Lumalalim na ang gabi ngunit hindi na muli pang lumabas sa kwarto niya si Leslie. Bahala na! Siguro magsisinungaling na lang ulit siya kay Manang Elna na sumama ang pakiramdam niya! Nagugutom na rin siya ngunit ayaw niyang lumabas dahil baka nandoon pa ang mga bisita ng amo niya. Para ring nakikita pa niya sa harap niya ang babaeng nakahuli sa kanila ng boss niya. Sino kaya ang babaeng iyon? Kaibigan din kaya iyon ng Sir Matthew niya? O ex nito? Isa sa mga babae o naging babae nito? Hindi na iyon mahalaga dahil ang mas mahalaga ay kung ano na ang gagawin niya?! May nakahuli sa kanila… At paano kung pinag-uusapan na pala siya ng mga ito at nakaabot na rin kina Manang Elna ang kababalaghan nila kanina sa kusina? Mariin niyang ipinikit ang mga mata niya. Bahala na!! Siguro aalis n

