Taong 2025
Matapos ang interview, nanatili pa rin ang tanong sa kanyang isipan. Nakaupo siya sa kanyang upuan habang nakatingin siya sa salamin. Pinagninilayan niya ng mabuti kung bakit sa dinami-dami ng babaeng lumalapit sa kanya ay wala siyang natipuhan.
"Bakit nga ba?" tanong niya sa kanyang sarili. Inisaisa niya ang mga babaeng nagpapakita sa kanya ng motibo. Merong mga artistang ubod ng gaganda subalit hindi rin niya matipuhan, may mga successful business owner na sila na mismo ang nanliligaw sa kanya subalit hindi rin sila umubra. Meron ring mga transwoman na nag o-offer sa kanya ng indecent proposal ngunit iniiwasan niya lamang ito. "Ano bang hinahanap mo sa isang babae?" pagtatanong niya ulit sa kanyang sarili.
Hahakbang pa lamang siya ngunit bigla na lamang siyang na hilo tila umiikot ang buong paligid niya. Napahawak siya sa lamesa umaasa siyang hihinto rin ito. "Jennifer?!" pag tawag niya sa kanyang P.A., pinagpapawisan siya, nanginginig na rin ang kanyang buong katawan, sumasakit na rin ang kanyang ulo hanggang sa bigla na lang itong bumagsak.
Idinilat niya ang kanyang mga mata, nakikita niya ang isang bahay na tila napaglipasan na ng panahon. Inilibot niya kanyang mga mata, hindi niya lang matukoy kung saan niya ito nakita subalit ito ang kanyang laging napapansin sa tuwing dinadalaw siya ng kanyang panaginip.
Napagmamasdan niya pa rin ang larawan ng isang binata, kawangis niya ang lalaki, mahahaba ang kanyang mga pilik mata, matangos rin ang kanyang ilong, manipis ang kanyang labi at makinis ang kanyang balat. May iba pang larawan na nandoon subalit hindi niya ito kilala.
Tumingala siya, nakikita niya ang malaking aranya, kumikinang ito dahil sa mga kristal na ikinabit ng desinyador dito. Meron ding mga piguring nakadisplay sa ibabaw ng aparador, may telefonkin din siyang muntik niyang mahawakan at sa kanang bahagi ay naroon din ang piyano.
Maya-maya pa'y tila may nauulinigan siyang ingay na nanggagaling sa itaas kaya't agad siyang umakyat. Nakikita niya ang dalawang matanda na umiiyak, nasa kwarenta y otso ang babae at nasa singkwenta y uno ang lalaki.
Humahagulgul siya sa pag iyak habang nakaupo siya sa kanyang kama. "Mas lalo lang lumalala ang kanyang karamdaman, hindi ko na alam ang aking gagawin Sebastian! Kung mayroon lang paraan ng sa gayon nga'y lumipat sa akin ang kanyang iniindang sakit ay ginawa ko na! Hindi ko pa kayang mamaalam sa kanya Sebastian! Hindi ako papayag!" gumugulong ang kanyang luha at pumatak ang mga ito sa kanyang damit. Nakasuot siya ng puting kasuotan at may mahabang manggas pa ito. May desinyo rin sa dulo.
Nangingilid rin ang mga luha ni Sebastian habang nakatayo siya sa may bintana. Pinagmamasdan niya ang mga ilaw ng kanyang nasasakupan habang nakapangulumbaba. "Hindi ko na rin alam Victoria! Hindi ko na alam!" saad niya. Sunod-sunod na pumatak ang kanyang mga luha. Nakasuot rin siya ng puting damit at may manggas rin ang mga ito. Ngunit hindi katulad ng kay Victoria, wala itong desinyo.
Kitang kita niya ang pagkadurog ng dalawa. Nararamdaman niya ang kanilang malasakit sa kanilang anak na tila hindi niya maramdaman sa kanyang mga magulang. Binura na lang niya ito sa kanyang isipan dahil kailanman hindi na niya ito mararanasan.
Nagpatuloy siya sa paglalakad, binaybay niya ang daan patungo sa silid ng lalaki.
Naroon nga siya, nakikita niya itong nakatutok sa kanyang papel. Hinahawakan rin niya ang pluma ng mahigpit saksi ang gasera at buwan na dumadaloy ang liwanag sa kanyang bintana.
Namumutla na rin siya at nanghihina. Lumapit pa ito, muli niyang pinagmasdan kung ano ang nakalimbag na mga titik sa kanyang papel subalit wala siyang nakikita, tanging ang dugo na dumaloy sa kanyang ilong at luha ang naroon, tila nag marka na iyon sa kanyang sinusulatang papel.
Maya-maya pa'y nakikita niya itong dahandahang tumatayo, nanginginig na rin ang kanyang tuhod pati ang kanyang mga binti. Napapasigaw na lang ito kapag hindi na niya kinakaya ang sakit. Tutulungan niya sana ito subalit batid niyang hindi siya mapapansin nito o maririnig man lang.
"Nawa'y iyong tuparin ang aking hiling" saad niya habang kinukuyom niya ang kanyang kaliwang kamay.
Nung marinig niya ang mga katagang kanyang binigkas, nag taka siya kung bakit iyon ang kanyang hinihiling sa Dios. Pag wari niya'y kakaiba ang kanyang nais sabihin, mukhang karugtong iyon ng kanyang panaginip.
Humakbang pa siya upang pakinggan niya ang kanyang susunod na sasabihin ngunit bigla na lang siyang lumakad pa labas ng kanyang silid.
Sinundan niya ang bawat hakbang ng lalaki.
Alas singko na ng hapon noong makita niya ang mga taong may kanya-kanyang patutunguhan. Nagmamadali sila upang pumasok na sa kanilang kubo, meron ding mga matatandang babae na pinapauwi ang kanilang mga anak, may daladala pa silang mga pamalo sa mga bata.
Nadaanan rin nila ang simbahan, maayos pa ito dahil katatapos lang nila ito gawin. Lumalabas na ang mga nag simba sa mga araw na iyon, nakikita rin niya ang mga babaeng tila nagtataka kung saan siya patutungo. Nakasuot sila ng belo at may hawak silang mga kandila.
Nasa kagubatan na sila ngunit hindi pa rin ito tumitigil sa paglalakad, nababagot na rin siya sa paghihintay kung saan ba talaga siya hihinto ngunit maya-maya lang, may nakikita na siyang malaking puno, nasa gitna ito. Isa sa pinakatanyag at pinakamayabong na dahon, ang puno ng Olibo.
"Wow!" pagkamangha niya. Nakikita rin niyang malawak ang patag at may mga damong tila itinanim ng may ari dito subalit napalitan ito ng lungkot nung makita niya ang makapal na ulap na nagbabadya sa pag ulan. Naririnig rin niya ang pag kulog at pag kidlat.
Hahakbang na sana siya upang sundan ang lalaki nung bigla na lamang siya nakarinig ng pag iyak. Huminto siya. Inilibot niya ang kanyang mga mata upang makita niya ang kanyang hinahanap.
"Steffin?" pag-alala ng kanyang Lola. Ang kanyang Lolang si Margarita. Siya ang nagpalaki sa kanyang apo simula nung mag hiwalay ang kanyang mga magulang. Nakasuot ito ng channel na dress kulay green ito binili pa sa kanya ni Steffin. May dala-dala rin itong bag at nakasuot rin siya LV na sandal.
Idinilat niya ang kanyang mga mata. Natatanaw niya puting ding-ding at mga ilaw. "Where am I?" tanong niya habang nakalatag siya sa kama ng hospital.
Narinig ng kanyang Lola ang boses ng kanyang apo, muli siyang na buhayan nung malaman niyang ayos na siya. Namumugto na ang kanyang mga mata. "Thanks God you're ok na apo"
Ibinaling niya ang kanyang atensyon sa kanyang Lola. Napapangiti siya sa tuwing nasa tabi niya ito kaya't agad niya itong yinakap. "Lola? I miss you!" saad niya.
Maya-maya lang naabutan siya ng kanyang manager na may hawak na isang bouquet of flowers. Nakikita niyang nasa magandang kalagayan na ang kanyang alaga. Lumalapit siya kasama niya ang kanyang P.A., namumugto rin ang kaniyang mga mata dahil sa kaiiyak. Ibinalandra pa niya ito sa Lola ni Steffin.
"Oh my goodness! Maraming salamat at ayos ka na Steffin!" saad niya. Inilagay niya ang kanyang dalang bulaklak sa mesa.
Kumalas siya sa pagkakayakap sa kanyang Lola at muling kumunot ang kanyang noo. Hindi maipinta ang mukha nung dumating ang kanyang manager tila nasusuka ito nung makita niyang huwad ang kanyang pag arte. Lumapit pa ito sa kanya.
Umupo siya sa harap ng kanyang hinihigaan. "Steffin? Bakit ba kasi hindi nagpapahinga? Yan tuloy?" ani ni Ganda.
Nagkasalubong ang kilay ng kanyang Lola at tumingin siya sa kanyang manager. Hindi na rin niya mapigilan ang kanyang bibig upang sitahin niya ito. Tinitingnan niya ito mula ulo hanggang paa. Napapansin niyang hanggang ngayon ang weird pa rin niyang manuot ng damit. "Bakit nagtatanong ka pa? Eh alam mo namang kasalanan mo rin!" ani Margarita. Nanlaki ang kanyang mga mata nung pag sabihan ito ng kanyang Lola pero imbes na suwayin niya ito, natawa pa siya. Kulang na lang pumalakpak siya sa tuwa.
"Right? Tanggap ka lang ng tanggap ng mga project? Ni hindi mo nga pinagpapahinga yung apo ko! And then now, you're crying for what? For your fake sympathy? Next time you should learn how to do a mathematical situation or else we will find someone much better than you! understand?" galit na wika niya. Nakataas pa ang kanyang noo at nakapangulumbaba pa siya habang iniingatan niyang hindi matanggal ang kanyang bagong ipinalagay na kyutiks sa kuko at nakapanikwatro pa ito.
Nakayuko ang kanyang manager tila nararamdaman niya ang bagsik ng kanyang Lola. Napapalunok din siya ng laway. Pinapahid rin niya ang kanyang mga pawis sa noo. "Si Lola naman, syempre inaalagan ko tong alaga ko, promise sa susunod hindi na ako tatanggap ng projects na hindi bagay para sa inyong apo, atsaka chillax lang Lola yung BP mo baka tumaas?" nakangiti siya ng bahagya.
Natatawa rin ang kanyang P.A. nung pag sabihan ng kanyang Lola ang kanyang manager. Nasa gilid lang siya habang ipinaghahanda niya ng pagkain ang kanyang amo.
Ilang saglit lang may kumatok sa kanyang kwarto. Nabaling ang kanilang atensyon nung biglaang bumukas ang pinto. Wala silang ka'ide'ideya kung sino ang dumalaw sa kanya.
Mas lalong kumunot ang kanyang mukha nung makita niya itong tila nakangiti na abot hanggang tainga. Ang kanyang best friend. Si Xavier Villanueva. "Steffin George Ansilton!" bungad niya. Iniunat pa niya ang kanyang kamay habang may dala-dala rin siyang prutas at bulalak para sa kanya. Nakasalamin rin ito at nakasuot rin siya ng itim na jacket at itim na saluwal.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong niya.
Hindi niya ito sinagot bagkus ay nahagip ng kanyang mga mata si Lola Margarita. Nakangiti pa ito sa kanya. "Hi Lola! Nakuu ang ganda ganda mo pa rin!" birong sabi ni Xavier. Binigyan niya ito ng napakatamis na yakap. "Nagpapayat ka ba Lola?!"
"Suss itong batang to, ang lakas mo pa rin mambola hanggang ngayon? Kumusta ka na ha?" pagtatanong ni Margarita habang kumalas na ito sa pagkakayakap ng kanyang itinuturing din na apo.
"Suss ito, gwapo pa rin!" saad niya. Ikinunot niya ang kanyang kilay habang pinapahid niya ang kanyang buhok. Itinutok niya ang kanyang mga mata kay Steffin at tila humihingi ng kanyang suporta. "Diba Steffin?"
Huminga lang siya ng malalim sumismbulo na di siya sumasang-ayon sa sinabi ni Xavier.
Biglang natawa ang kanyang manager at P.A. nung marinig nila ang sinabi ni Xavier. "Anyway, I have to go Steffin" saad ni Ganda habang kinakalikot niya ang kanyang Cellphone. "May nag txt sa akin na mga press, nagtatanong sila kung anong sitwasyon mo" pagpapaalam niya
"I'll go with you" saad ng kanyang Lola sa manager ni Steffin. "Basta Steffin, just be good ha? Xavier? Ikaw na ang bahala sa aking apo" pagpapaalam rin nito
Nakita niya itong lumalabas sa kanyang private room habang kumakaway siya sa kanyang Lola. Nakangiti rin si Xavier habang nagpapaalam.
"It looks like your enjoying the bed eh" wika niya habang inilalagay niya ang buslo at bulaklak sa mesa. Napagmasdan niyang marami nang nag bigay sa kanya.
"Tsss enjoying my foot!" reklamo niya. "Btw, welcome back bro, kailan ka dumating?" pagtatanong niya.
"The day where you slept here"
"Bakit ilang araw na akong nakahilata rito?"
"3 days, I guess?"
Nanlaki ang kanyang mga mata nung malaman niyang matagal pa la siyang nakahiga sa hospital. "What? You mean..."
Natawa siya nung makita niya itong tila natulala sa kanyang sinabi habang kinukuha niya ang mansanas at kutsilyo. "Yupp, 3 longgg days"
Natahimik siya nung maulinigan niya ang sinabi sa kanya ni Xavier. Umiling-iling ito habang nakahawak sa kanyang noo. Nakakunot rin ang kanyang tingin doon sa may pinto, nakatulala tila may malalim siyang iniisip sa mga oras na iyon. "That stupid dream!" reklamo niya sa kanyang sarili.