Chapter 1 : Adjusting

1322 Words
Briella / Luna's POV : Tatlong araw na ang lumipas magmula nung mareincarnate ako bilang bampira. Masaya naman ako sa pamilya ko rito dahil mahal na mahal nila ako , pero namimiss ko na ang totoo kong pamilya.Miss na miss ko na yung daddy kong over protective , yung mommy kong may pagka childish at higit sa lahat ang kuya kong tukmol. Kung hindi lang sana ako pumalpak sa misyon na iyon. Isang malalim na buntong hininga na lang ang aking nagawa. Nandito ako sa aking kuwarto at nagmumuni muni tinitingnan ko ang isang makapal na photo album na naglalaman ng mga litrato ni Princess Luna mula noong maliit pa siya hanggang magdalaga. Napakaganda talaga niyang Prinsesa at kung titingnan mo ay halatang mahiyain siya. Noong isang araw tinanong ko ang hari at reyna kung bakit nawalan ng malay ang katawan na ito , sinabi nilang sinumpa daw ako ni Hera na isang Wicked Witch sa mundong ito. Mula ngayon kailangan ko ng kalimutan na ako si Briella Alexisse Marquez na anak nina Ashford Charles Marquez at Brynna Jane Marquez at hindi ko na kapatid si Brent Alexander Marquez dahil ako na ngayon si Princess Luna na prinsesa ng Moonlight Kingdom. Lumabas na ako ng kuwarto at bumaba patungo sa sala ng palasyo. Habang pababa ako ay naabutan ko naman na nandoon si Kuya Leonard pero marami siyang kasama siguro mga kaibigan niya at masaya silang nagkwekwentuhan. Nang mapansin nila ang presensiya ko ay agad naman silang napalingon sa akin. Nginitian ko na lang sila at dumiretso sa kusina, nagugutom na kasi ako kaya magluluto na lang ako ng pagkain. Wala ang mga chef dahil umuuwi sila sa kanilang tahanan upang makapagpahinga at bumabalik lamang kapag oras na ng aming pagkain upang maluto. Kumakain din naman ng pagkain ng tao ang mga bampira, pero kailangan nilang uminom ng dugo tuwing kabilugan ng buwan upang hindi sila manghina. Naghanap na ako sa ref ng mga ingredients dahil lulutuin ko ang paborito kong food.....KARE-KARE with Bagoong. Nang makuha ko na ang mga ingredients ay nagsimula na akong magluto. Leonard's POV : Nagkwekwentuhan kami ng mga kaibigan kong prinsepe dito sa sala nang maamoy namin si lilsis at nakita namin siyang pababa ng hagdan. Nang maramdaman niyang nakatingin kaming lahat sa kanya ay nginitian lang kami nito at dumiretso papunta sa kitchen ng palasyo. Nagulat kaming lahat sa inasta niya , sobrang mahiyain ang kapatid ko at ni hindi nga siya makatingin sa mata ng isang tao i mean bampira , hehe. " Bro anyare kay Princess Luna bakit parang ano ah basta may nag iba sa kanya" sabi ni Maxwell prinsipe ng Darkstone Kingdom. " Dahil ba yun sa sumpa ni Hera?" tanong ni Leandrei prinsipe ng Grimlake Kingdom, sa akin. " Siguro kasi paggising niya hindi niya kami kilala, hindi niya alam kung sino siya at hindi niya alam kung nasaan siya at hindi rin niya alam na isa siyang bampira." diretsang sagot ko. " Mga kapatid naaamoy niyo ba yung naamoy ko?" tanong ni Travis prinsipe ng Dark Forest Kingdom. Natigil naman kami sa pag-uusap at naamoy namin ang masarap na amoy na nanggagaling sa kusina. " Ang bango ngayon lang ako nakaamoy ng ganyan kabangong pagkain." sabi ni Matthew ,prinsipe ng Grim Cliff Kingdom. " Oo nga nakakagutom." sabi naman ni Coby prinsipe ng Shady Shoal Kingdom habang sumisinghot singhot pa sa hangin. Teka , si lilsis ba yung nagluluto siya lang naman ang pumasok sa kusina at sigurado akong walang tao roon i mean bampira dahil hindi pa oras ng pagkain. Tumayo kaming apat at upang magtungo sa kusina. Nakita ko si Luna na naghahain ng pagkain sa mesa kayal lumapit ako sa kanya kasunod ko naman ang aking mga kaibigan. " Lilsis ikaw ba nagluto niyan?" tanong ni ko sa kaniya. " Oo , nagugutom ako eh." sagot niya. " Ano ba tawag diyan mukhang masarap eh." sabi ni prinsipe Leandrei. " Kare - kare." sagot niya. Ngayon ko lang narinig ang ganoong pangalan ng pagkain. " Luna , pwede ba naming matikman yung luto mo mukhang masarap eh." sabi ni Prinsipe Matthew. " Oo naman pero hindi pa kasi ako tapos magluto eh ." sabi niya na ikinataka namin dahil nakahain na sa mesa ang kaniyang nilutong pagkain. Umupo lang kami sa mga stool chairs sa may kitchen counter. Kinuha ko na ang alamang at nilagay sa kawali na may bawang at mantika , pagkatapos ay nilagyan ko ito ng asukal , pagkatapos ay hinayaan kong maluto sa apoy hanggang sa matuyo yung sabaw. " Ang baho niyan ano bang pagkain iyan? " tanong ni Prinsipe Maxwell. " Ah ito ba, bagoong ang tawag dito." sagot pabalik ni lilsis habang nilalagay ang bagoong sa mangkok. " Masarap itong kainin kasama ng kare - kare." dagdag pa niya . Tinulungan namin siya na dalhin yung mga pagkain sa dining area. Nang maihain na namin sa lamesa ang pagkain ay agad na kaming nagsiupo upang kumain. " Ang sarap naman nito , simula ngayon ito na ang paborito kong pagkain." sabi ni Matthew at sumubo ulit ng kare-kare at bagoong. " Ako din , da best ka Luna pwede ka na mag - asawa." sabi ni Maxwell. Nabilaukan naman si Luna dahil sa sinabi niya , agad ko naman itong inabutan ng tubig " Sorry." paghingi ng paumanhin ni Maxwell " Okay lang." sabi ni Luna at kumain na ulit. Masarap yung niluto ni lilsis pero nakapagtataka kung saan niya natutunan magluto dahil ni minsan ay hindi pa siya nakakatapak sa kusina. " Lilsis san ka natuto magluto di ka naman nagluluto dati ah?" tanong ko sa kanya. " Ahhh marunong talaga ako magluto kasi nabasa ko sa mga books kung paano hindi ko lang ginagawa kasi tinatamad ako." medyo alangang sabi niya. " Ganon ba , im so proud of you lilsis dahil napakagaling mong magluto." nakangiting sabi ko sa kanya. " Thank You." sambit niya at nagpatuloy nang kumain. Natapos na kaming kumain at pinaligpit na lang namin sa mga katulong yung pinagkainan namin. Namasyal kami sa garden sa labas ng palasyo at nagkwentuhan ng kung ano anong bagay. Nang mag gabi na ay umuwi na din ang mga prinsipe. Nang makauwi na ang mga kaibigan ko ay ipinatawag kami ni Dad at Mom sa may bulwagan dahil may sasabihin daw siya sa amin. " Bakit niyo po kami ipinatawag?" tanong ko sa mga ito. " Anak gusto ko lang ipaalam sayo na papasok ka na sa eskwelahan bukas at sasabay ka sa Kuya mo." sabi ni Daddy habang nakatingin kay Luna. Bumaling naman sa akin so Daddy at nagsabi " Ikaw naman Leon bilang nakatatandang kapatid ni Luna ay dapat mo siyang bantayan. Agad naman akong tumango. " Sige na mga anak tumungo na kayo sa inyong mga silid upang magpahinga at maaga pa ang inyong pasok bukas." sabi ni Mommy. Lumapit naman si lilsis sa kanila at kiniss sila sa pisngi na kanilang ikinagulat.Maski ako din ay nagulat dahil don dahil never kiniss ni Luna sina Mom at Dad. Pero nakakatuwa pa rin na makita ang magandang pagbabago sa kanya matapos ang lahat ng kanyang pinagdaanan. Mas mabuti nang nakalimutan niya ang lahat ng nangyari dahil hindi na namin ulit kaya na magdusa siya dahil sa mga masasamang pangyayari na iyon at ayaw na naming mawala ang mga ngiti niya. "Goodnight po sa inyo." nakangiting sabi niya sa kanila. Sabay kaming tumungo papunta sa aming silid upang matulog. Nang makarating sa pintuan ng mga silid ay lumapit siya sa akin at humalik din sa aking pisngi. " Goodnight , Kuya." nakangiting sabi niya pagkatapos ay pumasok na sa kanyang silid. " Goodnight too lilsis." ganti ko sa kaniya at pumasok na sa aking silid. Sana magkaroon siya ng mga kaibigan sa school bukas. Naglinis na ako ng aking katawan at nagpalit ng pantulog pagkatapos ay humiga sa aking kama at ipinikit ang aking mga mata. Goodnight.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD