“Cover yourself!” halos pasinghal nang utos sa kanya ng Sir niya sabay baling ng mukha para hindi siya makita. Napalingon naman siya sa loob ng banyo niya at nagmamadaling hinanap ang towel niya ngunit dahil nga medyo madilim ay hindi niya nakita. Bahagya lang kasing lumiwanag sa pinakaloob ng banyo dahil sa bukas na pinto. Kakapain niya sana roon ang tuwalya ngunit bigla rin niyang naalala na hindi nga pala niya nadala ang towel niya dahil abala ang isip niya kanina tungkol sa Sir Matthew niya. “W-wala ‘yong tuwalya ko..” “Damn!” mariing napapikit ang Sir niya bago ito nagpalinga-linga sa labas ng banyo niya at hinanap ang towel niya. “Here!” may inabot ito sa kanya at nang abutin niya ay roba pala iyon. Hindi niya kasi iyon masyadong ginagamit dahil hindi siya sanay gumamit niyon

