CHAPTER 07

2227 Words
"Alam ko naman na mayaman ang Skyler na 'yan, pero hindi ko naman lubos akalain na ganito pala siya kayaman. Alam mo ba na kulang na lang ay hanapan ako ng mga guard ng NBI Clearance sa gate?" 'Yun na lang ang nasabi ni Zoe habang nakatingala sa bahay ni Skyler. "Shut up. Get inside. Kaninang umaga pa ako nakasuot ng pajama at pawis na pawis na ako," sabi ko naman habang itinatabi ang isang malaking rolyo ng hose. Katatapos ko lang kasing magdilig ng mga halaman sa palibot ng bahay. Hapon na nga at katatapos ko lang na gawin ang huling trabaho ko dito sa bahay ngayong araw. Earlier this morning, Skyler and Kelly left after eating breakfast. Hindi naman nila sinabi kung saan sila pupunta, pero naghabilin sa 'kin si Skyler ng mga dapat kong magawa bago siya makauwi mamaya. Mukhang hindi naman dito nakatira si Kelly kaya walang kakampi sa 'kin kung sumuway man ako sa utos ng boss niya. In the end, ginawa ko na lang ang mga iniwang utos sa 'kin dahil wala naman akong choice at kailangan kong pagbayaran ang nagawa ko. I spent the entire morning cleaning and organizing stuff in the house. Kahit mayaman si Skyler, hindi pa rin niya maitatago ang kalat niya rito sa bahay. Sa mga hallway at open space ay nagkalat ang mga sapatos, brush, damit, libro, at kung ano-ano pa. Well, hindi naman na ako nagulat pa. Natural naman sa mga kagaya niya ang maging pabaya sa mga gamit. Unfortunately, hindi ako ganoong klaseng tao. I grew up with very few possessions, kaya naman natutunan kong pahalagahan ang mga bagay na mayroon ako. Kasama na rin doon ang pagiging maayos at organized. Nakadagdag pa sa natural trait kong 'yun ang karanasan ko sa pagiging isang waiter. Kasabay ng pag-aayos ko sa mga kalat ay ang pagsambulat naman ng mga dumi at alikabok. Cleaning and organizing the house took nearly the entire morning. By the time na natapos ako ay halos ala-una na ng hapon at gutom na gutom na ako. Luckily, the fridge and pantry were overflowing with food. Mukhang mahilig magluto si Skyler dahil talagang kumpleto ang herbs and spices niya. May ilan din siyang ingredients na sa mga cooking show ko lang napapanood. Agad ko namang sinunggaban ang oportunidad na matikman ang mga pagkaing sine-serve ko lang dati sa restaurant. Skyler himself said that I can eat to my heart's content that's why I decided to stuff myself full. Ngayon hapon nga ay naglinis at inayos ko ang mga gamit sa kwarto ni Skyler, nilinis ang pool, at nagdilig ng mga halaman nang hindi na tirik ang araw. Dito na nga ako naabutan ni Zoe na dala-dala na ang maleta ko. "Kumusta na pala ang kamay mo? Also, I'm beginning to wonder kung talaga bang pagbabayad ng utang ang ginagawa mo rito," sabi ni Zoe habang nasa kusina kami. "Okay na ang kamay ko. At bakit ka naman nagtataka sa kung ano ba talaga ang ginagawa ko rito?" tanong ko habang kumukuha ng isang box ng orange juice mula sa ref. "Kasi naman, daig mo pa ang nasa hotel! The AC is wonderful. You have unlimited food! Malamang din na ang lambot ng kama mo at malaki pa ang kwarto mo," sagot ni Zoe. I sighed. "I'm not gonna lie. This place is really nice." Zoe smiled. "Told you." "Kumusta naman pala sa dorm?" tanong ko pa. "Well, nasabihan ko na ang lahat ng mga tao roon na sa ibang lugar ka na nga titira. Nakibalita rin sa 'kin ang mga kasama natin sa restaurant. They were really worried about you," sagot niya habang naglalatag ako ng mga sliced bread at ilang bote ng sandwich spread. "Pasabi sa kanila na salamat, pero wala na akong balak na bumalik sa restaurant. . . kahit kailan," matigas kong sabi. Zoe raised an eyebrow. "I mean, how can they give up on me just like that? Matagal akong nag-serbisyo sa kanila. Isinantabi ko ang totoo kong ugali para mapasaya ang mga customer nila. I worked hard and did everything for their sake, tapos ang bilis nilang bitawan ako sa isang pagkakamali ko lang? What's worse, ni hindi man lang nila pinakinggan ang side ko! Mas pinahalagahan nila ang pera kaysa sa 'kin. Sa bagay, sinabi nga nila na hamak na waiter lang naman ako kaya hindi na nakapagtataka na itinapon lang nila ako nang basta-basta," sabi ko. "You have a point, and I personally think na naging unfair sila sa 'yo. Sinubukan ko namang kausapin si Ms. Laina over the phone pero hindi rin niya ako pinakinggan. Well, kilala naman kita at alam kong buo na ang desisyon mo. Wala na rin tayong magagawa dahil nangyari na ang nangyari," sabi ni Zoe. "Exactly, pero hindi ko mapapatawad ang ginawa nila sa 'kin. Gustuhin ko man na ireklamo ang walanghiyang manyakis na 'yun, magsasayang lang ako ng oras. Pagbabayaran ko na lang ang dapat kong pagbayaran. Kaya kahit gaano pa kakomportable ng bahay na 'to, hindi pa rin magbabago ang inis ko sa Skyler na 'yan," sabi ko naman. Huminga na lang nang malalim si Zoe. "Bakit na naman? Pinatuloy ka na nga niya rito. Bakit naghahanap ka pa rin ng gulo?" "Hindi po ako naghahanap ng gulo. Skyler could've done something better to help me. Siya na mismo ang nagsabi na wala namang sentimental value sa kanya ang painting na nasira ko. He could've asked Ms. Laina not to sack me. Nasira ko lang ang painting niya, pero hindi ko naman ninakaw ang abilidad niya. Of all the things that he could've done, ginawa lang niya akong utusan," sagot ko. Ngumiti na lang si Zoe nang marahan. "Mayroon man o walang sentimental value kay Skyler ang painting na nasira mo, hindi pa rin magbabago ang katotohanan na may atraso ka sa kanya," sabi niya habang nagsasalin ng juice sa baso niya. "I really admire your strong and unwavering personality, pero minsan napapasubo ka talaga sa gulo dahil diyan sa ugali mo. Marami ka sanang naiwasang gulo noon pa lang kung binababaan mo lang ang pride mo." Hindi na lang ako sumagot pa. "Seriously, though, this place is expensive," dagdag ni Zoe habang nakatingin sa ilang mga painting na nasa mga dingding. "Expensive daw. You should've seen this place earlier. Maaliwalas lang dito ngayon dahil nag-ayos ako kanina. Still, ingat na ingat ako habang naglilinis. Baka may masira na naman akong painting. Mahirap na," sabi ko. Zoe chuckled. "Oo na lang. By the way, ano na ang plano mo ngayon, aside of course sa pagbabayad mo ng utang kay Skyler? I mean, nag-iipon ka ng pera tuwing bakasyon, 'di ba? Marami tayong gagastusin next school year lalo pa't graduating na nga tayo," sabi niya. Huminga na lang ako nang malalim. "Well, I really can't deny na kailangan ko talaga ng pera. Susubukan kong pakiusapan si Skyler na hayaan akong magtrabaho. Hindi naman yata puwede na lagi akong nandito sa bahay niya. I'll just try to talk to him kapag nakahanap ako ng pagkakataon." "Ang tanong, papayagan ka kaya niya?" I raised my hands. "Bahala na." ●●● Skyler's POV "Are you sure you don't want to spend the night here? Nandito naman ang mga pamangkin mo," sabi sa 'kin ni mama habang nasa garahe na ako kasama si Kelly. "Buong araw na po kaming nandito, 'ma. Tsaka kailangan kong siguraduhin na buo pa ang bahay ko. Mauuna na po kami. I love you po," sabi ko at yumakap kami ni Kelly sa kanya. Bilang pambawi ko nga sa kanila sa hindi ko pagdalo sa huling family dinner ay nagpunta ako ngayon sa bahay ng parents ko. Iniwan din ng mga kapatid ko ang mga anak nila sa bahay, kaya buong araw kaming nagsihabol sa mga makukulit kong pamangkin. Ngayon nga ay pauwi na kami ni Kelly. Lagpas alas-siyete pa lang ng gabi pero nakakain na kami ng hapunan. "Bababa na lang po ako sa labas ng village, sir. Magco-commute na lang po ako pauwi," sabi ni Kelly habang nagda-drive ako. "Na naman? Ihahatid na kita," sagot ko. "Akala ko po ba gusto niyong i-check kung buo pa ang bahay niyo?" sabi naman niya. "Besides, dadaan pa po ako sa mall. Say 'hello' to Elio for me! 'Wag niyo naman po sanang awayin ang tao, sir." I stared at him in utter disbelief. "Ako? Ako pa talaga itong palaaway?" I said indignantly. Kelly laughed. "Well, sana naman po ay hindi niyo na gatungan pa ang volatile na mood ni Elio. He's been through a lot of bullshit already, and it's obvious from his behavior that he doesn't want any more of it. Intindihin niyo na lang po sana ang tao, sir. I'm sure that he's doing his best to pay you back for what he did. Halata naman po na masipag at matiisin siyang tao." "Fine. Whatever," I said, rolling my eyes. "I just can't understand why he's so ballistic and grumpy. Kahit yata paghinga ko kinaiinisan niya." "Marami pong tao sa mundo, sir," sagot ni Kelly na nakatanaw sa labas ng kotse. "May kani-kanya pong ugali ang bawat tao." Bumaba na nga si Kelly pagkalabas namin ng village. Binilisan ko naman nang bahagya ang takbo ng kotse lalo pa't hindi ko alam kung ano ang ginawa ni Elio sa bahay. Earlier this morning, Kelly and I left him alone in my house with the task to clean and organize things there. Nakalimutan ko pa mang sabihin sa kanya na may ilan akong mahahalagang mga gamit na nakakalat lang sa living room at mga corridor. Baka kung ano na naman ang nagawa—or nasira—niya. Well, buo pa naman ang bahay pagkarating ko. Dali-dali naman akong pumasok sa loob matapos kong i-park ang kotse. Babahagya ko pa lang na nabubuksan ang pinto ay iisang pangalan na agad ang nasambit ko. "ELIO!" I know I shouldn't be angry, given how the entire house looks cleaner and more spacious than it was before. Hindi ko pa rin maiwasan na mairita dahil wala na sa usual nilang mga lugar ang ilan sa mga gamit ko. Dali-dali naman akong nagbukas ng ilang mga cabinet para tingnan kung saan na nilagay ni Elio ang mga inayos niya. Habang naghahalungkat ako sa isang drawer ay nakarinig ako ng lagapak ng pinto at tunog ng tumatakbong mga paa. Maya-maya pa ay dumungaw mula sa taas ng hagdan si Elio, bagong ligo at may balot pa ng tuwalya sa ulo. "WHAT?" sagot niya pagkakita sa 'kin. "Where did you put my things?!" I snapped at him. "The brushes. . . Sketch pads. . . My shoes!" Agad na tumalim ang titig niya dahil sa tono ko. "Nag-ayos po ako ng kalat niyo, for your info. Sa pagkakatanda ko po kasi, sinabihan niyo po ako na maglinis at mag-ayos ng buong bahay niyo kaya 'yun ang ginawa ko." "Kahit mukha silang magulo, alam ko naman kung saan ko sila hahanapin kapag kailangan ko na sila!" sagot ko naman. "Bakit parang kasalanan ko?!" 'di makapaniwalang sabi ni Elio. "Sana naman po kasi nagsabi kayo kanina na may sistema pala ang kalat niyo! Pasensya na po sa pagsunod sa utos niyo! Pasensya na po kung ginawa ko lang ang dapat kong gawin! Sana naman po kasi nag-isip muna kayo bago niyo pinalinis ang bahay niyo sa isang dating waiter na kagaya ko!" Tumalikod na siya at halos kasunod noon ay lumagapak na ang pinto ng kwarto niya. Nakuha ko ang sagot sa mga tanong ko nang matapat ako sa pinto ng workroom ko. Sa tapat ng pinto ay nakaayos sa isang box ang mga brush, pintura, at iba pang mga ginagamit ko sa painting. Pagkaakyat ko naman sa kwarto ko ay doon ko nakitang nakaayos sa isang rack ang mga sapatos ko. Maayos na rin ang laman ng drawer ko, nakatupi ang mga damit at bagong plantsa ang ibang mga naka-hanger. Agad ko namang na-realize ang pagkakamali ko. I also inspected the entire house. Maayos na at malinis ang halos bawat sulok ng bahay. Pagpunta ko sa kusina ay nakita kong nakalagay sa warmer ang ulam na malamang ay kakainin sana ni Elio. Alam ko naman na malamang ay hindi na siya bababa pa kaya kumuha na lang ako ng isang tray at inayos ang mga kakainin niya bago ako umakyat at pumunta sa kwarto niya. "Kumain ka na ba?" tanong ko matapos kong kumatok. "Dinala ko rito 'yung niluto mo," sabi ko pa bago ako huminga nang malalim. "Pasensya na kung nagalit agad ako kanina. I'm sorry. Kasalanan ko naman na hindi ko kaagad inalam kung ano ang ginawa mo. Malamang na pagod ka na at may sugat ka pa nga. Sana kumain ka man lang para maka-recover ang katawan mo." As expected, walang sumagot. Kinaladkad ko na lang ang isang drawer papunta sa pinto bago ko nilagay doon ang tray ng pagkain. "Iiwan ko na lang dito ang pagkain mo. Kumain ka na habang mainit pa 'to. Magpahinga ka na rin pagkatapos. Salamat sa paglilinis mo ng bahay. Good night." Dumiretso na ako sa kwarto ko para magpahinga na rin. Pagkapasok ko sa kwarto ay narinig ko naman ang pagbukas ng isang pinto sa kabilang dulo ng hallway. Well, at least hindi naman matigas ang ulo niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD