Chapter 8

2338 Words
Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa amin ni Victor. Nang lumalin ang halik niya kanina sa sasakyan ay tuluyan na akong nawala sa aking sarili. Ang tanging alam ko na lang ngayon ay nagpapalitan na kami ng mararahas na halik sa loob ng aking apartment. Hinubad niya ang aking body bag at basta na lang tinapon sa sahig. Wala na akong pakealam kahit na mabasag pa ang cellphone ko doon. "Fck!" mura niya. Isinandal niya ako sa likuran ng pintuan. Sobrang diin ng kanyang katawan sa 'kin. Bumaba ang mapupusok niyang halik sa aking leeg. "Victor..." ungol ko. Pinilit kong buksan ang aking mga mata para panuorin siya sa kanyang ginagawa. Hindi niya tinitigilan ang aking leeg. Nakikiliti ako sa bawat dampi ng kanyang labi. Nagsisindi ito ng iba't ibang uri ng sensasyon. "Damn, Ria..." nag angat siya ng tingin sa 'kin. Hinihingal siya. Ako naman ay kinagat ang aking labi. Sobrang init na ng aking katawan. Gusto kong halikan na lang niya ulit ako sa leeg. Mapusok, marahas, puno ng panggigigil. Ano ban'g nangyayari sa 'kin? Hinawi ni Victor ang aking buhok. Hinaplos niya ang aking pisngi patungo sa labi. "I really need you..." muli niya akong siniil ng mainit na halik. Hindi ko alam kung anong klaseng pangangailangan ang gusto niya. Pero kahit ano pa 'yon, handa akong ibigay ang kahit na ano sa kanya. Napakapit na ako sa kanyang balikat. Pumasok ang mga kamay niya sa loob ng aking damit. Naglakbay ang mga ito pataas, patungo sa aking dibdib. Muli akong napadaing sa kanyang labi nang pisilin niya ang mga ito. "Shh..." nilayo niya ang kanyang labi sa akin. Gusto ko itong habulin ngunit hindi ko magawa. Dinidiin pa rin niya ako sa likuran ng pintuan. "Say it... say my name..." aniya, mas pinisil pa ang aking dibdib. Napapikit na ako. Bumaon na yata ang aking mga kuko sa kanyang balikat. Hindi ko na kayang pigilan ang sensasyon na namamalgi sa aking sistema. Gusto ko itong pakawalan! "Please... Victor, please..." daing ko. Para saan nga ba ang sumamo kong iyon? Pinilit ko siyang tingnan kahit na inaantok na ang mga mata ko. "What, huh?" ngisi niya. Hindi pa rin siya tumitigil sa pagpisil sa aking mga dibdib. Umikot ang mga kamay niya para kalasin sa likuran ang lock ng aking bra. Mas lalo akong kinilabutan nang maramdaman ko ang init ng kanyang mga palad. "Ahh..."wala na akong alam sabihin. Nararamdaman ko na ang pagkabuhay ng kanyang kahandaan. Kinikiliti ng kanyang ebidensya ang aking tiyan. Gusto kong magprotesta nang bigla na lang siyang lumayo. Bago ko pa man magawa iyon, hinila na niya ako sa aking kama. Maliit lang ito kumpara sa kama niya. Pang isang tao lang, kaya ang resulta, pumaibabaw siya sa akin para magkasya kami. Umangat siya ng kaunti. Nasa pagitan ako ng kanyang mga bisig. Sobrang lapit ng mukha niya sa akin. Bawat hinga niya ay nagsisilbing apoy na nagpapaliyab sa buong pagkatao ko. "The pill... you know... are you sure you're safe now?" nag aalalang tanong niya. Kahit na madilim, kita ko pa rin kung gaano kalalim ang bawat titig niya sa 'kin. Dahan-dahan akong tumango sa kanyang tanong. Safe na ako, alam ko. Basta sabi ng doktor, hindi dapat ako pumalya dahil malaki ang posibilidad na mabuntis ako pag gano'n. "Pwede na tayong mag s*x?" nuntik ng sumabog ang puso ko sa kanyang tanong. Masyado siyang bukas sa bawat salitang binibigkas. Bahagya niyang idiniin ang kanyang ibaba sa aking tiyan. Kinilabutan na naman ako nang maramdaman ko siya. "Oo..." bulong ko. Napangiti siya sa sagot ko. Hinalikan na niya ulit ang aking leeg, marahas at nakakakiliti. Niyakap ko na lang siya at kinagat ang aking labi. Kailangan kong pigilan ang aking daing. Baka marinig ako sa kabilang unit. Nakakahiya. Gumalaw ang ibang katawan ni Victor. Hindi ako pamilyar sa ritmong ginagawa niya. Ngunit nang tumama ito sa pagitan ng mga hita ko ay nawala na ako sa aking sarili. Sinundan ko ang bawat galaw niya. Bawat pagtama nito sa pagitan ng aking mga hita ay nakakabaliw. Posible ba ang ganito? Kahit na may damit pa kami ay nararamdaman ko na ang pag abot ko sa nakakahilong sensasyon. Umakyat ang ang halik niya sa aking labi. Pinagpatuloy niya ang paggalaw hanggang sa marating ko na ang sukdulan. Tumingin siya sa 'kin. Hinahabol ko ang sarili kong hininga. Siya naman ay may naglalarong ngiti sa labi. Pinasok niya ang isang kamay sa loob ng aking pantalon at underwear. Mas lalo siyang napangiti nang malaman kung ano ang nangyari sa 'kin. "That's only dry humping, Ria. You already came?" gusto kong kumawala sa aking higaan. Nakakahiya! Hiyang-hiya ako sa kanya at sa sarili ko. Nakakahiya ang mga pangyayari. Hinubad na niya ang kanyang mga saplot. Sinunod niyang tanggalin ang aking mga damit. Wala ng ni isang tela ang tumatakip sa aming mga katawan. Gusto ko mang takpan ang aking sarili ay hindi ko na magawa. Pinipigilan niya ako. Pinagpalit niya ang aming posisyon. Ako na ngayon ang nasa ibabaw. Nakapatong ang mga kamay ko sa pawis niyang dibdib. Pawis na rin ang gilid ng aking ulo at noo. Umupo siya ng kaonti, naglagay siya ng unan sa kanyang likuran para maging sandalan. Kumandong ako ng nakaharap sa kanya. Napangiwi ako dahil tumama sa pagitan ng hita ko ang kanyang kalakhan. Gusto kong sumigaw. Hinawakan niya ang aking baywang. Pataas at pababa ang bawat haplos niya. Nag uumpisa na namang mabuo ang init na kanina lang ay naramdaman ko. "You can do it. I'll help you..." paos na ang kanyang boses. Unti-unti ay inalalayan niya ako sa pag angat. Sumubsob ako sa kanyang leeg. Mahapdi pa rin kahit hindi naman ito ang una namin. Pinilit kong pigilan ang mga luha ko. Huwag kang iiyak, Ria! Hinawakan niya ako sa pisngi. Inangat niya ang aking mukha para magtagpo ang aming mga mata. Ramdam ko na ang kabuuan niya sa aking loob. "Can you move?" marahan niyang tanong. Hinaplos niya ang aking labi. Hindi ako sigurado ngunit sinubukan ko pa rin. Sa unang pag angat ko ay napadaing ako. Hindi ko yata kaya! Hindi ako makahinga. Nakatingin pa rin ako sa kanyang mga mata. Sinubukan ko ulit gumalaw. Tinulungan na niya ako. Binalik niya ang kanyang mga kamay sa aking baywang para tulungan ako sa pag angat. "Yeah... that's it... that's it..." puri niya nang makuha ko na ang tamang galaw. Kinagat niya ang kanyang labi. Kumapit ako sa kanyang mga balikat para kumuha ng suporta. "Aahh... Victor..." paulit-ulit kong tinawag ang kanyang pangalan. Mas bumilis naman ang pag alalay niya sa aking baywang. Mas malalim, mas nakakabaliw. Pati ang aking kama ay sumusunod na sa aming mga galaw. Hinalikan ko siya. Sinuklian naman niya ang halik ko. Hindi ko siya tinutulan nang magtangka ang kanyang dila na maglakbay sa loob ng aking bibig. Libu-libong sensayson ang sumapi sa akin. Mas bumilis pa ang galaw ko. Hindi ko na namalayan na ako na lang pala ang mag isang gumagalaw. Nasa dibdib ko na ang kanyang mga kamay, pinipisil ang mga ito. Idiniin ko ang aking labi para sa mas lumalim ang halik. "Damn!" pinagpalit na niya ulit ang aming posisyon. Pumaibabaw siya sa akin. Mas matindi ang kanyang ginagawa. Nilampasan niya ang aking paggalaw. Sa bawat pasok niya ay sinasalubong ko. Kinuyom ko na lang ang aking mga kamay sa unan. Wala na akong alam pa na makakapitan. Nararamdaman ko na. Malapit na. Malapit ko na ulit marating ang kaninang sarap na naramdaman ko. Umungol ako. Sumubsob siya sa aking at kinagat ang aking balikat. Wala akong sakit na naramdaman, tanging kiliti na lang ang nasa katawan ko ngayon. "Aahh..." sa wakas, dumating na ang kanina ko pa hinihintay. Nanginig ang buong katawan ko sa kakaibang pakiramdam. Naging mabagal na rin ang paggalaw ni Victor, lalo na nang may pakawalan siya sa loob ko. "Fck..." mararahas pa rin ang aming paghinga. Bawat t***k ng aming mga puso ay naririnig ko. Mas napagod pa yata ako sa aming ginawa kaysa sa aking trabaho! "Wow. That's a wow, Ria. Thanks..." hinalikan niya ang aking balikat. Hindi ko na nagawang sumagot. Pagod na pagod ako. Umalis na siya sa 'kin. Muli niyang pinagpalit ang aming posisyon. Nakahiga ako sa ibabaw niya. Ginawa kong unan ang kanyang dibdib. Bawat pintig ng puso niya ay parang musika, nakakaantok. Hinaplos niya ang aking buhok hanggang sa makatulog na 'ko. "Ria..." binuksan ko ang aking mga mata nang makarinig ako ng katok mula sa labas. Maliwanag na. Napasarap yata ang tulog ko. Nakahiga pa rin ako sa ibabaw ni Victor. Nakatakip ng kumot ang aming katawan. Nakayakap siya sa 'kin. Hindi kaya siya nangalay? Nag angat ako ng tingin sa kanya. Banayad ang kanyang paghinga. Mas lalong naging magulo ang kanyang buhok. Napaka gwapo talaga niyang tingnan. Ngumiti ako. "Ria. Nandiyan ka ba?" katok ulit mula sa labas. Natauhan ako bigla. Si Diego! Nataranta ako. Umalis ako sa ibabaw ni Victor. Agad naman siyang napamulat sa pag alis ko. "Fck, Ria? Matulog-" tinakpan ko ang kanyang bibig. Baka marinig siya ni Diego. "Huwag kang maingay," bulong ko. Wala pa rin kaming suot! Pinulot ko ang kanyang shorts at underwear. "Suot mo..." utos ko. Ako naman ay mabilis na kumuha ng damit sa aking cabinet. Dali-dali akong nagbihis. "Ria..." katok ulit mula sa labas. "Sino 'yon?" matigas na tanong ni Victor. Kinabahan ako bigla. Baka buksan niya ang pintuan. "Kaibigan ko," sagot ko. Mabuti na lang ay nagbihis na siya, pero wala pa rin siyang pang itaas. Hinila ko siya patayo. "Kaibigan mo lang naman pala, eh. Saan mo ko dadalhin?" galit na tanong niya. "Diyan ka lang," tinago ko siya sa banyo. Inayos ko muna ang sarili ko. Tinago ko rin ang mga damit ko pati na rin ang t-shirt ni Victor. Baka mapansin ni Diego. Nang maayos na ang lahat ay binuksan ko na ang piuntuan. "Sorry... natagalan. Kakagising ko lang," kinusot ko ang mga mata ko. Mabilis pa rin ang t***k ng puso ko. Natatakot ako dahil baka mahuli niya ako. Kumunot naman ang noo niya. "Ba't parang may kausap ka?" pumasok siya sa loob. Luminga siya na tila may hinahanap. "Wala. Si Fin kasi, tinawagan ako kanina," dahilan ko. Tumingin ako sa pintuan ng banyo. Ano kayang ginagawa ni Victor? Nagkibit balikat si Diego. "Akala ko..." bumaling siya sa aking leeg. "Ano 'yan?" turo niya. Napahawak ako sa aking leeg. Tumungo ako sa salamin para malaman kung ano ang tinutukoy ni Diego. Nanlaki ang mga mata ko. Anong ginawa ni Victor sa 'kin? "Ah, ano, nakagat ng lamok," pagsisinungaling ko. Humarap ulit ako sa kanya, hawak pa rin