CHAPTER 09

2191 Words
Skyler's POV Seriously, what the hell is wrong with that guy? Hapon na at nakaharap pa rin ako sa sketch pad ko habang nakaupo sa may mesa sa backyard. Sinusubukan kong kumalma para makapag-isip nang matino pero pakiramdan ko ay kasing-asim na ng expression kanina ni Elio ang expression ko ngayon. Sa palibot ko ay nagkalat ang kumpol ng mga papel dahil wala akong maisip na matinong ideya magmula pa kanina. I just can't understand why siya pa 'tong may ganang magalit kahit na nagtatanong lang naman ako at siya itong may atraso sa 'kin. I should be the one who's all stern and irate, not him. Unfortunately, ako pa 'tong pilit na iniintindi at pinagpapasensiyahan ang explosive niyang ugali. I mean, couldn't he at least act apologetic about what he did? Parang kasalanan ko pa na siya ang nakasira sa painting ko. Willing naman akong pakawalan siya sa oras na makita kong nagsisisi na siya sa ginawa niya, pero sa inaasal niya ngayon ay mukhang matagal pa 'yun bago mangyari. I want to forgive him, but he makes it so difficult. Hindi na tuloy ako nakapag-isip pa dahil tila pati ako ay nahawa na sa pagka-irita niya. Bigla na lang na may humablot sa sketch pad na hawak ko. Kasabay noon ay lumapag sa mesa ang isang pitsel ng iced tea at dalawang plato ng lasagna. "Obvious naman po na wala kayo sa mood. Rest. Nagsasayang lang po kayo ng papel," sabi ni Kelly habang pinupulot ang mga kumpol ng papel sa palibot namin. "I'm not in a bad mood," I said. "Oh really? Hindi po halata," sagot niya. I didn't reply. "Si Elio po ba ang rason kung bakit ganyan kayo?" asked Kelly. I frowned. "No." He just chuckled. "Okay. Kagaya rin po ng sinabi ko sa inyo noon, intindihin niyo na lang po ang tao. Kumpara sa inyo, mas mabigat at mahirap ang pinagdaraanan niya ngayon. The fact that he's supporting himself all on his own makes me really pity him. Kawawa nga po ang tao." "That's the problem with you," I said with a sigh. "You're too kind." "At nakita niyo po ba na inaway ako ni Elio?" sagot niya. "Mabait po siya sa 'kin, sir. Hindi mo naman po kailangan na maging mabait sa kanya para maging mabait din siya sa 'yo. You just have to understand his situation." I just raised my hands and accepted defeat. "Okay. Sinusubukan ko namang intindihin siya. Nag-sorry naman na ako kagabi. Sinusubukan ko namang maging mabait sa kanya. I'm trying. I'm trying really hard." "Just give him some space, sir. 'Yun na lang po ang magagawa mo sa ngayon. Mas malawak naman na 'tong bahay mo kumpara dati," sagot ni Kelly. "Yeah. Whatever. Ba't ka pala napadaan? Wala ka na bang aasikasuhin sa school mo?" tanong ko sa kanya bago ako nagsimulang kumain. Naupo naman siya sa harap ko. "Wala na po, sir. Bakasyon na po kami. Yay. Matutulungan na po kita full-time para sa ginagawa niyong personal collection!" "You should try to spend summer somewhere. Magpasama ka kay Mico. I'm sure hindi siya magdadalawang-isip na samahan ka," sabi ko bago ako ngumiti nang makahulugan. Kelly's eyebrow twitched. "Sir, kagaya po ng paulit-ulit kong sinasabi sa inyo, wala po akong balak na i-entertain si Mico. Kilala ko ang takbo ng bituka niya. He's not my type." Mas lalong lumapad ang ngiti ko. "Talaga? Mukhang gusto ka niya talaga." "Tell that to all the guys and girls that he flirted with before," Kelly replied, waving his fork. "Bahala kayo. Kilala ko naman si Mico. Kapag sinabi niyang seryoso na siya, seryoso na talaga siya. You should at least try to trust him," I said. "Speaking of which, marami ba ang niluto mong lasagna? Bibisita rito sina Yana at Mico. Parating na sila." Kelly jolted up from his seat. "Ba't hindi niyo agad sinabi? You definitely set me up!" he said while scrambling for his bag and phone. I raised my hands while laughing. "Ikaw ang nagpunta rito. Hindi kita inanyayahan. Don't blame me." "I gotta go, sir!" Kelly said, already dashing towards the door leading to the house. "Bye. Thanks for nothing!" Hindi pa man din natatagalan na mawala si Kelly ay bigla na naman siyang lumitaw. Nakasunod naman sa kanya ang dalawa kong malapit na mga kaibigan, sina Yana at Mico. Agad na lumiko si Kelly papunta sa kusina samantalang pumasok naman ako sa bahay para salubungin ang dalawa. Childhood friends ko silang dalawa. Magkaklase rin kaming hanggang high school. Nagkahiwalay man kami pagtuntong ng college ay hindi naman nagbago ang samahan namin. Now, we're all working adults. Yana is the CEO of their family's company, and they have a close relationship with my parents' businesses. Mico, on the other hand, pursued his love for food and now has several restaurants under his name. "Looks like we interrupted you," sabi ni Yana matapos ko silang mayakap. "Nah. Tapos na ako. Besides, I'm having trouble concentrating. Ba't niyo naisipan na dumaan dito? Tagal niyo ring hindi nagpakita," sabi ko sa kanila. "Well, naisipan lang namin ni Yana na dalawin ka. Hindi naman kami nakapunta sa art exhibit mo kaya ngayon na lang kami mangungumusta. May nangyari raw sa event mo?" tanong ni Mico. I sighed. "Yeah. Someone ruined my centerpiece. Buti na lang at malaki naman ang cash donations na nakuha ko. Salamat pala sa mga donation niyo," sabi ko. "Small thing. Kahit hindi mo kinuha ang restaurant ko for the catering service, mahal ka pa rin namin," sagot ni Mico. I rolled my eyes. "Yeah. Great. It was Kelly who proposed the idea to hire a different restaurant for the catering." Sakto naman na lumabas mula sa kusina si Kelly na may dalang dalawa pang plato ng lasagna at isang pitsel ng iced tea. Pansin ko na suot pa niya ang backpack niya na malamang ay nakalimutan niyang hubarin sa pagmamadali niyang makaalis kanina. Agad na tumayo si Mico pagkakita kay Kelly. "Tulungan na kita." The latter moved his arms away from the former before placing the plates, glasses, and pitcher on the coffee table with lightning speed. Mico, sensing Kelly's agitation, tried to find other ways to approach him. "Join us, at least. Baka hindi ka pa kumakain." "I'm full po. Thanks," Kelly replied before heading back to the kitchen. Yana and I just chuckled as we watched Kelly walk away from us. "Dang. That's frosty," she said. "Dali-dali siyang umalis nang malaman niyang paparating kayo. Naabutan ba niya kayo sa gate?" tanong ko. Yana nodded. "Yep. Nagpigil lang ako ng tawa nang makita ko ang reaksyon niya pagkakita niya kay Mico. Kung makapapatay lang ang pagtitig, abo na sana 'tong kaibigan mo kanina pa." "You can't blame Kelly, though. Ang pangit naman kasi ng track record mo," baling ko kay Mico. "Sinusubukan ko namang sabihin sa kanya na seryoso ka, pero sira na kasi ang first impression mo sa kanya." Mico sighed. "I just want him to give me a chance, to at least trust me a little. 'Yun lang naman ang hinihingi ko sa kanya ngayon." Biglang bumukas ang pinto at napalingon kaming tatlo. Una naming nakita ang isang pagkalaki-laking teddy bear at isang malaking kumpol ng cotton candy na naglalakad papasok ng bahay. Elio's smiling face came into view from behind the enormous stuffed toy which looked bigger and taller than him. He was also humming a little while chewing his pink candy. Yana and Mico just threw confused looks between Elio and me. Pagkakita sa 'kin ni Elio ay agad na nabura ang ngiti niya. Struggling to carry his toy, he marched towards the stairs and headed towards his room. "Uh, who was that?" Mico asked me nang mawala na si Elio sa paningin namin. I sighed. "Siya ang nakasira ng painting ko. He's a waiter, and his name is Elio. Wala naman siyang pambayad sa painting na nasira niya, kaya pumayag siyang magsilbi sa 'kin hanggang matapos ang sunod kong collection. Siya ang rason kung bakit sobrang maaliwalas ang bahay ko ngayon. He's staying here lalo pa't nawalan siya ng trabaho," paliwanag ko. "You're being too kind and generous for someone who ruined a painting of yours. That's so unnatural of you," Yana said. "Kung kami ang nakasira sa painting mo, baka pinatay mo na kami." She then eyed me carefully for a few seconds. "Looking at him for the first time, he reminded me a lot of. . . Miles." I just stared blankly at the empty space in front of me as her words echoed inside my ears. Pansin ko naman na pinandilatan ni Mico si Yana. "Talagang bang atraso lang niya sa 'yo ang rason kung bakit mo siya pinatuloy rito?" tanong pa ni Yana. "You're heading towards a dangerous direction kung totoo man ang hinala ko. You're being too kind to him now, but what you might do to him in the future could be the cruelest thing that you can do to him. Mag-ingat ka sana, Skyler." I sighed. "May atraso siya sa 'kin at kailangan niya 'yung pagbayaran. Simple as that. Kapag nagawa na niya ang dapat niyang gawin, hindi ako magdadalawang-isip na pakawalan na siya. Hindi ako hihingi sa kanya ng higit pa roon." ●●● Elio's POV Kapapalit ko pa lang ng pambahay at nakahiga na ako sa kama nang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. "Tuloy." In came Kelly carrying a plate of lasagna and a glass of iced tea. Ever since I first met him, his calm and kind face really force me to act formal and well-behaved. Despite his dyed, grayish hair, he has such a clean and gentle air about him. Hindi ko maatim na pakitaan siya ng masamang ugali ko dahil sa napakabait niyang aura. "I cooked lasagna. Kain ka na muna. Kumain na rin kasi ako at 'yung iba," sabi niya sabay latag ng tray sa bed ko. Agad naman akong ngumiti. "Salamat po. Upo po muna kayo," sagot ko naman. "Ang laki naman niyang teddy bear mo," sabi ni Kelly pagkakita sa stuffed toy na napanalunan ko kanina sa arcade. "From your boyfriend?" "Hindi po. Sa arcade lang po 'yan. Napanalunan ko lang," sagot ko naman habang kinakain ang dala niyang lasagna. "Ba't hindi po kayo sumali doon sa tatlo sa baba?" "They're Sir Skyler's friends. I don't feel like joining them," Kelly replied. "Tsaka gusto rin kitang kumustahin. Sobrang aliwalas na nitong bahay. Okay na ba ang kamay mo? Don't overwork yourself. Pwede naman kitang tulungan." "My hand's healing well po," sagot ko naman. "Salamat po sa pag-aalala. Tsaka nalinisan ko na po ang buong bahay. Wala na nga po akong masyadong gagawin bukas." Kelly stared at me for a few moments. "Kumusta naman ang stay niyo rito? Ang trato sa inyo ni Sir Skyler?" Natigilan ako. "Can I be honest with you?" Kelly smiled. "Say whatever you want. Walang makararating kay Sir Skyler." I sighed. "Well, I love how comfortable this house is, especially this bed. Unfortunately, sa tuwing nakikita ko ang Skyler na 'yan ay agad na umaasim ang lahat ng bagay sa paligid ko. Ewan ko ba. The level of my animosity towards him is astronomical. May mga tao kasi na makita ko lang ang pagmumukha ay sira na agad ang araw ko. He's one of those people." Kelly chuckled. "I see. Are you perhaps angry with him because you feel that he could've done something better to help you?" He can totally read me like a book. I didn't want to look guilty so I just nodded my head slightly. "Even though he kind of forced you to be a houseboy, Sir Skyler actually took pity on you. Mabait siyang tao. He's gentle and nice. Alam ko naman na gusto ka rin niyang tulungan, pero hindi naman natin maikakaila na nasira mo nga ang painting niya. Being a houseboy might be your only choice considering what you've done, but it's actually the best thing that Sir Skyler can do to help you." Hindi na lang ako sumagot. "As for him ruining your mood every time you see him, have you ever tried being nice to him?" Pakiramdam ko ay binuhusan ako bigla ng isang baldeng malamig na tubig. "Kagaya ng sinabi ko, mabait na tao si Sir Skyler," pagpapatuloy ni Kelly. "Baka kasi nagiging masama ang mood mo kasi pinipili mong magalit kay Sir Skyler. You don't have to be nice or kind to him. You just have to be casual. Tatanda ka niyan nang maaga kung parating maasim ang mood mo. Subukan mo lang na maging pormal kay Sir Skyler para naman hindi ka naiinis sa kanya parati." Kung si Skyler ang kausap ko ngayon ay baka tumanggi pa ako, pero dahil si Kelly ang nakikiusap sa 'kin, gumagana naman kahit na papaano ang babahagya kong konsensiya. I can feel his kindness and sincerity, and my trashy behavior just can't oppose a person with such a pure and soft personality like him. I just looked away and frowned before nodding slightly. "Okay. I'll give it a try."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD