong pa ng matanda.
"Ilalabas ko po sana si Mia," sabi ko.
I should get use to calling her Mia dahil hindi naman niya ako pinapansin kapag tinatawag ko siyang Venice.
"Ilalabas mo ang aking apo?" takang tanong ni lolo.
"Opo sana lolo, may gusto lang po akong sabihin sa kanya," sabi ko pa.
"Sige.. pero iingatan mo ang aking apo, Ram..," paalala ni lolo.
Tumango naman ako at nagpaalam. Tumungo ako sa bahay nina Venice at nakita ko siyang nagbabasa.
"Hi," bati ko.
"Anong ginagawa mo na naman dito?" kunot-noong tanong niya.
"Hindi ba pumayag kang sunduik kita ngayong hapon?" tumaas naman yung kilay niya saka niya ibinaba yung librong hawak niya.
"Pumayag ako saan? Kailan naman ako pumayag?" kunot noong tanong niya pa.
"Kaninang umaga, kaninang naghuhugas ka at nag-aayos ng pinggan," ani ko.
"Binibiro lang kita kaninang umaga," sabi niya pa saka bumalik sa pagbabasa.
Nalungkot naman ako dahil sa sinabi niya. Bakit naman ganun siya magbiro? Tumalikod na lang ako at maglalakad na sana kaso bigla siyang nagsalita kaya tumigil ako.
"Bakit nakasimangot ka na diyan? May saltik ka rin ano? Ilang sandali lang nakangiti ka ng abot tenga tapos bigla ka na lang sisimangot at malulungkot,"
"Ikaw ang may kasalanan kung bakit pabago-bago ang emosyon ko," sagot ko naman sa kanya at saka humarap.
Nakababa na ang librong binabasa niya at nakaupo na siya paharap sa akin. Hindi siya nakangiti pero napakaganda niyang tignan. Paano ko paniniwalain ang sarili kong hindi ikaw si Venice kung bawat kilos mo ay nagsasabing iisa kayo?
"Ano bang sinabi ko sayo kaninang umaga?" tanong niya pa.
"Sabi mo sasamahan mo ako ngayong hapon at ikukwento ko sayo ang nakaraan nati--"
"Nakaraan niyo ni Venice, Ram.. kayo ni Venice ang may nakaraan.. tayo? Wala," putol niya sa sinasabi ko.
"Fine.. basta sumama ka sa akin, marami akong gustong ikwento," sabi ko pa.
"Sige.. sasamahan kita at ipapakita kong hindi ako si Venice," sabi niya pa saka tumayo.
White na bestida ang suot niya. May manggas ito na hanggang siko.
Simple pero elegante.
"Let's go?" nakangiting aya ko.
Dahil hindi ko naman kabisado ang probinsya nila ay si Mia ang pumili ng lugar na pupuntahan namin para mag-usap. Kahit saan naman niya ako dalhin ay ayos lang basta kasama ko siya.
Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa lugar na sinasabi niya dahil abala ako sa pagtitig sa kanya. Nang ilibot ko ang paningin ko ay halos tumulo ang laway ko sa pagkamangha sa lugar na pinagdalhan niya sa akin.
May ganito palang lugar sa Pilipinas?
Para itong yung flower garden sa Japan. Ang pinagkaiba lang ay halos pare-parehas ang nakatanim na bulaklak pero napakaganda talaga. Nakahilera ang mga rosas at mga gumamela.
"Maganda ba?" nakangiting tanong niya.
Dug! Dug! Dug! Dug!
Nakita ko naman na siyang ngumiti pero iba ang epekto nito sa akin ngayon. Parang may kung ano sa tiyan ko na lumilipad.
"Sobrang ganda," sagot ko habang nakatitig sa kanya.
"Alam kong maganda ako pero ang mga bulaklak ang tinatanong ko kung maganda," inginuso niya pa sa akin yung mga bulaklak.
"Maganda yung mga bulaklak pero mas maganda ka," ani ko.
Naglakad na naman siya kaya sumunod ako. Naupo kami sa ilalim ng isang malaking puno ng mangga.
"So.. ano na yung ikukwento mo sa akin?" tanong ko habang nakatanaw sa mga bulaklak.
"Saan mo ba ako gustong magsimula?" balik tanong ko.
"Ikaw ang bahala.. makikinig lang ako at saka ko sasabihin sayong muli na hindi ako ang babaeng tinutukoy mo," deretsong sagot niya.
Bumuntong-hininga ako saka sumandal sa puno.
Inalala ko ang lahat simula sa unang pagkikita namin ni Venice..
I was eight that time and as a child I'm playing with my only best friend Maki. Hindi ko nga maisip kung paano ko siya naging best friend dahil sa sobrang sungit niya at napakatahimik niya pa. Tapos bigla-bigla na lang susulpot at mawawala. Gaya ngayon..
"Makiiiii!!" tawag ko sa pangalan niya pero hindi ko pa rin siya makita.
Nasaan na naman ba ang isang yun?
"Huhuhuhu," napalingon ako sa may loob ng kwarto ng may marinig akong umiiyak.
Hindi naman siguro ghost yun di ba?
Nasa bahay kasi kami ng friend ni mimi. Nandito kami sa backyard nila para maglaro ni Maki kaso bigla siyang nawala.
Hindi ko napansin na may isa palang kwarto dito. Parang basement ba?
Lumunok ako at dahan-dahang naglakad palapit doon..
"Huhuhuhu,"
Nang hawakan ko yung knob ay parang tumayo lahat ng balahibo ko sa katawan. Syempre bata pa lang ako at madaling matakot.
Nang makaipon ako ng lakas ng loob ay dahan-dahan kong pinihit ang seradura at pagbukas ko ay nakita ko ang isang batang babae at.. si Maki?
"Don't cry, Ven," pang-aalo ni Maki dito.
"Bakit ba ang bad nila sa akin, Kian? Huhuhu," umiiyak pa ring sabi nung batang babae.
"Tahan na.. Ven, tumahan ka na please?" pagpapatahan pa ni Maki.
"Kian.. kailan kaya nila ako titigilan? Kapag ba nakita ko na ang real mommy ko, magiging good na sila sa akin?" mangiyak-iyak pa ring tanong nung batang babae.
"Venice.. hayaan mo kapag lumaki ka maiintindihan mo din lahat.. wag kang mag-alala, lagi lang akong nandito para sayo," wika ni Maki.
Niyakap naman nung batang babae si Maki..
Nang maghiwalay sila ay isasara ko na sana ang pinto pero huli na dahil nakita na nila ako.
"What are you doing here, Rameigh?" tanong Maki kaya pumasok na ako.
"Hinahanap kita kasi iniwan mo ako doon," nakangusong sagot ko.
"Kian.. sino siya?" tanong nung batang babae habang nakatingin sa akin.
"Ahh.. siya si Ashren Rameigh kaibigan ko..," pakilala ni Maki sa akin. "Ram, siya si Venice.. she's my princess," pakilala naman ni Maki dun sa batang babae.
Venice pala ang pangalan niya..
Ang ganda..
"Hi Ashren," nakangiting sabi nung batang babae.
"Hello," sagot ko.
"Maiwan ko muna kayo dito Ram, may kailangan lang akong gawin," paalam ni Maki.
Sasabihin ko pa sanang sasama ako kaso bigla na lang siyang tumakbo palabas ng pinto. Nung habulin ko naman siya sa labas ay hindi ko na siya naabutan kaya wala na akong nagawa kundi magpaiwan kasama ni Venice.
May swing sa backyard nila kaya doon na kaming dalawa naupo. Tahimik lang siya habang iniuugoy ang sarili.
"Bata.." tawag ko sa kanya. Tumingin naman siya sa akin na parang natatakot.
"Aawayin mo din ba ako?" tanong niya na parang naiiyak na naman.
"Ha!? Naku! Naku! Hindi!" agarang sagot ko naman saka ako napatayo at lumapit sa kanya. "Saka bakit naman kita aawayin?" tanong ko.
"Kasi ampon lang ako," malungkot na sagot niya.
Eh?
"Ampon ka?" pag-uulit ko at tumango naman siya. "Kaya ba umiiyak ka kanina?" tanong ko pero tango lang ulit ang isinagot niya. "Don't worry, I can be your friend," nakangiti kong inilahad ang palad ko sa harap niya.
"Ano yan?" tanong ni Venice.
"Kamayan mo ako kung gusto ko akong maging kaibigan," nakangiti kong sambit. Agad naman niyang inabot ang kamay ko at kinamayan ako.
Nakangiti na siya ngayon..
Hindi na siya umiiyak..
"Dahil kaibigan mo na ako.. simula ngayon ay poprotektahan na kita mula sa mga umaaway sayo, sisiguraduhin kong hindi ka na ulit nila paiiyakin.. pangako yan Venice," sabi ko pa.
"Salamat Ashren," wika niya pa.
Napakasaya ko noong araw na maging kaibigan ko si Venice. Sabay na kaming pumasok noon sa loob ng bahay kasi hindi naman na kami binalikan ni Maki. Ang sabi ni mimi ay nauna na daw umuwi si Maki kasi tinawag siya ni Miro.
"Kung ganon ay si Kian ang dahilan kung bakit mo nakilala si Venice?" tanong ni Mia.
"Oo," maikling sagot ko.
"Nasabi sa akin ni Kian na kaya daw umalis si Venice ay dahil kinuha siya ng tunay na nanay niya," usal niya kaya kunot noo akong napatingin sa kanya.
Si Maki?
"Nag-usap kayo ni Maki? Kailan?" takang tanong ko.
"Basta.." maikling sagot niya.
"Mia.. wala ka ba talagang naaalala?" tanong ko ulit.
"Sinasabi ko na sayo, Ram.. hindi nga ako si Venice kaya kahit anong pagkukwento ang gawin mo ay wala akong maaalala," sagot niya.
"Hindi ako susuko, Mia.. kung kinakailangang araw-araw kitang puntahan at kwentuhan ay gagawin ko until you admit that you're Venice," desedidong ani ko.
"Ram.. sana talaga hindi ka lalong umasa at mabigo diyan sa mga pinag-gagagawa mo," aniya.
"Hindi ako mabibigo, Mia.. I'm going to visit you everyday just to tell you our story," matigas na sagot ko.
Hindi na siya sumagot at tumitig na lang sa papalubog ng araw. Kahit na wala kami sa dagat ay nakikita namin ang paglubog ng araw. Mas maganda talaga dito sa probinsya.
Tumitig na lang din ako kay Mia na nakatingin lang sa mga bulaklak. Hindi man siya nakangiti ay payapang tingnan ang mukha niya. She was still the Venice I met ten years ago..
She was still the girl I wanna marry.
I'll mark this date..
September 25, 2019..
The day I started my mission to make Venice remember everything..
And until the last date of my life..
I will never give up on her.
A/N: Readers, title lang po yung date pero this 2020 ko po isinulat itong story.
If you have any question about my story don't be afraid to message me..
Thanks!!
Please don't forget to Vote, Comment and Follow!!
Thanks a lot!!
[MisterYoos_06]