Chapter 1: The Trick

1402 Words
NAIA. Nine years later... “ATE!” Huminto ang mga mata ni Donita sa cartolina’ng puti kung saan nakasulat ang buong pangalan niya. Kumakaway sa kanya ang kapatid niyang may hawak niyon. Napangiti siya nang makita si Donna. Dali-daling lumapit siya rito. High school lang ito nang umalis siya sa Pilipinas, ngayon ay dalagang-dalaga na ito. Isa na itong chef at siyang nagma-manage ng restaurant ng tiyuhin at tiyahin nila. Nang maalala ang tumayong mga magulang noong nasa Pilipinas siya ay bumigat ang dibdib niya. She remembered why she had to leave her job at the hospital in Canada and came back here. Isa na siyang cardiologist ngayon. Sa Canada niya ipinagpatuloy ang pagte-take niya ng medicine noong umalis siya sa Pilipinas. Kamakailan lang ay nakatanggap siya ng tawag mula sa kapatid niya. Ipinaalam nito sa kanya ang malubhang sakit ng Tatay Gilbert nila. Matagal na pala itong may brain cancer pero hindi pinapaalam sa kanya at sa Mama niya na siyang kasama niya sa ibang bansa. Now, his tumor was on the third stage. Her mother wanted to come with her, pero hindi nito basta maiwan ang bagong pamilya nito at trabaho. Ipinangako nito na susunod ito. Two years matapos pumunta ni Donita sa Mama niya ay nagpakasal ito sa boyfriend nitong head doctor sa ospital na pinagtatrabahuhan nito bilang nurse. Mabait naman ang bagong asawa nito. Suportado nito ang pag-aaral niya at marami siyang natutunan dito para sa kurso niya. Nagyakap sila ng kapatid nang magkalapit sila. Na-miss niya ito ng sobra. Kahit nagkausap sila sa Skype at sa social media, iba pa rin kapag kasama niya ito. Halos kasintangkad na niya ito. “Welcome back, Ate!” “Malaki ka na, Donna!” Pareho silang naluluha nang maghiwalay. “Ikaw naman, Ate, mas maganda ka na sa akin ngayon. Iyan ba ang nagagawa ng snow?” Nagkatawanan sila. Tinulungan siya nitong bitbitin ang dalawang maletang dala niya at iginiya siya palabas ng airport. Kagamitan niya ang laman ng isang maleta niya at ang isa naman ay pasalubong sa mga ito. “Kamusta si Tatay? Si Nanay?” “Nagpumilit umuwi si Tatay sa bahay. Sabi niya, ayaw niyang gugulin sa ospital ang mga natitirang araw niya.” Gusto niyang manlambot sa narinig. Nang umalis siya ay malakas pa ito. Walang iniinda. Hindi niya malubos maisip na hindi na nila ito makakasama ng mas matagal pa. “Malala na ba talaga?” Hindi nagsalita si Donna pero nababasa niya sa mga mata nito ang kasagutan sa tanong niya. Mas lalong gusto niyang manlumo. Matapos nitong ilagak ang maleta niya sa kotse nito ay hinarap siya nito. “Huwag na muna nating pag-usapan ito. Kakadating mo pa lang at baka makasama kay tatay kung makikita niyang apektado ka sa kalagayan niya.” Tumango na lamang siya. Bilang isang doktor alam niya ang posibilidad na iyon. Mas maganda kung makikita nitong masaya siya at masigla. Mas maganda ang magiging epekto niyon dito. Pero paano niya iyon gagawin kung hindi lang ang kalagayan nito ang iniisip niya ngayon? Now that she was back, kasabay niyon ag pagbalik ng mga alaala niya kung bakit niya napagdesisyunang umalis. Gusto niyang makatakas sa sakit na idinulot sa kanya ng paghihiwalay nila ni Grendle. Mariin siyang napapikit. It had been nine years but it seemed just like yesterday. Umalis siya para lumimot pero kabaligtaran niyon ang ginawa ng puso niya. Kahit nasa malayo siya, sinubaybayan niya pa rin ang banda ng dating nobyo. She knew all their songs. She watched how they conquer their fame and became the most sought band in the Philippines. Every Filipino, kahit iyong mga nasa ibang bansa ay kilala ang mga ito. Kahit na nga siguro ibang lahi ay kilalang kilala ang mga ito. She knew back then that they could be the best among the best. At ngayon nga ay pinatutunayan ng mga ito iyon. Pinatutunayan din niyon na wala akong silbi sa kanya. Once, she dreamed of being on his side when he reached this peak. To shower him with all her support and love to motivate him. Pero kahit na pala hindi niya gawin iyon ay wala pa ring magbabago. Siguro, hindi nito ininda man lang ang pagkawala niya. Kita naman iyon sa tagumpay nito ngayon. Napabuntong-hininga siya habang nakatingin sa labas ng bintana. Hindi niya napansin ang pagsulyap sa kanya ng kapatid. Naalala niya lang na kasama niya pa rin ito nang magsalita ito. “Totoo pala ang sinabi ni Mommy.” Tila naalimpungatang bumaling siya rito. “H-ha?” “You’re always sad.” Huwag nitong sabihing itsinitsismis dito ng ina nila ang mga ginagawa niya sa Canada? “Pagod lang ako.” “Do you miss him?” “Who?” “Si Kuya Grendle.” Kumislot ang puso niya nang marinig ang pangalan nito. Pangalan lang iyon puso! Kumalma ka! “Matagal na kaming hiwalay. Tanggap ko na iyon.” Sinulyapan siya nito bago muling ibinalik ang tingin sa kalsada. “Doon pa rin siya nakatira.” Ano bang iniisip nito? Na magkakabalikan at babalikan pa siya ni Grendle pagkatapos ng pag-iwan niya rito noon? Wala siyang nakikitang dahilan para gawin nito iyon. “Hindi siya ang dahilan kaya ako umuwi.” “Which reminds me... kung nagkataon bang hindi nagkaroon ng malubhang sakit si Tatay, uuwi ka pa rito?” Uuwi pa nga ba siya? Aminado siyang hindi na. “Nasa Canada ang trabaho ko. As of now, naroon na rin ang buhay ko.” “Pero nandito ang puso mo.” “Walang problema sa puso ko. Huwag mong idamay sa diskusyong ito ang nananahimik na internal organ ko.” “Meron.” Nang huminto sila sa stop light ay hinarap siya nito. Gusto niyang mailang sa kaseryoshan nito. Ngayon niya napagtanto na napakalaki nag pinagbago ng kapatid niya. She had become a matured woman. “Malaki. Dahil pinili mong maburo sa kalungkutan mo sa ibang bansa gayong alam mong mas sasaya ka rito. I’m just telling this because I’ve missed you and I cared about you so much. Hindi lang din ako ang naka-miss at nag-aalala sa iyo." Gusto niyang ma-guilty nang makita sa mga mata nito ang Nanay Cora niya lalo na ang Tatay Gilbert niya na may malubhang karamdaman ngayon. “I know. And I’m fine. Masaya ako sa ibang bansa kaya huwag mong isipin na malungkot ako roon. Masaya ako sa trabaho ko. May mga kaibigan ako doon. Naroon si Mommy. Wala kayong dapat ipag-alala nina Nanay at Tatay.” Nagdududa na talaga siya kung ano ang pinagkukwento rito ng ina nila. Ikinuwento ba nito nang minsang matagpuan nito ang larawan ni Grendle sa ilalim ng unan niya? O hindi kaya nang mahuli siya nitong nanonood ng music videos at interviews ng binata sa YouTube? Hindi kumbinsidong tumingin ito sa kanya. Kung hindi pa nag-green ang stop light ay hindi siya nito aawatan. “Hindi mo ba kakamustahin si Kuya Grendle.” Napabuga siya ng hangin. Hindi niya alam kung bakit kinukulit siya nito sa binata. “Nine years ago na iyon. Uso ang move on.” Tumingin ulit siya sa labas ng bintana. Parang nananadya lang dahil namataan niya ang malaking larawan ng The Rebel Slam sa isa sa mga billboard na ineendorso ang isang mamahaling alak. Lalong lumikot ang puso niya nang masilayan ang mukha ng lalaking minahal niya at minamahal hanggang ngayon. Kamusta ka na nga ba? Hindi ako magtataka kung galit ka pa rin sa akin hanggang ngayon. Oo at siya dapat ang galit dito dahil sa ginawa nito dati. Pero nang mahimasmasan siya sa Canada ay napagtanto niya ang mali niya. Ilang beses nitong sinabi noon na mahal siya nito pero hindi niya iyon pinaniwalaan. Sa tuwing maaalala niya kung gaano ka-genuine ang pagkakasabi nito niyon ay naiiyak siya. Iniwan niya pa rin ito, katulad ng ginawa rito ng ina nito rito noong bata pa ito. Hindi niya nilubayan ang billboard na iyon hanggang sa mawala iyon sa paningin niya. Napabuntong-hininga siya. Uso na nga ngayon ang mag-move on pero tila napag-iwanan siya ng panahon. “By the way, I have to confess something,” biglang sabi ni Donna. “Mag-aasawa ka na? Go ahead,” pambabalewala niya sa sinabi nito. Ipinikit niya ang mga mata. Gusto niyang matahimik at makolekta ang sarili bago siya humarap sa tiyuhin. “Mag-aasawa? Duh?” Para bang hindik na hindik ito sa sinabi niya. “Hindi iyon. But first, gusto ko nang mag-apologize hanggang maaga.” “Ano ba iyon?” “Hindi totoong may malubhang sakit si Tatay Gilbert.” It took few seconds before those words registered on her mind. When it did, her eyes flew open. “What?!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD