Kabanata 5: Psychiatrist

1374 Words
"Close your eyes" saad ni Doc Clarence "Isipin mo ng mabuti ang mga bagay na iyong nakikita sa iyong panaginip" patuloy niyang pagsasalaysay. Malamlam lang ang ilaw na kanyang nakikita tila nakakapanghikayat ito upang dahan-dahan niyang ipikit ang kanyang mga mata. Maya-maya lang, hinihikayat rin niya ang kanyang sarili upang matulog at muli niyang makita ang laman ng kanyang panaginip subalit, kahit anong isipin niya hindi pa rin niya mahanap ang mga ilaw ng aranya o ang kanyang kawangis tanging mga kung ano-ano lang mga bagay ang kanyang nakikita. Idinilat niya ang kanyang mga mata. Nakikita niya pa rin si Doc. Clarence na pinagmamasdan siyang nakahiga. Seryoso itong nakatingin sa kanya. "I don't see any..." pinutol niya ang kanyang sasabihin nung makita niya ang kanyang paligid na unti-unting nagbabago. Nararamdaman niya ang pag bulusok ng hangin. Napagmamasdan niya ang makulimlim na mga ulap at ang mga ibon na lumilipad patungo sa kabilang bundok. Tumayo siya. Inilibot niya ang kanyang paningin, nakikita niya ang mga damo, ang mga bulaklak pati na rin ang mga bundok na nagtataasan at nahagip niya muli ang kanyang kawangis. Nakatayo ito habang hinahawakan niya ang puno ng Olibo. "Bakit siya umiiyak?" tanong niya sa kanyang sarili. Humakbang ito patungo sa may punong Olibo. Naririnig rin niya itong nagsasalita. Nakatingala siya sa langit habang nangingilid ang kanyang mga luha. "Bakit ito pa ang nangyari sa akin o'Dios ko! Ako ba'y makasalanan o maramot ka lang? Batid ko sa sarili ko na marami akong pagkakamali sa buhay, mga bagay na agad ko namang pinagsisisihan! Namamalikluhod ako upang humingi ng kapirasong awa, sinusunod ko ang iyong mga utos o'Dios ko! Batid mong higit pa sa buhay ko ang pangarap para sa pamilya ko! Ngunit ngayon? Dalawampo't dalawang taong gulang pa lamang ako tila agad mong kukunin ang buhay ko! Ako ba'y iyong kinamumuhian o pinaparusahan?!" sigaw niya. Tila sinaksak siya ng mga salitang hindi niya maipaliwanag kung bakit, para bang may pumihit sa gripo upang sunod-sunod ang pag labas ng kanyang mga luha. Dahan-dahan siyang umatras at hinawakan niya ang kanyang dibdib at naramdaman niya ang kanyang puso na tila bumabagal sa pag t***k. "Bakit ako lumuluha?" pagtatanong niya sa kanyang sarili. "Bakit ko nararamdaman ang... Ang kanyang pagdurusa?" saad niya. Muli niyang pinakinggan ang pagtangis ng kanyang kawangis. "Sana'y pakinggan mo ang aking hiling, sagutin nawa ng susunod kong buhay ang aking munting dalangin" "Mr. Ansilton? Mr. Ansilton?" tinapik-tapik niya ang braso ni Steffin upang magising, nakikita niya itong lumuluha at umiiyak. Idinilat niya ang kanyang mga mata ngunit nararamdaman pa rin niya sakit na dulot ng kanyang panaginip. Tahimik niyang pinapahid ang kanyang mga luha habang nakikita niya ang kanyang Doc. na tila nag-aalala ito sa kanya. Tumayo siya ng sa gayon nga'y bumalik ang kanyang sigla kanina. Inaayos niya ang kanyang damit at ibinalik niya ang kanyang sumbrero sa kanyang ulo. "What did you see in your dream?" pagtatanong ni Doc. Clarence. Bumalik na rin siya sa kanyang puwesto kanina habang may kinukuha siyang papel at ballpen sa kanyang mesa. Hinihimashimas niya ang kanyang dibdib. "Nakita ko siyang umiiyak" paunang wika niya. "And then?" Naaalala pa rin niya ang sinabi ng kanyang kawangis sa mga oras na yun. Iwinawasiwas niya ang kanyang ulo upang mawala ang kanyang naririnig na boses. "Sana'y pakinggan mo ang aking hiling, sagutin nawa ng susunod kong buhay ang aking munting dalangin". Kinuyom niya ang kanyang mga kamay at muling nangilid ang kanyang mga luha. "I'm sorry Doc. but I have to go" paghingi niya ng tawad kay Doc. Clarence. __ Pinagmamasdan niya ang papel na ibinigay ni Doc. Clarence sa kanya habang umiinom siya ng alak. Nakaupo siya ng mag-isa sa public house. Nakikita rin niya ang iba't ibang klase ng alak na nakadisplay sa aparador. Nakalagay ng maayos sa bawat column ang mga ito kaya't dito siya namamalagi sa tuwing may problema siya o sa tuwing may pagdiriwang sila ng kanyang kaibigan. Naririnig niya rin ang disco music ng malakas, meron ring mga iba't ibang kulay ng ilaw na galing sa disco ball, nagpapatagisan ito sa kinang. "Ihhsleeping pills? tss!" bulyaw niya. Pinunitpunit pa niya ang papel at itinapon niya ito. "Doctor ba talaga siya?" "Bro, lasing ka na!" malakas na wika ni Xavier sa kanya. Katatapos lang niya mag serve sa kanyang mga customer dahil kare'resign lang ng isang waitress sa kanyang ipinatayong restaurant one year ago. "Hali ka na, umuwi na tayo!" naka'apron ito at nakasuot ng hair net. May dala-dala pa siyang tray. "I am not drunk, ok? Hindi pa ako lashhing" ani niya. Iniikot-ikot pa niya ang baso habang nakayuko ito. Tinanggal niya ang kanyang hair net at inilagay niya ito sa lamesa kung saan nakaupo si Steffin. "Bro? Ano ba talaga ang problema mo?" sigaw ni Xavier. "Yun nga yung problema ko, hindi ko rin alam!" tumingin ito sa kanya at ininom niya ang alak hanggang mapansin niyang unti-unti na itong nauubos. "Heyy! Give me more!" pag tawag niya sa bartender. Itinataas pa niya ang baso habang nakatingin ang bartender sa kanya. "What do you mean?" pagtataka ni Xavier. Nabaling ang kanyang atensyon sa bartender, umiiling-iling siya sumisimbulo h'wag na lang niya itong pansinin. Kukunin na sana niya ang baso ngunit bigla na lang niya itong inilapag. Tinitigan niya ng diretso si Xavier, tila naduduling na siya sa kahahanap kung sino sa kanilang dalawa ang kausap niya. "Bashhta shha tuwing nanaginip ako, lagi kong nakikita ang shharili ko!" ani niya. Hinawakan pa niya ang kanyang bisig. "At alam mo ba kung anong nakakatawa pa dun, nakashhuot pa siya tuxhhedo, yun bang nasa shhinauna siya?" humagalpak siya sa tuwa. "Hindi ko nga alam kung kailan to nag umpishha ehh pero shha bawat araw o shha bawat orashh na nanaginip ako laging iyon ang nakikita ko" Pasekreto niyang kinuha ang baso at iniabot niya sa Bartender. "Alam mo sira ka talaga? Bakit ngayon mo lang sinabi yun sakin ha?" ani niya. "Ikaw ang shhira, alam ko namang tatawanan mo lang ako pag magshhabi ako ng totoo shhayo eh!" tinuroturo pa niya si Xavier sa kanyang dibdib habang nanlulupaypay siya sa kalasingan. "Right? But shheriously, hahanapin ko ang liham na yun para matapos na! I will find it whatever it takeshh! Yun nga lang hindi ko alam kung saan ako magsisimula!" dugtong pa niya. Kinuha niya ang kamay ni Steffin at isinablay niya ito sa kanyang balikat. "Ahh, sige sasamahan kita" pabiro niyang tugon. "Teka? Shaan mo ako dadalhin? Ha? Don't tell me you drive me home? Don't worry, I have my driver and P.A. to assist me! Umupo ka na lang diyan at uminom tayo!!!" Sa pagkukulit niyang bumalik sa upuan, napagmamasdan niya na tila nagbabago ang kanyang paligid. Nawala na rin ang tugtug ng musika pati na rin si Xavier. Imbes na bote ng mga alak ay mga aklat ang kanyang napagmamasdan, meron ding gasera, pluma at papel sa lamesa. Kinurapkurap niya ang kanyang mga mata umaasang babalik siya sa kasalukuyan subalit kahit anomang gawin niya ay alam niyang nanaginip nanaman siya. "What am I doing here?" pagtatanong niya sa kanyang sarili. Maya-maya pa, bigla na lamang bumukas ang pinto, itinuon niya ang kanyang paningin sa kanyang kawangis, si Isagani. Namumutla pa rin siya at nanghihina. Kinuha niya ang gasera, ginamit niya ito ng sa gayon makita niya ang kanyang hinahanap na aklat. "Nasaan na iyon?" ani niya. Inisaisa pa niya ang mga librong nakahilira sa iisang pangkat. Inihakbang niya ang kanyang mga paa patungo sa kanyang kawangis ng sa gayon malaman rin niya ang kanyang hinahanap ngunit huminto siya, tumingin ito sa kanya tila natunugan siya nito. Natahimik siya ng saglit, nakikita niya ang gaserang itinatapat sa kanyang harapan. "Do... Do you see me?" pagtatanong niya. Humakbang siya ng dahan-dahan, unti-unti rin niyang nakikita ang liwanag na tila papalapit ito ng papalapit sa kanya hanggang sa tumagos siya sa kanyang katawan. Napalingon siya nung mapagtanto niyang may iba pa la siyang kukunin. "Jusmeyo! Narito ka pa la" natatawang saad ni Isagani. Kinuha niya ang aklat at umupo siya sa silya. Inilagay niya rin ang aklat sa mesa pati na rin ang gasera. Inilipatlipat niya ang pahinang tila tapos na niyang sulatan. "San Ildefonso, Bulacan" wika niya. Nagulat siya nung imungkahi ni Isagani kung saan siya nakatira. "San Ildefonso, Bulacan?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD