Chapter 7 – Pagpipilian

1396 Words
Gustuhin man niyang makatulog na ngunit hindi nakikisama ang isip niya. Para kasing nararamdaman pa rin niya kung paano gigil na minamasahe ng Sir Matthew niya ang magkabila niyang mga s**o at kung gaano kainit ang mga halik nito sa leeg niya. First time niya sa lahat ng bagay na iyon at hindi niya akalaing ang gagawa niyon sa kanya ay ang bago niyang amo na mukha namang matino! Maling-mali pala ang akala niya dahil manyak ang amo niya. Manyak!! Pero hindi niya maikakaila na may kakaibang init siyang nadama habang hawak nito ang dibdib niya. Init na nagmumula sa mga kamay nito na napasa yata papunta sa kanya. Ngunit agad niyang ipinilig ang ulo niya. Hindi porke’t gwapo ang amo niya ay papayag na siyang bastusin nito! Kaya bukas na bukas din ay maaga siyang aalis sa mansiyon. Bahala na si batman kung saan siya dadalhin ng mga paa niya basta’t aalis na siya sa poder ng amo niya! Sakto at day-off bukas ni Manang Elna, ayon dito kanina ay maaga raw itong aalis bukas dahil pupunta ito sa mga anak nito at sa isang araw na ito babalik. Sasabay na lang siya rito bukas ng maaga at siguro ay uutang na lang siya rito kahit pamasahe lang niya. Dahil nakagawa na siya ng pasya ay agad na rin siyang nakatulog maya-maya. Kinabukasan ay maaga siyang nagising at talagang inabangan niya ang paglabas ni Manang Elna sa kwarto nito. “Oh, Leslie. Ba’t ang aga mong nagising?” takang usisa nito sa kanya. Madilim pa lang kasi nang oras na iyon. “Ahm, Manang pinapamalengke kasi ako ni Sir ng maaga. Sabay na lang po tayong lumabas.” Pagsisinungaling niya. “Aba’y bakit naman? Kumpleto pa ang mga rekado riyan at marami ring lulutuin na gulay, isda at karne. Ano ang ipinapabili niya?” tila napaisip pa ito saglit. Ito kasi ang incharge sa pamamalengke at kahapon lang ay namalengke ito. “Pinapabili niya po ako ng fresh na hipon.” Pagsisinungaling muli niya. Bahala na! Pag nakalabas na sila sa gate ay saka na lang siya aamin kay Manang Elna at sana ay pautangin siya nito kahit kaunti. Napatitig lang sa kanya si Manang Elna saglit hanggang sa tumango na lang ito kaya nakahinga na siya ng maluwag. Kakabukang-liwayway pa lang nang lumabas sila sa kabahayan ngunit bago pa sila makalabas sa gate ay may nagdoorbell na. “Leslie, may naghahanap sa’yo.” Anang guwardiya sa kanya. “Po?” sino naman kaya ang maghahanap sa kanya ng ganoon kaaga? Wala naman siyang ibang kakilala sa Maynila bukod sa kanyang Tiya Minerva.. Nanlaki ang mga mata niya sa reyalisasyong iyon ngunit bago pa man niya mapigilan ang guwardiya ay nabuksan na nito ang gate at agad pumasok ang Tiyahin niya. “Leslie… Kumusta?” nakangiting bati nito sa kanya ngunit may pagbabanta ang klase ng tingin nito sa kanya. “T-tiya… Paano niyo po nalamang dito ako nagtatrabaho?” Nakaramdam na agad siya ng sobrang kaba lalo na nang humakbang ito palapit sa kanya kaya napaatras siya. “Nandito ako para sunduin ka.” Sabi lang nito sa kanya. Tila biglang bumigat ang mga paa niya hanggang sa nasa tapat na niya ang Tiya Minerva niya. Hinawakan nito ng mahigpit ang isang braso niya at hinila siya papunta sa gate. “T-tiya, ayaw ko po!” bigla siyang nataranta kaya pumiksi siya ngunit hindi nito binitiwan ang kamay niya. “Kahit ayaw mo, sasama ka sa akin!” matigas nitong sabi sa kanya sabay muling hila ng malakas sa kanya. Napalingon siya kay Manang Elna at binigyan niya ito ng nagpapasaklolong tingin ngunit muli siyang hinila ng malakas ng Tiya Minerva niya kaya muntik pa siyang madapa. “Tiya, maawa ka po sa akin. Ayaw ko po! Dito na lang po ako magtatrabaho!” napaiyak na lang siya habang nilalabanan ang paghila sa kanya ng Tiyahin niya. “Ah, Ma’am, mawalang galang na po, baka po pwedeng—” “Wag kang makialam dito!” singhal ng Tiya Minerva niya sa guard na gusto sanang pumagitna sa kanila. “Tiya, please po.. hayaan niyo na lang ako!” muli niyang pagmamakaawa rito habang pilit binabaklas ang kamay nito sa braso niya. Takot na takot siya. Alam niya na oras na mailabas siya nito roon ay hindi lang bugbog ang aabutin niya kundi ang pagbebenta na nito ng tuluyan sa kanya. “Hindi ka talaga nag-iisip kahit kailan! Simple lang naman ang gagawin mong trabaho pero limpak na limpak na pera ang makukuha mo. Ang arte-arte mo! Ililigo mo lang iyon, tapos! Gamitin mo nga ang kukote mo! Kung dito ka magtatrabaho, magkano lang ang sasahurin mo?! T@nga! Kahit tumanda ka kakalinis ng bahay na yan, hindi ka magkakayaman!” pilit pa rin siyang hinihila ng Tiya niya ngunit pilit siyang nanlalaban. “What’s happening here?” sabay silang napalingon ng Tiya Minerva niya sa nagsalita at tila nakatanaw siya ng pag-asa nang makita niya ang Sir Matthew niya na papalapit na sa kanila at kasunod naman nito si Manang Elna. “Who are you? At ano’ng ginagawa mo rito?” seryoso nitong tanong sa Tiya Minerva niya sabay sulyap sa kamay nitong nakakapit sa braso niya. Bigla na lang lumuwag ang kapit sa kanya ng Tiya niya hanggang sa bitawan na siya nito ng tuluyan kaya agad siyang lumapit sa tabi ng Sir Matthew niya. “Magandang araw po! Ako po pala ang Tiyahin nitong si Leslie. Isasama ko na siya pauwi dahil lumayas lang iyan sa amin. Napagalitan ko kasi siya at nasaktan ng kaunti dahil kung sinu-sinong lalaki ang sinasamahan. Kaya nagtampo at lumayas. Matagal ko na nga po siyang hinahanap at ako’y labis nang nag-aalala sa kanya.” Pagsisinungaling nito at binalingan siya. “Leslie, wag ka nang magtampo kay Tiya. Kapakanan mo lang ang iniisip ko, anak. Bumalik ka na dahil alam mo namang tayong dalawa na lang ang magkapamilya. Pangako, papakinggan na kita sa susunod.” Tila maamong tupang sabi nito sa kanya. Napalingon siya sa Sir Matthew niya at nakakunot-noo itong nakatitig sa Tiya niya, pagkatapos ay seryosong binalingan siya ng tingin. Naalala niya rin bigla ang ginawa nito sa kanya kagabi kaya muli siyang napatingin sa Tiya Minerva niya. Pareho lang yata ang sasapitin niya kahit saan siya magpunta… Napatingin siya ulit sa Sir Matthew niya at nakakunot-noo na itong nakatingin sa kanya. Posible kayang hindi nito maalala ang ginawa nito sa kanya kagabi? Nakainom ito kagabi at malamang nga ay nakalimutan na nitong minanyak siya nito kagabi. At siguro naman, hindi na ulit iyon mangyayari. At kahit siguro mangyari man iyon ulit ay pipiliin niya na iyon kaysa ang isama siya ng Tiya niya at ihain sa kung kani-kaninong lalaki kapalit ng pera. Napahawak siya bigla sa braso ng Sir Matthew niya at sunud-sunod siyang umiling. “H-hindi ako sasama sa’yo, Tiya.” Kinakabahan niyang sabi habang bahagya pang nanginginig ang mga kamay niya. “Leslie, wag nang matigas ang ulo mo.” Nakangiti ngunit halatang nagtitimping sabi ng Tiya Minerva niya. Muli siyang umiling-iling rito at napahigpit pa ang hawak niya sa braso ng Sir Matthew niya. Tiningala niya ito, at nagmamakaawa itong tiningnan na wag itong pumayag na isama siya ng Tiya niya. “She’s working for me now. Pag may ginawa siyang masama, ako mismo ang magpapaalis sa kanya. Now if you’ll excuse us dahil may trabaho pa siya. Pwede ka namang makipagkita sa kanya pag day-off niya kung papayag siya.” Maawtoridad na sabi ng Sir Matthew niya sa Tiya niya kaya bigla siyang nakahinga ng maluwag. Mabuti na lang at hindi siya nito hinayaan at tatanawin niya iyong utang na loob sa amo niya. Halata namang nabigla ang Tiya Minerva niya sa sinabi ng Sir Matthew niya at hindi na ito nakapagsalita pa hanggang sa tumalikod na ang Sir Matthew niya. “Leslie, prepare my breakfast ASAP!” Malakas pang pahabol ng Sir Matthew niya sa kanya habang patuloy ito sa paghakbang papasok ng mansiyon. Iginiya naman ng guard ang Tiya Minerva niya palabas at nang tingnan niya ito ay halatang nanggagalaiti ito sa galit habang madilim ang mukhang nakatingin sa kanya. “Babalik ako, Leslie. Hindi ako papayag na mapupunta lang sa wala ang sakripisyo ko sa’yo.” Mariin nitong sambit at puno ng pagbabanta ang mga titig nito sa kanya bago ito tumalikod at tuluyang mawala sa paningin niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD