KINABUKASAN ay maaga syang bumangon. Alam nyang walang helper sa bahay kaya magluluto sya ng almusal para sa kanilang dalawa.
Butihing asawa ang peg mo? Wika ng isip nya. Pinilig nya ang ulo para iwaksi ang nasa isip. Itinaas nya ang buhok at nakamessy bun ito. Inumpisahan nyang pakialaman ang kusina.
“Takte na yan! Wala talagang laman pati ref?” mahinang maktol nya. Wala kasing laman ang ref nito kundi tatlong pirasong itlog. Sa cabinet naman ay puro noodles. “napaka-unhealthy ng laman ng cabinet. Haynaku!”
Kinuha nya ang cellphone at nagdial sa telepono ng kasambahay nila “Tere, pasuyo ako ipag-grocery mo ako. Isesend ko yung mga bibilhin. Na kay mommy yung debit card ko. Magpadrive ka kay Kuya Joms”
“Okay po, Ma’am Jent” sagot ng kasambahay sa kabilang linya
“Thank you, Tere” bago in-end ang call at sinend ang mga ipapabili nya dito
Habang hinihintay nya ang mga pinagrocery ay luminga sya para mag-isip ng pwedeng gawin. Bukas na sya papasok sa opisina. Hindi lang sya sigurado kung papasok ang asawa ngayong araw.
Nagsimula sya maglinis ng kitchen at in-organize ang mga gamit base sa trip nya.
Kasalukuyan syang nagkukuskos ng sink ng mapaigtad sya sa pagkabigla ng may yumakap na mga bisig sa beywang nya mula sa likuran “Good morning, Munchkin. Anong ginagawa mo ang aga-aga pa ah?” malambing na wika nito habang nakapatong ang baba sa kanang balikat nya
“papatayin mo naman ako sa gulat!”bulalas nya dito
“Hmmm? Hinding-hindi kita papatayin sa gulat, My Munchkin. Sa pagmamahal pwede pa” kita nya ang pagsingkit ng mata nito dahil sa pag-ngiti. Naamoy nya din ang amoy mint na hininga nito. Bagong toothbrush breath.. Awit!
“Eh kung ikaw patayin ko ngayon?” napipikon nanaman nyang turan
Tumawa ito at naramdaman nya ang paghigpit ng yakap nito sa beywang nya at ang pagsinghot nito sa leeg nya. Pakiramdam nya ay may milyong boltahe ng kuryente ang dumaloy sa kaibuturan nya.
Napapiksi sya ng may maramdamang kung anong tumitibok na tumusok sa may butt nya.
“You felt that, Munchkin? Ginising mo sya” bulong nito sa punong tainga nya. parang nanigas ang katawan nya at pakiramdam nya ay nainitan sya. Putek! Pinilit nyang kumawala dito. Cornered kasi sya sa pagitan nito at ng sink ng lababo.
“Umalis ka nga dyan!” Pumihit sya paharap para sana mas may pwersa para makalayo dito ngunit wrong move yata. Dahil mas hinapit pa nito ang beywang nya. Hindi nawawala ang ngisi sa mukha nito na lalong nagpapainis sa kanya
“Such a beautiful view to look at in the morning” turan nito habang matamang nakatitig sa mukha nyang nagmamaktol. Hinawi din nito ang ilang hibla ng buhok nya na tumakip sa mukha nya mula sa pagkaka-messy bun. Naconcious sya bigla dahil pawisan pala sya kanina dahil sa pagkalikot sa kusina at pagkuskos ng sink.
“Ang aga aga mo mang-asar ha!” wika nya na sinubukan muling pumiksi para makalayo dito. Nahihiya sya sa itsura nya at hindi nya din gusto ang nagsisimulang pag-iinit ng pakiramdam nya sa pagkakadaiti ng katawan nila.
Napahawak sya sa dibdib nito ng ikulong ng dalawang palad nito ang magkabila nyang pisngi at iharap sa mukha nito. “Give me your sweet morning kiss, Munchkin” then he lowered his face and claimed her lips.
He started kissing her deeply. Naramdaman nyang naghahanap ito ng katugon kaya ginaya nya ang galaw ng labi nito “Uhmmm I like that, my munchkin” anas nito sa pagitan ng paghalik sa kanya
“Ahhh Lithe” ungol nya din ng maramdaman ang kamay nito na humagod sa dibdib nya. Kahit may suot syang t-shirt ay ramdam nya ang init ng palad nito.
Nagsimulang bumaba ang halik nito papunta sa leeg nya. s**t! Nakakabaliw sa pakiramdam ang bawat hagod ng labi nito sa balat nya. Halos nanginginig na ang tuhod nya sa nakakaliyong sensasyong lumulukob sa kanya
Bumalik paakyat sa labi nya ang halik nito ng biglang may mag-ring na cellphone. Ngunit hindi ito pinansin ni Lithe at nagpatuloy sa pagsakop at pag-angkin sa labi nya. Ngunit sadya yatang makulit ang caller at muli nanamang umingay ang cellphone. Kay Lithe iyon.
“Ahmm Lithe, yung cellphone” bulong nya dito. Patuloy padin ito sa paghalik sa kanya na tila walang pakialam sa pagtunog ng cellphone nito. Bahagya nyang kiniling ang ulo para maramdaman nito ang pagiwas nya sa labi nito at pansinin ang tumatawag.
Nakakunot noo itong tumigil at tumitig sa kanya “why munchkin?” kala mo bata na inagawan ng candy ang itsura nito sa pagkadismaya.
“m-may tumatawag sayo. Baka importante” wika nya. Hindi nya halos marinig ang sariling boses. Parang namamanhid na din ang labi nya sa pag-angkin nito.
“f**k s**t!” dinig nyang mura nito sa sobrang dismaya. Gusto nyang matawa sa itsura nito. Ang cute ng pag ka-childish nito.
Marahas itong bumuntong hininga at dinukot sa bulsa ang eskandalosang cellphone ngunit nakahawak padin ang isang kamay nito sa beywang nya at mukhang walang balak bitawan sya.
“Hello!” pagalit na sagot nito habang mataman padin na nakatingin sa mukha nya. Akma syang aalis sana sa pagkakahawak nito ngunit mabilis nitong hinigpitan ang hawak sa kanya at tinignan sya ng nagbabanta.
“Lola Mila! Ang istorbo nyo po!” ang Lola pala nito ang tumatawag. luh? Kung pagalitan nito ang sariling Lola ay ganun nalang. Hinampas ko ito sa balikat para ipakita na mali yung tinuran nito. Tsaka nakakahiya baka kung anong isipin ng matanda sa tinuran nitong pang-iistorbo.
Eh bakit totoo naman ah? May milagro kayong ginagawa.. Sagot ng bwisit na isip nya..
“What? Okay okay. I’ll tell my wife.” At binaba na ang telepono.
“Anong sabi ni Lola Mila?” tanong ko dito. Dagli nitong nilapit muli ang katawan sa kanya at halos mapaliyad na sya papunta sa sink sa pag-iwas dito.
“Pupunta daw sila dito mamaya. Dito daw sila magdidinner” sagot nito pero naguumpisa nanaman mang-akit ang mga mata nito.
“Ahmm Lithe, pwede bang bitawan mo na ko? Magprepare na ko ng breakfast natin. Hindi ka pa ba nagugutom?” kinakabahan sya baka kung saan na sila mapunta nito pag nagpadala sya.
“Got the best and the most sweetest breakfast in my entire life, Munchkin. Thanks to you” at pinisil nito ang baba nito
“Ang landi mo, Mr. Del Fuego” irap nya dito pero kinikilig sya! Kainis!
Tumawa ito ngunit binitiwan na din sya. “I love it when you’re blushing”
“Blushing ka dyan. Ganyan lang talaga kulay ko no!” irap nya dito. Naconcious tuloy sya
“anong iluluto mo?” malambing nitong tanong. Nakapangalumbaba itong nakatingin sa kanya habang kumikilos sya sa kitchen
“Adobo at sinigang nalang. Okay lang sayo?” hindi kasi sya sigurado sa paborito nito ngayon. Pero dati sa pagkakatanda nya ay ito ang paborito nito
Nakita nyang namilog ang mga mata nito “Wow! Favorite ko parehas yan, Munchkin!” parang naglalaway nitong wika
“Oh wala pa kumalma ka! Wala ngang laman yang ref mo kundi itlog. Pati cabinet mo puro noodles. Buti hindi ka nagkakasakit sa kidney. Napaka-unhealthy ng mga pagkain mo!” sermon nya dito
Pero imbes na mainis ito sa panenernon nya ay parang tuwang tuwa pa ito. “nginingisi-ngisi mo dyan?” irap nya dito
“Ang sarap pala talaga ng may asawang nag-aalaga at nag-aalala”