"Come and live with me, Elio Rivera."
It took him several seconds to process my words. Tumitig lang siya sa 'kin bago siya kumurap-kurap nang ilang beses.
"What?"
"I have a house. I live alone there. Unfortunately, I'm too busy to look after it. Bilang kabayaran sa ginawa mo, magsisilbi kang kasambahay ko. You will clean the house, maintain it. . . you get the idea. Habang ginagawa mo 'yun, makakapag-focus ako sa collection na ginagawa ko."
"Wala kang bayad, of course. Libre naman ang pagtira at mga pagkain mo doon. Aside from maintaining the house, you will also run errands for me. Basically, ikaw ang sasalo sa ilan sa mga trabaho nito ni Kelly," dagdag ko pa.
Tila bumalik na ang matalim na aura niya. "At hanggang kailan ako magsisilbing kasambahay mo?" tanong niya.
"Until I finish my collection. Kung gagawin mo nang maayos ang trabaho mo, mabilis kong matatapos ang collection ko. That means na mabilis ka ring makakaalis. I am being very generous with you, Mr. Rivera. Tutulungan na kita, makapagbabayad ka pa sa nagawa mo," sabi ko naman.
Elio just stared at me sharply. Sakto naman na pumasok na ang kasama niya at inasikaso na ang mga sugat sa kamay niya.
"Think about it, but you don't have much time. Ngayong gabi lang effective ang offer na 'to. Kung tatakasan mo ako, I will find a way to make you suffer. Hihintayin kita sa parking area until eleven. Take care. Kelly, let's go," sabi ko bago ako naglakad palayo.
"Do you think he'll accept the offer, sir?" tanong sa 'kin ni Kelly pagkalayo namin doon sa dalawa.
"Dunno. He seemed really prideful and brash. However, I gave him the best possible option. Hindi ko na kasalanan kung ayaw niya. It's his choice kung pahihirapan niya ang sarili niya, o kung lulunukin niya ang pride niya," sagot ko naman.
Halos wala nang tao sa hall nang makalabas kami. Kanina pa kasi natapos ang event. Kinausap ko pa nang kaunti sina Ms. Laina at Ms. De Vera bago kami dumiretso sa parking area kung saan ay paalis na sina mama at papa.
"Is everything okay, son?" tanong ni mama.
"Everything's been taken care of, 'ma. Umuwi na po muna kayo at gabi na. Thanks for attending the event. Bibisita po ako sa inyo soon. I love you po. Ingat po kayo sa daan," sabi ko bago ko sila niyakap.
"Mag-iingat ka rin. Umuwi ka na rin at nang makapagpahinga ka na," sabi naman ni papa.
Kumaway na lang kami ni Kelly sa kanila habang nagda-drive sila palayo. I then checked my watch. Ten minutes before eleven na. Bumaling ako sa direksyon ng event hall pero hindi ko nakita si Elio at ang kasama niya.
"I'll be sleeping over your house, sir," sabi ni Kelly habang naglalakad kami papunta sa kotse ko. "It's late na at ayaw kong mag-commute pauwi. Besides, pagod na ako."
"Pasok ka na sa kotse. Dito lang ako sa labas," sabi ko.
"Hihintayin mo siya, sir?" tanong ni Kelly.
"I made a promise. Hindi ako maaaring umalis hangga't hindi pa alas-onse ng gabi. Besides, I have a feeling na kakagat siya sa offer ko sa kanya. Tanga lang ang aayaw sa offer ko."
●●●
Elio's POV
"Then what are you waiting for?! Habulin mo na!" sigaw sa 'kin ni Zoe matapos kong makwento sa kanya ang napag-usapan namin ni Skyler.
"I don't know. . ."
"Tanga ka? May atraso ka sa kanya! Pasalamat ka nga at 'yun lang ang ipagagawa niya sa 'yo. Kung susumahin, lugi pa nga siya dahil siya ang magpapatuloy sa 'yo at magpapakain. Ito na lang ang magagawa mo para makapagbayad sa nagawa mo!"
I took a deep breath. "I could look for other jobs. . ."
"At gagamitin mo ang sweldo mo para mabayaran ang limang milyon? Elio, listen to me. This is the best option for you. Gusto kitang tulungan, pero hindi naman ako mayaman. Moral support lang ang maibibigay ko sa 'yo. That Alba guy was being kind and generous to you. Ikaw pa ang may atraso sa kanya. Nakakainsulto naman sa kanya kung ikaw pa 'tong may pride," paliwanag ni Zoe.
Sumubsob na lang ako sa mga binti ko. "Fine!" sabi ko matapos kong mag-angat ng mukha. "Fine! Let's go!"
"Ako na ang magdadala ng mga bag natin. May exit naman dito sa kitchen. Bilis na't malapit nang mag-alas onse. Baka umalis na sila," sabi ni Zoe sabay tulak sa 'kin.
Halos wala nang tao sa event hall. Maging sa labas ay wala na ring mga nakaparadang mga kotse. Pagkarating namin sa kalsada ay naglibot kami ng tingin sa buong paligid. Aside sa service vehicles na dala ng restaurant namin, wala na akong makitang senyales ni Skyler at ng kasama niya.
"Looks like we're too late," sabi ni Zoe. "Papilit ka pa kasi."
Isang kotse ang biglang lumitaw mula sa likod ng building at tumigil sa harapan namin. The window was open, and I immediately recognized Skyler with his eyeglasses.
"Have you made a decision?" tanong niya na 'di man lang sa 'kin lumilingon.
I took a deep breath. "Fine. I agree."
"Good," sabi niya sabay sara ng bintana sa tapat niya. Kasabay noon ay bumukas ang pinto ng kotse at lumabas ang kasama niya para pagbuksan kami.
"Dito na lang ako, Elio," paalam sa 'kin ni Zoe matapos niyang malagay ang bag ko sa loob. "Doon ako sasakay sa service vehicle natin. Ayusin mo 'yan na sugat mo. I'm really sorry for what happened. Ako na ang bahalang magsabi sa dorm ng nangyari. Aayusin ko rin ang mga gamit mo. Bibisitahin kita soon."
"Thanks a lot. Ingat ka," sabi ko naman.
Mula sa puwesto niya sa front seat ay tumabi sa 'kin sa likod ng kotse ang kasama ni Skyler. Agad naman siya sa 'king ngumiti.
"Hi! I'm Kelly Perez. As you can see, personal assistant ako nito ni Sir Skyler. Alam ko naman that you're not that okay, pero sana komportable ka. I'm really sorry for what happened. Wala kang kasalanan, okay?" sabi niya.
Ngumiti na lang ako. "Elio. Salamat din. So far isa ka sa mga taong tinrato ako nang maayos ngayong gabi," sagot ko naman.
Patama ko 'yun kay Skyler.
"Are you hungry? May dala akong pagkain dito. Medyo malayo pa ang destination natin kaya kumain ka na muna," sabi ni Kelly sabay abot sa 'kin ng isang paper container. Dahil kaninang hapon pa ako huling kumain ay tinanggap ko na lang ang ibinibigay niya.
Walang kaimik-imik 'yung Skyler habang nasa daan kami. Si Kelly lang talaga ang kumausap sa 'kin. Nang makarating na kami sa bahay nila ay nauna pa siyang bumaba at hindi man lang kami nilingon.
Upon stepping out of the car, agad kong nakita ang malawak na bakuran at magarang bahay sa harap ko. It was really modern and quite large, especially for one person.
"Do you want to eat? Maghahanda ako," sabi ni Kelly.
"'Wag na po. Late na rin po kasi. Tsaka gusto ko na rin pong magpahinga," sabi ko. Lagpas alas-dose na rin kasi at nakikipaglaban na lang ako sa antok.
Skyler was already waiting for us inside.
"Wash yourself. Sleep. Rest. Bukas na lang tayo mag-usap tungkol sa mga gagawin mo rito. Try not to destroy anything here. Kelly, bring him to his room. Matulog ka na rin. It's ridiculously late already," sabi niya.
With that, he headed up the stairs and didn't even glance back at us.
Yep. . . my mind whispered. Still frosty.
●●●
I woke up the next day lying on a soft bed, surrounded by fluffy pillows, and covered by a comfortable blanket to shield myself from the coldness brought by the AC. Pagkagising ko ay tumingala muna ako sa kisame habang iniisip ang mga nangyari sa nagdaang gabi.
"I'd rather not remember them," sabi ko naman agad sabay bangon.
I really can't deny that this is probably the nicest place I've ever stayed in. The comfortable bed. . . The en suite bathroom. . . The AC. . . Ngayon ko lang na-realize na ang laki pala ng mami-miss ko kung umayaw ako sa offer ni Skyler. Buti na lang talaga at pumayag ako.
Dahil extra pajamas lang ni Kelly ang suot ko, hindi na muna ako nagpalit bago ako bumaba sa sala. Pagkarating ko doon ay natanaw ko sa kusina 'yung dalawa. Kelly was cooking breakfast, samantalang si Skyler naman ay nagkakape at kaharap ang tablet niya.
"Kung magsisilbi ka rito, you have to get up a lot earlier than eight in the morning," bungad sa 'kin ni Skyler.
Dahil recharged na ako, balik na rin ang usual aura ko. "Sorry po. I was just bawling my eyes out last night and it was draining as hell. Not to mention pagod pa ako at may sugat. Don't worry po dahil next time, ako na mismo ang gagambala sa tulog niyo."
Skyler narrowed his eyes at me from behind his eyeglasses, pero hindi na siya nakipag-argue pa.
"Sir naman, first day lang dito ni Elio. Besides, ni hindi pa niya alam ang gagawin dito. Let him rest, sir," sabi ni Kelly sabay latag ng isang plato ng bacon sa mesa. "Kain na po tayo."
Agad naman akong kumuha ng mga pagkain lalo pa't ang dami ng ulam sa mesa.
"How old are you?" tanong sa 'kin ni Skyler habang kumakain na ako.
"21."
"Skills?"
"I can cook. I can do the laundry. I can clean. I can basically do everything. Waiter po ako, so organizing things is my thing," sagot ko naman.
"Perfect," sabi naman ni Kelly. "Kinausap ko na rin pala si Ms. Zoe. Ipapasundo ko na lang ang mga gamit mo doon sa dorm niyo. Bibisita rin siya dito mamayang hapon."
"Salamat po," sagot ko naman.
"Bakit wala na ang mga magulang mo?" tanong pa ni Skyler bilang pagpapatuloy sa interview niya. "Are they dead? Why are you living alone?"
I sighed. "They're still alive. They're just separated. My mother ran away with another man a long time ago. Wala na akong balita sa kanya. I know where my father lives, pero wala akong balak na magpakita sa kanya ng kahit isang hibla ng buhok ko," sagot ko naman.
Pansin ko na tinitigan ni Kelly nang makahulugan si Skyler. Hindi na nagtanong pa ang huli hanggang sa matapos na kaming kumain.
Habang naghuhugas si Kelly ng mga pinagkainan namin ay inilibot naman ako ni Skyler sa buong bahay bilang parte ng orientation ko.
"This house has four bedrooms, including the guest room. Weekly mo silang lilinisan at papalitan ng mga bedding at pillow. As for the entire house, ikaw rin ang maglilinis dito mula sa baba hanggang sa taas," sabi niya habang naglalakad kami sa isang hallway.
"The yard needs maintenance, pero may hardinero namang nag-aasikaso diyan. Still, kailangan mo pa ring diligan man lang ang mga halaman dito. The pool also needs frequent cleaning," dagdag pa niya habang nasa labas kami.
"Dito naman sa kusina, ikaw rin ang maglilinis at mag-aayos. You're free to eat or cook whatever you want. Marunong naman akong magluto kaya hindi mo na ako kailangang isipin pa. You can also watch TV. May internet din ako rito. Hindi ako magde-demand na magpansinan tayo rito lalo pa't alam kong napilitan ka lang naman na tanggapin ang offer ko," sabi ni Skyler habang papasok na kami sa sala.
I rolled my eyes.
"Ask permission from me kung may bibisita sa 'yo. Don't be too noisy. Don't use up too much electricity. Magpapaalam ka rin kung may lakad ka o kung gagabihin ka. Don't even think of stealing from me or running away. Most importantly, don't you ever enter that door over there," sabi ni Skyler sabay turo sa isang pinto sa dulo ng isang hallway.
"Why?" I asked him.
"That's my workroom, the place where I create all my paintings. You do not have the permission to enter that room. I don't want you to cause unthinkable damage to the artworks inside that. As much as possible, 'wag kang lalapit diyan," Skyler said.
I raised my hands. "Fine. Fine. I get it. Don't be so overreacting. Ano naman ang mangyayari kung pumasok ako doon?" tanong ko naman.
Skyler's gentle facial features suddenly sharpened as he glared at me. The effect was so strong that I was forced to take a step away from him as my heart pounded nervously against my chest.
"Trust me," Skyler whispered in a low, gravelly voice. "You don't want to know."
I nodded blankly.
He then let out a long breath before offering his hand to me. "Formalities. Do we have a deal, Mr. Rivera?"
I rolled my eyes before taking his hand and shaking it. "I don't have any other choice. Deal."