bc

Accidentally Yours, Your Highness

book_age18+
13
FOLLOW
1K
READ
dark
forbidden
contract marriage
family
HE
fated
forced
opposites attract
friends to lovers
playboy
arrogant
prince
stepfather
heir/heiress
drama
tragedy
sweet
bxg
lighthearted
serious
kicking
campus
city
office/work place
enimies to lovers
secrets
love at the first sight
assistant
like
intro-logo
Blurb

A dare to “kiss a random man” na utos ng mga kaibigan at walang alinlangan sinunod ni Lorraine. Isang lalaki ang pupukaw sa atensyon niya na mag isa lang sa di kalayuan sakanila. Nilapitan niya ito at hinalikan, pero ng dahil sa halik na iyon ay magbabago ang takbo ng buhay niya.Ang lalaki palang hinalikan niya ay ang Crown Prince ng isang modern royal family, at ng kumalat ang larawan nila hindi lang sa social media at media kundi sa buong bansa. Mapipilitan si Lander Lance Qrezwell na ipahanap ang babaeng humalik sakaniya na walang pasabi upang alukin itong magpanggap na magkasintahan sila alang alang isalba ang image niya bilang Crown Prince.Hanggang pagpapanggap lang kaya? o mauuwi rin sa totohanan ang relasyon nila? dahil may lihim na rin silang nararamdaman para sa isa't isa na pilit nilang itinatanggi sa sarili nila?

chap-preview
Free preview
The Dare
Lorraine Ysa Zalomon “Yay! Sabi naman kasi sayo mag jowa ka na e! Tignan mo ngayon solo ka lang? Pa’no ‘pag gininaw ka later, sino yayakap sayo?” natatawang puna sakin ni Wella, best friend ko “True dai! Buti pa ako may hahawakan mamayang mainit init na hmp” sabad naman ni Sally habang pinopoint ang ano ng bf nitong si Brian. “Minamanyak mo na naman ako niyan e” natatawa namang sabi ni Brian “And you like it bro!” pang aasar naman ni Marky bf ni Wella. “Aisshh! Magtigil na nga kayo! Tsaka sino bang nagpumilit na isama ako dito? Diba kayo? Wala kayong sinabi na required na dapat may jowang kasama, edi nanghila na muna sana ako sa daan kanina diba?” irap ko sakanila dahilan para magtawanan ang mga ito. Nagpasya kaming mag beach tutal ay bakasyon naman na dapat ay ginugugol ko ang bakasyon sa pagtatrabaho para sa pangmartikula ko, e kaso namilit ang mga burikat kaya sumama na lang ako, isa pa libre naman nila, sino bang tatanggi sa libre diba? Syempre wala! Nang marating namin beach ay mataas na ang araw, actually kanina pa talaga kami dito, sinakyan namin ang sasakyan ni Marky, buti na lang talag marunong mamili ng jojowain mga besties ko e, anak ba naman ng contractor at mayor mga jowa nila e, Charing! “Sayang naman ang babayaran natin sa room mo kung wala man lang magpapainit sayo” siko sakin ni Wella kayi bahagya kong kinurot ito dahil nakatingin na samin ang isa sa staff ng napili naming resort na mapag-check-inan. “Mas okay yun, makakatulog ako ng mahimbing, unlike sainyo!” irap ko pa na ikinatawa nilang lahat. Nang maibigay na ang mga susi samin ay nagkaniya kaniya na kami ng punta sa bawat room number namin. Well, halos magkakatabi lang naman pala ang room namin. Matapos naming maiayos ang mga gamit namin ay naglabasan na kami at nagkaniya kaniya na ng pulasan pa dalampasigan. Nakaswimsuit kaming tatlo habang ako ay pinatungan ko muna ng short ang pangibaba ko, dahil nahihiya ako. Nagtampisaw kami sa dagat, naghabulan at iba pa. Ito talaga ang hinahangaan ko sa mga kaibigan ko pati sa mga jowa nila, dahil hindi nila hinahayaan na ma left out ako o ma-oout of place pag magkakasama kaming lahat. Para nga akong alaga lang nila e, kasi super protective nila sakin, dahil narin sa nangyari sakin dati after naming maghiwalay ng ex ko, sobra akong nasaktan no’n tapos sinubukan ko pa magpakamatay, kapag naiisip ko na ginawa kong laslasin kamay ko dahil sa walang kwentang lalaki na ‘yon, parang ako mismo gusto ko ipukpok ulo ko sa pader e. Pakatanga e! Hindi na namin napansin ang oras at unti unti ng dumidilim kaya naman umahon na muna kami at naghanap ng magandang pwesto kung san pwede mag bonfire while drinking some beer. Kaming tatlo nila Wella at Sally ang naghanap ng pwesto habang si Marky at Brian naman ay kumuha ng snacks, beer at mga kahoy. Nang makahanap naman kaming tatlo ng magandang pwesto kung san wala gaanong tao ay iniwan ko na muna ang dalawa at nagpaalam na kukuha ako ng tuwalya ko at para masabihan ko rin mga jowabels nila na ipagdala sila ng tuwalya. Maghanap na kaya ako ng jojowain ko at ng may mautus-utusan naman? Charing! “Dalhan nyo raw ng tuwalya yung dalawa” saad ko kay Marky at Brian tsaka na ako pumasok sa room ko para kumuha ng towel at kunin ang baon kong chocolate bar sa bag. Paglabas ko ay napangiwi na lang ako sa dalawa na hindi alam kung paano bibitbitin mga dala nila. “Akin na nga yang mga towel nyo ako na dyan” saad ko “Thanks Raine!” ani Brian tsaka ako siniko sa balikat, nagtataka kayo ba’t nasiko nya ako sa balikat? Malamang, matangkad HAHAHA “Magjowa ka na kasi! Reto ka na namin kay Kian” nag ngingiting sabi ni Marky kaya inirapan ko ito. “Alam nyo kayo? Hindi ko alam kung kaibigan ba turing nyo sakin! Irereto nyo ko kay Kian e alam nyo namang babaero yun!” inis kong sabi sakanila “Malay mo magbago dahil sayo? Tagal na rin nagpapapansin sayo no’n!” pagpupumilit pa ni Marky “E ba’t di ikaw jumowa kay Kian? Ako tigil tigilan nyo ha?! Bahala na nga kayo jan!” inis kong sabi tsaka na naglakad palayo, napasinghap pa ako ng marinig ko pa ang malakas nilang tawa. Pagdating ko sa pwesto namin ay naabutan ko si Wella at Sally na nagpapatong patong na ng mga tuyong kahoy. “Oh akala ko ba mga jowabels nyo na bahala sa bonfire?” tanong ko habang inaabot sakanila mga tuwalya nila. “Ang tagal e! Nilalamig na kami” singhal ni Sally “Aynako, ewan ko ba naaman kasi sa mga jowa nyo kung anu ano mga binibit bit” natatawa kong sabi at sakto naman ang dating nina Brian at Marky “Ano yan?! Tanong ni Sally ng makita ang dalawa “Wag ka na po magtanong Babi, for you naman ‘to e” ani Brian kay Sally at kumindat pa ito. “Oh tignan nyo mukha ni Raine, di maipinta e” hagalpak ni Marky kaya binato ko ito ng hawak kong maliit na sanga ng kahoy Napuno lang kami ng tawanan habang inaayos ang set up namin, hanggang sa tuluyan na ngang dumulim ay sinindihan na ni Brian ang mga sanga ng kahoy tsaka kami nasa gilid at napabilog. Sa gitna naman ang mga snacks at inumin namin. Medyo nakakaramdam na ako ng hilo pero, kaya pa naman. Si Sally at Wella halatang tinamaan na ng alak dahil maiingay na ang mga ito, di naman ganon kaingay sakto lang. “Ayoko na! Lasing na ako!” ani Wella na tinawanan lang ni Sally. “Ang likot mo kasi” dinig kong bulong ni Marky sakaniya dahil malapit lang ako sakanila. Pinunasan ni Marky si Wella ng wipes pero nagpupumiglas naman ang isa, di ko tuloy maiwasang mapangiti pang pinagmamasdan silang apat. Masaya na ako kasi alam kong nasa tamang lalaki ang mga kaibigan ko. “Spin the bottle na lang!” sigaw naman ni Sally at inilapag sa gitna namin ang bote ng beer na walang laman. “Ay buti pa nga!” saad ko naman. Nagumpisa ng paikutin ni Brian ang bote at natapat naman to kay Marky “Truth or Dare?” tanong ni Brian dahil siya ang katapat ni Marky “Dare” nakangisi nitong sabi kaya napangiwi ako dahil alam ko na kung ano inaasahan nito. “Dagdagan mo kahoy yun oh wala ng apoy” nataatwang sabi ni Brian ng biglang bumusangot si Marky. Kahit ako inaasahan ko kung ano man ang inaasahan ni Marky e. “Gago umasa yatang ipapakiss mo si Wella” hagalpak ko “Palagi naman nila ginagawa yan! Utusan ko na muna siya” hagalpak naman ni Brian. Nang maakabalik si Marky ay pinaikot niya ang bote at sakin naman ‘to tumapat na ikinasigaw nilang apat. “Truth or Dare?” hagikhik ni Sally. Pag nag truth ako dito i’m sure itatanong nila kung mahal ko pa ba yung ex kong mukhang tubol. “Dare!” matapang kong sagot “Ya! Ang daya! Ayaw matanong e” tawa ni Well kaya binelatan ko ito. “Okay, sure yan gagawin ha?” ani sally kaya tumango ako. “Kiss a random guy here!” hagikhik ni Sally na ikinatawa ng tatlo “What?! I mean… pa’no kung may jowa yung mahahalikan ko?” tanong ko sa mga to “Kahit pa! Dare is Dare!” dikdikan ni Sally “Sige na! Kiss lang naman e, pagkakiss mo edi takbo kana pabalik dito” natatawa namang sabi ni Brian “Mga gago talaga kayo! Ginawa nyo pa akong magnanakaw ng kiss” irap ko sa mga to “Ahh wala mahina!” ani Marky kaya tumayo na ako at tumingin sa paligid “Yiee! Malay mo naman yung ikikiss mo is yung destiny mo na?” dinig kong sabi ni Sally kaya inirapan ko lang ito at bumalik ulit sa paghahanap ng lalaking pwede kong halikan ng walang sasabunot sakin. Puro matao kahit pa gabi na kaya mas iilibot ko pa ang paningin ko hanggang sa makita ko ang isang lalaking nakatopless sa ilalim ng puno ng niyog mag isa lang siya habang nagcecellphone. “Oh ano? May nakita ka na?” Tanong ni Sally “Pag sumunod itago nyo ko ha” saad ko at naglakad na papunta sa lalaki. Huminga na muna ako ng malalim bago ko bilisan ang lakad ko, konting hakbang nalang at malapit na ako sakaniya. Napakuyom pa ako sa kamay ko ng hndi niya ako maramdaman sa likod niya, kaya naman dali dali ko siyang hinila paharap sakin at siniil siya ng halik. Nanlamig bigla ang mga kamay ko at may kung anong bultabultaheng kuryente ang dumaloy sa buo kong katawan. Nang maramdaman ko ang pagbuka ng bibig niya at pagdapo ng kamay niya sa batok ko ay agad ko siyang tinulak palayo at ngumiti ng may pag aalangan. “S-sorry… dare lang” saad ko ng nakangiti at nag peace sign pa sakaniya tsaka na ako kumaripas ng takbo. Shocks! Ang guwapo niya!!!!! “Gago!!!! Sabi Kiss lang ba’t mo nilapang?” tili ni Sally habang hinahampas ako sa braso “Pulang pula si Raine oh!” hagalpak naman ni Marky at nag appir pa sila ni Brian. “Hala bff! Papunta siya here!” saad naman ni Wella kaya napako ako sa kinatatayuan ko. “Gago joke lang! Umalis na! Pwede ka ng huminga” hagalpak pa nito kaya inirapan ko tsaka na ako tumakbo pabalik sa room ko dahil sobrang nakakahiya ng ginawa ko. Nagshower na muna ako at nagpalit ng damit tsaka na ako nahiga sa kama. Tulala lang ako sa kisame habang iniisip yung nangyari kanina. Kahit nakapikit ako ng halikan ko iyong lalaki feeling ko nakatitig lang siya sakin tapos ang lambot pa ng labi niya at ang bango ng hininga. At isa pa hindi lang basta imaginatin ko lang na gumalaw ang labi niya para makipagtsuptsupan sakin dahil naramdaman ko talaga yon. Tapos… tapos… aaackkkk! Pakaguwapo niya! Sana lang wag na kami magkita ulit, nakakahiya sa totoo lang!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

MAGDALENA (SPG)

read
32.3K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
30.0K
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
105.1K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
113.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook