I was woken the next day by the sounds and smell coming from the kitchen. Pagbaling ko sa alarm clock ay lagpas pa lang alas-sais ng umaga. Matapos kong makapaghilamos ay bumaba na ako para tingnan kung sino ang nagluluto.
It was Elio, nakasuot pa ng apron. Pagpasok ko sa kusina ay hindi man lang siya nagpahalata na nakita niya ako.
Habang nagsasalin ako ng kape ay bumaling naman ako sa kanya. "Galit ka pa rin?" tanong ko.
Agad na umasim ang mukha ni Elio kasabay ng pagtaas ng noo niya at pagtingin sa kabilang direksyon.
I'll take that as a yes.
Hindi na lang ako umimik pa bago ako naupo sa mesa at bumaling sa tablet ko para magbasa ng mga balita ngayong umaga.
Hindi nagtagal ay lumapag sa harap ko ang isang platong puno ng waffles. May kasama pang mga itlog at bacon. May nilagay rin si Elio na isang pitsel ng orange juice at isang bote ng maple syrup. Huli niyang ibinalibag sa mesa ang isang piling ng saging.
"Sumabay ka na," sabi ko kay Elio na wala pa ring kaimik-imik.
As expected, he didn't even bother looking at me. Carrying his own plate of waffles overflowing with strawberries and other fruit slices, he headed towards the breakfast bar and ate in total silence.
Habang kumakain ako ay siya namang biglang pag-ring ng phone ko.
Good morning, sir! bungad na text sa 'kin ni Kelly. Kumain ka po ng breakfast. Sabihan niyo rin po si Elio na kumain lalo pa't mukhang marami siyang dapat ayusin diyan sa bahay mo. Have a good day, sir!
Kumakain na kami, reply ko naman. Nagluto si Elio. Speaking of which, galit yata ang tao.
Kelly's reply came a moment later. Ano naman po ang ginawa niyo?
I sighed. Akala ko kasi kagabi ay kung saan na niya nalagay ang mga gamit ko. Hindi ko naman alam na inayos na pala niya. Kasalanan ko naman na nagalit agad ako. Nag-sorry naman na ako, pero ayaw pa akong kausapin ni Elio.
At least alam niyo naman po ang mali niyo, sagot ni Kelly. Just make sure po to appreciate Elio's efforts kahit na may atraso siya sa inyo. Lilipas din po ang galit niya. Pakabusog po, sir! May gagawin pa ako. See you soon!
Pagkatapos kong kumain ay agad namang lumapit sa 'kin si Elio para kunin ang mga pinagkainan ko.
"Ako na lang ang maghuhugas," sabi ko. "May sugat pa 'yang kamay mo."
Elio stared at me flatly. "Trabaho ko 'to. 'Wag kang makialam. Marami pa akong gagawin ngayong umaga kaya 'wag mo 'kong i-delay," sagot niya.
What the hell?
I just raised my hands and stepped away dahil ayoko na ng kung ano pang gulo. Habang naghuhugas ng mga pinagkainan si Elio ay kumuha na lang ako ng isang sketch pad at ilang lapis bago ako naupo sa backyard. May kailangan naman akong gawin kaya hahayaan ko na lang si Elio na gawin ang gusto niyang gawin ngayong umaga.
Well, kagaya ng nasabi ko noon pa, painter nga ako. It's always been my passion ever since I was young. Nagsimula ako sa hilig kong mag-drawing. Eventually, I ended up with painting. Nag-aral pa nga ako internationally sa isang art school para lang ma-improve ko pa ang skill ko.
Mga tao ang usual subjects ng personal paintings ko. People and emotions. I guess it's my own brand of painting. I use people as my main subject, and the background serves as my medium for conveying the emotion or message that I want to say to my viewers.
Tumatanggap naman ako ng commissions. Of course, kailangan ko ring kumita ng pera. In fact, sa mga pasadyang paintings ako kumikita nang malaki. I've created paintings for hotels, people, etc. Not to toot my own horn, pero kilala ako internationally, kaya aside sa marami ang may gustong magpagawa ng paintings sa 'kin, mahal din ang rate ko. Art is not cheap, for your info. Hindi ako nag-aral sa isang art school para lang bayaran ng shout-out ang mga artwork ko.
Apart from painting, I also have other means of earning money with my skills. They usually involve designs, layouts, and such. In other words, kahit may hawak na korporasyon ang pamilya ko, marami naman akong sources of income para maging financially independent. This is my talent, and I have all the right in the world to make money from it.
Ngayon nga ay kasalukuyan akong nag-iisip ng mga ideya para sa mga gagawin kong artworks para sa personal collection ko. Habang nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip ay biglang bumukas ang pinto ng bahay at dumungaw mula sa loob si Elio.
"Lilinisin ko na po ang natitirang mga kwarto. May gusto po ba kayong ipatabi o ipa-laminate na mga gamit? Magsabi na po kayo ngayon pa lang habang hindi pa ako nagsisimula," sabi niya.
I didn't look at him dahil alam kong mas maasim pa sa sampalok ang expression niya. "Just clean them. Wala namang gumagamit sa guest room at extra bedroom dito. Be careful with the things there."
"Masusunod po," sabi ni Elio sabay sara ng pinto.
Lumipat naman ako ng pwesto mula sa backyard papunta sa sala para bantayan ang paglilinis ni Elio. Dalawa kasi ang bedroom dito sa baba, at 'yung isa sa kanila ay ginawa ko ngang workroom para sa paintings ko. Nasa taas naman ang kwarto ko at ang kwarto na ginagamit na ngayon ni Elio.
Expected ko nang magaling siyang maglinis at mag-ayos lalo pa't waiter siya, pero hindi ko naman lubos akalain na halos kasing-bilis siya ng kidlat magtrabaho. Well, that probably explains why he was able to clean majority of the house in just one day. By the time na nagsasaing na ako for lunch ay tapos na niyang linisin ang natitirang dalawang kwarto dito sa bahay.
"You should rest," sabi ko pagkapasok niya sa bahay matapos niyang maitapon ang mga basura. "Sinabay na kita sa sinaing ko. Just cook whatever dish you want."
He didn't say a word as he headed towards his room.
Half an hour later, lumabas siya ulit ng kwarto niya na nakaayos—white shirt, black shorts, sneakers, at cap. Pinadaanan ko na lang siya ng titig habang inaayos niya ang strap ng sling bag niya.
"Lalabas po ako," sabi ni Elio nang matapat siya sa kitchen. "I'm eating outside. Naayos ko na po ang lahat ng dapat ayusin at nalinis ko na ang dapat kong linisin. Babalik naman po ako later."
"Where are you going?" I asked.
"Sa pagkakatanda ko po, kailangan ko lang na ipagpaalam sa inyo kung lalabas ako. Wala po akong matandaan na kailangan ko pa palang sabihin sa inyo kung saan ako pupunta. It's none of your business," Elio snapped at me before heading towards the door.
Pumipitik-pitik man ang kilay ko ay hindi na lang ako sumagot pa. I just stared at him in utter disbelief as he slammed the door shut.
What the hell is this guy's problem?!
●●●
Elio's POV
Isang text message ang natanggap ko pagkababa ko ng taxi. Dali-dali muna akong tumakbo papasok ng mall lalo pa't tirik na tirik ang araw.
Kitchelite Restaurant. Makikita mo naman ako agad. Hurry up.
Papalapit pa lang ako sa restaurant na tinutukoy ng ka-text ko ay agad ko na siyang nakita na nakangiti at kumakaway mula sa table niya. Agad namang lumapad ang ngiti ko at dali-daling naglakad papunta sa kanya.
"Adrian!" sabi ko pagkalapit ko sa kanya bago ko siya niyakap.
"May ibinalita sa 'kin si Zoe. Ba't hindi mo agad sa 'kin sinabi?" tanong niya pagkaupo namin.
"Sorry. I've been really busy these past few days kaya hindi ko agad na nasabi sa 'yo ang nangyari," sagot ko.
"Ano ba ang nangyari sa catering service niyo?" tanong niya.
"I accidentally ruined a painting in an art exhibit. Even worse, charity event pa 'yun," sabi ko.
Adrian burst out laughing. "Lapitin ka talaga ng gulo, ano?"
I stared at him indignantly. "There was this guy who kept hitting on me! Nawalan ako ng kontrol nang manyakin na niya ako kaya sinubukan ko siyang suntukin. Hindi ko naman sinasadya na masira 'yung painting. Now, I don't have a job, and I'm currently serving as a houseboy to pay for what I did! I really hate my life!" I said.
"Who's the artist?"
I frowned. "Skyler. . . Skyler Alba. Apparently, he's really famous."
Natigilan sa katatawa si Adrian. "You're kidding, right? The Skyler Julian Alba?"
"Sino pa ba?" singhal ko naman. "Wala naman siyang kakambal the last time I checked. Siya ngayon ang pinagsisilbihan ko. I'm currently living in his house."
"Saying that he's famous is an understatement," Adrian said.
"Pakialam ko ba? Malamang ikaw kilala mo siya kasi mayaman kayo. Baka nga may painting pa niya ang pamilya mo," sagot ko naman.
Adrian Araneta is a close friend of mine. Kaibigan namin siya ni Zoe, in fact. Magkaklase pa kami. Our friendship started way back to our first year in college. Nakita kasi yata niya ang isa sa mga output ko kaya nagpagawa rin siya sa 'kin—may bayad, of course. Anak-mayaman din kasi. Matalino naman siya, kaso minsan ay pinangungunahan ng katamaran kaya kailangan niya kami para itulak siya.
Mula noon, parati na siyang lumalapit sa 'kin para magpagawa ng projects and outputs. Wala naman akong reklamo lalo pa't paying customer siya. Sa katunayan ay siya ang inuutangan ko ng pera kapag nagigipit ako. Nagbabayad ako on time, of course. Mukha man akong pera ay may hiya naman ako kapag nangungutang. Sa kanya lang naman ako tumatakbo kapag nagtatangkang umalis ang letrang 't' sa wallet ko.
"Buti nga at hindi ka niya siningil ng pera para sa nasira mong painting," sabi niya habang kumakain na kami. "Pasalamat ka na lang at hindi personal collection niya ang nasira mo."
I rolled my eyes. "Oo na. Pwede 'wag na natin siyang pag-usapan? Baka masira lang ang appetite ko," sabi ko sabay subo ng isang slice ng steak na order ko. "Ba't mo pala ako niyaya ngayon?"
"Gusto ko nga lang na makibalita. I was worried about you," sagot niya. "I also invited Zoe, kaso mukhang may lakad sila ng boyfriend niya ngayon."
"Thanks for the concern, pero okay naman ako. Hindi ba kayo magbabakasyon ng pamilya mo? Akala ko ba pupunta kayo sa Italy ngayong summer? Wala naman na tayong pasok," sabi ko.
Close naman ako sa pamilya ni Adrian. Madalas kasi kaming gumawa ng mga project namin sa kanila. Despite their wealth, approachable at mabait ang pamilya niya. Malaki ang pasasalamat nila sa 'kin dahil alam nilang ako ang bumubuhay sa tamad nilang anak pagdating sa school.
"Baka mid-April pa kami pumunta. Besides, I think I want to go to some local beaches here in the country instead. Gusto mong sumama? Para naman may rason ako na hindi sumama sa pamilya ko," sabi ni Adrian.
"I'd love to, pero may obligasyon ako kay Skyler. Sumama ka na lang sa family mo dahil kailangan ka nila. Have fun!"
Adrian stared at me for several moments. "Malamang ay walang bayad ang pagiging houseboy mo kay Skyler."
I sighed. "I can eat all I want, the AC is nice, and the en suite bathroom is awesome, but yeah, walang bayad ang services ko dahil ako ang may utang sa kanya."
Adrian just chuckled. A moment later, he suddenly slid a stack of one-thousand peso bills across the table towards me.
"What the hell is this?" I asked, pointing a finger at the money.
"Use that. Alam ko naman na nagtatrabaho ka tuwing bakasyon para makapag-ipon ka for our school expenses. Sampung libo lang naman 'yan. Bayaran mo na lang ako kung may pera ka na ulit. Alam kong gipit ka ngayon, so let me help you. Magtatanong din ako kay papa kung may mapapasukan kang trabaho sa mga negosyo nila," sabi ni Adrian.
"But. . . May budget pa naman ako. . ."
"Save your earnings. I know how hardworking you are. Kunin mo na 'yan or else ikaw ang pagbabayarin ko ng lunch natin," sagot niya.
Agad na nagliwanag ang aura ko bago ko kinuha ang pera. "Thank you so much!" sabi ko bago ako yumuko nang ilang ulit sa kanya. "Libre ko na sa 'yo ang unang project natin sa sunod na school year. You're a lifesaver, Adrian! Nawa'y magkaroon ka na ng girlfriend sa taong ito."
"Parati mong sinasabi 'yan sa tuwing pinapahiram kita ng pera, pero wala namang nangyayari," sagot niya.
"I mean it, though!" sabi ko. "You're incredibly handsome, rich, and athletic. I've always wondered why you're still single, given how nice and generous you are."
Shrugging his shoulders, Adrian just smiled and said, "Well, just like you, I also have priorities."
I smiled at him. "We're cut from the same cloth, aren't we? Bilis na. Finish your lunch. Libre na kita sa arcade. Pambawi ko man lang sa kabaitan mo."