ang aking leeg. "Ang dami kasing lamok kagabi." Gumalaw bigla ang door knob ng banyo. Mas lalo akong kinabahan! Tumingin din si Diego doon. Huli na para maagapan ko ang lahat. Lumabas na si Victor ng banyo. Matalim siyang nakatingin sa akin. Natakot ako bigla. "Sino siya?" tanong ni Diego. Bumaling siya sa 'kin, nagtataka. Bago pa man ako makapagsalita ay inunahan na ako ni Victor. "Ikaw, sino ka?" malamig niyang tanong. Tinabihan niya ako sabay akbay sa 'kin. "Ang aga mo naman yatang pumupunta dito?" "Kaibigan at kapitbahay ako ni Ria," sagot ni Diego. Nagsusukatan sila ng tingin. "Ikaw... anong ginagawa mo dito? Ng ganito kaaga?" Bahagyang tumawa si Victor sa tanong ni Diego. "Dito ako natulog. May problema ba do'n?" "Bakit? Ano ka ba ni Ria?" dumidiin na ang bawat salita ni Diego. Lalabas na yata ang puso ko dahil sa kaba. Ang tensyong namumuo ay kailangan ko nang pigilan. "Uh, Diego, kaibigan ko rin siya," sabat ko. Lumipat ang tingin niya sa 'kin. "Kaibigan? Bakit dito siya natulog?" "Hindi niya kailangan magpaliwanag sa 'yo," singit ni Victor. "Hindi ka niya boyfriend. Makakaalis ka na." Mas lalong uminit ang tensyon sa pagitan nila. "Diego... sige na. Mag usap na lang tayo mamaya." "Pero-" "Pinapaalis ka na," sabi na naman ni Victor. Muli silang nagsukatan ng tingin bago tuluyang umalis si Diego. Mamaya ko na lang siya kakausapin. Sa ngayon, si Victor muna ang pagtutuonan ko ng pansin. Siya na mismo ang nagsara at naglock ng pintuan pag alis ni Diego. "Sino 'yon, ha?" baling niya sa 'kin. Ito na nga ba ang kinatatakutan kong mangyari. "May manliligaw ka na ng ganito kaaga?" inis siyang umupo sa aking kama. Tinabihan ko siya. "Hindi siya nanliligaw sa 'kin. Kaibigan ko siya," sabi ko. Sana ay maniwala siya. Kaibigan ko lang naman talaga si Diego. "Really, huh?" tinuro niya ang aking leeg. "At 'yan, anong sabi mo? Kagat ng lamok?" tumawa siya ng sarkastiko. "Marka ko 'yan, Aria! Minarkahan kita. Kaya akin ka..." Hinawakan ko siya sa balikat. Ang init ng kanyang balat. "Hindi ko naman pwedeng-" Hindi ko na naman naituloy ang sasabihin ko dahil nagsalita ulit siya. Tinanggal niya ang kamay ko sa kanyang balikat. "Nakita mo ba ang mga tingin niya sa 'yo?" mahina siyang napamura. "Kulang na lang, angkinin kita sa harapan niya para tigilan na ang pagpapantasya niya sa 'yo."  Kumalabog ang puso ko. Seryso ba siya? "Magkaibigan lang talaga kami ni Diego. Tsaka, hindi ko... hindi ko naman siya gusto..." napayuko ako. Nilaro ko ang aking mga daliri. Mabilis na naman ang takbo ng puso ko. "Bakit? Sino bang gusto mo? Ipapapatay ko 'yang gagong 'yan!" galit niyang sabi. Hindi ako nakasagot. Inangat niya ang aking baba. "Sinong gusto mo, Aria? Sabihin mo!" dama ko ang panggigigil niya sa kanyang tanong. Hindi ako makatingin ng maayos sa kanya. "Ikaw... ikaw ang gusto ko," kinagat ko ang aking labi. Sinilip ko ang kanyang reaksyon. Biglang nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha. Umangat ang dulo ng kanyang labi. "Really, ako ang gusto mo?" pilyong tanong niya. "Oo..." siya ang gusto ko. Papayang ba naman ako sa ganitong set up kung hindi? Niyakap niya ako na siya namang ikinagulat ko. Dumikit ako sa hubad niyang dibdib. Mabilis ngayon ang t***k ng puso niya. Pareho kami. Ano kaya ang nararamdaman niya ngayon? Sinuklay niya ang aking buhok gamit ang kanyang mga daliri. "Then, live with me, Aria..." bulong niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD