NEWS

1281 Words
Nag stay pa kami ng 2 days sa beach resort, after no’n ay nagpasya na kaming mag si uwian. Napuno lang ng pang aasar ang loob ng kotse, hanggang ngayon kasinay inaasar pa rin nila ako tungkol sa lalaking hinalikan ko nung gabing yun. Hindi ko na nga rin masyado maalala mukha no’n basta ang alam ko, guwapo siya. That's it. “Pero totoo talaga yung sinabi mo? gusto niyang makipaglamunan?” natatawang sabi ni Wella. “Lamon agad, Wella? lamon?” “Aba, e ano gusto mo? mukbang?” irap pa nito kaya natawa na lang ako. “Wag nyo na gisahin ‘yang si Raine, kung may one night stand, may one night kiss naman siya. Nakaw nga lang” hagalpak naman ni Marky dahilan para ibato ko ang hawak kong hand sanitizer. “Aray ah, nagiging bayolente ka na!” ani Marky sakin habang nakatingin sa rareview mirror “Mas magiging bayolente pa ako pag di pa kayo nagsitigil!” irap ko sa mga ‘to pero nagtawanan lang sila lalo. Mahaba haba rin ang binyahe namin, hanggang sa makarating namin ang bahay ko. “So, dito na tayo… Nag enjoy ka ba sa outing natin?” tanong ni Sally sakin “Oo naman. Sobrang nag enjoy ako lalo na’t kasama ko kayo” nakangiti kong sagot. “Sus kunwari ka pa, idagdag mo na rin na nag enjoy ka kasi nakapanghalik ka—aray!” daing ni Brian ng suntukin ko ito sa braso. “Tigil tigilan nyo na ako sa halik halik na yan ha?! baka nga yung hinalikan ko nakapag move on na tapos kayo hindi pa!” puna ko sa mga ‘to “Sayang di na natin siya nakita after no? what if, maligno pala hinalikan mo Dai?” Biglang sabi ni Wella kaya sinamaan ko ito ng tingin. “Ang lala mo talaga, bahala na nga kayo jan! ingat kayo sa pag uwi ha” saad ko sa mga ‘to tsaka na ako bumaba ng kotse. “Bye, Dai! mag message kami if may lakad tayo ha?” ani Sally sakin. Tumango nalang ako at ngumiti tsaka na kumaway sakanila. Nang nakalayo na sila ay pumasok na ako sa loob, agad namang sumalubong sakin ang tahimik at madilim na loob ng bahay. Mag isa na lang ako sa buhay. Ang mama at papa ko ay may kanya kanya ng pamilya, ako lang ang nag iisang anak nila, nag iisang anak na lang nga pero pinabayaan pa para sumama lang sa iba. Naunang nagloko si papa, grade 6 ako no’n saktong graduation ko. Imbis na masaya at may handa ang bubungad sakin pag uwi ay bangayan ni mama at papa. Umiiyak si mama habang itinatapon ang mga damit ni papa sa labas ng bahay, habang si papa naman ay parang wala lang sakaniya ang ginawa niya, lumabas siya at kinuha ang mga nagkalat niyang damit tsaka ito nilagay sa maleta. Sinubukan ko mag makaawa kay papa na wag kaming iwan, pero hindi niya ako pinakinggan, ni hindi niya ako nilingon nung araw na tuluyan na siyang umalis. Akala ko sapat na ako kay mama. Naging matatag si mama kahit wala na si papa, siya ang nagtrabaho para buhayin ako, para may ipang aral ako. Namasukan siyang janitress sa isang hotel, sa araw araw na uuwi siyang pagod at amoy pinaghalong clorine at iba’t ibang kemikal na pang linis ay bumawi ako sa pamamagitan ng ako ang nagluluto para pag uwi niya ay kakain na lang siya at agad na makapagpahinga. Akala ko okay na sakaniya ang gano’n kasi para sakin sapat na ang magkasama kami ni mama, yun ang importante pero nang mag eighteen ako, sa mismong birthday ko may sumundo kay mama, naka kotse, nakasuit at halatang mayaman. Akala ko magpapaliwanag si mama sakin, kung sino ang lalaking yun, pero nagulat na lang ako ng lumabas siya sa kuwarto niya bitbit ang isang maleta. “Simula ngayon, matuto ka ng mamuhay mag isa. Gusto kong guminhawa ang buhay ko, Lorraine.” Yun lang ang mga iniwang salita ni mama bago siya tuluyang lumabas ng bahay at sumakay sa kotse ng lalaking sumundo sakaniya, walang pag hingi ng tawad kung bakit niya ako iiwan, walang paliwanag. Hindi ko alam kung ano bang nagawa kong kasalanan para danasin ang lahat ng ‘yon noon. Yung bilin ni mama sakin bago ako tuluyang iwan, ginawa kong motivation iyon. Nagsumikap ako at kung saan saan namasukan para matustusan ko ang pag aaral ko at para sa pang araw araw na gastusin ko. Sa umaga puro lang ako aral, pagdating ng gabi ay deretsyo ako sa mga part time job ko. Laking pasasalamat ko ng makilala ko sina Wella at Sally, hindi lang sila basta naging kaibigan sakin. Naging kapatid ko rin sila, sila ang sumasalo sakin kapag may kailangang bayaran sa mga school projects, research and all. Hindi nila ako pinapabayad, at kapag sinusubukan kong bayaran sila ay sinasabihan nila ako na itabi ko na lang. NANG matapos akong maligo ay nagluto na lang ako ng instant noodles. Ito lang ang stocks meron ako dahil wala naman akong ref dito sa bahay na iniwan sakin ng parents ko, dahil wala rin naman akong ilalagay sa loob. Tsaka naibenta ko na iyon last year para pandagdag tuition ko, atleast kahit papaano ay napakinabagan ko. Nang maluto ang noodles ay nagtimpla naman ako ng kape, umupo ako sa sala tsaka ko sinindihan ang tv at nanuod ako habang kumakain. Abala lang ako sa panunuod ng drama hanggang sa mag ring bigla ang phone ko, ng tignan ko ito ay si Wella ang tumatawag kaya agad ko iton sinagot. “Nakauwi ka na?” tanong ko agad. “Yes, wait. Anong ginagawa mo ngayon?” tanong nito. “K-kumakain? bakit?” tanong ko. “Manuod ka sa tv, manuod ka ng balita, dali!” sigaw nito sa kabilang linya. Kahit naguguluhan ay sinunod ko ang sinabi niya at inilipat ito sa balita. “Ano? may naaalala ka?” tanong nito sakin “Ha? anong connect ng balita sakin?” taka kong tanong at mas tinuon ang atensyon sa balita. “Breaking news tonight! photos allegedly showing the Crown Prince sharing an intimate moment with an unidentified woman have surfaced online, sparking intense public speculation.” Halos mabitawan ko ang hawak kong tinidor habang nakatingin sa picture na nasa tv. “Daaaaai! jusko! magiging princess of the year ka na ata” sigaw ni Wella, pero tutok parin ako sa tv. “Dai… Panaginip lang to diba?” mahina kong tugon sakaniya “No! this is real! ano pang hinihintay mo! i-claim mo na ang spotlight mo!” sigaw sakin ni Wella. “Hindi… I mean… ayoko, malaking iskandalo ‘to Wella” nag aalala kong sabi. “Ano bang pinagsasasabi mo?! i mean yes, so far malaking iskandalo na nga siya pero, ayaw mo bang makilala ka nila? malay mo ipahanap ka ng prince charming mo” saad pa nito at halata sa boses niya na kinikilig siya. “E pano kung hindi? tsaka sinabihan ko naman siya no’n na dare lang yung kiss. Magagawan naman siguro niya ng paraan yung balita.” saad ko pa, kahit na para ng tinatambol ang dibdib ko sa kaba. “Sabagay, pero Dai… In case ipahanap ka… magpapakita ka ba?” tanong ni Wella. Natigilan ako sa tanong niyang iyon, hindi sa hinahangad kong hanapin ako o ipahanap ako… Pero, ano nga ba ang gagawin ko pag dumating ang araw na ‘yon? siguro mas ayos na wag na lang ako ipahanap? kasi kung magkataon, hindi ko alam ang gagawin ko, o kung anong mukha ang ihaharap ko sa mga tao.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD