“Oh, Leslie. Nandito ka na pala. Saan ka ba nanggaling at hindi kita nadatnan dito kanina? Iniwan mo pa itong mga pagkain dito na walang takip. Wala ka rin sa kwarto mo.” Napalingon siya kay Manang Elna nang magsalita ito sa likod niya. Sinigurado muna nila kanina ng Sir niya na wala si Manang Elna paglabas nila sa kitchen bago sila lumabas mula sa storage room. “Nandiyan na po pala kayo Manang Elna.” Kunwari ay nagulat niyang sabi. Mukhang kakailanganin niya ang magaling na aktingan dahil hindi niya maaaring sabihin dito ang ginawa nila ng Sir Matthew nila. Hindi niya kayang sabihin dahil kusang loob niya nang hinayaan ang Sir nila. “May kinuha lang po ako sa labas. Baka po nagkasalisi tayo.” Dugtong niya pa na hindi tumitingin dito. Mahirap na at baka mabasa nito sa mga mata niya na h

