Aki's Point Of View Gusto ko sanang sabihin lahat sa kanila na kakatapos ko lang kumain ngunit walang kahit na anong salita ang lumalabas sa bibig ko. Tila ba nalunok ko ang dila ko at tinakasan na ako ng aking boses. Bakit ba kasi nandirito itong si Hugo? At ang mas nakakagulat pa roon ay magpinsan pala sila ni Mina, bakit hindi ko alam? Ang gulo ko na! Papaano ko malalaman? Lately lang kami naging magkaibigan ni Mina at ang background nito'y hindi ko alam. Kaya talagang nakakagulat na 'yung taong hinahangaan mo'y pinsan pala ng kaibigan mo. "Let's eat?" sabi ng Dad ni Mina. Kaya nagsimula na silang kumuha ng kanilang pagkain. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil naalis na ang tingin sa akin ni Hugo. Itinuon na nito ang pansin sa pagkain. "Iho, bakit hindi ka pa kumukuha ng pagkain?"

