Chapter 2 : Arclight University

1712 Words
Briella / Luna's POV : Nandito kami ngayon ni Kuya Leonard sa loob ng limousine at kasalukuyan kaming on the way papunta sa school. Nakasuot kami pareho ng uniform, at meron na din agad akong i.d. Nang makarating kami ng school ay agad naman kaming pinagbuksan ng pinto ng mga butler. " Wow." yan lang ang nasabi ko ng makita ko ang kabuuan ng school. Puro gray at black ang makikita mong kulay ng buong school na pinapalibutan ng matataas na pader at ang malaking itim na gate lang ang entrance at exit. Hindi naman siguro halatang ayaw nila na magcutting yung mga estudyante noh. Joke lng hehe. Natigil lang ako sa pagtingin sa school nung inakbayan ako ni Kuya. " Tara na lilsis." sabi niya at agad naman akong tumango at sabay kaming naglakad papunta sa gate. Pinagbuksan naman kami ng dalawang guard na sa tingin ko ay bampira din dahil mukha talaga silang walang dugo sa sobrang putla. Nang makapasok kami ay mas lalo akong namangha dahil napakalawak ng paligid ngunit hindi ganoon karami ang estudyanteng makikita mo sa paligid. Dumiretso kami ni kuya sa D.O para kuhain yung class schedule namin. " Good Morning , Mrs. Froyn , kukuhain lang po namin yung schedule ni Luna." sabi ni kuya dun sa Dean. " Oh Mr. Pendleton , mag aaral na pala ang iyong kapatid. Oh siya heto na ang schedule mo." sabi nito at iniabot na ang papel na naglalaman ng schedule ko. Lumabas na kami ng opisina ng Dean at naglalakad na kami ngayon ni kuya dahil ihahatid niya na daw ako sa aking classroom. Habang naglalakad kami ay nakarinig kami ng mga bulungan ng mga estudyante kesyo ampogi daw ng kuya ko nagpapacute pa yung iba at ang panget ko daw hmp! Tusokin ko mata niyo ang lalantod. Nang marating na namin ang classroom ay kiniss ako ni kuya sa cheeks pagkatapos ay nag babye na. Pumasok na ako sa classroom at nakita ang mga kaklase ko. Dumiretso na lang ako sa upuan sa pinakadulo, himdi naman sa nahihiya ako sa mga kaklase ko pero ang creepy kasi nila idagdag mo pa na mga vampire din sila. Napakalamig dito sa classroom dahil sa malakas na aircon at dahil na rin sa malalamig kong kaklase at pati ako syempre. Ilang minuto pa ang lumipas ay pumasok na ang isang magndang babae na nakasalamin at may mga bitbit na libro na kaniya namang inilapag sa mesa sa unahan. " Kamusta mga anak. Magandang Umaga sa inyo." bati nito sa tingin ko ay siya ang aming guro. Haysst , kainis naman kasi eh graduate na ko eh tapos aral na naman. Suminghot - singhot ang guro at nagulat ako ng mabilis itong bumaling ng tingin sa akin. " May bago pala kayong kaklase. Pumunta ka rito sa harapan iha at magpakilala ka." sabi nito. Agad naman akong tumayo at pumunta sa unahan. " Ako po si Lunarleigh Ellisse Pendleton , Luna na lang for short." pagpapakila ko at nginitian sila. Nagbulungan ang mga kaklase ko. Tss, ambobobo nila magbubulungan na nga lang yung dinig na dinig pa. " Ang ganda pala ng kapatid ni Prince Leo." bulong nung isang girl sa katabi niya. "Oo nga eh ang cute pa mag-smile." sabi nung katabi niya. " Ang bango ng amoy niya , amoy strawberry." bulong nung classmate kong lalaki habang sumisinghot singhot pa. " Tss , sigurado ako malandi yan lalandiin niya lang yung mga Prinsipe ampangit pa feeling maganda." pabulong na sabi nung babaeng may makapal na mukha este nakapal na makeup sa mukha. Anubayan namamali mali na tuloy yung sinasabi ko. Syempre di ako papatalo ano siya chicks na deform yung mukha kaya naging mukhang palaka. Charot. " Hoy babaeng mukhang manika ng mangkukulam hindi ako malandi at isa pa wala naman akong sinabing maganda ako kahit yun naman ang totoo." mataray na sambit ko sa kanya sabay irap. " Hindi porket kapatid ka ni Prince Leo ay arogante ka na, baka hindi mo pa ako kilala b***h ako lang naman ang queen dito sa Arclight Academy." inis na sabi niya. " Pakialam ko sayo , Impakta Queen." sabi ko at binelatan siya. Hindi na nakapagsalita pa yung Impakta Queen. "Ma'am upo na po ako ha." paalam ko sa kaniya at umupo na sa aking upuan. " Okay , Princess Luna ako nga pala si Ms. Cath Jean Cruz ang inyong class adviser." sabi ni Ma'am. Nagsimula na siyang magturo at nakinig lang naman ako sa kanya. Discuss Discuss Discuss Discuss Kringgggg Nagbell na that means break time na. Hayy sa wakas makakapagpahinga na yung beautiful brain ko. Inayos ko na ang mga gamit ko at lumakad na palabas ng pintuan kaso biglang may humarang na mga clone ni joker tas yung Impaktang Queen nila. " Oh hi bitch." sabi nung Queen Impakta. " Ang kapal ng mukha mong ipahiya si Queen Xyril kanina , kebago bago mo dito antapang tapang mo na." sabi nung isang clown at tinulak ako ng malakas dahilan para mapaupo ako sa sahig. Ngumisi lang ako habang nakatingin sa tumulak sakin at tumayo. " Yan lang ba kaya mo kawawa ka naman weak little creature." tumatawang sabi ko na ikinainis niya. " Kahit kindergarten kayang gawin yun." lalapit na sana siya at sasampalin ako , pero sinalag ko yung kamay niya. " Alam mo di ka lang weak eh no bobo ka rin pala , mananampal ka na nga lang ambagal pa, dapat ganito." sabi ko at sinampal siya ng mabilis at malakas. Nakita kong dumugo ang labi niya dahil sa sobrang lakas ng sampal ko , sinamaan niya ako ng tingin pero nginsihan ko lang siya. Don't mess with the Top 1 Secret Agent biyatch. Madami naman ang nakikiusyoso at nakatingin sa amin. " How dare you hurt my friend you will pay for this." galit na sigaw nung impaktang Xyril. " Chill masyado ka namang pikon girl saka tinuruan ko lang naman yung kaibigan mo ng tamang paraan kung pano manampal kasi obvious na hindi siya marunong." sarkastikong sabi ko dito habang nakangisi para mas maasar pa siya. Mabilis niya akong sinugod at susuntukin sana pero sinalag ko ang kamao niya pinisil ito ng madiin. Susugod sana yung mga alipores niya kaso tiningnan ko sila ng masama habang nakangisi kaya hindi na sila tumuloy at nanood na lang. Napa aray siya ng gawin ko iyon kaya mas lalo ko pang diniinan dahilan para mabali ang mga daliri niya at dumugo ang kanyang kamao, sinapak ko rin ng malakas ang kanyang sikmura dahilan para manghina siya. Hindi pa ako nakuntento at sinabunutan ko pa siya pumunta rin ako sa likod niya pagkatapos ay sinipa ang likuran ng kanyang tuhod para mapaluhod siya. Inangat ko ang ulo niya at hinarap siya sa mga estudyante dito. " Nakikita niyo ba itong babaeng to kapag kinalaban niyo ako ganito rin yung gagawin ko sa inyo or mas malala pa. Kaya kung ayaw niyong matulad sa impaktang ito do'nt mess with me." malamig sabi ko sa kanila at pabalang na binitawan ang buhok nung impakta. Lumakad na ako papunta sa cafeteria dahil gutom na talaga ako at isa pa narealize kong nakakapagod din palang makipag-away. Pagpasok ko sa canteen nakita ko agad si Kuya na nakaupo sa malaking lamesa kasama yung mga kaibigan niya pero marami pa siyang kasama na hindi ko kilala. Lumapit naman ako sa kanila at agad naman nila akong tiningnan lahat. Umupo na lang ako sa bakanteng upuan sa tabi ni kuya. " Hey lilsis i heard pinahiya mo daw si Xyril?." tanong ni Kuya. " Yeah." walang gana kong sagot dito at kinuha yung pagkain niya dahil nagutom talaga ko dun sa away namin ni Xyril kanina. " Wait lang lilsis ano bang ginawa mo sa kanya?" tanong ulit ni kuya kaya napangisi ako. " Well binali ko lang naman yung mga daliri niya sa kamay , sinuntok siya sa sikmura , at sinabunutan." simpleng sagot ko at sumubo na ulit. " Wow ang cool mo naman Luna." namamanghang sabi ni Matthew. " Grabe ka ang lupit mo." sabi naman ni Leandrei habang kumakain. " Sarap na magluto galing pa mambugbog hanep." sabi ni Maxwell. Mukahng hindi pa rin maka move on sa Kare-Kare. " Buti nga dun sa impakta na yun." natatawang sabi ni Travis. " Lil sis kilala mo ba sila?" tanong ni kuya habang nakaturo sa mga kaibigan niya yata. " Hindi , saka bakit ko naman sila makikilala eh ngayon ko lang sila nakita bugok talaga utak mo kuya eh no." sagot ko sa kanya. Nakita ko naman na nagulat yung mga kaibigan niya pero hindi na nagulat sila Matthew. Nagpakilala naman yung mga kaibigan ni kuya sa akin. " Im Raine Jeanette Curtis , Princess of Great Witch Kingdom." nakangiting sabi nung babaeng katabi ko. So she is a witch princess. A beautiful witch to be exact. " Im Francine Blythe Hunter Princess of Bloody East Kingdom." pagpapakilala naman nung katabi ni Raine. " Im Coby Laurence Weaver , Prince of Shady Shoal Kingdom." nakangiting sabi ng lalaking nasa harapan ko. " Shane Crystal Summers , Princess of Shadow Cove Kingdom." masiglang pagpapakilala ng babaeng nasa kanan ni Coby. " Callix Bryle Jacobs , Prince of Riverblood Kingdom." pagpapakilala nung nasa kaliwa ni Coby. " Grey Terrence Warner , Prince of Wolfpack Kingdom." sambit ng katabi ni Callix. Ano daw?! Wolfpack. Ibig sabihin may mga werewolves din dito. " Ashleigh Eunice Darkfroyl , Princess of Ash Isles Kingdom." nakangiting pagpapakilala nung katabi ni Grey. " Ashton Ezekiel Darkfroyl, Prince of Ash Isles Kingdom." sabi nung katabi ni Maxwell. Halata namang magkapatid sila. At lahat sila ay gwapo at magaganda. " Hindi lang sila magkapatid they are twins." sabi ni Kuya kaya tiningnan ko naman siya ng masama, binasa niya na naman isip ko. " Sorry." sabi niya habang nakapeace sign ps kaya napatawa ang iba pang royalties, inirapan ko na lang siya at kumain na ulit. Nang matapos ang break ay bumalik na kami sa kaniya kaniya naming classroom. Pagpasok ko sa classroom ay nakita ko naman yung masamang tingin ni Xyril at nung mga alipores niya pero nginisihan ko lang sila at umupo na sa aking upuan. Pumasok na din ang Prof. namin at nagturo na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD