CHAPTER 13

2167 Words
"Good job, Elio! Ikaw na naman ang top performer sa klase niyo ngayong grading period," sabi sa 'kin ng teacher namin. Pinamimigay kasi ngayon ang mga report card dahil katatapos lang ng grading period at kailangang ipakita namin 'yun sa mga magulang namin para pirmahan nila. Unang taon ko ngayon sa high school. "Salamat po, Ma'am Emma," sabi ko naman habang nakangiti nang bahagya. Tinitigan niya ako nang ilang segundo. "Kumusta na ba ang mga magulang mo?" tanong niya. Huminga na lang ako nang malalim. "Kagaya rin po ng dati," sagot ko. Pinadaanan ni Ma'am Emma ang uniform ko na gusot-gusot at may mga tagpi at sulsi pa nga sa ibang mga parte. Agad ko namang inayos ang buhok kong hindi pa nasusuklay nang maayos at halos tumakip na sa mga mata ko. Hinawakan naman niya ako sa balikat bago siya ngumiti nang marahan. "Ikaw, kumusta ka na? Inaalagaan ka ba ng mga magulang mo? Matatapos na ang school year pero ni hindi pa kita nakikitang nagsuot ng maayos na uniform. Ayos lang ba kayo sa bahay niyo?" tanong ni Ma'am Emma. Agad na gumuhit sa mukha ko ang isang malapad na ngiti. "Ayos lang po ako. Kagaya pa rin po ng dati," sagot ko. Yumuko ako sa kanya bago ako tumalikod at lumabas ng faculty room. Hapon na at tapos na rin ang klase. As usual, mag-isa akong umuuwi dahil wala naman akong kasama o kaibigan man lang dito sa school. As I've said before, I had a pretty shitty childhood and adolescence. My father was an abusive, useless drunkard. Samantalang ang tatay ko ay nagpapakasasa sa alak, nanay ko naman ang mamatay-matay sa pagbuhay sa 'min. Even she was only able to do so much. Nabuntis nang maaga si mama. Pareho silang hindi nakapagtagpos ni papa. Bisyoso ang huli, matiisin naman ang una. The perfect formula for a toxic, dysfunctional family. Bata pa lang ako ay namulat na ako sa katotohanan na ipinanganak ako sa isang walang kwentang pamilya. It was somehow traumatic when I was still a kid, hearing my parents argue nearly every single day. As I grew older, I learned to just tune out their endless, repetitive arguments. Sa tuwing mag-aaway ang mga magulang ko ay wala lang akong kaimik-imik sa kwarto ko. Dumating na ako sa point na wala na akong pakialam sa kanila. My father couldn't care less about us. Ang nanay ko naman ay nagtatrabaho halos oras-oras para lang mabuhay kami. Dahil parehong busy ang mga magulang ko, napabayaan na nila ako. Nakakausap ko lang si mama kapag gabi at tapos na siya sa mga labada o manicure at pedicure niya. Minsan ay hindi ko na nga siya nakakausap pa dahil mag-aaway na naman sila ni papa. Dahil sa kani-kanyang mga mundo ng mga magulang ko, napabayaan nga nila ako. As for my mother, I know that she tried to make me feel loved and cared. She tried really hard to make life comfortable, at least for me. In the end, she got stuck among her responsibility to make our ends meet, her good-for-nothing husband, and her duty with me as a mother. It was too much for her, and I suffered the consequences of her inability to balance her numerous obligations. Ever since elementary, parati akong top sa klase. Natatandaan ko pa na parati kong binabalita kay mama sa tuwing ako ang nangunguna sa klase namin. It was typical for a child wanting to gain the attention and approval of his parents. Unfortunately, as our family's situation worsened, tila nawalan na sila ng panahon para sa mga achievement ko. Again, they became too busy. Eventually ay dumating na ako sa point na ako na mismo ang tumigil sa pagbabalita sa kanila ng progress ko sa klase. Sa tuwing magtatanong si mama tungkol sa closing ceremony namin, sinasabi ko na matagal pa. Inuulit-ulit ko 'yun hanggang sa makalipas na lang ang mismong event. Teachers ko ang nagsusuot sa 'kin ng mga medal, nagkakabit ng mga ribbon, at nagbibigay ng mga award. As for my graduation, nagsinungaling ako sa teachers ko na may sakit ako para hindi ako makapunta. Ganyan ang naging buhay ko noon. Pakiramdam ko ay multo ako sa sarili naming bahay. It was sad at first, but like all things, nasanay na lang din ako sa katagalan. Ika nga nila, sa una lang 'yan masakit. Nang magising ako sa sunod na araw ay iisang bagay agad ang pumasok sa isip ko. "Happy birthday, Elio," bulong ko sa sarili ko habang nakatingala sa kisame. As usual, wala naman akong aasahan sa mga magulang ko. In fact, birthday ko ang isa sa mga bagay na nakalimutan nila. Also, wala na rin akong pakialam kahit wala silang ginagawa sa birthday ko. Like I said, sanay na ako. I thought that day was going to end like all the other previous days of my life. Kinahapunan ay naghahanda na akong umuwi. Nag-aral pa kasi ako sa library. Parati ko na 'tong ginagawa rito dahil baka mag-away na naman ang parents ko sa bahay. Wala man akong pakialam sa kanila, distracting pa rin ang mga sigawan nila. Matapos kong makapag-ayos ay naglakad na ako palabas ng school. Nasa hallway na ako nang tawagin ako ng pamilyar na boses ni Ma'am Emma. "Elio!" Lumingon naman ako. Pansin ko na may dala siyang paper bag. "Po?" Inabot niya sa 'kin ang paper bag na dala niya. "Para sa 'yo." Pagkabukas ko ng paper bag ay isang box ng cupcakes at isang pares ng bagong uniform ang sumalubong sa 'kin. Tinapik naman ni Ma'am Emma ang balikat ko. "Hindi ka man lang nagsasabing birthday mo pala. Kung hindi ko pa nakita kahapon sa records, hindi ko pa sana malalaman. Patapos na kasi ang school year pero pansin kong lumang-luma na ang uniform mo. Sana makatulong 'to. Happy birthday, Elio," sabi niya bago siya ngumiti. I grew up with very few possessions, kaya sa tuwing may nabibili akong gamit o may nagbibigay sa 'kin ay talagang pinapahalagahan ko 'yun. Kahit mga laruan ko noon ay buo pa rin ngayon at iniingatan ko. Ganoon ko pahalagahan ang mga mahahalaga sa 'kin. Hindi na ako nakapagsalita pa habang nakatitig sa regalong hawak ko; bagkus ay niyakap ko na lang nang mahigpit ang paper bag kasabay ng pagdaloy ng mga luha sa mukha ko. Ngumiti na lang din si Ma'am Emma bago niya ako niyakap. Hanggang ngayon, nasa akin pa rin ang uniform na ibinigay niya. I thought I've been through the worst. Akala ko wala nang mas lalala pa sa dinanas ko noong kabataan ko. Akala ko tapos na ang ilang taong impyerno na dinanas ko. Akala ko lang pala. . . My eyes suddenly threw open. Tumambad naman sa 'kin ang kisame ng kwarto ko. Umusog ako at sumandal sa headboard ng kama bago ako bumaling sa alarm clock sa bedside table. Hatinggabi pa lang pala. Sumubsob ako sa mga kamay ko bago ako huminga nang malalim. Makalipas ang ilang sandali ay bumangon ako at bumaba sa kusina para uminom ng tubig. I didn't head back to my room right away. Instead, dumiretso ako sa backyard kung nasaan ang pool at naupo ako sa isang bench doon bago huminga nang malalim. It's a cold, peaceful evening. I closed my eyes and appreciated the relaxing tranquility around me. Iba rin talaga kapag sa exclusive village ka nakatira. Habang nakapikit ako ay pumasok na naman sa isip ko ang panaginip ko kanina. Well, kahit sabihin ko na wala akong pakialam sa mga nangyari sa 'kin noong kabataan ko, hindi ko naman sila basta-bastang maaalis sa isip ko. They still affect me even today. Hindi naman ako pwedeng magsinungaling at sabihing walang naging epekto sa 'kin ang mga dinanas ko noon. I'm tough, but I don't have amnesia. A dull thud brought me back to my senses. I opened my eyes and saw a cup of hot chocolate on the table in front of me. On the other side of the table sat Skyler in his sleeping robes and carrying his own steaming cup. "Can't sleep?" he asked after taking a sip. "Nagpapahangin lang, but. . . well, maybe yes," I said before taking the cup. "Thanks for this, by the way. Ikaw, ba't gising ka pa?" tanong ko naman. "I just finished painting. Kukuha lang sana ako ng hot chocolate nang matanaw kita rito," sagot ni Skyler. I didn't say a word. Instead, I stared at him carefully as I took another sip of the hot chocolate. Ever since I met Skyler, he's always had this distant, almost dreamy look on his face, especially his eyes. With his silent and uncaring behavior, matagal na akong nag-conclude na detached ang mokong na 'to. Well, geniuses always have something weird going on with them. Baka ang pagiging distant at detached niya ang kapalit ng galing niya sa painting. Apart from that, pansin ko na tila malungkutin din siya. I don't know if it's just me, but his lifeless and flat expressions seem to have a certain sadness behind them. Habang mas tinitingnan ko ang mukha niya, tila mas lalo namang napapako ang titig ko sa kanya. You certainly need a dictionary just to decipher the look on this bastard's face. "Do I have something on my face?" Skyler suddenly asked, locking his hazel-brown eyes on me. I immediately looked away to avoid his piercing gaze. "Nothing. I wasn't even looking at you," I said. "Malabo lang ang mga mata ko. Hindi ako bulag. . . o tanga," sagot niya. Agad akong nag-isip ng ibang mapag-uusapan. "By the way, paano mo pala nakuha ang personal information ko? Kung hindi sinabi sa 'kin ni Sir Mico, hindi ko pa sana malalaman. Alam mo ba na pwede kitang kasuhan dahil sa ginawa mo? You're violating my rights," sabi ko. "Calm down," Skyler replied. "Also, 'wag ka sa 'king magreklamo. It was Kelly who did all the dirty work. Siya ang singilin mo. Besides, ginamit lang namin ang personal information mo para sa job application mo. Ano naman ang mapapala namin sa information mo? Hindi kami sindikato." "Hindi nga ba?" sabad ko. Skyler narrowed his eyes at me but he didn't reply. His expression softened after a few seconds. Finally, after letting out a long breath, he said, "I'm sorry. I lied to you." I stared at him blankly, cup on my lips. "Kelly didn't really act on his own," Skyler said. "Ako ang nag-utos sa kanya na alamin ang ilang bagay tungkol sa buhay mo. Also, hindi lang personal information mo ang nahalungkat ni Kelly. It was unavoidable, lalo pa't personal information mo ang hinanap niya. Don't be mad at Kelly. He was only following orders. It's just that. . ." I smirked while shaking my head. "You just couldn't trust me. I get it. It's clear as day. Well, I'm sorry for making you feel threatened here in your house. Please be assured na wala akong nanakawin dito, na hindi ko susunugin ang bahay mo, at hindi kita lalasunin. Gusto mong malaman ang lahat tungkol sa 'kin? Nandoon sa taas ang ID at birth certificate ko. Gusto mong padalhan kita ng kopya? Do you want my NBI Clearance, too? Bukas na bukas din ay aasikasuhin ko 'yun," sabi ko. Skyler tried to hold my arm but I pulled it away. "No. It's not like that. Hindi naman sa hindi kita pinagkakatiwalaan—" I raised a finger to silence him. Minasahe ko na lang ang sintido ko para pakalmahin ang sarili ko. "You know what? I'm tired arguing with you. I'm not mad, don't worry. Sana naman maintindihan mo na may privacy ang mga tao. Just because you have a ton of connections doesn't mean that you can just go straight into my life with complete disregard as to what I might feel. Ano ba ang mararamdaman mo kung pumasok ako doon sa workroom mo?" tanong ko. Skyler paused. "See? Nakikita mo na ba ang ibig kong sabihin? That's how I feel. Some people are really sensitive about their personal life. Ganoon ako," dagdag ko pa. "Also, looking at how you're desperately protecting your workroom, mukhang pareho lang tayo. Next time, try to be a bit more sensitive about what others might feel, okay? Don't be so self-centered and shortsighted. Thanks for the hot chocolate. Matutulog na ako. Good night." Lowering my half-empty cup on the table, I gave him one last glance before heading back inside the house. "I'm sorry—" "Hold it," I interjected, raising a hand while walking towards the house. "Hold it right there. I have no time for your apology. Also, if you're planning to do something in order to apologize, ngayon pa lang ay papayuhan na kitang tumigil na. I've had enough of cheesy, sickening apologies. Nagtiis lang ako para makapag-sorry sa 'yo. Don't do that same bullshit to me. I don't need it." I then slammed the door shut, leaving Skyler alone outside.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD