bc

Reincarnated into Vampire Princess

book_age18+
14
FOLLOW
1K
READ
reincarnation/transmigration
submissive
powerful
twisted
bxg
royal
another world
soul-swap
multiple personality
gorgeous
like
intro-logo
Blurb

Briella which is common called Brie comes from a rich family and working as a Top 1 secret agent in a company that is dealing with drug lords, criminals and other illegal businesses. After dying in an operation she will be reincarnated and wakeup as a Lunarleigh which is a Vampire Princess of the Moonlight Kingdom.

chap-preview
Free preview
Prologue
Briella's POV : Masakit na ang mga paa ko kakatakbo at hindi ko na alam kung saan ako pumupunta, kailangan kong makalayo sa mga humahabol sa akin. Nandito ako sa gitna ng gubat , natatakot ako dahil madilim ang paligid at hindi ako masyadong makakita. Nagtago ako sa likod ng malaking puno dahil hindi ko na kaya pang tumakbo.Marami akong sugat at tama ng baril dahil sa mga sindikatong sumusunod sa akin. Tinakpan ko ang aking bibig upang hindi niya marinig ang mabigat kong paghinga. Sobrang kirot na ng mga sugat ko at parang gusto ko ng umiyak sa sobrang sakit. Naririnig ko ang mga yapak ng paa nila dahil sa mga tuyot na dahon. Palayo na sana sila ng biglang tumunog ang cellphone ko dahil mayroong tumatawag. Ughh! s**t ba't ba ang malas malas ko ngayon. Pinaulanan nila ako ng bala ngunit tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa mahulog ako sa bangin. Kapag ako nabuhay ulit mas magiging magaling na akong pumatay. Pangako yan. Sobrang sakit na ng aking katawan at nanlalabo na ang aking paningin hanggang sa unti unti na akong nawalan ng malay. Nagising ako ng may tumamang sinag ng araw sa aking mukha. Agad akong bumangon dahil baka maabutan ako ng humahabol sa akin. Ngunit ganon na pang aking pagkagulat ng nasa isa akong napakagandang silid. Nagulat ako ng may biglang pumasok na babae at nakadamit pangkatulong. " Prinsesa Luna , gising na po pala kayo. Iuulat ko lang po ito sa mahal na hari at reyna." sambit nito at nagmamadaling lumabas na ng silid. Nagtaka naman ako dahil tinawag niya akong 'Princesa' at isa pa ay hindi naman Luna ang aking pangalan kundi Briella. Pumunta ako sa banyo sa loob ng silid na ito upang maghilamos ngunit ganon na lang ang aking gulat ng makita ang aking mukha. "Ah!" napatili ako dahil napagtanto kong nasa ibang katawan ako. Bigla namang may pumasok sa c.r. na isang babae at dalawang lalaki sa likuran nila yung babaeng katulong kanina. Nagulat akong muli at napahawak sa aking dibdib ngunit hindi ko maramdaman na pumipintig ang aking puso. " Luna anong nangyari dito? Bakit ka sumisigaw" tanong nung lalaking pogi na may suot na crown. Lumapit sa akin yung magandang babae , kagaya nung lalaki ay meron din siyang suot na crown. Hinawakan niya ang kamay ko na agad ko namang binawi dahil sobrang lamig ng kamay niya. Nagulat naman sila ng gawin ko iyon. " Don't touch my hand lady , i don't even know you." malamig na sambit ko dito. " Luna ano ka ba bakit mo ginaganyan si Mommy." sabi nung isa pang lalaki na kasama nila. " Sweetie , hindi mo ba talaga kami nakikilala?." naiiyak na tanong nung babae. " Hindi ko nga po kayo kilala. Sino po ba kayo?." tanong ko rito. " Anak , kami ito ang mga magulang mo at ito naman ang kuya mo." saad nito at tinuro pa yung lalaking tumawag sa kaniya ng mommy at kuya ko daw. " Marahil ay epekto iyan ng sumpa ni Hera." sambit nung ama ko daw. " Ano po bang mga pangalan ninyo? Saka nasaan po ba tayo?" tanong ko sa kanila. " Nandito tayo sa palasyo ng iyong ama ang Moonlight Kingdom." sambit nung magandang babae kung ganon ay hari ang ama ng may ari ng katawan na ito at reyna naman ang kanyang ina. " Ako ang iyong ina , ang pangalan ko ay Loreleigh Pendleton." pagpapakilala nito. " Ako naman ang iyong ama , ang aking pangalan ay Leonhart Pendleton." pagpapakilala nang hari. " Ako naman ang iyong nakatatandang kapatid , ako si Leonard Elixir Pendleton at ang iyong pangalan ay Lunarleigh Ellisse Pendleton." sabi nung kuya ko kuno. " Pwede po bang magtanong?" sambit ko sa kanila. " Oo naman." sagot nila. " Bakit po napaputla ng kulay ng ating balat at napakalamig ng ating katawan , higit sa lahat bakit hindi ko po maramdaman na tumitibok ang aking puso?" nagtatakang tanong ko sa kanila. Mas lalo akong nagtaka ng makitang napangiti sila dahil sa aking tanong. Sumagot naman ang hari habang nakangiti pa rin. " Iisa lang ang kasagutan sa iyong tanong anak , iyon ay dahil tayo ay mga bampira." Ano mga bampira akala ko hindi totoo iyon napapanood ko nga lang yun sa t.v. at nababasa sa mga libro. 'Sh*t ! Pakisampal nga ko baka sakaling panaginip ko lang ito. ' sambit ko sa aking isipan. Nagulat naman ako ng bigla akong sinampal ni Kuya. " Aray ko , punyeta ka bakit mo ko sinampal. " sigaw ko rito habang hinihimas ang pisngi ko na sinampal niya. " Sabi mo eh." sagot niya habang nakangisi. " Wala naman akong sinabi ah. Narinig mo ba kong sinabi ko yun ha tukmol." nanggagalaiting sabi ko. " Nabasa ko isip mo. Wag ka na magreklamo dyan lilsis ginawa ko lang naman yung wish mo. 'Anudaw! Binasa niya yung isip ko, pero pano. Abnoy ba to!' " Hindi ako abnoy , baka ikaw." sabi niya. "Aba't talagang , arghh pistiha kang monggol ka." sigaw ko rito. " Tama na yan Leonard wag mo ng asarin ang kapatid mo." sambit ni Daddy. Wow! Daddy feel na feel. " Magpahinga ka na anak nang bumalik ang iyong lakas." sabi ni Mommy at inalalayan akong makahiga ako sa aking kama. Hinalikan nila ako isa isa sa noo pagkatapos ay lumabas na ng silid. Naguguluhan ako , how ? I mean bakit ako na reincarnate at mas nakakapagtaka na bilang isang prinsesa ng mga bampira. Kailangan kong makabalik sa totoo kong katawan kung sakaling buhay pa ako pero paano. Nag isip ako ng nag-isip kung paano nga ba hanggang sa antukin at makatulog ako.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.1K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.2K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
195.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.1K
bc

His Obsession

read
104.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook