CHAPTER 115

2009 Words

Parang bumagal ang oras habang palapit nang palapit ang sedan sa sasakyan ni Ireta. May ilang segundo na lamang si Lukas na dapat tumugon. Bawat paggalaw ng kamay ng orasan ay mahalaga, hindi puwedeng aksayahin. Kailangan na niyang kumilos agad. Kailangan ay alerto ang utak niya. Piniga ni Lukas ang throttle, at umarangkada ang makina ng motorsiklo sa malakas na pagrebolusyon niyon. Ramdam niya ang motor na tumutugon sa ilalim niya. Ang kabang nararamdaman niya nang mga oras na iyon ay tukod-langit, nag-uumapaw. Pinagyeyelo ng kabang iyon ang mga kalamnan niya. "I will protect you and our babies," maigting niyang sambit. "Hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa 'yo, Ireta... sa inyo ng mga anak natin," tumitiim ang bagang niyang bigkas sa hangin. Derecho ang tingin niya sa sedan. K

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD