Chapter 5 – Maid

1218 Words
Pumasok sa isang mataas at malaking gate ang kotseng sinasakyan niya at napanganga na lang siya sa nakita niya. Para siyang nasa loob ng isang pelikula at napakagandang mansiyon naman ang nasa harap niya. Pinagbuksan pa siya ng pinto ng driver at napansin niyang nauna na palang naglalakad papasok sa malaking bahay ang amo nila. “Ako nga pala si Tino. Tawagin mo na lang akong Mang Tino.” Agad nitong pakilala sa kanya nang naglalakad na rin sila papasok ng mansiyon. Mukhang mabait at palakaibigan naman si Mang Tino. “Mang Tino.. ako nga po pala si Leslie. Sobrang yaman po pala ng boss natin.” Aniya na hindi maalis sa mukha ang pagkamangha. Ngayon lang kasi siya nakakita ng ganoon kalaking bahay sa personal idagdag pang doon na siya pansamantalang maninirahan. Pakiramdam niya tuloy ay nananaginip lang siya pero alam niyang totoong magbabago na ang buhay niya. Hindi na niya pasan sa balikat niya ang Tiya niya at sarili na lang muna niya ang iisipin niya. “Mukhang siniswerte ka Leslie, good mood si Sir ngayon.” Anito na napangiti pa. “Good mood pa po ba iyon eh ni hindi nga ngumiti kahit kaunti.” natatawang sabi naman niya. “Magtatawanan na lang ba kayo?? Do you really need this job?!” nagulat siya sa biglang pagsasalita ng supladong Boss nila dahil nasa harap na pala ito nila. “S-sir—” “Follow me!” maawtoridad nitong utos sa kanya kaya agad siyang napasunod dito. “I hate gossips. Ayaw na ayaw kong may nagtsitsismisan dito sa pamamahay ko. Do you understand?” “Yes, Sir!” Patuloy sila sa paglalakad at nakayuko siyang nakasunod dito nang bigla itong tumigil, tuloy ay nauntog siya sa matigas nitong likod. “Sorry Si—” “This will be your room.” Anito. Napatayo tuloy siya ng tuwid at napatingin sa tinigilan nitong pinto. Binuksan nito iyon at tumambad sa kanya ang may kalakihang kwarto. Mas maganda pa nga ang kwartong iyon kaysa sa kwarto sa bahay nila dati maging sa boarding house nila ng Tiya niya. Sabagay ay mayaman ang amo niya, kaya kahit maid’s room ay maganda. “Take a rest. Bukas na tayo mag-usap tungkol sa magiging trabaho mo.” Supladong sabi ulit nito at tinalikuran na siya. Sinundan pa niya ito ng tingin at aaminin niya sa sarili niya na kahit nakatalikod ito ay napakalakas pa rin ng dating nito. Halata ring malaki ang pangangatawan nito at maski paglakad nito ay matikas. Bigla itong lumingon sa kanya kaya agad niyang nabawi ang paningin niya at nagmamadali na siyang pumasok sa kwarto raw niya. This will be her life from now on. Siguro ay kakalimutan na lang muna niya ang Tiya Minerva niya. Labis kasi siyang nasaktan na ibebenta nito ang katawan niya para sa pera. Hindi niya akalaing gagawin iyon sa kanya ng Tiya niya dahil ginawa naman niya ang lahat para masuklian ang pagkupkop nito sa kanya. Kaya kung pagkakaperahan lang siya ng Tiya niya ay mabuti pang magkanya-kanya na lang muna sila. Ayaw niyang masira ang buhay niya. At baka mabaliw pa siya pag natuloy ang balak sana ng Tiya niya sa kanya. Habang nakaupo siya sa malambot na kama ay may biglang kumatok sa pinto ng kwarto niya. Binuksan niya iyon at tumambad sa kanya ang isang babaeng halos kaedad yata ng Tiya Minerva niya. “Magandang gabi po!” magalang niyang pagbati rito nang ngumiti agad ito sa kanya. “Magandang gabi rin, hija. Ako nga pala si Manang Elna. Ako ang nag-iisang katulong dito pero ang gawain ko lang ay ang pagluluto at pag-aasikaso sa mga pangangailangan ni Sir Matthew.” Anito. So Matthew pala ang pangalan ng supladong boss nila. Pero nagtataka siya dahil parang napakatahimik ng bahay na iyon. Nag-iisa lang ba ito roon? Wala ba itong kapamilya… o asawa? Sabagay ay hatinggabi na nga pala kaya baka natutulog na ang ibang nakatira roon kung mayroon man. Hindi na lang siya nagtanong dahil sabi nga ng Sir nila ay ayaw nito sa tsismosa. Siguro ay kusa na lang niyang malalaman ang lahat ng kailangan niyang malaman tungkol sa trabaho niya. “May tagalinis naman na kinuha si Sir Matthew sa bahay na ito kaya asahan mong hindi ikaw ang magge-general cleaning dito.” Sabi pa nitong nakangiti. “Ano daw po ang magiging trabaho ko?” hindi niya maiwasang mag-usisa. Kung may tagalinis naman sa malaking bahay na iyon at may taga-asikaso rin sa boss nila ay ano ang gagawin niya?? “Si Sir Matthew na lang ang magsasabi sa iyo bukas dahil wala rin akong alam tungkol diyan. Nagtataka nga ako na kumuha siya ng katulong samantalang kaya ko naman ang lahat ng trabaho ko. Isa pa, ayaw rin ni Sir Matthew na ang daming tao dito. Hayaan mo hija, mabait naman iyan si Sir. Basta wag mo lang siyang gagalitin.” Anito kaya napatitig siya rito. Mabait rin naman siya. Pero lahat naman yata ng tao ay masamang magalit lalo na ang mababait. Hindi na ito masyadong nagtagal at umalis na rin ito agad pagkatapos siyang bigyan ng instructions, bigyan ng uniform at ilang damit pambahay. Nasa tabi lang din pala ng kwarto niya ang kwarto nito at sa pangalawang palapag naman ang kwarto ng amo nila. Ang kwarto naman ng driver at ng guards ay nasa loob ng isang maliit na bahay sa labas ng mansiyon. Natulog na siya agad at kinabukasan ay agad siyang gumising, naligo at isinuot ang maid’s uniform niya. Kumportable naman iyong isuot dahil hanggang tuhod niya ang haba. Mabuti na lang at may underwear ding ibinigay si Manang Elna sa kanya. Maya-maya pa ay kinatok na siya ni Manang Elna at isinama sa kusina. Habang naglalakad siya ay binigyan siya ito ng konteng background tungkol sa amo nila. Binata pa pala ang Sir Matthew nila at wala rin daw itong girlfriend. Hindi na rin daw ito mahilig lumabas o uminom lalo kung wala namang kinalaman sa negosyo. In short, masyado talagang seryoso sa buhay ang amo nila. At hindi rin daw alam ni Manang Elna kung bakit dahil hindi naman daw ito ganoon noon. Tinulungan niyang magluto si Manang Elna at di nagtagal ay ipinaghain na nila ang amo nila. “Leslie.” “Yes, Sir!” bahagya siyang lumapit sa likod ni Sir Matthew nang tapos na itong kumain at tumayo siya ng maayos. “From now on, you’ll clean my room everyday and you’re in charge of preparing my meal.” “Y-yes, Sir!” Naisip niya agad si Manang Elna, kung ano na ang magiging trabaho nito ngunit wala siya sa posisyon para magtanong. “Manang Elna, ikaw na ang bahala sa kanya. Ilibot mo siya mamaya.” “Yes, Sir.” Nakangiti namang sabi ni Manang Elna. Marahil ay kinausap na ito ng Sir Matthew nila kung ano na ang magiging trabaho nito. Bago umalis sa dining area ay napansin niyang tinitigan pa siya ng amo niya. Hindi niya alam kung bakit pero parang may kakaiba sa titig nito sa kanya. May iuutos pa ba ito sa kanya? May sasabihin o ibibilin ba ito?? Ano, Sir, sabihin mo?! Matapang niyang hiyaw sa isip niya. Pero nanatili na lang siyang diretso ang tingin sa ibang direksiyon hanggang sa umalis na ito ng dining room.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD