Kabanata 4: Pagtuklas ng kanyang Nakaraang Buhay

1157 Words
"Seri?" pagtawag nito sa kanyang A.I assistant, bilog ito at umiilaw sa tuwing tinatawag siya ni Steffin. Nakalagay ito sa kanyang lamesa kasama nito ang kanyang laptop at lampshade. Iniregalo pa ito ng kanyang masugid na tagahanga. "Good morning, Steffin! It's been a while since you reached out for assistance. How can I help you?" "Call Jennifer" pag-uutos niya habang nakatingin siya sa salamin, chine-check niya kung ayos na ba ang kanyang kasuotan. "Sure" ani niya tila may pinindot siya upang mahanap ang numero ni Jennifer. Ilang segundo lang ang lumipas, tumutunog na ito. "Yes sir nandyan na ho" sagot nito. Saglit lang ang lumipas, natanaw niya itong tila pagod na pagod kakaakyat sa hagdan, pinagpapawisan ito habang ipinapaypay niya ang notes na kanyang hawak. "Nandito na po ako Sir" "What do you think?" pagtatanong niya kay Jennifer at tila nasa hukuman sila. Tinitingnan niya ito kung sang-ayon ba siya sa kanyang isinusuot. Nakasuot siya ng itim na Jacket, tinernohan pa niya ito ng three-forth na saluwal, itim na sumbrero at itim na shades. Unang kita pa lang niya, nababatid niyang may pupuntahan siya, hindi niya lang alam kung sino ang kanyang kikitain. "Kulang na lang po ng bigote sir" taas noo niyang ibinalandra ang kanyang sagot. Nababatid niyang tila magugustuhan niya ang kanyang suhestiyon. Kumunot ang kanyang noo nung marinig niya ang kanyang sagot. "Did I ask your suggestion? Tss!" inirapan na naman niya ito uli. "Anyway, cancel all my meeting today, I have to go" ani niya. Iniwan siya nito na parang tambay sa kalsada, nagtataka siya kung bakit mali na naman ang sagot niya kaya lumabas na lang siya sa kwarto ng kanyang amo. Napahinto siya nung mapagmasdan niya ang napakahabang hagdan na muli niyang tatawirin. "Kaya hindi ka nagkakajowa kasi ang sama-sama ng ugali mo Steffin!" umiiyak siya na parang bata habang nagrereklamo siya sa kanyang sarili. __ Nasa clinic na siya ni Doc. Clarence Eusebio, isa siyang na psychiatrist. Sa pagkakaalam ni Steffin, siya ang pinakadalubhansang doctor na maaaring makatulong sa kanyang karamdaman. Huminto siya sa may pintuan. Huminga muna siya ng malalim, iniwasiwas pa niya ang kanyang mga kamay nang sa gayon nga'y matanggal ang nerbyos na kanyang nararamdaman. "Ok, this is it Steffin! All you need to do is to tell him the truth and nothing but the truth, ok? Ok!" saad niya sa kanyang sarili. Kumatok na siya, ilang segundo lang ang lumipas, binuksan na ni Doc. Clarence ang pinto. Pumasok siya sa loob. Inilibot niya ang kanyang mga mata at napapansin niyang tila walang kadesi-desinyo ang kanyang tanggapan tanging mga reminder lang ang nakadisplay. Katahimikan din ang naghahari dito. Kulay puti ang pintura at meron ding kulay abo sa bawat sulok, meron ding siyang mga aparador sa taas at katamtamang lamig ang kanyang nararamdaman na nanggagaling sa Aircon. "And your name is?" pagtatanong ni Doc. Clarence habang nagsusulat siya ng kung anong pangungusap sa papel. Nakapulupot din sa kanyang leeg ang stethoscope. Nakasuot rin siya ng labgown at may begote siya. "Steffin, Steffin George Ansilton" "Sit down Mr. Ansilton" Nagulat siya nung hindi siya makilala ni Doc. Clarence tila hindi siya nanunuod ng mga pelikula sa Pilipinas. Subalit pinabayaan niya na lang iyon. Umupo siya sa kanyang harap at tinanggal niya ang kanyang mask. Tumingin siya kay Steffin ng saglit. "I guess you're my first client at this morning" nakangiti niyang saad kay Steffin. "So let's start" pagbibigay niya ng hudyat para magsimula. "Tell me your problem Mr. Ansilton?" Natahimik muna siya ng saglit. Kinokompos niya ang kanyang sarili kung sasabihin ba niya ang totoo o magbaback out na lang siya. Tumingin siya ng diretso kay Doc. Clarence at nakikita niyang gustong-gusto niyang malaman ang. totoo. Nag-aalangan siyang sabihin ang kanyang nararamdaman subalit di naglaon ay ibinuka niya ang kanyang bibig. "Hi... Hindi ko alam kung ano ba talaga yung nakikita ko sa mga panaginip ko" paunang wika ni Steffin. Tiningnan niya ang kanyang mga kamay. "Basta naramdaman ko 'to nung mag twenty two ako, lagi ko siyang nakikita, yung mga mata niya, yung hugis ng kanyang ilong, yung porma ng kanyang labi ay parang... parang kagaya ko, para bang nanalamin ako?" seryosong pagkukwento niya. "Nung una parang nakikita ko lang siya, napagmamasdan ko lang ang bawat kilos niya but then recently, parang..." naputol ang kanyang sasabihin nung dugtongan niya ito. "Parang ikaw na ang nasa katayuan niya" pagtapos ng kanyang sasabihin. Nagulat siya nung malaman niya kung ano ang kanyang sunod na sasabihin. Tumingin nanaman siya kay Doc. Clarence tila nabuhayan siya ng pag-asa na finally may kasama na siya na walang manghuhusga sa kanya. "Yeahh" nakangising sabi niya. "At hindi lang yun Doc, nakikita ko rin ang mga bahay nila, ang kanilang mga pananamit na para bang nasa panahon ako ng sinauna" dagdag pa niya. Dahan-dahan siyang tumayo at lumapit sa kanya. "Well, in that case I can say that, maybe, this is not just an ordinary dream, to be honest, it reminds me of what you experienced with Violet eleven years ago." saad niya. "She just had a lucid dream, which is the only difference between you two" ani niya. "You know, there are different types of dream and their causes" lumakad siya papuntang sulok at kinuha niya ang hospital ward chair. "Merong recurring dream, healing dream, daydream, epicdream, premonition dream and so much more" huminto ito sa harap niya. "But in your situation, you're experiencing with the so called 'retrospective dream' or a 'past-life dream'" "What do you mean Doc?" "Ito yung panaginip na nagpapahintulot sayo na makita ang nakaraan at kadalasang nagpapahiwatig na nagbabalik-tanaw ka sayong mga karanasan, damdamin, o mga pangyayari mula sayong buhay. This may be a way for you to work through those memories or gain insights that can be useful in your current life." saad niya Nagtagpo ang kanyang mga kilay nung marinig niya sinabi ng kanyang Doc., "Pero Doc, hindi ba sobrang weird ng mga napapanaginipan ko? It was like I am part of that dumb and senseless dream of mine" saad pa niya "Do you have a medication to help me with this condition?" tanong niya. "Wala akong gamot na maaaring ibigay sayo, sit down" pag-uutos niya kay Steffin. Nabaling ang kanyang atensyon sa hospital ward chair kaya tumayo na lang siya at nagtungo siya rito kahit na hindi niya lubos na maunawaan ang kanyang ginagawa. "And then what now?" tanong niya. Hindi muna ito sinagot ni Doc. Clarence bagkus ay kinuha niya ang ilaw at isinaksak niya ito sa plug. "Sa tingin ko kailangan mong malaman kung ano ang susunod na mangyayari" ani niya. "I knew it! This is bullshit Doc!" "But, this will help you to overcome your nightmare" nakatingin ito sa kanya ng diretso."Hindi ba't ayaw mo nang magkaroon ng ganitong panaginip? That's why, you need to see your retrospective dream through to the very end" pagpunto niya sa kanyang sinasabi. "At ayaw mo bang makita ang liham na sinasabi mo?" tanong pa niya
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD