CHAPTER 12

2181 Words
Elio's POV "How did your day go?" Skyler asked me. We have just finished grocery shopping. Nasa kotse na kami at papauwi na. Alam ko naman na malamang ay walang common sense ang mokong na 'to, pero hindi ko naman in-expect na ganoon pala siya ka-clueless pagdating sa simpleng grocery shopping. Natagalan pa tuloy kami. Gabi na rin kaya nag-take out na lang kami ng kakainin namin. Wala na rin kaming time kung magluluto pa kami. I bought my own dinner in a different restaurant, though. As much as possible ay ayaw kong nakakasama siya kaya lumalayo ako sa kanya sa bawat oportunidad na nakukuha ko. "Pakialam mo ba?" singhal ko naman sa kanya. He frowned at me. "I was just asking. Why are you so mad?" he said. I rolled my eyes. "I worked, and then some random jerk interrupted me because he can't go grocery shopping all by himself. Kinailangan ko pang gumawa ng crash course para maturuan ang isang mokong diyan sa tabi." Skyler let out a long sigh and didn't say another word. He just glared at the road for the rest of our journey. Tumanaw na lang din ako sa labas ng bintana dahil ayaw na ayaw ko talagang nakikita siya. Pagkarating namin sa bahay ay agad akong lumabas ng kotse at pumunta sa likuran para kunin ang mga pinamili namin na grocery. Agad din sa 'king sumunod si Skyler. "Let me carry that," he said. "You should rest. Maghapon ka nang nagtrabaho. Ako na lang ang mag-aayos nito. Just eat your dinner and sleep." "I thought you want to get the best out of our deal? Ginagawa ko po ang obligasyon ko sa inyo. Stay out of my way. Besides, baka pati matinong shelving at storing nitong mga pinamili mo ay hindi mo pa alam," sagot ko naman. Skyler's expression soured in an instant. "Why are you like that? Why are you always looking for a fight? Mamamatay ka ba kung magiging mabait ka kahit isang sandali lang? I've been trying to understand you. I've been trying to be patient with you. I've been trying really hard to be nice to you. Why are you making things so difficult?!" he said. Natigilan ako. "Hindi ba ako pwedeng magtanong ng lagay mo? Hindi ba ako pwedeng mangumusta? Hindi ka ba pwedeng tratuhin na parang tao? You want me to treat you like a ghost? Minsan kasi, sana maisip mo naman na may puso rin ang mga tao, na nasasaktan din sila kapag pinagsasabihan sila ng mga masasakit na salita. I'm sorry for ruining your career, pero hindi ko naman yata deserve na tratuhin mo na parang basura!" dagdag pa niya. "I know that my existence irritates you, so sorry na rin dahil pinanganak ako. Sorry kung ginipit kita dahil sa ginawa mo. Sorry na kung dahil sa 'kin ay nawalan ka ng trabaho. Sorry kung sinusubukan ko lang naman na tulungan ka. Sapat na ba 'yun para hindi mo na ako tratuhin na para akong daga? Sapat na ba 'yun para hindi ka na mainis sa 'kin? Ano pa ba ang kailangan kong gawin para naman bumait ka kahit na kaunti lang?" With that, Skyler turned around and headed towards the house, leaving me alone in the garage. "S-Skyler. . ." I said, but the door already slammed shut. ●●● "I never thought that this day would come. . . The day someone finally won against you when you're in your full beast mode," Zoe said to me the next day. Nakasubsob lang ako sa mesa. Si Adrian naman ay tinapik-tapik na lang ang balikat ko habang tumatawa. "Don't make me feel worse," muffled kong sagot. 'Yun nga. Totohanan pala talaga ang pagtatampo sa 'kin ni Skyler. Hindi na siya nagpakita pa buong gabi. Kaninang umaga naman ay narinig kong maaga siyang umalis sakay ng kotse niya. Dahil day off ko naman ngayon sa trabaho ay agad kong kinausap sina Adrian at Zoe tungkol sa nangyari. Kagaya ng inasahan ko, pinagtawanan lang ako ng dalawa. Hindi ko talaga in-expect na magtatampo siya. Medyo nagulat din ako. Also, this may sound weird pero nakonsensiya naman ako dahil sa ginawa ko. I felt. . . bad. I know that Skyler's not really mad at me, at least. Nakita ko naman sa expression niya kagabi na nagtatampo lang siya. Sana lang talaga hindi mali ang hinala ko. Still, it's making me feel uneasy. "Ikaw naman kasi, how many times do we have to tell you to control your temper? You never learn. Ilang beses ka nang nasusubo sa gulo dahil diyan sa dila mo. You're so professional when you're at work, so why can't you do the same with your personal life?" tanong ni Adrian. Nag-angat ako ng mukha. "Malay ko ba na gawa pala sa icing ang puso ng mokong na 'yun?!" "Mukha naman kasing mabait ang tao. Ikaw lang 'tong palaaway," sagot ni Zoe. "I'm not defending Skyler, but I have no choice but to side with him. Hindi ka naman niya inaabuso. Hindi ka naman niya sinasaktan. Hindi ka naman niya pinagsasabihan ng masasakit na salita. In fact, he even gave you a job! Kaibigan kita, pero ikaw ang may mali this time." "Just put yourself in his shoes," dagdag naman ni Adrian. "Kahit sino naman mawawalan ng pasensya kung ganyan ang asal mo after nilang tulungan ka. Hindi naman namin sinabi na maging buddy-buddy ka kay Skyler. Just respect him. Be grateful for everything that he has done to help you. Baka nga hindi ka pa nagpapasalamat sa kanya sa nakuha mong recommendation." "For your information, nagpasalamat na po ako," sagot ko naman agad. "Good. Still, you need to treat Skyler better. You're being a bit too harsh on him when he's not even doing anything bad to you," replied Adrian. Sinabunutan ko na lang ang sarili ko bago ko inumpog nang ilang ulit ang ulo ko sa mesa. "Stop that. Baka may masira ka na naman. Ang tigas pa naman ng ulo mo," sabi ni Zoe. "How are you going to talk to him?" Adrian asked. I frowned. "Talk to him?" He looked incredulous. "Wala ka bang balak na mag-sorry sa kanya?" "Do I have to?" Zoe looked like she's on the verge of flipping her bowl of soup right over my head. "Tanga ka? May utak pa ba ang bungo na 'yan? Nag-iisip ka pa ba? Ano ba ang gusto mong mangyari? Si Skyler pa ang susuyo sa 'yo? Hindi ka santo na luluhuran, hoy. Besides, sigurado naman ako na negative ang points mo sa langit!" sabi niya. "Jeez. Calm down. Paano naman ako mag-aapologize sa kanya?!" tanong ko. "Mapait, 'no?" sabad ni Zoe. "Ang pait, 'di ba? Heto ang juice. Gawin mong panulak diyan sa pride mo." Adrian smiled faintly. "Talk to him. Apologize. If you're sincere, natural na lang na lalabas ang sasabihin mo. Kung pwede, bigyan mo rin si Skyler ng peace offering. Something that he'll appreciate," he said. I just slammed my head on the table and growled irately. I hate my life. ●●● "I can't believe I'm doing this." Hapon na at kasalukuyan akong nakahilata sa sofa at nakatitig sa phone ko. Kagaya ng payo nina Adrian at Zoe, nag-isip ako ng mga paraan para makapag-sorry kay Skyler. Lumipas na nga ang maghapon pero wala akong naisip. In the end, si Kelly ang huling option ko. Kilala niya si Skyler, at obvious naman na marami siyang alam tungkol doon sa mokong. "Napatawag ka po?" bungad sa 'kin ni Kelly. Agad na umasim ang mukha ko. "May. . . May mga paborito ba 'yan na boss mo? Kahit ano. . . Paintbrush, pintura, lapis, coloring book na pambata. . . Kung pwede 'yung. . . 'yung mura lang sana," sabi ko. "I think I know what this is about," Kelly said with a chuckle. "'Yan kasing kulot na 'yan kulot na kulot rin ang puso," sagot ko naman agad habang gumugulong sa sofa sa sobrang inis. "'Di ba sabi ko sa 'yo na hindi mo naman kailangang maging super close kay sir para maging maayos ang samahan niyo? Hayan tuloy. Nasabi niya rin po sa 'kin kanina ang nangyari. Sir Skyler may look apathetic and uncaring, but he's really sensitive and emotional deep inside," he said. Kasalanan ko ba na marshmallow ang dumadaloy sa mga ugat ng boss mo? "In fact, kasama ko si sir ngayon," Kelly continued. "Nandito kami sa bahay ng parents niya. Kasama rin namin ang mga pamangkin namin. Malamang na nagpapalipas ng sama ng loob dito si sir." "Please don't tell him that I called," I said immediately. Kelly chuckled. "Don't worry. As for Sir Skyler's favorites, palagay niyo ba hindi niya kayang bilhin ang mga paborito niyang painting materials?" tanong niya. I sighed. "Actually, naisip ko na 'yan," sagot ko naman. "Sir Skyler's favorite dish is kare-kare." Natigilan ako. "Ako na rin ang bahalang gumawa ng paraan para umuwi siya diyan sa bahay niya tonight. Of course, hindi naman sapat na kare-kare lang ang ibibigay mo sa kanya. He needs to hear your sincere apology. Sigurado naman po ako na pakikinggan kayo ni Sir Skyler. Good luck! Sana magkabati na kayong dalawa," Kelly said. I stared at the ceiling. "Thanks a lot, Kelly." ●●● Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at dali-dali kong tiningnan ang laman ng ref at pantry. Buti na lang at kaunti lang ang kulang sa lulutuin ko kaya mabilis akong nakapamili at nakabalik sa bahay. Kelly told me na may hanggang alas-siyete ako ng gabi para maghanda. Habang hinahanda ko ang mga sangkap ay nag-iisip na ako ng mga pwede kong sabihin kay Skyler sa oras na makauwi na siya. Kagaya ng dapat asahan, wala akong naisip na matinong speech. "I don't even know why I'm fussing over him," I whispered to myself. "Who cares if he has a fragile little heart? Buhusan ko ng pintura itong pagkain niya." Habang dumidilim ay mas lalo lang akong kinakabahan. Hindi ko kaagad narealize na gusgusin na pala ako kaya dali-dali akong naligo. Nagpapalit na ako nang marinig kong pumarada ang isang kotse sa garahe. Pagtingin ko sa relo ay lagpas thirty minutes na matapos ang alas-siyete. I closed my eyes and relaxed myself right before leaving my room. "This is all your fault, so you're going to fix it," I said to myself. Just as I expected, wala na si Skyler pagkababa ko. Hindi naman ako tanga para hindi maisip na hindi na siya lalabas pa, kaya kumuha na lang ako ng isang tray kung saan ko nilagay ang pagkain at inumin. After mustering all my courage, I headed towards Skyler's room while carrying the meal that I prepared for him. Kumatok ako nang ilang beses sa pinto. Thankfully, the door opened after several moments. Sumilip naman mula sa loob si Skyler na nakasuot na ng pajamas. "What do you want?" he asked. I raised the tray a little bit. "I'm sorry for being a total prick." Skyler narrowed his eyes. "Are you expecting me to accept your apology just because you cooked something for me?" he said. Don't make this situation any more difficult that it already is, you jerk! Sasagot na sana ako nang bigla niyang kinuha ang tray na hawak ko. "Let's eat at the table. I don't want to leave crumbs all over my room," he said before heading towards the dining area. "I'll set the table. . ." "Sit," Skyler replied. "Sigurado akong napagod ka na dahil sa maghapon mong kaiisip kung paano ka magso-sorry sa 'kin." Naupo na lang ako at hindi na umimik pa habang inaayos ni Skyler ang mga gamit sa mesa. "You always cook kare-kare?" tanong niya habang kumakain na kami. I nodded. "I'm familiar with it." "Your kare-kare tastes really good. This can compete with my mom's version," Skyler said, his mouth bulging with food. "Are you sure you didn't order this somewhere?" he asked. I looked at him indignantly. "I do know how to cook, for your info!" Tumawa na lang si Skyler. Natigilan ako nang bahagya dahil hindi ko pa siya nakitang tumawa nang buwelo. Tumingin na lang ako sa ibang direksyon dahil baka matulala na naman ako kagaya ng dati. Huminga ako nang malalim. "Also, I'm really sorry for being so stubborn and annoying—" "No." "What?" Skyler leaned against his chair. "You don't have to apologize. Alam ko naman na ang sasabihin mo. Besides, I wasn't really angry with you in the very first place. We're cool. No hard feelings. I'm a person who believes in the sincerity of actions. Sapat na sa 'kin na makitang na-realize mo na ang pagkakamali mo." "Thank you," I said quietly. "Still, try to be a little bit nicer, okay? It's really a pain in the head dealing with you. Things would improve drastically if you were just a tiny bit nicer to me," Skyler said. My lips curved into a faint smile as Skyler turned his attention back to his food. "I can do that."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD