Kelly's POV
Sir Skyler's friends stayed for dinner, at dahil ayoko talagang makausap si Mico ay tinulungan ko si Elio na maghanda ng hapunan namin. I'm really thankful that he's here. Hindi ko na kailangan na mapag-isa sa tuwing maaabutan ako rito ni Mico. I stayed with Elio all the time, at mukhang na-realize naman ni Mico na ayaw ko talagang makausap siya.
"May problema po ba kayo diyan sa kaibigan ng kulot na 'yan?" tanong bigla sa 'kin ni Elio habang naghuhugas kami ng mga pinagkainan.
Napatawa na lang ako. "Don't let Sir Skyler hear that."
His face brightened up in an instant. "Why? Nagagalit ba siya kapag tinatawag siyang kulot?"
"His hair's not really curly. It's more on the wavy side," I said. "But yes, he gets pissed off when someone calls him that."
An evil grin curved across Elio's face. "I see. . . Thank you very much for that information."
I sighed. War freak talaga 'tong tao na 'to.
"Also, wala naman akong problema diyan kay Mico," sabi ko. "Well, at least hindi naman ako galit sa kanya. Ayoko lang talaga na makausap siya. In fact, I've been avoiding him for quite some time now."
"Bakit po?"
"He's been trying to court me."
"I see. Ba't para pong galit kayo sa kanya?"
I sighed. "I don't really hate him. I just don't like him. Alam ko ang takbo ng bituka niya dahil malapit siyang kaibigan ni Sir Skyler. He can never fool me."
'Yun nga. Gusto akong ligawan ni Mico. Lagpas dalawang buwan na nang umamin siya sa 'kin, at dalawang buwan na rin na araw-araw kong pinaparamdam sa kanya na wala siyang pag-asa sa 'kin. Unfortunately, hanggang ngayon ay ayaw pa rin niyang tumigil.
He's the same age as Sir Skyler, he has a successful business, and every aspect of his life is stable, except for his relationships. Dahil nga malapit siyang kaibigan ni Sir Skyler, isa ako sa mga taong nakakita first hand kung paanong halos buwan-buwan ay nakikipaghiwalay siya sa kung kaninong tao. Maging ako ay hindi na mabilang kung ilang mga babae (at lalaki) na ang pinaikot-ikot niya sa mga palad niya.
He is a hopeless playboy.
Kaya kahit ano'ng gawin niya, hindi niya makukuha ang tiwala ko. Siguro kung magkaroon ako ng amnesia at makalimutan ko ang lahat ng mga kalokohan niya ay baka magkaroon pa siya ng katiting na pag-asa sa 'kin. Kahit mas matanda siya sa 'kin, ni minsan ay hindi ako nagpakita ng respeto sa kanya. In fact, mababa ang tingin ko sa kanya dahil sa pagiging playboy niya.
Matapos naming makapagligpit ni Elio ay umakyat na siya sa kwarto niya. Nagpaalam na rin ako kay Sir Skyler lalo pa't alas-nuwebe na at gusto ko na ring matulog.
"Ingat sa daan. Good night," paalam sa 'kin ni sir habang busy siya sa sketch pad niya.
"Kayo rin po. Sleep early, sir. Maawa naman kayo sa mga mata niyo. Good night po," sabi ko sabay saklay sa likod ng backpack ko.
May masasakyan pa naman ako dahil maaga pa naman. Kailangan ko lang na makalabas sa village. Kakalabas ko lang ng gate at nakabaling ang atensyon ko sa phone ko nang biglang may nagsalita sa likuran ko.
"Hatid na kita."
I literally jumped in shock bago ko hinubad ang backpack ko at pinaghahampas ang nagsalita. "Papatayin mo ba ako, ha?!" sigaw ko kay Mico habang hinahabol din siya ng sipa.
Mico just laughed. "Sorry. Tara na. Ihahatid na kita. Gabi na at baka delikado sa daan."
"I'm a black-belter," I said. "Ikaw ang nasa delikadong sitwasyon ngayon."
"Sumama ka na, please?"
I stared at him flatly. "No," I said before swinging my backpack behind me and walking away.
Agad naman akong hinawakan sa braso ni Mico. "Kelly, please, sumabay ka na. Pareho lang tayong matatagalan na makauwi kung tatanggi ka pa. I know that you don't want to be near me, pero sana naman 'wag mo namang pairalin pa ang tigas ng ulo mo."
I glared at Mico before marching towards his car. Agad naman siyang sumunod, and within moments ay nasa papalabas na kami ng village. I just glared at the window and did my best para hindi makapasok si Mico sa field of vision ko.
Pinili ko na lang na sumama sa kanya dahil late na at ayaw kong maghintay pa ng masasakyan. Besides, makakalibre rin ako. Kailangan ko lang talagang tiisin ang presence ng mokong na 'to.
"'Yun pala ang nakasira sa painting ni Skyler," sabi niya makalipas ang ilang sandali. "Elio's his name, right? Skyler's being unnaturally kind to him. Too kind."
I sighed. "I'm actually. . . worried about them, especially for Elio."
Mico smiled faintly. "I know what you're thinking. Even I cannot deny Elio's resemblance with Miles. Imposible naman na hindi 'yun napansin ni Skyler. Yana is also a bit uncomfortable with what your boss is doing. Kilala mo naman 'yan na boss mo. Ang hirap basahin."
"Well, sigurado ako na napansin nga ni sir ang resemblance nilang dalawa. Buti na lang talaga at ibang-iba ang ugali ni Elio," sagot ko. "Still, malaki ang tiwala ko kay Sir Skyler. He's just doing what he needs to do. Sigurado akong tutupad siya sa mga sinabi niya. Besides, matinong tao si sir. Hindi siya kagaya ng ibang tao diyan sa tabi."
Despite the jibe, Mico still managed to smile. "Wala ka pa rin bang tiwala sa 'kin?"
"Wala."
I heard him sigh. "Ano ba ang gusto mong gawin ko para pagkatiwalaan mo ako? Ginagawa ko naman ang lahat para ipakita sa 'yo na gusto kita," sabi niya.
"Do you want me to trust you?" I asked. "Invent a time machine, go back to the past, and change everything about you. Akala mo ba hindi ko natatandaan ang lahat ng mga katarantaduhan mo? Hindi ako tanga. Buti kung magkaroon ako ng amnesia. Baka magkaroon ka pa ng pag-asa sa 'kin kung mabagok ang ulo ko."
Mico looked at me straight in the eyes. "Bakit ba ang sungit mo sa 'kin? Mabait ka naman sa ibang tao," sabi niya.
I couldn't prevent myself from letting out a harsh laugh. "Kung mabait ako sa lahat ng tao maliban sa 'yo, sino ngayon sa palagay mo ang may problema? Ako ba, ha? Ako ba? 'Wag na 'wag mo akong sisisihin kung bakit basura ang trato ko sa 'yo. Kasalanan mo kung bakit hindi kita magawang pagkatiwalaan."
Mico didn't say another word throughout the rest of our journey. Pagkarating namin sa condo building ay dali-dali akong pumasok. Ni hindi ko na pinansin pa ang pahabol na 'good night' ni Mico at naglakad lang ako palayo sa kanya nang hindi man lang siya nililingon.
●●●
"'Yan na po ang lahat ng impormasyon na dapat niyong malaman tungkol kay Elio. Kagaya rin po ng sinabi ko noon, he's had a difficult life. You should try to be a little bit understanding and patient with him despite his volatile behavior, sir."
Kasalukuyan akong nakatingala sa isa sa mga speaker sa condo ko habang nagluluto ng lunch. Kausap ko ngayon si Sir Skyler tungkol kay Elio.
A few days ago ay inutusan ako niya ako na alamin ang lahat ng pwede kong alamin tungkol kay Elio. Ngayon nga ay nasa kanya na ang impormasyon na gusto niyang malaman. Hindi ko alam kung ano ang relevance ng personal information ni Elio sa pagiging houseboy nito, pero hindi na lang ako nagtanong.
"Are you sure that this is complete?" Sir Skyler asked.
"Positive."
"Okay. Thanks a lot. Also, sorry for the trouble," sagot niya. "By the way, kumusta pala ang lakad mo kagabi?" tanong pa ni Sir Skyler.
"Now that I think of it, hindi mo nga pala ako niyaya na ihatid o matulog na lang sa bahay mo kagabi dahil may kakuntsaba ka pala," sagot ko naman.
I heard him chuckle. "Sorry. I was just trying to help a friend. Sinasabi ko naman kasi sa 'yo na seryoso nga si Mico. Kilala ko siya. Alam ko kung kailan siya nagloloko o nagseseryoso. Besides, sinabi ko sa kanya na ako ang unang babali sa mga buto niya kung sasaktan ka niya."
"At sinasabi ko rin po sa inyo na wala akong tiwala sa damuhong 'yun," sabi ko habang naghihimas ng sintido. "Maghanap na lang siya ng iba. Bakit ba kasi ngayon niya naisipan na ligawan ako? I've known him for years!"
"Well, kalalabas mo pa lang kasi sa goofy teenage stage mo. Recently lang sumipa ang genes mo kaya ngayon ka pa lang siguro napansin ng tao. People only started noticing you when you entered college," sagot niya.
"Kasalanan ko pa talaga na dumaan ako sa braces years?" singhal ko naman.
Hindi naman na ako bago sa mga relasyon. In fact, I've had several relationships throughout my college life. Hindi na rin sa 'kin bago ang ideya ng s*x. I don't do hookups, though; and I most certainly don't prioritize s*x in a relationship. Lagpas isang taon na rin akong single.
Nagpaalam na rin ako kay Sir Skyler dahil kakain na ako. I live alone here in my condo. Recently lang ako lumipat dito, in fact. Regalo kasi sa 'kin 'to ng parents ni Sir Skyler when I turned 21. Dati akong nakatira sa bahay ni sir.
Katatapos ko lang maghain nang biglang tumunog ang door bell. Agad naman akong pumunta sa pinto dahil may package din akong hinihintay ngayon.
Unfortunately, hindi delivery guy ang sumalubong sa 'kin sa pinto.
It was the smiling face of none other than Mico Flores. May dala pa siyang isang bouquet ng mga bulaklak at isang paper bag.
"What on Earth are you doing here?" tanong ko agad sa kanya.
"I came here to apologize dahil mukhang nagalit ka kagabi. Sorry if I provoked you. Please accept these," sabi niya bago siya yumuko at inabot sa 'kin ang mga dala niya.
Dahil gutom na talaga ako at gusto ko nang matapos ang drama niya ay kinuha ko na lang ang mga dala niya. "What's in the bag?" I asked.
"I cooked you lunch," Mico replied, obviously relieved that I didn't reject his gifts.
"Akala mo ba hindi ako marunong magluto? Mas masarap akong magluto kumpara sa 'yo. Chef ka pa naman," sabad ko.
Mico fidgeted uncomfortably on his spot. "Well. . . I was thinking of eating lunch with you. . ."
I sighed. "Get inside," sabi ko bago ko niluwagan ang pinto. "Bilisan mo na't lalamig ang pagkain ko."
Mas mabilis pa sa alas-kwatro na pumasok sa loob ang mokong. Kumuha na lang ako ng lalagyan ng dala niyang pagkain habang siya ay naupo naman sa mesa.
"You really cooked this?" tanong ko sabay latag sa mesa ng dala niyang pagkain. "Baka tira lang 'to sa restaurant mo."
"Hey, I'm not like that—"
"Minsan talaga nagbibiro rin ako."
"Oh. . . I see. Sorry."
Hindi na ako nagsalita pa habang kumakain. Maging si Mico ay kumain na rin, pero pansin ko na manaka-naka siyang tumititig sa 'kin at tila may gusto siyang sabihin.
"What is it?" tanong ko nang hindi ko na matiis ang mga titig niya.
"Well, I also want to talk to you about my plans to court you—"
Sasagot na sana ako pero agad naman niya akong pinutol.
"Just please listen to me, okay?" he said. "Alam ko naman na hindi ko kaagad na makukuha ang tiwala mo, kaya ngayon ay 'yun na muna ang tatrabahuin ko. Also, balak ko ring mag-sorry sa lahat ng mga naging karelasyon ko noon. I will do everything para maipakita ko sa 'yo na totoo ang intensyon ko. I don't know if it will be enough, but it's the best and perhaps only way that I can think of to fix what I did wrong in the past."
"Hindi ko rin hihilingin na ibalik mo sa 'kin ang nararamdaman ko para sa 'yo. I genuinely like you, at gusto kong iparamdam sa 'yo na mahalaga ka sa 'kin. While I'm doing it, titingnan ko rin kung lalalim pa ang pagtingin ko sa 'yo sa katagalan. If it does, ngayon pa lang ay hihingi na ako ng sorry kung mas magiging clingy ako sa 'yo. I know that it's difficult for you to trust someone like me, but for now, I won't be expecting anything in return from you. Just please let me do what I want to do," Mico added.
Despite my innate doubt and distrust with this guy, I can still feel the sincerity in his words. Naisip ko rin ang sinabi sa 'kin ni Sir Skyler, at alam ko naman na hindi lang ako ang bubugbog sa mokong na 'to kung lolokohin man niya ako.
"I think I've been too cruel with you these past few months," I said with a sigh. "Besides, si Sir Skyler na mismo ang nagsabi na babalian ka niya ng buto kung lolokohin mo lang ako. I would really love to see that, kaya papayagan na kita sa gusto mong gawin."
Mico's eyes widened. "Does that mean. . ."
I nodded. "You finally have permission to court me."