"Have fun with your money!"
Yumuko na lang ako kay Ms. Olivia bago ako naglakad palayo. It's six in the evening, katatapos lang ng shift ko, at nasa sling bag ko na ang isang envelope na puno ng pera. Yes, first sweldo ko today sa bago kong trabaho. I just hummed happily as I walked away from the restaurant. Nagkalat na rin sa paligid ang mga tao dahil rush hour na.
Umalis na kanina pa si Yana. The way she treated and looked at me earlier really bothered me, pero hindi na lang ako nagpaapekto dahil wala namang katuturan ang mga sinabi niya kanina. Maybe she's just a delusional paranoid who thinks that I'm after Skyler.
Like, duh, her baseless accusations made me cringe. Good thing I didn't allow her dominating demeanor to ruin my good mood today. Bahala siya sa buhay niya. Still, she's got a pretty wild imagination.
"Do you find him attractive? Handsome?"
I suddenly remembered Skyler's smiling face.
"Choose whatever you want. As long as you're going to eat it, I'll buy it for you. Don't be shy."
"NO!"
Halos magdilim ang paningin ko nang marealize kong inumpog ko pala ang ulo ko sa isang poste ng ilaw. Dali-dali naman akong naglakad palayo dahil pinagtitinginan na ako ng mga tao sa paligid.
I just realized again that I was total idiot for behaving like a total kid when Skyler brought me to that bakeshop. Well, hindi talaga ako nakakatanggi kapag libre at pagkain pa. Patay-gutom naman talaga ako, I admit. Still, I should be a lot more careful from now on, lalo pa't mukhang mainit ako sa paningin ni Yana.
Nakapagtataka kung paano naging magkakaibigan ang tatlo na 'yun. I mean, Skyler is detached and silent. Sir Mico is lively and fun. Yana is cold and dominating. Hindi ko lubos maisip kung paano sila nagkakasundo.
My phone suddenly rang habang nasa daan ako. It was Zoe.
"Hey, sweldo day! Gusto mong gumala? Katatapos lang ng shift ko," bungad niya.
"I'm not really in the mood. May mga bibilhin din kasi ako ngayon," sabi ko. "Let me see. . . Wala akong trabaho bukas. Mukhang mag-isa lang din ako sa bahay. Tapos kababalik lang din ni Adrian. Sobrang dami ng mga pelikula doon sa bahay. You two should come! We could watch a film or two."
"Sounds like a plan. Okay. See you tomorrow!" paalam naman ni Zoe.
Kababalik lang din kasi ni Adrian from Italy. Balak ko naman talagang makipagkita sa kanya bukas para magbayad ng perang pinahiram niya sa 'kin. I just texted him about my plan for tomorrow. Agad naman siyang pumayag.
Dumaan muna ako sa bangko para mag-deposit sa savings ko. Pagkatapos ay dumaan naman ako sa supermarket para mamili ng mga basic necessities ko. Nakauwi ako sa bahay around seven ng gabi. Aside sa mga ilaw na automatic na nag-o-on kapag gabi na, halos madilim pa rin ang buong bahay. It seems like wala pa rin si Skyler lalo pa't wala ang isa niyang kotse sa garahe.
Base kasi sa narinig ko mula kay Kelly, dalawang oras ang sessions ni Skyler sa bawat klase niya. Noong sumama kami sa kanya sa unang araw niya sa workshop ay mukhang para sa introductions at orientation lang ang schedule niya. Umaga na rin siya umaalis, unlike dati na tanghali na.
Matapos kong makapagpalit ay agad naman akong naghanda ng hapunan. Papunta na ako sa kusina nang mapatitig ako sa hallway kung nasaan ang workroom ni Skyler.
What are you hiding in there, you jerk?
Sa katiting na sandali na nakita ko ang loob ng workroom niya nang minsan ko siyang tulungan na magbuhat ng mga gamit para sa workshop, mga nagkalat na painting materials lang ang nakita ko sa loob. May bintana rin ang kwarto na 'yun at sinubukan ko na ring sumilip mula roon nang minsan akong nagtitrim ng mga halaman sa labas. As expected, wala rin akong nakita dahil sa kurtina sa loob.
I took a step towards the hallway, pero agad akong natigil nang kumulo bigla ang tiyan ko.
"Yeah. I should cook something first," sabi ko naman.
Skyler finally arrived around half-past seven. Nasa kalagitnaan na ako ng pagluluto ng sinigang na hipon. As usual, hindi ko siya pinansin pagkapasok niya. I heard him go up the stairs and into his room. Makalipas ang ilang minuto ay bumaba na siya.
"What are you cooking?" tanong niya sa 'kin habang umiinom siya ng tubig.
"Sinigang na hipon," sagot ko naman. "May tempura rin akong ginawa."
Skyler didn't say anything. Instead, nakarinig ako ng ilang kalampag mula sa mga cabinet. Paglingon ko ay may hawak nang isang bowl ang mokong.
"Can I please have some? Tinatamad na akong magluto ng dinner," sabi niya.
I rolled my eyes. "Just set the table. Luto na rin yata ang rice," sagot ko naman.
"What happened to your forehead?" tanong niya bigla.
I flinched. "I slipped earlier. I'm fine. Nothing serious," sabi ko.
Hindi ko naman pwedeng sabihin na naisip ko siya bigla kanina kaya kinailangan kong i-umpog ang ulo ko.
Umalis bigla si Skyler at naghalungkat sa isa sa mga drawer sa sala. Pagbalik niya ay may dala na siyang isang first aid kit.
"Come here for a second," he said, offering me a chair.
"No. I'm really fine. 'Wag kang OA. Hindi ko 'to ikamamatay," sabad ko naman bago ako bumaling sa niluluto ko.
Maya-maya pa ay bigla na lang akong naglambitin sa ere. Binitbit na pala ako ni Skyler sa kwelyo ng damit ko. Bago pa man ako makapagreklamo ay nilapag na niya ako sa isang silya.
"Don't move," Skyler said as he opened the box.
I didn't say a word as he fixed my scratch. Kahit gustuhin ko namang magsalita ay hindi ko magagawa dahil magkalapit lang ang mga mukha namin. I just looked in a different direction and moved not a single muscle. Nakahinga lang ako nang maluwag nang natapos na siyang maglagay ng gauze sa sugat ko.
"There you go," Skyler said. Bigla naman niyang binuhat ang upuan ko papunta sa dining table.
Seriously, how strong is this guy?
"Stay there. Ako na ang maghahain—"
"But—"
"Just stay there. Don't argue para wala nang gulo. That's the problem with you. Parati kang salungat," sabad niya.
"Fine!" sagot ko naman pabalik.
Hindi na lang ako umimik pa habang naghahanda si Skyler ng mga kakainin namin. Within a few minutes, the two of us were already enjoying a hot and steaming dinner.
"Why did you cook something so fancy? Is there an occasion?" asked Skyler while we're in the middle of eating. He seems to be really enjoying his food.
"Sweldo ko today, so I decided to splurge a bit," sagot ko naman.
"Oh, I see. Good for you. Congrats," he replied.
"Yeah. Sure," I said flatly. "By the way, pupunta pala rito ang dalawang kaibigan ko bukas. They're probably going to stay here all day. Manonood lang kami ng movies. Maaga naman akong maglilinis bukas. Mamaya ko rin aasikasuhin ang laundry kaya ibigay mo na sa 'kin ang mga labada mo."
"Your friends are welcome here," Skyler replied. "As for the laundry, you don't have to do mine. Dalawa naman ang washing machine rito. Just do yours. Lalabhan ko na rin ang mga damit ko later."
I frowned at him. "It's totally fine. Ibigay mo na lang sa 'kin."
"Don't argue. Just do as I say or else hindi ko patutuluyin ang mga kaibigan mo," sagot niya.
I rolled my eyes. "Fine. Whatever."
Skyler turned his attention back to his food. Napatitig na lang din ako sa kanya. There's something really strange with him today.
"You do know of course na hindi ko naman talaga balak na isabay ka nang magluto ako nitong pagkain? You don't have to be nice to me just because I included you in my dinner. You're being unusually kind to me tonight," I said.
Skyler frowned at me from the top of his eyeglasses. "I've always been kind to everyone. Ikaw lang 'to kasing parating masama ang mood kaya hindi mo napapansin ang kabaitan ko," sagot niya.
"Kasalanan ko pa talaga?"
He chuckled. "Actually, I can also say the same thing about you."
I frowned right away. "Bakit naman?"
"Well, you've also been unusually peaceful and nice these past few days. It's almost too good to be true," he said.
I smirked. "Madalang lang kasi tayong magkita. You have your workshop, I have my work."
"I guess you could say that," Skyler replied with a smile.
"Actually, nakakapagod din talaga na parati na lang akong war freak kahit wala naman talagang rason para magalit ako. It's really draining, both physically and mentally. You're going to die early if you're gonna get triggered by every single thing around you. Whereas if you don't give a single f***ing care, you conserve energy and isolate yourself from all the bullshit of this world," I said.
"That's true. Still, it won't hurt to be nice, even for once. A lot of problems could've been prevented if people were kind to each other. Sana maging ganoon rin ang mind-set mo. I still want to thank you for trying to be nice to me. I really appreciate it," Skyler said with a gentle smile, his hazel-brown eyes locking onto me.
That's right, I said to myself as my heart pounded against my chest. He's kind to everyone, not just to you. Don't get fooled by looks. Don't commit the same mistake. . . thrice.
●●●
"I'll be leaving. See you later. May gusto ka bang ipabili sa 'kin?"
I just waved my hand impatiently at Skyler while vacuuming the floor. "Just leave, you four-eyed bastard."
"See you later, then. Have fun."
Today is Skyler's last day in the summer workshop. Halos alas-otso na rin siya umalis. Nauna ako sa kanyang magising dahil nagluto ako ng agahan at maglilinis pa ng bahay. Sabi naman nina Zoe at Adrian na bandang alas-nuwebe na sila darating. I still have some time left, at patapos na rin ako sa mga dapat kong gawin.
Actually, aside sa gusto kong makasama ang mga kaibigan ko, gusto ko ring makuha ang mga opinyon nila tungkol sa isang bagay. Well, I couldn't get Yana's statement about Skyler's workroom out of my mind. Like I said, I've always been curious about that room of his, but my conversation with Yana amplified that curiosity tenfold.
I don't know if Zoe and Adrian will be able to help me, considering that they don't have any idea about the room. Still, gusto ko pa ring may mapagsabihan ng mga nasa isip ko. Maybe they can give me some advice.
Sakto naman na pagkatapos kong maligo ay dumating na ang dalawa.
"Whoa. I had no idea that Skyler's house would be this huge," Adrian said as I led them to the living room.
"First time mo nga pala rito. Well, maaliwalas lang dito dahil organized na ang mga gamit. You should've seen this place when I first got here," sagot ko naman.
"Hey, Elio, do you think Skyler will notice if I take one of his paintings? He sure has a lot of them here," he added.
"Don't you even dare," sabad ko naman agad. "Papatayin ako ni Skyler kapag nagkataon."
Habang si Zoe ay naghahalungkat na ng remote ng TV, inabot ko naman kay Adrian ang isang naka-envelope na pera.
"Para saan 'to?" tanong naman niya.
I punched his abdomen. "Don't be stupid. Sweldo ko kahapon. Salamat sa pagpapautang. Hindi ko naman nagastos ang lahat ng perang pinahiram mo lalo pa't libre naman ang pagkain at pagtira ko rito. Thank you so much."
"No problem," Adrian replied. "Mukhang may pambayad na tayo sa food delivery natin for snacks and lunch."
"'Yan ang gusto namin sa 'yo," sabad naman ni Zoe.
"By the way, kunin mo na lang 'yung mga paper bag na dala ni Zoe," dagdag pa ni Adrian. "Pasalubong ko sa 'yo. Designer clothes. May sapatos din yata na kasama 'yun."
"Na mas mahal pa kaysa sa utang ko sa 'yo?" sagot ko.
Adrian chuckled. "Stop mentioning price tags, okay? Matagal na sana akong binitin nang patiwarik ng parents ko kung hindi dahil sa inyo ni Zoe," sabi niya.
"Actually, inimbita ko kayo rito kasi may gusto akong itanong sa inyo," sabi ko naman.
Agad na napatitig sa 'kin sina Adrian at Zoe. Without mentioning my conversation with Yana, sinabi ko sa kanila ang pagtataka ko tungkol sa workroom ni Skyler. As expected, nangunot ang mga noo nila pagkatapos kong magkwento.
"First and foremost, you usually don't care about things like this, so why did you become curious about Skyler's workroom all of a sudden?" asked Zoe.
Ayaw ko na ngang ungkatin pa ang naging usapan namin ni Yana kaya nagsinungaling na lang ako.
"Well, malay ko ba kasi kung ano ang laman ng kwarto na 'yan? It also bothers me, knowing that there's something mysterious about this house. What if he's hiding something shady in there?" tanong ko.
Adrian frowned at the empty air. "I don't think Skyler's hiding something sketchy in that room. Still, kung ako man ang nasa posisyon mo ay magtataka rin talaga ako kung ano ang laman ng kwarto na 'yun."
"Gusto mong tingnan natin?" tanong naman ni Zoe. "I know how to pick locks. Kasama mo naman kami. As long as wala tayong gagalawin na kahit ano, wala namang mapapansin si Skyler."
I sighed. "This doesn't feel right, though."
"Have you tried asking Skyler?" Adrian suggested.
Natigilan ako.
"Just because sinabi niyang bawal pumasok doon doesn't mean na hindi mo na siya pwedeng tanungin kung ano ang nasa kwarto na 'yun. Just ask him nicely. Tell him that you only want to feel at ease while you're still staying here. Mabait naman yata si Skyler. He'll listen to you," dagdag pa ni Adrian.
"You actually have a point," Zoe agreed. "Now let's begin this movie marathon. Snacks, please!"
Huminga na lang ako nang malalim. Judging from the expression on Skyler's face when he told me about that room, mukhang hindi naman siya open na pag-usapan kung ano ang laman ng workroom niya. Hindi na lang ako umimik pa dahil ayaw ko namang ipahalata sa dalawa ang pag-aalala ko.
Bahala na.