Prologue: The Break Up
IBINABA ni Donita ang cellphone niya nang madiskonekta ang tawag doon. Tila nahulog sa isang malalim na bangin ang excitement niya. Ang nobyo niyang si Grendle ang tumawag. Bokalista ito ng sikat na banda sa bansa, ang The Rebel Slam. Ipinaalam nito na hindi siya nito masusundo dahil naharang ng isang interview ang banda nito. Hindi niya na mabilang kung pang-ilan iyon sa nakanselang pagkikita nila.
Napabuntong-hininga siya. Dalawang taon na ang nakakalipas nang tanggapin ng mga ito ang alok ng Davies Entertainments. Mula noon ay naging busy na ang mga ito.
Mahigit dalawang buwan na nga pala mula nang huling magkita sila sa personal. Mula nang mag-tour ito sa iba't ibang parte ng bansa ay sa Skype at pictures sa social media niya na lamang ito nakikita. Sa tuwing uuwi naman ito ay sinabihan siya nito na huwag nang pumunta sa airport para sunduin ito. Maraming fans ang naghihintay doon at ayaw nitong makipagsiksikan siya sa mga iyon at pagmukhain ang sarili niyang isa sa mga die-hard fans nito. Sikat na ang mga ito ngayon pero mukhang hindi pa rin nakakasanayan ng binata ang pagkabaliw ng mga babae rito.
Ngayong gabi sila dapat magkikita. Isasama siya nito sa gig nito at magkakaroon ng ‘boyfriend-girlfriend time’ pagkatapos. Pero mukhang matatangay na naman ng kasikatan nito ang oras nito para sa kanya.
“Donita, nasaan na ang boyfriend mo? Alas syete na, ah,” puna ng Nanay Cora niya. Tiyahin niya ito na nag-alaga sa kanya at sa kapatid niya habang nasa ibang bansa ang mama nila. Ito at ang Tatay Gilbert ang tumayong mga magulang nila. Walang anak ang mga ito kaya nang mamatay ang ama nila at mangibang-bansa ang ina nila ay walang pag-aatubiling kinupkop sila nito at itinuring na anak.
Inayos niya ang sarili bago humarap dito. Ngumiti siya rito.
“Ako na lang po ang pupunta sa kanya, ‘Nay. May biglaan po kasing interview ang banda nila.”
“Gano’n ba?” Kumunot ang noo nito, gayunpaman ay wala na itong sinabi pa. “Bueno, ipapahatid na lang kita sa Tatay Gilbert mo.”
“Huwag na po, ‘Nay. Magta-taxi na lang po ako. Gabi na po, pagod na po si Tatay sa restaurant. Kayo rin po, magpahinga na rin po kayo.”
“Pero anak, gabi na rin at dalaga ka pa. Napakaganda mo sa ayos mong iyan. Baka kung mapaano ka. Kaya sige na, ihahatid ka na namin ni Gilbert sa pupuntahan mo.”
Napalingon siya sa may kalakihang salamin na nasa sala nila. She’s wearing a green dress and high heeled sandals. Naka-make up pa siya at nakaayos ang kinulot na buhok niya.
Tama ito, napakaganda nga niya sa ayos niyang iyon. Sayang nga lang at huhulas muna ang postura niya bago iyon makita ni Grendle. Ibinalik niya ang tingin sa tiyahin at pinilit ngumiti ng natural. “Ayos lang po talaga ako. Huwag po kayong mag-alala.”
Kinuha niya ang purse niya at tumayo. Dahil sabik siyang makita si Grendle, sa sala na niya ito hinintay isang oras na ang nakakaraan. Pero balewala lang pala ang paghihintay niya.
“Sigurado ka ba, anak?”
Tumango siya at hindi ipinahalata rito ang pagdaramdam niya. “Opo. Kung nag-aalala po talaga kayo, pwede niyo naman po akong samahan hanggang sa makasakay ako.”
“O siya, sige. Basta mag-iingat ka lang, ha? Magpahatid ka kay Grendle sa pag-uwi. Hindi pwedeng hindi.”
Alam niyang ang pinag-aalala nito. Ilang beses na rin kasi siyang umuwi ng gabi nang mag-isa lang siya. Siya naman ang may kasalanan niyon. Gusto ni Grendle na ihatid siya pero ipinipilit niya rito na kailangan nitong magpahinga na. Alam niya na halos wala na itong maayos na pahinga. Magiging makasarili siya kung aagawin niya pa ang panahon na iyon.
Eh, paano naman ang panahon niya sa iyo? Lagi mo na lang bang ipapaagaw sa kasikatan niya?
Ipinilig niya ang ulo. She vowed to understand Grendle no matter what. Hindi siya dapat nag-iisip ng ganito. Hangga’t kaya niya, iintindihin niya ito.
Huminga siya ng malalim. Ano bang sinesenti niya rito? Magkikita na sila mamaya. Makakasama na niya ito ulit. Pagbibigyan naman siguro siya nito kung sakaling umungot siya ng kaunting oras nito?
Kahit paano ay nabawasan ang pagka-depress niya at nabuhayan siya ng loob.
Makikita na ulit niya ito ng personal mamaya!
Miss na miss na kita, boyfriend.
“DONITA!”
Napalingon siya sa babaeng tumapik sa kanya. Lumiwanag ang mukha niya nang mapagsino ito.
"Allyza, kamusta?”
Bihira niyang makita ang kaibigan dahil sa ibang university ito nag-aaral. Tuwing may ganitong event niya lang ito nakikita.
“Heto maganda pa rin. Ikaw? Kamusta na? Hindi mo yata kasama si Grendle?”
Sabay silang pumasok sa venue. Function hall iyon sa isang sikat na hotel. Pagpasok nila ay dagsa na ang mga tao.
“Ikaw? Nasaan si Mackey?” Boyfriend nito ang binanggit niya at kabanda ni Grendle. Kapareho rin ba ito ng kapalaran niya ngayong gabi na pumuntang mag-isa roon at hinahanap ang boyfriend?
“Nand’yan lang sa tabi-tabi. Tumawag kasi si Dad at masyadong maingay sa loob kaya lumabas muna ako.”
Guess she’s wrong. Siya lang talaga ang lonely ngayon. Nandamay pa siya, eh.
“Ah, gano’n ba?” Hindi niya alam kung nahimigan nito ang lungkot sa boses niya.
“Oo nga pala. I saw Grendle talking to their manager kanina. Akala ko, narito ka na rin.”
Kumirot ang puso niya. Pinipilit niyang unawain ang hindi nito pagsundo kanina pero hindi niya maiwasan ang masaktan tuwing maaalala iyon.
“Hindi. Kadadating ko lang.”
“By the way, you look great! Tiyak na maglalaway sa iyo ang boyfriend mo.”
Pinandilatan niya si Allyza na ngumisi lang. “Nasaan ba ang tropa?”
“In there.”
Iginiya siya nito sa isang mesa. Kita niya agad sina Jazmine at Nhica katabi ang mga boyfriends ng mga ito. Hindi napansin ng mga ito ang paglapit nila ni Allyza dahil sa pakikipagtitigan at ngitian ng mga ito sa kanya-kanyang nobyo. Tila sinusulit ang panahon na magkasama ulit sa tagal ng hindi pagkikita ng mga ito.
Lihim siyang nainggit sa mga ito. Nasaan na ba ang boyfriend niya?
Nagpalinga-linga siya sa mga tao sa paligid niya. Hanggang sa mahagip ng paningin niya ang pamilyar na gwapo at matangkad na lalaking naka-leather jacket. Kalahati lang ng mukha nito ang kita niya pero sa kabog pa lang ng puso niya, siguradung-sigurado na siya na si Grendle iyon.
Napangiti siya. Naghuhumiyaw sa puso’s isipan niya na miss na niya ito. Tahimik na iniwan niya ang mga kaibigan nila at lumakad siya palapit dito. May kausap ito kaya malaya siyang nakalapit sa kinaroroonan nito nang hindi nito napapansin.
“Grendle!”
She was about to call him when an unfamiliar girl in her most daring pink dress squealed his name. Napaharap rito ang binata. The girl suddenly jumped on him, hindi niya inaasahan ang sumunod na ginawa nito. She kissed him... on his lips!
Napaawang ang mga labi niya. Gustuhin man niyang ipikit ang mga mata para hindi makita ang tagpong iyon ay hindi niya magawa. O kahit ang paghiwalayin ang mga ito... o tumakbo palayo doon. Suddenly, she felt numb. Ang malinaw lang sa kanya nang sadaling iyon ay ang pagguhit ng matalim na bagay sa bahaging iyon ng dibdib niya. Tila lalong lumala ang pakiramdam na iyon nang hindi man lang itulak palayo ni Grendle ang babaeng iyon.
Naramdaman niya ang pagkalabit ng kung sino sa kanya. Hindi niya ito magawang lingunin.
“Donita...”
It was Allyza’s voice but she couldn’t respond to her. Nanatiling nakadikit ang mga mata niya sa harapan niya. She chanted to her mind that this was not true, that that guy was not Grendle... that Grendle would not cheat on her, pero sino bang niloloko niya? Hayan ang pruweba! Kahit na anong gawin niyang pagkonsola sa sarili niya, tila balewala lang iyon.
Kung hindi pa umeksena si Mackey at hinatak si Grendle sa babaeng iyon ay hindi maghihiwalay ang mga ito. Mackey whispered at him and pointed at her. Sa wakas ay nilingon siya ni Grendle. Nanlaki ang mga mata nito at napaawang ang bibig.
Tipikal na reaksyon ng mga lalaking nahuling nanggagago, she thought bitterly.
“Donita...”
Doon nagising ang lumulutang na diwa niya. Bago pa ito makahakbang palapit sa kanya ay nakatalikod na siya at patakbong lumabas sa function hall na iyon. All she wanted to do right now was to run—away from him and from what she saw few seconds ago. Hindi niya gustong doon umiyak.
Bakit nagawa ito sa kanya ni Grendle? Sinabi nito na siya lang. Sinabi nito na mahal siya nito. Tapos ngayon, dalawang buwan lang silang hindi nagkita, may iba nang humahalik dito?
Bakit, Grendle?
Kaya ba hindi siya nito nasundo kanina ay dahil sa babaeng iyon? Aminado siyang mas maganda ito ng di hamak sa kanya. Pero siya ang pinili ni Grendle, hindi ba? Siya ang minahal nito.
Napasigok siya. Pinapalabo ng masasaganang luha ang paningin niya. Marahas na pinahid niya iyon.
Dumeretso siya sa elevator at pinindot ang ground floor. Ngunit bago pa sumarado iyon ay nakapasok na si Grendle.
“Donita...”
Napatingin siya sa mukha nito. Pero imbes na ang gwapong mukha nito ang rumehistro sa isipan niya ay ang pakikipaghalikan nito sa ibang babae ang nakikita niya. It only added salt on the open wound of her heart. She could feel her tears falling down on her cheeks.
Paano nito nagawa iyon sa kanya?
“Leave me alone, Grendle.” She tried her best to say those words perfectly but she herself knew that she failed. Nanginginig ang boses niya.
He stared at her with guilt on his face. It’s as if there were a lot of things he wanted to tell her but none of those were getting out of his mouth.
Akmang lalapit ito kaya napahakbang siya patalikod. Mabilis na pinahid niya ang mga luha. Mabuti pa ang unang nobyo niya, nakipagkalas muna ito sa kanya bago niya ito nakitang nakikipaghalikan sa iba. Pero ito...
Hindi niya maituloy ang iniisip. Hindi niya kailanman na-imagine na maghihiwalay sila. Pero pakiramdam niya ngayon, lahat ng bagay, maski ang pinakakinatatakutan niya, ay pwedeng mangyari.
“It’s not what you think, Donita,” sa wakas ay sabi nito.
“Then, what is it? Nadulas lang ‘yong babae kaya ka nahalikan at na-brain freeze ka kaya hindi ka nakakilos para layuan siya? Darn it, Grendle! Hindi ako gano’n katanga!”
She couldn’t stand to be alone with him on that elevator so she stepped out of that place. Maghahagdan na lang siya tutal nasa fourth floor lang naman sila. Maganda na ring mawala ito sa paningin niya ngayon dahil baka kung ano pa ang masabi niya rito.
Pero sinundan siya nito sa hagdan. Kahit na ano’ng bilis niya sa paglalakad ay walang hirap na nakaagapay ito.
“Let me explain, Donita. She’s just a fan. Anak ng kaibigan ni Dad.”
Magaling! Ka-level pala nito ang babaeng iyon. Lalong sumama ang loob niya. Binilisan niya pa lalo ang paglalakad.
“Nabigla lang ako kanina kaya hindi ako kaagad nakakilos. That was the first time she did that thing. Kahit ako ay nabigla. Alam kong may crush siya sa akin pero hindi ko siya pinapatulan dahil ikaw ang mahal ko.”
Nabigla? Gusto niyang matawa. Gusto ba nitong paikutin pa ang ulo niya at patuloy siyang saktan?
Nang hindi niya ito pinansin ay pinigil nito ang braso niya at hinarap siya nito rito. He looked at her eyes.
“Donita, mahal kita.”
But those words seemed to have no effect on her hurting heart right now. Lalo na’t habang nakikita niya ang mukha nito ay ang tagpo kanina ang paulit-ulit na nagre-replay sa isipan niya. Nagpumiglas siya rito. Pero naging daan lang iyon para maitulak siya nito sa dingding at mabilanggo sa mga bisig nito. Sa inis ay hinampas niya ang dibdib nito.
“How can I believe you?”
“Donita...”
“Grendle, kaya kong tiisin na halos wala ka nang oras para sa akin. Kahit na hindi mo na ako masundo at maihatid. Kahit minsan isang buwan na lang kita makita at mahawakan. Kaya kong intindihin iyon! Ipinangako ko na iintindihin kita kahit na anong mangyari. Pero ito?” Ramdam niya ang paninikip ng lalamunan. “Grendle, sobra na ito! Kung ayaw mo na sa akin, sabihin mo! Daig mo pa ang ginawa sa akin noon ng ex ko, eh!”
Dumilim ang hitsura nito. “Don’t compare me to that jerk. He left you. Hinding hindi ko gagawin sa iyo iyon.”
“At ano’ng gusto mong gawin ko? Ang hintayin na iwan mo rin ako? O ang pahirapan ang sarili ko sa tuwing makikita kong may hahalik sa iyong fan mo habang ako pa rin ang girlfriend mo?"
“You know that I will not leave you and I won’t do anything that could hurt you intentionally. Hindi ko hahayaang masaktan ka. I love you.”
“Sa nakita ko kanina, hindi iyan ang nararamdaman mo para sa akin. How can you... how could you do this to me?” Itinulak niya ito. Lalong uminit ang ulo niya nang hindi man lang ito natinag. Nagwawala na siya para makatakas dito pero para bang walang epekto iyon. “Pakawalan mo ako!”
“I’m sorry.” His voice was now shaking. “I-it won’t happen again. Don’t cry, please.”
“It’s too late for that now, Grendle. Punung-puno na ako!” Nilunok niya ang bara sa lalamunan niya. Hindi niya magawang pahirin ang mga luha niya dahil ginagamit niyang panangga ang mga kamay rito. “I should be the one saying sorry right now.”
Napatitig ito sa kanya. “W-what?”
“Sorry, I can’t keep my promise any longer. Tama na ang dalawang taon. Hindi ko na kaya, eh.” Ramdam niya ang pagbigat ng dibdib niya. Unti-unti nang nanghihina ang pagtulak niya rito. Even her voice was almost breaking. “Mahal kita. Mahal na mahal. Pero habang tumatagal, hindi ko na alam kung nasaan na ako sa iyo. Kung ano ba ako sa iyo.”
“Donita, you know I can leave this life to be with you. Huwag ka lang mawala sa akin.”
Umiling siya. "Lalo akong magagalit sa sarili ko kapag ginawa mo iyan. Isipin mo ang mga kabanda mo. Ang nasimulan ninyong career. Ayokong isipin na sagabal lang talaga ako sa iyo.”
“You are not—”
“Your friends need you.”
“But I need you.”
Ramdam niya ang pagtulo ng panibagong batch ng luha niya. Why did those words hurt so badly?
“Kung aalis ka sa banda, kung mabubuwag ang banda at ang pinaghirapan niyo para makuha ang kung anong meron kayo ngayon, habang buhay kong hindi mapapatawad ang sarili ko.”
“But a life without you? Donita, I can’t...”
“You can, Grendle. Don’t tell me that you can’t. For two years, napatunayan mo na kaya mo kahit wala ako. Hindi na magiging mahirap para sa iyo kung tuluyan akong mawawala.”
“Don’t do this to me.”
Iniiwas niya ang paningin sa nagmamakaawang mga mata nito. Namumula at nanunubig na rin ang mga mata nito. This is the second time she saw him cry. Parang pinupunit ang puso niya. Aminado siyang mahal pa rin niya ito pero mas lamang sa puso niya ngayon ang galit at tampo. Hindi rin malimutan ng isip niya ang nangyari kanina. Kaya kung makagawa man siya ng unexpected ngayon, wala na siyang kontrol sa emosyon niya.
“I’m sorry, Grendle. Hindi ko na kaya.”
Tama. Hindi na niya kaya kung may iba pang fans nito na hahayaan nitong halikan ito kahit siya ang nobya nito. Hindi na niya kaya na patuloy na iitsapwera nito, ang patuloy na maipagpalit siya nito sa kasikatan nito. Iyong girlfriend siya nito pero hindi niya na maramdaman na espesyal siya rito. Hindi na niya kaya.
Inipon niya ang natitira niyang lakas para itulak ito. Nang makawala rito ay patakbong bumaba siya sa hagdan. Palayo rito... at sa buhay nito...
Mas nakakalungkot nga lang dahil hindi na siya nito hinabol pa...