"Steffin? Here!" wika ng isang paparazzi. Nakikipagunahan ito sa pagkuha ng kanyang litrato. Sumisingit at nakikipagbanggaan sa ibang mga press.
Nakahawak siya sa kanyang kuwelyo at nakapamulsa pa siya habang nakatingin siya sa mga kumukuha sa kanya. Nakasuot siya ng bouclé wool jacket, kulay black at may cross-over din ito, pinarisan rin niya ito ng itim na velvet tuxedo pants at naka'Tom Ford na sapatos, nakasuot rin siya ng TAG Heuer na relo. Napagmamasdan niya ang mga ilaw ng flash habang naririnig niya ang iba't ibang pag tawag ng kanyang pangalan tila lahat ng mga press, sa kanya nakatingin.
Nasa red carpet na siya. Maraming mga artista ang naroon na tila nakikipag agawan din sa mga ilaw ng mga kamera. Halos lahat ng mga babae ay nakasuot rin ng mga designer na damit tila kumikinang pa ang mga ito at mahahaba ang mga tela.
Dumalo siya sa TVM Gala Night 2025 (Television of all Media), nakasulat iyon sa napalaking screen na inilagay nila sa labas kung saan nila iyon ginaganap. Black ang theme ng kanilang event kaya't kulay violet at black din ang inilagay nila sa backdrop, linagyan rin nila ito ng makikinang na hugis parehaba na metal at may nakalagay na mga kumikinang na ilaw, kung titingnan ito pawang isang kalawakan.
Pag pasok niya sa loob, napagmamasdan niya ang mga kumikinang na mga chandelier, naglalakihan din ang mga ito, nakikita rin niya ang malalaking mga kandila na nakalagay pa sa handle papunta sa loob, may mga ilaw rin sa dingding at tanging iyon lang ang nagbibigay ng liwanag sa buong event.
Pag dating niya doon, napansin rin niya ang napakalinis na table cloth, kulay itim pa rin ito. Nakaayos at pinaganda pa ito ng mayabong na puting bulaklak sa gitna. Sa gilid naman, may iba't ibang klase ng flavor ng wine, merong Domaine de la Romanee-Conti Grand Cru 1945, Screaming Eagle Cabernet Sauvignon 1992, at Jeroboam of Chateau Mouton-Rothschild 1945. May plato rin at iba't ibang klaseng kutsilyo, may tinidor at kutsara.
May nakakasalumaha din siyang mga naging kaibigan niya sa mga series and films, may mga newbie rin na nagpapapicture at nagpapacute sa kanya, di nila mapigilan na mapatitig at matulala sa tuwing kinakausap niya ang mga ito. Nakakausap rin niya ang kanyang mga bosses at iba pang mga tanyag na mga tao. Sadyang kay saya nga niya sa araw na iyon.
"Steffin?" pag tawag ni Xavier sa kanya. Siya ang iniligay niyang plus one sa kanyang mesa. Humahakbang ito papalapit sa kanya habang manghang mangha siya sa kanyang nakikita.
Kumunot ang kanyang noo nung makita niya si Xavier. "Bakit ngayon ka lang?" tanong niya.
"Ahh sorry, ang hirap kasing mag park ng kotse" reklamong saad niya.
Umupo na sila sa kanilang lamesa. Hindi niya mapigilang mapahanga sa kanyang nakikita, maging sa table cloth ay napapanganga siya. Nakikita rin niya ang iba't ibang klaseng pagkain nakahanda sa lamesa na tila sa mga five star restaurant niya lang matitikman at inihanda pa ito ng mga chief.
Napansin niya itong tila inililibot niya ang kanyang paningin. Wari inspector siya sa mga oras na iyon. "Ngayon ka lang ba nakakita ng mga ganyan?" pagtatanong niya
Ibinaling niya ang kanyang atensyon kay Steffin. "Well, to be honest ngayon lang talaga ako nakakita ng ganitong kalaki at kalawak na event, mas malawak pa nga ito nung debut mo eh" natatawa niyang sabi.
"Hi Steffin" bati ni Gloria Vasquez. Isang beteranang aktres na may crush sa kanya. Napansin niya ang kanyang kasama, nakangiti rin siya. "And your with?"
"Xavier Villanueva, best friend ko"
"Ohh I see, nice to meet you Xave" pagbibigay niya ng palayaw kay Xavier. Kumindat pa siya matapos niya itong batiin. "Btw, I have to go, nandon na ang asawa ko" dugtong pa niya.
Hindi niya mapigilang matawa habang nakatingin siya kay Steffin. Uminom na lang siya ng alak upang mapawi ang kanyang ngiti. Nakabusangot namang nakatingin si Steffin sa kanya.
Tumingintingin rin siya sa paligid at may nahagip siyang magagandang dalaga na papalapit sa kanilang lamesa.
"Ang gwapo naman kasama mo, sino siya?" bati rin sa kanya ni Margaux Arvilla habang may hawak-hawak siyang baso ng alak.
"Date mo?" pabirong sabi ni Kyrie Cordova. Ang mga naging katrabaho niya for the movie 'The Evil Rosary', sila ay mga A-lister din kagaya niya.
Umupo sila sa harapan nila.
"Best friend ko, si Xavier" seryosong reaction ni Steffin habang may hawak-hawak siyang baso ng alak sa lamesa. Iniikot-ikot pa niya ito.
Inilagay ni Margaux ang kanyang glass of wine at lumapit ito sa tenga ni Steffin tila may ibinubulong sa kanya. Sumisigaw siya dahil sa malakas ng tugtugan ng music. "Anyway, balita ko pinag-uusapan ka ng mga boss natin kanina, I guess may project silang linuluto for you?"
"Ahh I don' know, m-maybe?" saad ni Steffin nung bigla na lamang niyang maramdaman na tila may paang nanhihipo sa kanya. "W_what are you_"
Pinutol ni Margaux ang kanyang sasabihin at muli siyang bumulong sa kanya. "Let's just enjoy the night" nang-aakit na boses nito.
Nag simula ng magsalita ang host. Nakangiti pa ito sa harapan. "Good evening Ladies and Gentlemen!" pag bati niya sa lahat. Nakasuot siya ng LV na single-breasted velvet tuxedo jacket at itim na pants, nakahawak rin siya ng mikropono at papel. "Allow me to briefly interrupt your conversation with the charming and handsome guests"
Patuloy pa rin sa pag hipo ni Margaux sa hita ni Steffin habang nakikinig sila sa binibigkas ng Host. Hahawakan na sana niya ang kamay nito subalit bigla na lamang siyang na hilo, tila ganun pa rin ang kanyang naramdaman sa tuwing dumadaloy sa kanya ang panaginip.
Pinagmamasdan niya ang kanyang kamay na tila nagdodoble ito at pawang bumabagal sa tuwing iginagalaw niya ang kanyang kamay. Tiningnan rin niya si Margaux pati si Xavier subalit ganun pa rin ang kanyang nararamdaman.
Napansin niya si Steffin na tila nakainom na siya ng isang bote ng wine kahit na hindi pa siya nagsisimulang uminom. "Steffin? Are you ok?" hinawakan niya ito sa kanyang balikat.
"Yeahh I'm fine, do... don' worry" saad niya habang kinukurapkurap niya ang kanyang mga mata.
Linapitan siya ni Xavier, tila nag-aalala siya sa sitwasyon ni Steffin. "Ayos ka lang bro?"
Sasagot pa sana siya subalit sa kanyang pag tingin sa kanyang sarili tila, nag-iba na ang kaniyang kasuotan. Kinurapkurap niya ulit ang kanyang mga mata subalit ganun pa rin ito. Nakatuxedo na siya at nakasuot ng itim na saluwal. Naririnig rin niya ang kakaibang tugtug na ngayon niya lamang ito naulinigan, itoy isang kundiman.
Nasa silid siya ng kwarto ng kanyang nakitang kawangis niya nung araw na iyon. "Nasaan ako?"
Lumabas siya sa kanyang silid. Naririnig rin niya ang tawanan ng mga kalalakihan kaya't agad siyang bumaba sa hagdan.
Nagulumihanan siya sa kanyang nasasaksihan, hindi niya nababatid kung nanaginip lang ba siya? o totoong siya na nga ang makakasalumuha nila?
Nagulantang siya nung makita niya ang mga bisita, nakasuot ang mga kababaihan ng Filipiniana, nakahawak rin ang mga ito ng pamaypay at nakaayos ang kanilang mga buhok. Nakikipagkwentuhan rin sila sa kanilang mga kaibigan.
Sa ibang silid ay naroon din ang kalalakihan, nakataas ang kanilang mga kamay habang hawak ang mga baso at tila nagtatawanan pa sila. "Salud!" wika ng isang lalaking nasa gitna ng lamesa.
Tinapik-tapik niya ang kanyang pisngi. "No, I know this is just a dream, wake-up Steffin! You need to wake-..."
"Steffin?! Heyy!"
Narinig niya ang malakas na boses ni Xavier kaya't agad niyang idinilat ang kanyang mga mata. Nakatulog na naman siya.
"Steffin? Wake-up! Tinatawag ka na ng Host! Di mo ba kukunin ang trophy" wika ni Xavier habang sila Margaux nabunutan ng tinik sa dibdib.
Napukaw siya sa pag tawag sa kanya ni Xavier. Natutuwa siyang ginising siya nito. "Ahh o... Oo" pagpuputol-putol niyang sagot. Tumayo siya upang kunin niya ang trophy, hindi niya namalayan na nanalo pa la siya ng award bilang 'Hall of Fame Awardees'.
"There you go, Steffin George Ansilton is finally receiving his award" nakangiting wika ng Host habang nakatayo siya. "He has always been the most attractive and well-liked person of this generation, sana all" natatawang dagdag pa nito.
Umakyat siya sa entablado habang nakatingin siya ng seryoso sa host dahil parang nahihilo pa siya. Tinanggap niya ang trophy at kaagad siyang bumaba. Hindi na siya nag speech sa gitna kahit ni' isang salita man lang.
__
Nasa sasakyan na sila ni Xavier, muli niyang naiisip ang kanyang nakita kanina sa kanyang panaginip tila hiwaga ang bumalot sa kanya nung makita niya ang kanyang sarili na nakasuot ng makalumang damit. Nakatingin siya sa labas habang nakikita niya ang mga ilaw sa kalsada. Mag aalas tres na, gising pa rin ang mga tao.
"Steffin? What's with you earlier? Hah?" tanong ni Xavier. Inaya kasi siya ni Kyrie ng pag inom, dumayo pa sila sa kabilang table kaya nalasing siya, hindi na rin siya nakapagdrive.
Nakuha ang atensyon nung tanungin siya ni Xavier kaya't tumingin ito sa kanya ng nakataas ang isang kilay. "Seriously? I slept stupid"
Umiling-iling siya. Hindi siya naniniwala sa sinabi niya. "I don't believe you, feeling ko may hindi ka sinasabi sa akin, tell me Steffin, may sakit ka ba?" seryosong tanong ni Xavier sa kanya habang nakatingin siya ng diretso kay Steffin.
"Hmmm let's say, may nakikita akong kakaiba sa tuwing nakakatulog ako"
Kumunot ang kanyang noo nung marinig niya iyon. Lumapit pa ito sa kanya habang hinahawakan niya ang kanyang noo. Chine-check nito kung may sakit ba ito o wala. "What do you mean?"
"Ano ba!" ani Steffin. Tinanggal niya ang kamay ni Xavier.
"You really need to see a doctor right now" suhestiyon ni Xavier habang tinutupi niya ang kanyang kurbata.
"A doctor?"
"Yes, a doctor"
Sumagi sa kanyang isipan ang sinabi ni Xavier kung may balak ba siyang makipagkita sa isang psychiatrist. Iniisip niya kung kailangan ba talaga? O sadyang hinihikayat lamang siya upang matulog dahil kagaya ngayong oras na ito, umaga na siyang makauwi.
Maya-maya lang, nasa tapat na sila ng condo unit ni Xavier. "Umuwi ka na"
"Pinapauwi mo na ako? Akala ko ba sa bahay mo ako matutulog?" reklamong saad ni Xavier.
"Makulit ka kasi kaya hindi na, sige na! umuwi ka na" seryosong saad niya "Kunin mo na lang ang kotse mo mamaya" dugtong pa niya kaya't wala siyang nagawa kundi ang umuwi na lang sa kanyang condo. Lumabas siya ng pagiwang-giwang at nakahubad ang jacket na nakasuot kanina. Hawak-hawak pa niya ang kurbata.
"Do I really need to see a doctor?" tanong niya sa kanyang sarili habang tinitingnan niya itong makapasok sa building.