Naging daan-daang beses na mas abala ako hanggang sa sumapit ang tanghali sa pag-aayos ng mga bulaklak sa shop. Kung sa ordinaryong araw ay kaya kong magrelax habang nagbabasa ng mga lumang resibo, ngayon ay halos hindi ko na maiangat ang aking likod sa tindi ng pagmamadali. Doble, hindi—triple yata ang bilang ng mga orders ngayon kumpara sa mga nakaraang linggo dahil nga sumapit na ang mismong araw ng mga puso. Kulang na lang ay magkaroon ako ng apat na kamay para sabay-sabay na gupitin ang mga tangkay, balutin ang mga mamahaling wrapper, at itali ang mga satin ribbon na kulay pula at ginto. At hindi pa kasama sa listahang iyon ang dagsa ng mga walk-in customers na bigla-biglang susulpot sa pinto, nagmamadaling pumili ng kahit anong bouquet na available, at mabilis ding aalis matapos magb

