Makailang segundo akong tumulala bago nag-sink sa akin ang mga sinabi niya. Totoong nagulat ako roon pero kung iisipin, hindi naman dapat gawing big deal dahil normal lang naman ang magkagusto. Rio is a mighty man with superior strength in financial aspects, isama pa roon ang charismang dala niya. Surely, hindi lang si Alea ang may gusto sa kaniya. I just smiled `cause I understood her. Ngumiwi siya pero kalauna’y naging totoo rin ang ngiti. Wala naman sa isip kong sabihin kay Rio kung anong nararamdaman niya lalo na itong tungkol sa ‘sideline’ niya. Does she really need to be a p-rostitute? Hindi pa ba sumasapat ang sweldo na natatanggap niya sa pagtatrabaho rito? Iyon ang nag-udyok sa akin upang paupuin siya sa gilid ng kama matapos kong isarado nang mabuti ang pinto. Sa tantya k

