Ilang araw ang lumipas matapos lumabas ang balitang yun at ilang araw na rin naging usap usapan sa social media ang tungkol sa crown prince pero wala pang napapabalita na nag explain na ang royal family, na ikinapanatag ng loob ko. Sana ay kumuha nalang siya ng babaeng may image para pagpanggapin na yun ang kasama niya sa beach at kahalikan.
Ngayon rin ang unang araw ng pasukan ulit at kabado na ako dahil paniguradong puro panunukso nanaman ang mga maririnig ko sa mga kaibigan ko.
Ipinarada ko muna ang bike ko malapit sa kotse ni Marcky na ngayon ay nakapark na sa parking lot. Matpos kong ipark at ilock ang bike ko ay naglakad na ako papasok ng building.
“Swerte nung babaeng kahalikan ni Prince Lander, paniguradong agad silang ikakasal.”
“Oa nyo naman, baka girlfrined niya talaga ‘yun. Di ba kayo nagtataka, till now di pa rin nagsasalita ang royal family tungkol sa issue?”
“Sa bagay, hindi naman siguro pwedeng napadaan lang yung babae at hinalikan na lang bigla si Prince Lander…”
Halos matapilok ako habang naririnig ang usap usapan ng mga kapwa ko istudyante, kahit alam kong hindi naman ako makikilala dahil hindi naman kita ang mukha ko sa picture ay hindi pa rin ako mapakali, sana lang talaga wag mag ingay ang mga kaibigan ko.
“DAI!!!!!!” dinig kong sigaw ni Wella habang tumatakbo palapit sakin.
“Ano? Sasabihin ba natin sa roya–” hindi na natuloy ni Wella ang sasabihin niya dahil tinakpan ko agad ang bibig nito at hinila palayo sa mga nagchichismisang students.
“Ano ka ba! Wag kang maingay please lang! Nakakahiya” inis konng saad sakaniya.
“Bakit ba ayaw mong malaman ng lahat na ikaw yun?” tanong nito
“Kasi ayokong mapahiya. I-ke-claim ko na ako yun, e kung itanggi nung crown prince? Tapos sabihin na imposibleng makipaghalikan siya sakin? Tapos sabihin na gf niya or fiance yung kahalikan niya. Sino mapapahiya? Ako diba?” saad ko pa.
“May point” saad naman ni Wella at nagpatango tango pa.
“Diba? Edi sino kawawa?” tanong ko sakaniya habang nakacrossarm,
“Ikaw…” sagot niya
“Diba, so.. Sila Sally nasan?” tanong ko at sakto naman na dinig namin ang boses nina Sally, Brian at Marky na papalpit samin at ang pinag uusapan?
“Jackpot talaga si Raine!” dinig naming sigaw ni Marky kaya agad kaming lumapit sakanila.
“Oh andito na pala ang ating soon to be pri—”
“Magtigil ka!” ani Wella kay Marky matapos niyang tapikin ang bibig nito.
“Huh? Para san yun?!” ani Marky
“Pwede bang iwasan nyo na muna pag usapn ang tungkol sa kiss na nangyari sa beach..” saad ko
Lahat sila ay lumapit sakin at handang makinig sa kung ano mang sunod na sasabihin ko.
“Ayokong malaman ng lahat na ako yung nasa picture. Ayokong maging sentro ng usap usapan no. tsaka isa pa, magagawan naman siguro ng paraan ng royal family yung issue na ‘yon…” saad ko pa.
“So, secret na lang natin lahat?” ani Sally
“Ganon na nga, tsaka nakakahiya… baka sabihin pa ng mga tao na kilala ko yung crown prince na yun kaya bigla ko na ang hinalikan, ano iisipin nila? Diba? Baka isipin pa e ako ang nagpakalat ng pictures.” saad ko pa at napaupo na lang sa hagdn kung saan namin napiling mag usap usap dahil alam naman naming walang makakarinig.
“Sabagay, desisyon mo yan. Tsaka di mo naman alam na crown prince pala iyong hinalikan mo.” saad naman ni Brian at tinap ako sa balikat.
“Pabayaan mo na yun, mukhang wala nmang balak magsalita ang royal family tungkol sa issue, hayaan na natin. Kalimutan mo na lang, natin at mag focus na lang sa pag aaral lalo na’t graduating na tayong lahat.” saad naman ni Wella na ikinangiti naming lahat.
Nang makapasok na kami sa kaniya kaniya naming department ay ganoon pa rin ang maririnig. Tungkol pa rin sa mystery girl na kahalikan ni Princr Lander.
“Oh, Loraine!” tawag sakin ni Qwinzlet, ang number one GGSS ng university, well, may ganda naman talaga siyang ipagmamalaki, naging Queen Bee pa nga kahit di na uso ang gano’n, pero kinulang naman sa GMRC.
“Diba galing kayo sa beach last week? For sure nakita nyo si Prince Lander at yung girl na kahalikan niya” ani Qwinzlet sakin habang ngumunguya ng bubblegum.
“Oo, pero wala kaming nakitang Prince Lander o kung ano man, maraming naghahalikan sa beach, pero yung scene ni Prince Lander at ng kung sino mang babae na kahalikan niya hindi namin nakita” sagot ko.
“Jusko, oo at hindi lang ang isasagot mo andami mo pang sinabi” irap nito sakin. Mainit ang dugo sakin ni Qwinzlet mula ng maging kaklase ko siya, nung una wala naman akong pake sakaniya at gano rin siya sakin dahil di naman kami magkakilala personally, kumbaga sa university nakakasalubong ko lang siya with her alipores na parang mga coloring book ang mga mukha.
Nagsimula lang talaga niya akong pag initan ng makita iyang inabutan ako ng strawberry juice ng ultimate crush ng buong university na si Trevore Laxamana na sinasabi niyang boyfriend niya na parang siya lang ata ang nakakaalam. Tsaka isa pa, pialiwanag ko naman sakaniya na nagmagandang loob lang si Trevore na iabot iyong juice sakin dahil nga hindi ko naman abot, tapos nagkataon pa na classmate namin at seat mate pa kami ni Trevore kaya lalo pang umusok ang ilong ng gaga.
“E bakit naman kasi tatanungin mo siya regarding sa issue ni Lander e ang lawak ng beach para makita niya yung Lander at yung… yung babaeng kahalikan ng Crown Prince na yon” biglang singit ni Trevore na papasok ng room, masama rin ang timpla ng mukha niya kaya naman halos lahat kami ay natahimik at kulang nalang e hindi na huminga.
“I… i was just asking her… malay ba niya na nakasalubong na pala niya yung babae kasama si Prince Lander, tatang tanga lang siya” irap naman sa kawalan ni Qwinzlet
“Your words, Qwin.” malamig na tugon ni Trevore tsaka minatahan si Qwinzlet dahilan para padabog na umupo si Qwinzlet sa seat niya.
“You okay?” biglang bulong ni Trevore sakin ng makaupo ko.
“A-ayos lang ako. Salamat.” ngiti ko sakaniya at kumuha na lang ng libro sa bag ko para magbasa basa.
“Alam kong ikaw ‘yon…”
Halos manuyo ang lalamunan ko matapos marinig yun kay Trevore ng tignan ko siya ay nakatingin lang siya sa harap sa board.
“A-ano bang pinagsasabi mo… i-imposible yang sinasabi mo…” utal kong saad habang pilit na lumulunok kahit nanunuyo ang lalamunan ko.
“You can fool everyone but not me, Loraine.” bigla niyang sabi, salubong ang kilay nitong humarap sakin at pasimpleng inabot ang phone niya kung saan nakazoom in ang kamay ko at kita ag bracelet na suot ko.
Para akong mawawala sa sarili, pakiramdam ko para akong kriminal na nahuli sa akto. Hindi ko man lang napansin na may palatandaan pa pala… at si Trevore pa talaga ang nakakita! Pakshet talaga!
“P-paano mo napansin yung ganyang kaliit na detalye… tsaka medyo blured pa nga ang kuha e…” taka kong sambit sakaniya
“Beacuse, i know every details about you… even a small one.” nakangisi niyang sabi na nakapagpangilabot sakin, na para bang stalker ko siya? Kahit hindi naman siguro.
“Nice joke.” ilang kong tawa pero ngumisi lang ito at nagpa iling illing pa.
“Pero…pwede ang secret lang natin ‘to? Ayokong malaman na ako iyon..” saad ko pa kay Trevore.
“Too late, Raine. Because, he’s after you now.” bigla niyang sabi na ikinatayo ko mula sa pagkakaupo at sakto naman ang dating ni Professor Rolly at may kasama itong babae na naksuit.
“Oh, there she is. Ms. Lorraine Zalomon, someone is looking for you.” ani Professor Rolly, at may kung ano ang nasa ngiti ng babae.
“Good luck.” mahinang singhal ni Trevore at bahagya pang umigting ang panga nito tsaka tumngin sa labas ng bintana.
Hindi ko na pinansin ang sinabi niya, bagkus ay naglakad na ako palabas ng room upag tanungin ang babaeng naghahanap sakin.
“Ahmm, bakit nyo ho ako hinahanap? Kilala nyo po ba ako?” tanong ko agad rito.
“Save your questions, Prince Lander is waiting for you at dean’s office” saad ng babae na tila nagpahinto ng mundo ko.
Hindi ko alam kung anong mukhang ihaharap ko sa Crown Prince na yon!