Nagising si Leslie dahil sa naulinigan niyang nagsasalita malapit sa kanya. Ang bigat pa ng mga talukap ng mga mata niya at maging ng katawan niya. Ganoon pa man, pagkaalala niyang may trabaho pa siya ay pinilit na niyang imulat ang mga mata niya. Nagulat pa siya nang makita ang Sir Matthew niya na nakatayo malapit sa pinto habang kausap si Manang Elna na may dala-dalang tray ng mga pagkain. Agad niyang sinubukang bumangon ngunit hindi natuloy ang pagbangon niya nang maramdaman niya ang kirot sa gitna ng mga hita niya. Saka lang bumalik sa alaala niya kung ano ang nangyari kagabi at kung paano siya paulit-ulit na inangkin ng Sir niya. “Oh, mabuti at gising ka na Leslie.” Agad ipinatong ni Manang Elna sa isang mesa ang mga dala nito at agad siyang nilapitan sabay lapat ng palad sa n

