Maagang gumising si Leslie nang araw na iyon dahil ayon kay Manang Elna kagabi ay birthday daw ng Amo nila. Pag birthday daw kasi ng amo nila ay may mga bisitang pumupunta roon mula nang iniwasan na ng amo nila na maglalabas kasama ang mga barkada at pinsan nito ilang taon na ang lumilipas. Kaya ayon at ang mga ito na lang daw ang nag-eeffort para maging masaya ang birthday ng Sir Matthew nila. Mabuti na lang din at hindi siya ginamit ng Sir niya kagabi dahil umalis ito at hindi na niya alam kung anong oras ito nakauwi. Kaya ngayon ay puno ang enegy niyang asikasuhin ang mga bisita ng amo niya mamaya. “Leslie, mabuti at maaga kang gumising. Baka maya-maya lang ay may darating na mga pagkaing inorder ng mga bisita ni Sir.” “Eh bakit naman po Manang Elna nag-aabala pa ang mga bisita ni S

