"Sumuko ka na! Napapalibutan ka na namin!" sigaw ng isang Major Albert. Tinitingnan pa niya ang isa pang pulis na kagaya niya ay nagtatago sa kanilang sasakyan habang may dala-dala siyang mic at baril sa kaliwang kamay.
Napagmamasdan ni Calixx sa bintana ang apat na police car. Nasa simbahan siya ng katoliko habang nakatago siya sa kwarto ng pari, pinagpapawisan siya at nakangiti ng mapanuya. Chicheck niya ang kanyang amo kung may bala, nakita niya itong wala na ni'isa. Tinanggal niya ito at pinalitan.
"Hijo? Hindi pa huli ang lahat, parang awa mo na" wika ni Father Herbert. Nasa saisenta y isingko na ito at nakatali sa kanyang kwarto habang nakadapa.
Hindi niya ito pinakinggan bagkus ay itinutok niya ang kanyang mga mata sa sniper. Tinitingnan niya ang bawat sasakyan, nakikita rin niya ang sumasayaw na pula at asol ng emergency light. "C'me on you little skunk!" seryosong wika niya. "Where are you?!" ani niya sa kanyang sarili. Hinahanap niya ang kanyang kapatid.
Maya-maya pa, nasisilayan niya ang isang babae. Papalapit ng papalapit ito sa harap ng simbahan. Bumabagsak rin ang mga luha sa kanyang mga mata. Tila sinaksak siya ng ilang beses nung makita niya ang kanyang mama.
"Calixx?! Anak?! Mi hijo?! Please just give up already! I don't know what I'll do if I lose you too! Hindi ko kaya anak!" sigaw nito habang nakatingin sa may bintana.
Naaalala niya ang kanyang panaginip, naiisip niya ang pagkadurog ng dalawang matanda nung malaman nilang palala ng palala ang sakit ng kanilang anak.
Gumulong ang luha sa kanyang mga pisngi habang unti-unti niyang ibinababa ang kanyang hawak na baril. Pumikit siya ng saglit sumismbulo ng kanyang pag suko sa mga araw na iyon.
Bumaba siya at lumabas kasama ang padre na nakahawak sa kanyang bisig, tinapik-tapik upang pagaanin ang kanyang loob.
Lumapit ang kanyang Ina. Nakikita niya itong namumugto ang mga mata. "Anak? I'm so sorry, I'm sorry hindi ko alam, hindi ko alam anak" pag hingi niya ng tawad. Hinahawakan pa niya ang kanyang pisngi, hinahaplos-haplos pa niya ito. "Patawarin mo kami ng Daddy mo, kung hindi ko nakita ang lahat ng evidences sa kompanya, hindi ko malalaman ang lahat ng kagogahan ni Martin"
Hindi na siya nagsalita bagkus ay yinakap niya ito ng mahigpit. "Ma? Ito lang yung gusto ko mula sayo, yakap lang po"
"Calixx?" sumigaw si Martin habang nakangiti siya ng mapanuya. Nakatutok rin ang kanyang baril patungo sa kanya at pinihit niya ang gatilyo. "Good bye my step brother!"
Dahan-dahang lumabas ang bala. Naisip niya kaagad na maaaring madamay ang kanyang Ina kaya't walang anu-ano'y agad niyang sinalo ang bala. Tumagos ang bala sa kanyang taludtud na nag resulta ng pag bulwak ng maraming dugo. Nagulat ang kanyang Ina nung makita niya itong unti-unting bumabagsak at bumibitaw sa kanyang pagkakayakap.
"Anak?!" pag sigaw ng kanyang Ina.
"Cut!" sigaw ng Direktor. "Good take Steffin!"
Iminulat niya ang kanyang mga mata nung marinig niya ang sigaw ng Direktor. Agad namang tumakbo ang kanyang make-up artist upang tanggalin ang kanyang jacket.
Lumapit rin ang kanyang P.A. habang may hawak itong alampay at pinapahid niya ito sa kanya. "Sir? Tubig?" tanong niya
Tumingin ito sa kanya ng matalim. "No, anyway, cancel all my meeting again I need to go somewhere"
"Bakit Sir?"
Tinanggal niya ang kanyang sumbrero at inayos niya ang kanyang buhok. Pinahid rin niya ang pekeng dugo na lumabas sa kanyang bibig at itinutok niya ang kanyang mata sa kanyang P.A. "Narinig mo ako? O papalitan na kita?"
"Ahh h'wag po sir, kailangan ko po'to"
"Basta cancel my meeting today at kapag mag tanong si Ganda sabihin mo sa kanya na may gagawin lang ako"
Tumayo siya at humakbang ng mabilis papunta sa kanyang tent upang mag palit ng damit. Isinuot niya ang polo, kulay mocha ito at pinaresan pa niya ito ng black na sluxx.
Dumiretso siya sa kanyang sasakyan. Hindi na siya nagpaalam kahit kanino dahil hanggang ngayon, hindi pa rin siya pinapatahimik ng kanyang isipan.
Alas dos na ng hapon, nasa San Idefonso na siya. Nakikita niya ang mga taong may kanya-kanyang patutunguhan. Nakikita rin niya ang mga baderitas na nakasabit sa taas at may nakasulat na 'Happy Fiesta San Idefonso'.
Inihinto niya ang kanyang sasakyan upang magtanong-tanong. Nung makita siya ng mga tao agad silang lumapit sa kanya. Dinudumog siya ng mga ito. Nakalimutan kasi niyang mag dala ng mask at sumbrero upang mag silbing proteksyon sa kanyang mukha. Merong mga taong nagpapapicture sa kanya, yung iba hindi na nagpapaalam at kaagad nila itong kinukunan ng larawan.
"Hmm may gusto lang ako itanong? Alam niyo ba kung nasaan ang Oli..." hindi na siya pinatapos nung bigla na lang may umakyat sa kanyang sasakyan. "Heyy!! My car!" pinandilatan niya ito ng kanyang mata. Maya-maya pa'y bigla nalang siyang naapakan ng isang babae. Napasigaw siya sa sakit. "Ahhh! Ano ba?! You didn't even say excuse me you little rat! I don't care who you are or where you came from basta don't you ever come near me! you... All of you! My goodness!"
Nanlilisik ang kanyang mga mata habang tinitingnan niya ang kanyang sapatos na dumihan. Huminto ang mga tao at nagtinginan sila tanging mga busina lang ng sasakyan ang siyang maririnig sa mga oras na iyon.
Humakbang siya sa kanyang kotse. Nagagalit pa rin siya sa babaeng nakatapak sa kanyang sapatos at dahan-dahang nag bulungan ang mga tao.
Hindi na niya ito binigyan ng oras. Pinihit niya ang manibela at gumulong ang sasakyan. "Didn't she realize that my shoes is more expensive than her life? Hayss!!"
Linibot niya ang buong San Idefonso at wala siyang nakita ni'isang bagay man lang sa kanyang panaginip. Kumunot ang kanyang kilay nung mapagtanto niyang walang kwenta ang kanyang pagpapacancel sa kanyang lakad sa araw na iyon.
Ngunit di maglaon may nakita siyang simbahan ng katoliko, natitipon-tipon din dito ang mga nanalig sa Dyos. Nagulat siya nung makita niya ito. "Ito yun, oo tama ito nga yun!" wika niya. Naniniwala siyang iyon nga ang nakita niya sa kanyang panaginip. Ang kanina'y biyernes santo na mukha ay napalitan ng tuwa.
Sinundan niya ang daan patungo kung saan makikita niya ang puno ng Olibo. Hindi na siya nag dalawang isip at pinaharurot niya ang kanyang sasakyan. Halos dalawang daang kilometro ang kanyang pagpapatakbo hanggang sa matunton niya ito.
"Panigurado akong dito yun, hindi ako nagkakamali!" wika niya sa kanyang sarili.
Lumabas siya sa sasakyan. Sinusug niya ang daan kahit na masukal ang kagubatan. Hinahawi pa niya ang mga damo pati mga dahon ng puno na lumalaylay na sa daan.
Maya-maya pa, bigla siyang nakakita ng malaking ibon. Sinundan niya ito hanggang sa makita niya kapatagan. Dahan-dahan siyang lumakad pa labas ng gubat at nakita nga niya ang puno ng Olibo. Ganun pa rin ito, mayabong pa rin ang mga dahon at mas lalong lumaki ang puno nito.
Nararamdaman niya ang hanging bumubulusok papunta sa kanya, pawang hinihikayat siya nito na kunin ang liham na hinukay pa ni Isagani.
Humakbang siya ng dahan-dahan. Lumapit siya ng lumapit sa puno ng Olibo hanggang sa makita niya ito ng harap-harapan.
"So, it's you? Again?" pagtatanong niya sa kanyang sarili. Hinawakan rin niya ito at pumikit. Nakita niya ang lumuluhang si Isagni, naramdaman rin niya ang luhang tila nagpahirap sa kanya nung araw na iyon.
Kaya't agad niyang idinilat ang kanyang mga mata. Hindi na siya nag dalawang isip at hinukay niya ang liham na para sa kanya.
Binungkal niya ang lupa at nakita nga niya ito. Namangha siya at pawang hindi siya makapaniwala. "What the...?"