Sa matinding takot at kahihiyan na baka marinig ko ang malalakas na halakhak ni Rehan dahil sa naging kalunos-lunos kong pagbagsak, literal na hindi ako nakagalaw mula sa aking kasalukuyang puwesto. Para akong isang rebulto na biglang itinali sa ibabaw ng kaniyang matigas na dibdib, sinemento ang buong katawan, at tuluyang nanigas sa posisyon namin. Ayaw kong gumalaw kahit isang milimetro. Ni ayaw ko rin siyang tingnan nang diretso dahil alam kong isang dangkal lang ang layo ng aming mga mukha. Kaya naman bilang parusa sa aking kawalan ng ingat, ang nguso ko ay nananatiling pirmi at mariing nakadikit pa rin sa kaniyang makinis at mabangong pisngi. Nararamdaman ko ang kaniyang marahang paghinga na sumasabay sa mabilis na pag-naik ng dibdib ko. “Masi nappa?” biglang pabulong na salita niya.

